Nais kong ibahagi sa inyo ang isang guideline kung paano magstake ng token gamit ang Virtual Private Server. Napakahalagang matutunan ito lalo na ang mga kasamahan natin na mahilig mangolekta ng mga Proof of Stake coins at token.
Mga kakailanganin:- VPS service na maaring bayaran ng cryptocurrency.
- Proof of stake Coins/Token
- Kailangang Software
- Guide
VPS service accepting Bitcoin and other cryptocurrencyMay mga VPS na pwedeng bayaran ng credit card o paypal subalit mas kumportable tayo kung ito ay tatanggap ng cryptocurrency dahil kadalasan sa atin ay walang Credit card, Visa Card at Paypal. Narito ang mga listahan ng mga VPS service na tumatanggap ng Cryptocurrency:
Note: ang ginamit ko dito ay ang cinfu.com service dahil sa mura ang kanilang charge at may 50% discount for newcustomer.Proof of Stake Coins/TokenMaari tayong pumili kung anong token ang magandang istake pero sa tuts na ito ay pipiliin ko ang Energi (NRG) dahil sa magandang sistema ng proyektong ito.
Note: Nangangailangan lamang ng 1 NRG coins para makapagsimula ng staking. Ayon sa kalkulasyon kada 100 NRG ay pwede kumita ng $0.5 per day. Ang maganda dito ang proof of stake ay napatunayang nagbibigay ng compounding profit dahil ang mga nastake na coins ay magmamature at magiistake rin.
Kailangang SoftwareGuide:Ang guide na ito ay magtuturo kung anu-anong command ang kailangan para sa pagsetup ng VPS para iready sa coin staking.
Note: Mangyari lamang na sunding mabuti ang guide. Mukha lang siyang mahirap pero kung susundin mo ang mga command line ay sadyang napakadali lang palaKalkulasyon at Pagtatapos
Kung aalisin natin sa gastusin ang bibilhing coins o token, maari na pala tayong magsimula ng pagstake sa VPS sa napakababang halagang $3.75 (less than Php200) less 50% off kung gagamitin natin ang voucher discount sa cinfu.com ang problema lang is ubunto 16.04 ang gamit dito. Ang latest na magandang gamitin ay ubunto 18.04, maari nyong subukan ang time4vps para sa isang buwan na may hanggang 90% na discount, mas madali kasi ang pagsetup sa os na yan. Kapag ito ay ating nagawa ng maayos ay makakapg stake tayo ng 24/7 at bukod sa staking may mga option din ang mga PoS token at coins ng pagiging masternode na maari ring tugunan ng VPS setup na ginawa natin. Nangangailangan lang na ma meet ng setup ang kinakailangang coins para maging masternode kung saan sa NRG ay kailangan ng 10k NRG.
Kung nais naman nating mag-stake ng ibang coins o token, maari nating palitan ng napili nating Coins ang wallet na iiinstall natin sa vps.
Note: Hindi ko na isinalin ang mga nilalaman ng mga links na nakapaloob diyan dahil magiging napakahaba ng thread na ito na dahilan para tamarin ang mga nagbabasa.