First time ko to nabasa na term, "Alignment of the Stars", thanks for that, interesting siya..
Pero para sa akin, di pa ako masyadong nalilinawan ano ba talaga itsura niyan, can you post more example sa iba't ibang klase ng chart or pairs?
Kasi sa nakikita ko, yung sa nabilogan mo, jan din na area nag cross si 20MA (red) sa 50MA(violet).
At base sa chart mo na yan, san ka na area ka nag entry jan at possibling mag eexit sa trade?
Wrong Spelling pala ako, dapat single "l" lang yung alignment. Anyway po, yung binilugan ko ay yung position ko nung bumili ako ng ethereum. Bale naghintay muna ako magkaroon ng breakout sa 9K Pesos bago ako pumasok sa market.
Ang AOTS po ay yung pag align ng tatlo o apat na MA`s. Hindi ko na sinama yung 200 MA`s pero pwede yan isabay.
Eto po yung iba pang example:
Andyan po din yung Inverted AOTS kung saan makikita na mas angat ang 100 MA sinundan ng 50 MA at 20 MA.
Paano ba natin malalaman kung magkakaroon na ng AOTS? Makikita naman natin na nag-aalign na ang tatlong MA`s alinsunod sa pagkasunod-sunod nila.
Eto po yung mayroon na 200 MA`s
Bale nakakahilo na kasi matagal pa malaman kung aangat na ang bitcoin nung nagkaroon ng 200 MA`s, kasi kung makikita sa chart nagintercept pa yung 200 MA sa tatlong MA`s bago ito tumungo sa direksyon nya upang mabuo ang AOTS.