Bitcoin Forum
June 24, 2024, 02:46:04 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Poll
Question: Ano ang mas pinagtutuunan mo ng pansin ngayon upang kumita?  (Voting closed: August 30, 2019, 01:44:49 PM)
Bounties - 4 (16%)
Trading - 5 (20%)
Mining - 0 (0%)
services(signature, manager etc.) - 8 (32%)
Gambling - 3 (12%)
Investing - 3 (12%)
if others please specify on the comment section - 2 (8%)
Total Voters: 16

Pages: « 1 [2]  All
  Print  
Author Topic: What is the best for you to earn? A Poll for people  (Read 331 times)
ilovefeetsmell
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 686
Merit: 510



View Profile
August 02, 2019, 09:37:32 AM
Last edit: August 02, 2019, 01:35:13 PM by ilovefeetsmell
 #21

Noong nagsisimula pa lang ako as member rank, I always choose Signature Campaign in Services but noong tumaas na rank ko, naghanap ako ng mas malaking pagkakakitaan so napunta ako sa Bounties which is totoo naman talaga pero marami rin ang scam. Swerte mo na lang kapag nakahanap ka ng magandang bounty campaign. Tapos ngayon, nagbabalak akong mag gambling to earn easily.

Alam ko lahat ng yan walang kasiguraduhan pero kung gusto mo ng totoo at legit, dun ka na sa signature campaign. Lahat ng nagmamanage doon ay trusted at nagbabayad ng tama.

Ngayon mas mahalaga na sakin ang kumita ng maliit atlis totoo kaya nagbabalik na ulit ako sa signature campaign kasi andito yung totoong campaign. Hindi mo na kailangang maghintay ng matagal para makasahod dahil everyweek ay makukuha mo na agad ang pinagpaguran mo.

Para dun sa mga baguhan pa lang, bago kayo sumalang sa isang campaign make it sure na may quality ang mga posts nyo kasi isang factor ito para matanggap ka sa isang signature campaign. Ito ay mga tips ko lamang para sa mga nagbabalak na kumita via signature campaign.
gangem07
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 598
Merit: 100


View Profile
August 02, 2019, 12:43:05 PM
 #22

Sa ngayon bounties pa rin ang priorities ko although maraming campaign ngayon ang scam pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa na makahanap ako ng camp na malaki ang kitaan,hindi pa kasi ako bihasa masyado sa ibang pagkakakitaan dto lalo na ang investing masyado malaki ang risk.Pero try ko rin ngayon ang gambling.
dark08
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 798
Merit: 104



View Profile
August 02, 2019, 02:48:29 PM
 #23

Nakafocus ngayon ako sa trading at pag huhunt ng airdrop campaign bakit dahil sa airdrop ko nakuha ang puhunan ko sa pagtratrade bukod pa dito mayroon din akong signature campaign which is weekly ang payment pandagdag ipon nadin ito kaysa sa wala. Pero over all sa trading talaga ako kumikita basta alam mulang ang diskarte panigurado magkakaprofit ka.
Muzika
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 980
Merit: 261


View Profile
August 02, 2019, 05:21:42 PM
 #24

Nakafocus ngayon ako sa trading at pag huhunt ng airdrop campaign bakit dahil sa airdrop ko nakuha ang puhunan ko sa pagtratrade bukod pa dito mayroon din akong signature campaign which is weekly ang payment pandagdag ipon nadin ito kaysa sa wala. Pero over all sa trading talaga ako kumikita basta alam mulang ang diskarte panigurado magkakaprofit ka.

sa airdrop naman bro swertehan na lang din no? kasi may mga nakikita ako na maganda yung coin sa airdrop pero kadalasan nga lang e shitcoin ang nangyayare tapos matagal pa ang distribution, pero maganda ang diskarte mo sa nakukuha mo sa mga aidrop kasi pwede mo naman talgang mapalaki yung maliit na amount thru trading.
rosezionjohn
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 882
Merit: 301


View Profile
August 02, 2019, 06:24:24 PM
 #25

Signature at investing sa akin. Hindi ba pwedeng makita yung resulta ng botohan in %?


Yung sa poll na Services(signature), hindi ba considered as bounty campaign yung signature campaign na nasa Services section, like Bitcoin ang binabayad sa iyo?
Hindi ko na maalala kung saan ko nabasa pero magkaiba daw yan. Hindi na din ako nagtanong kung paanong magkaiba. Siguro pag sinabing bounty eh may ibang sakop (hindi lang signature).

