Marami satin ay siguradong may e-mail account. Pero nais kong ibahagi ang mga mabisa at magandang kasanayan na dapat nating tandaan para sa sekuridad ng ating email account.
[1] Una-una dapat gumamit tayo ng malakas at
petmalu matinding password. Ibig sabihin nito wag yung password na madaling hulaan o madaling ma bruteforce. Wag yung birthday/month o pangalan nyo or ng girlfriend nyo o asawa. Dapat at least 10-14 characters ang haba na may iba't ibang combination katulad ng uppercase (A-Z) lowercase (a-z) at mga symbols (!@#$). Mayroon gabay si katotong GreatArkansas dito,
Gabay sa Paggawa ng Malupit at Ligtas na Password.[2] Pangalawa, i back up ito, wag sa cloud o sa email din i back up, mas maganda isulat nyo at itago ito at nang hindi makita ng iba.
[3] Gumawa at paghiwalayan ang inyong mga email account. Iba ang gamitin nyo sa pang personal. At sa mga nagsusugal iba rin dapat ang email account dito. Lalo na sa crypto related, iba rin dapat.
[4] 2FA - Marahil marami na nakakaalam sa atin nito. Ang coins.ph natin ang mayroon 2FA sa wala pa nito enable nyo habang maaga pa.
[5] Password Manager - pwede rin kayong gumamit nyo para dagdag seguridad din.
[6] Kaugnay ng tip #2, iba -iba rin dapat ang mga password nito para kung na compromise ang isa hindi madadamay ang iba nyong account.
Additional, pwede kayo gumamit ng disposable temporary email, pwede niyo to magamit sa mga gusto nyo lng subokan o yung parang mga suspecious na nakita niyo sa internet na nangangailangan ng email address or need gumawa ng account bago may makita na content sa kanila,
https://temp-mail.org/en/ Disposable ito, pwede niyo palitan ng iba't ibang email address.
Credit: GreatArkansas[7] Sa opisina namin, automatic na after 3 months, dapat ka nang magpalit ng iyong password. Kaya kung medyo nag-alala kayo sa mga accounts nyo ugaling palitan ito sa loob ng 3 hanggang 6 buwan.
[8] Wag basta-basta mag click ng suspicious links sa email natin or kahit saan. Madalas yan na merong mga random email tayong matatanggap na it looks legitimate na merong naka attached na malware para makuha ang information natin.
Credit: asu[9] Do limit the apps that have access to your personal information on your mobile phone, for example, online games apps.
Credit: sheenshaneKung meron kayong iba pang tips o gusto idagdag mag share lang kayo dito.