Lumalaganap na ang Fintech sa industriya ng banking and finance dito sa Pilipinas. Mapapansin natin na dumadarami na ang mga local at foreign investors na bumubuo ng mga fintech companies dito sa ating bansa. May iba't ibang klaseng fintech companies na nagbibigay ng iba't ibang serbisyo tulad ng digital payments/mobile wallets, digital remittance, blockchain/cryptocurrency, finance at HR. Sa industriya ng Fintech, patuloy ang paglaganap ng blockchain at cryptocurrency, kasama na rito ang
Abra. Ang ating bansa ay kumikilala sa mga FinTech companies na ito at may mga espesyal na regulasyon na naka implementa para dito. May mga karagdagan na lisensya na kinakailangan para sa pag operate ng mga Fintech companies kaya't kung ikaw ay interesado bumuo ng start up, mahalagang malaman ang mga ito.
Bumuo ako ng isang infographic para masmadaling malaman ang proseso. Ito ay galing sa iba't ibang source at sa tulong ng
guide na galing sa kittelson and carpo consulting.