At yung investing din ba na nasa pool ay considered ba jan yung pagsali sa mga ICO? I also do that pero di gaano, I just finding a good one, yung hidden gem na may potential sa long term.
Sakop na din yan.
bisdak40
Hero Member
*****
Online Online

Activity: 2324
Merit: 552


casinosblockchain.io


View Profile
August 02, 2019, 09:47:24 PM
 #26

Tapos ngayon, nagbabalak akong mag gambling to earn easily.
Para sa akin brader, crypto gambling is not a way to earn crypto easily, it could fast but the risk of losing also is very great. Pero kung alam mo lang ang ginagawa mo at saka mayroon kang goals at limits i think we will be fine here in crypto gambling. Personally, nagsusugal ako ng crypto kasi kung aasa tayo sa bounty ay medyo mahabang panahon pa ang hihintayin natin para tayo magkakaroon ng crypto. Both ways to earn crypto have their pros and cons, tayo nalang ang babalansi nito kung ano ang bagay sa atin.
heygeorge
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 37
Merit: 4


View Profile
August 02, 2019, 09:50:05 PM
 #27

Pasensya na po sa pagiging baguhan sa forum na ito. Gusto ko lamang po sumali sa balitaktakan at ibahagi lamang po ang aking nalalaman.


Para sakin po ang pinakamagandang paraan para kumita ay ang pagiging "Account Manager" po. Trabaho ko po na siguraduhing lahat ng tao na bahagi ng Marketing team ay nagtatrabaho at may ginagawa. Ako po ang ang nagiisip ng ideya kung ano ang dapat nilang gawin upang makilala ang isang proyekto, ako din po ang nagiisip ng ideya kung ano ang nababagay na kampanya sa proyekto base sa kanilang target audience, at ako din po ang nakikipag ugnayan sa grupo ng aming kliyente para tulungan ang bawat isa sa kanila na maging masinop sa kanilang gawain upang hindi nasasayang ang oras nila sa walang katuturan. Masasabi nyo din pong "Marketing Manager" ang trabaho ko, ito po ay marangal kahit marami ang nagsasabing ito ay pandaraya at panlalamang. Madame na po akong nahawakang crypto projects at masasabe ko pong wala ni isa sa kanila ay scam project.

Ang mga proyektong tinutukoy ko ay yung kinulang sa pinansyal na pangangailangan kaya huminto na lamang at ang iba nama'y huminto dahil sa pagbagsak ng bitcoin nung nakaraang taon para baguhin ang stratehiya para iakma ang paglalahad ng proyekto sa tamang timing o oras.

Masaya po ako na ginagawa ko po itong trabaho na ito na minsa'y walang bayad dahil pride mo din naman bilang isang Marketer na tulungan silang kumita at makilala dahil ang unang gawain mo naman talaga ay pag-aralan ang kanilang proyekto at matutunang magtiwala dito. Mga 3 laban sa 10 proyekto na pinakilala saken lang ang tinanggap ko dahil yung iba halatang gusto lang manlamang at madaming sikreto pag tinatanong mo sa lahat ng gusto mong malaman. Tiwala ang pinakaimportante sa trabaho na ito pero natuto din po ako na magmalasakit sa kanila dahil ang iba lang naman sa kanila ay gustong makilala at maipakita ang pinagmamalaki nilang proyekto na makatutulong sa nakararami.
SinigangCandies
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 1
Merit: 0


View Profile
August 03, 2019, 01:50:35 PM
 #28

Para sa akin mas marami akong kinita sa airdrop tsaa simple tasks like twitter, facebook, tas join telegram lang downline nga lang ng airdrop ehhhh maghihintay ka ng matagal pero ngayon sumasali ako sa mga airdrop na may kyc kasi madalas instant yung bigay tas malaki pa.
clickoutsourcing
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 40
Merit: 2


