Nasanay kasi mga crypto enthusiast kay coins.ph. Halos majority yata ng users eh nakuha ni coins.ph, Then yung iba pinaghatian na ng ibang services. At saka mas kumportable kasi ang mga Pinoy na pindot pindot na lang sa ATM or magclaim sa remittance center kesa makipag-usap sa tao ng harapan at magtrade.
Million na users ni coins.ph at karamihan hindi na-try ang transaction sa LBC. Meron tayong mga kababayan na may magandang reputasyon sa LBC kaso ito na yung katotohanan na mas gusto ng marami ang convenience.
Kahit ako never akong sumubok ng peer-to-peer medyo nakakakaba kasi lalo na pag more than hundred thousand na ang transaction.
Pag may malaking halaga na involve, mahirap talaga magtiwala kaya yung ibang may experience sa LBC, walang problema. Pero yung mga bago bago palang, hindi na susubukan. Mukhang nagiging aware na mga gov't authorities sa mga crypto transactions at umaaksyon sila pakonti konti.