Napansin ko sa mga nakaraang araw, yung gap sa CME futures, ay binabalikan ni Bitcoin, una yung around $11,600 then di tayo nanatili dun na level, then next na filled ay yung gap sa around $10,000.
Ang malaking tanong at madaming nag aabang ay kung ma fi-fill ba yung gap around $8,500 to $8,900
If kaya natin mag stay above $9,500-$10,500, I'll be bullish then. Free fall masyado ang area below $9,500. Which is pag nangyari na babagsak tayo below that area, posibiling bibisitahin talaga yung CME Futures gap.
Madami nag aabang jan na area at naka ready na ang mga long position nila kaya either di aabot ng kunti or lalagpas ng kunti. $8,000 - $8,500 is my buying zone area pag babagsak tayo sa $9,500.