Kung sa bansa natin mangyari to, ano ang dapat nating gawin? Hindi ito dapat ikabahala dahil mababa naman ang inflation rate natin, ngunit dapat paghandaan.
Hinde pang habang buhay mababa ang inflation rate naten, lalo na ngayon na naiipit tayo sa Chinese Debt at maari ito ang maging dahilan ng pagtaas ng mga gastusin. Nakakabahala na ang mga nangyayari pero I think Philippines is still a good place for any investment since growing pa naman tayo and hinde pa tayo susunod sa Venezuela at Argentina maybe in the next 10 years.
Hindi tayo magiging katulad ng Venezuela at Argentina, kahit na maraming bumabatikos sa pamamahala ng pangulo natin yung mga balita naman tungkol sa ekonomiya laging positive. Kahit na tumaas nung nakaraan yung inflation rate, nasundan naman agad ng pagbaba. Naka depende rin kasi yan sa namumuno sa bansa natin at kapag open siya sa relations sa iba't ibang bansa, tingin ko napakalabo na lumagpak tayo at tumaas ang inflation rate.