Ngayon ko lang nakita ito ah, bigla tuloy ako nangamba kasi napapansin na pala ng government natin ang cryptocurrency. September pa pala ito naipost, medyo late na ako sa balita. May updates na ba ukol dito? Kinakabahan ako kasi baka patawan na nila ng buwis ang mga kita natin o kaya naman maglagay na sila ng mga bawal gawin. Inaanticipate ko na maisasabatas ito dahil umuusad na eh pero ang hiling ko lang sana ay magkaroon ng exemption sa papatawan ng buwis. Sana yung mga small hodlers na tulad ko/natin ay hindi na isama. I have a bad feeling about this.
Matagal ng napansin ng ating gobyerno ang cryptocurrency. Kung hindi ako nagkakamali yong mga exchanges kagaya ng coins.ph ay approved by the BSP.
Yong ginawa ng senado ay more on the regulation and taxation kung may makikita sila dyan na pwedeng pagkukunan ng pera.
I think hindi ito madaling gawin ng mga senators natin dahil very complicated yong cryptocurrency at wala silang masyadong alam sa ganitong bagay. Eh trapik nga sa EDSA hindi nila masolusyonan lol. Pero kailangan na handa na tayo na magkakaroon na ng tax ang ating income dito sa crypto in the future.
Masyado naman silang nagmamadali, kakasimula pa lang ng crypto industry i tax na agad
Ika nga, mahirap ito i trace at paano ang mga shitcoins na walang value, may tax din ba? Masyadong mahaba pa ang usapin tungkol dito, sana uunahin nga nila ang mas priority na mga bill yong mga kailangan na talaga ng nakakarami.