Ngayong araw nais kong ipakita sa inyo kung pano gamitin ang isang Centralized Exchange, para ito sa mga kababayan ko na nagsisimula palang sa Crypto Industry. ang gagawin natin ngayon magtetrade tayo ng Coins to BTC. Halimbawa may nakuha na kayong stakes sa mga sinalihan nyong bounties, kadalasan pag coins ang binibigay sa inyo may dalawang posibilidad na ipapagawa ito sa inyo:
No.1 ipapadownload kayo ng kanilang Software Wallet para sa Windows or Phone para dito i sesend ang inyong mga Stakes sa Software Wallet na to.
No.2 hihingan lang kayo ng Wallet Address sa mga Exchanges at dito nila isesend ang stakes ninyo.
Pag No.1 ang pinagawa sa inyo, kinakailangan pa i send ang mga coins na ito sa mga Exchanges na kung saan nakalist ang Coins na natanggap nyo. halimbawa nakalista ang Coins ninyo sa
https://hitbtc.com ang una ninyong gagawin ay gumawa ng account sa Hitbtc.
Step 1: Gumawa ng Account
Step 2: pumunta sa iyong Account
Step 3: Hanapin ang Coins na isesend mo dito, Like for example DAI ang isesend natin. i click mo lang ang Deposit.
Step 4: I copy mo ang iyong Receiving Address sa Hitbtc at pumunta sa itong Software wallet
Step 5: Buksan ang iyong Software Wallet (Halimbawa: DAI Wallet ito)
Step 6: Pagka bukas mo ng Wallet hintayin mo muna matapos ito mag Synchronized, tapos makikita mo na ang Total Balance mo. I Click mo ang Send.
Step 7: I paste mo na ang na copy mong Address kanina i double check mo para sigurado. tapos ilagay mo kung ilan ang isesend mo tapos send.
Step 8: Habang nag sesend ito hintayin mo lang doon sa HitBtc medyo matagal yan umaabot ng 20 minutes kaya wag matakot.
Step 9: Pagnakita mo ng dumating na sya, Makikita mo na ang Total Balance mo na DAI
Step 10: I click mo ang Right Arrow Icon na makikita mo sa larawan para ma transfer mo ito sa Trading Account mo
Step 11: Pag na transfer mo na I click mo na ang go to Trading
Step 12: 1. piliin mo ang pinakataas para mataas ang presyo, 2. ilagay ang total DAI mo 300 3. tignan kung ok na sayo ang presyo 4. click mo na ang Buy. (Note: dito kasi bibili tayo ng BTC gamit ang DAI so Buy ang i click natin, sa ibang mga exchanges Ibinebenta naman ito sa BTC so Sell naman dapat. Explore lang kayo malalaman nyo rin yan)
Step 13: Pag nagawa mo yan ng tama mapupunta na ang 0.05089 sa Trading Account mo, tapos click mo ang Left Arrow icon para mapunta naman ito sa Main account mo para ready kana sa pag withdraw.
Step 14: Pagnapunta na ang balance mo sa Main Account pwede mo na ito i withdraw.
Step 15: i withdraw mo na ito, 1. ilagay mo ang total amount ng BTC mo = 0.05089 2. ito ang transaction fee 3. ito ang total na makukuha mo 0.04939 4. i paste mo ang BTC address ng Coins.ph mo 5. click mo ang withdraw.
Step 16: Pag nagawa mo yan lahat ng tama. mapupunta na yan sa Coins.ph mo.
Kadalasan ganito rin ang mga paraan ng paggamit sa mga Centralized Exchanges na nakalist sa taas kaya pag na master mo na ito madali na sayong mag trade sa ibang Centralized Exchanges.
Itong Guide na ito ay ginawa para sa mga Newbie O Baguhan para hindi sila mahirapan. sa mga Veterano kung meron akong pagkakamali ay tulungan niyo akong maitama ito, sa pagkat kayo ang mas may alam kaysa sa akin. gayumpaman kung may katanungan kayo i post lang sasagutin namin yan ng mga kakabayan.
Source:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=2906237.0https://bitcointalk.org/index.php?topic=3989132