Sa tingin ko ang statistics na yan ay hindi reliable. Isang rason ay ang shared IP address ng bawat user sa ating bansa. Bukod dito, and location ng IP address na ginagamit ng bawat isa sa atin ay hindi tugma sa ating lokasyon. Halimbawa na lang sa aking sitwasyon. Ako ay nasa Manila pero ang aking IP location ay minsan nasa Cebu, Las Piñas, Quezon City at iba pa. Minsan pa nga napupunta ako ng US hehe. Pero sa kabilang banda, isang magandang indikasyon iyan na lumalawak na ang area at dami ng interesado sa Bitcoin. Konting panahon pa at ang bawat lugar sa Pilipinas ay magkakaroon na ng mga Bitcoin enthusiast.
About sa IP location, di talaga exact ang binibigay ng google pero di natin alam yung mga tao na may alam sa pagtract nang may accuracy ng IP na nagtatrabaho sa google. Probably yun yung dark side nila like sa FB, nagcocollect ng data ng bawat users.
Di ako convince, feel ko kase napakadami pang mga nagsesearch and curious about this. eto yung reasons ko:
1. Look at the third analysis and yung second. Try nyong pag addin lahat ng nagsesearch ng bitcoin from different places sa PH and compare nyo sa 2nd chart, di sila nagtatally. I don't know if this is some kind of misinterpretation of the table or something.
2. Google isn't the only search engine. We have ask.com, yahoo and many more.
3. Nagjoin ako sa bitcoin users Ph sa fb that was way back April 2017 and mayroon silang 100k members. Ano yun? Nainvite lang ba sila? Siyempre let's say kahit 30% ng population nun yung nag search about bitcoin sa google may 30k na katao ka na. Below 2k nga yung nasa data eh.
4. People can not only search bitcoin. They can search some keys for them to know about bitcoin like these keywords: "cryptocurrency, btc, crypto, altcoins."
I think the population of curious people in the Philippines should be more than this raw data. Nung 2017, mahigit 100M na tao nandito sa PH tapos below 1k lang yung magsesearch? Probably di accurate yung data or mema gawa lang si google haha.