Napapanahon na muli nating balikan at alamin ang iba ibang uri ng phishing dahil tumataas na naman ang presyo ng bitcoin. At alam nating lahat na pag tumataas ito, dumadami rin ang mga cyber criminals. At ayon sa report na to,
Cybercriminal activity is one of the biggest challenges that humanity will face in the next two decades..
Cybersecurity Ventures predicts cybercrime will cost the world in excess of
$6 trillion annually by 2021, up from $3 trillion in 2015.
Nakakatakot ang mga numerong ito, mantakin mo nasa trillion na ang pinag-uusapan. At isa sa dahilan nito ay ang phishing na talaga namang tinatrabaho ng mga lokong criminal. Sigurado akong alam nyo na nitong mga nakaraang linggo may isang atake na naman na ginamit ang pangalan ng isang sikat na casino,
⚠️ How Scammer tried to Hack my Bitcointalk and how to Protect yourself?⚠️.
Phishing - Ito yung pamamaraan ng mga cyber criminals na makapang biktima. Pwedeng bigyan ka ng link na as unang tingin ay talagang di mo talaga akalaing peke pala. Madalas ito sa mga emails kumakalat. At nitong mga nagdaang taon, nagkaraoon na rin to ng iba't ibang klase.
[1]
Smishing (SMS Phishing) - Meron akong binuksan thread tungkol diyan.
Smishing and how not to fall for it.
[2]
Vishing (Voice Phishing) - So heto ung pag atake gamit ang telepono. Magpapanggap sila na tauhan kuno ng isang sikat na kompanya at hihingin sayo ang mga personal na information. At pag heto ay binigay mo, malamang isa ka na ring biktima dito. Magagaling tong mga criminal na to, pedeng mag panggap na sila at ay taga Apple or Microsoft. Pero tandaan nyo, ang support ay hindi tumatawag basta basta. Credit to
DdmrDdmr.
[3]
CatPhishing -
Don't forget about catphishing as well. That's when some dude pretends to be a female to try get their victim to let their guard down and send them bitcoins (because obviously a woman would never scam anyone - they're far too nice for that).
Heto ang isang
classic at scandalosong halimbawa:
Alia's case.
[4]
Domain spoofing - Heto na marahil ang madalas na ginagamit ng mga cyber criminals sa ngayon. Dahil napakadali nila tong gawin. Magpapanggap silang tunay na website, katulad na lang ng forum na to, pero sa huli ay peke rin at nag hahanap ng mga biktima. Gayang gaya nila ang orihinal na website kaya sa una talaga di mo mapapansin. At nakakapag tago rin sila gamit ang tinatawag na
puny code.
[5]
Evil twin phishing -
"An evil twin, in security, is a rogue wireless access point that masquerades as a legitimate Wi-Fi access point so that an attacker can gather personal or corporate information without the end-user's knowledge." Source: https://searchsecurity.techtarget.com/definition/evil-twin.
Isa pa to. Lalo na sa pang publikong lugar ka hindi porke't free WIFI access eh kakabit ka na. Baka meron dyang mga hackers sa tabi tabi mo lang at hindi mo alam minamanmanan ka na pala.
So sa panahong ito nakapa hirap lalo na tayong mga mahilig sa crypto, ibayong pag iingat ang kailangan nating gawin araw araw para hindi tayo mabiktima. So kailangan nating i 'educate' ang sarili natin dahil kundi tayo rin ang kawawa sa huli.
Orihinal na thread:
Phishing Revisited na isinulat ko.
Isinalin ni Zwei sa wikang Arabic.
!Phishing التصيد.