View Profile
August 03, 2019, 03:31:56 PM
Merited by asu (1)
 #29

• Bounties
Risk: Medium - Nasabing kong Medium kasi maari kang makapag-invest ng time dito ngunit scam lang pala ito sa huli.
Level of Difficulty: 5/10 - Hindi naman mahirap ang sumali ang bounty, mas mahihirapan kang humanap ng good bounty. Yung bounty na nagbabayad talaga at mapapakinabangan mo ang tokens nila
Earning: Low-Medium - Kasi meron talagang mga bounty na halos kapiranggot lang ang kitaan at meron rin namang kikita ka din kahit na papaano lalo na kapag maganda ang company at maganda ang kinalabasan ng kanilang ICO

• Trading
Risk: High - Because of volatility of cryptomarket, kung hindi mu na master ang galaw ng cryptocurrency, maari ka talagang malugi dito.
Level of Difficulty: 10/10 - If you dive into trading directly without proper background on how cryptocurrency market works. Hindi ka talaga kikita dito, meron pang possibility na mag-nenegative ka sa iyang inilabas na pera dahil sa fees sa trading at sa volatility ng market.
Earning: Medium-High - Why Medium-High? because if you master the market, malaki ang possibility na kikita ka talaga. In banks, your money could grow we say .25% per annum while in trading with cryptocurrency, your portfolio could gain 10% or higher monthly depending on your performance.

• Mining
Risk: High - Malakas itong kumain ng kuryente at isa pa kailangan mo rin mag-invest ng mining rig. Alternatives to mining are staking and running a masternode.
Level of Difficulty: 10/10 - You need to learn how setup your mining rig properly. After setting it up, maintenance would be necessary also. You need to take in mind also the safety of your house or kung saan mo nilagay ang mining rig mo (electricity/wirings, overheating, etc)
Earning: Low-High - It depends on the performance of the coins na mina-mine mo, low earning if balance lang ang yung cost at income, medium if meron kanang pang-burger at fries sa pag-mamine mo, high if meron ka nang naitatabing pangbili ng bagong rig.

• Services(signature, manager etc.)
Risk: Medium - Medium kasi hindi ka nga nag invest ng pera, meron namang possibility na makapag-invest ka ng iyong time ngunit hindi ka nabayaran or mas masaklap ma-Gerald Anderson ka, yung tipong hindi ka na mine-message ng client.
Level of Difficulty: 7/10 - You can offer any services that you think you can manage. The hard part is finding that client and winning them.
Earning: Low-Medium - If malaki ang work mo sa kanila at sa tingin mo malaki ang impact mo sa company na to then you can demand a higher pay. Masasabi ko rin na low kasi hindi naman ganon kadami ang Services na i-offer mo dito, wala tayo sa upwork, nasa Bitcointalk tayo.

• Gambling
Risk: High - If you are good with gambling but if not then it's better not to include this one on your prospects for income.
Level of Difficulty: 9/10 - Gambling is gambling, whether you like it or not. Meron talagang mananalo at meron ding matatalo. Stick with what you master/know, rather than jumping from one gambling platform to another, hindi na ka namn siguro jack of all trades.
Earning: Low-Medium If you are a good gambler, maari kang kumita ng malaki pero kung newbie ka palang, lost talaga ang mahahantungan mo lalo na pag hindi calculated ang iyong mga galaw.

• Investing
Risk: High - Why high ? because it is crypto. I didn't discourage investing in crypto but make sure that you don't put all your eggs on one basket. Like, halos ibenta mo na lahat ng appliances mo may pangdagdag lang ng coins/token na akala mo magiging milyonaryo ka na in few months.
Level of Difficulty: 8/10 - Research lang talaga ang labanan dito, bago ka mag invest kailangan mo muna i-background check ang company at iresearch if maganda bang mag Hodl ng kanilang cryptocurrency.
Earning: Medium-High - If you into investing, you must think on long-term (3-5 years or even higher). Investing requires patience, meron kasi iba na napakadaling ma discourage. After 3 months palang ng pag-iinvest at nakita nilang walang nagyayari sa portfolio nila, sell na agad.

I think this is my 2 cents on the list of possible income streams stated by the poster. What's yours ?
romecheo
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 476
Merit: 101



View Profile
August 04, 2019, 03:19:01 PM
 #30

Para sa akin, trading ang pinakamabilis pagkakitaan, at pinakamabilis rin pag ubusan ng pera, sa Bounties naman, tyiempuhan, pag maganda ang naging resulta ng isang project, siguradong maganda ang kitaan, pero kapag sablay ang project ng isang campaign, olats ang laban.
Pages: « 1 [2]  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!