Sana nga pati sa eleksyon blockchain na din ang gamitin para maiwasan talaga ang dayaan (though may vote buying pa din).
Hindi directly related sa OP pero na-discuss na din dati yung election using blockchain tech sa ibang topic.
Eto ewan ko kung nakakatuwa o nakakatawang lumang balita
Smartmatic Seeks to Apply Blockchain in Future Elections in Philippines Sa dami ng kababalaghang dinala ng Smartmatic sa eleksyon ng Pilipinas, hindi ko alam kung pagkakatiwalaan pa rin ng mga Pilipino kung sila man ang humawak ng susunod na eleksyon
lalong-lalo na sa paggamit ng bagong teknolohiya na hindi pa nasusubukan at nauunawaan ng maige. Kung yung automated elections nga ay nagawan ng dayaan, kahit na may independent observers na nakaantabay sa central server, ito pa kayang bagong paraan ng halalan na kakaunti pa lamang sa Pilipinas ang tunay na nakakaunawa?
--
Patungkol naman sa identity ng mga indigenous people natin, panahon na siguro para pagtuunan natin ng pansin ang mga kapatid nating ito. Sila kadalasan yung hindi nabibigyan ng benepisyo ng gobyerno na maaari namang matulungan ngunit dahil nga sa hindi maayos ang kanilang pagkakakilanlan, hindi ito kinikilala ng pamahalaan para sa anumang tulong/serbisyo na maaari nilang ibigay. Dapat lang sana eh kung maisakatuparan ito, doon sana sa mga organisasyon/kumpanya na nakakaalam kung pano ba talaga gumagana ang blockchain tech, at hindi lamang sa mga crony ng kasalukuyang admin na kukuha lang ng pera sa taumbayan at gagawa ng palpak na trabaho.