akirasendo17 (OP)
|
|
October 15, 2019, 01:52:27 PM |
|
Maaring nasasagi sa isip nyo, papanu kung nkabili ka ng 1000 pcs of btc worth less a dollar ng mga panahong basura pa ang turing ng iba dito dahil wla syang halaga at pinagtatawanan pa ng iba, anu ang ginagawa natin ng mga panahong iyon. sa totoo lang busy ako sa paglalaro ng cabal pero nadidinig dinig ko nadin ang bitcoin, nung nsa work ako may mga crypto lock nadin akong nadidinig at ingat na ingat kami sa office , kasi bka mabiktima ang network nmin, pero never nming check kung anu at meron bang halaga ang mga coins na yan, madalas business pinag uusapan namin, pero wla namang kaming pera, pero kung siguro bumili ako dati ng bitcoin before na mura sya like 100 bka mayaman nako, or nung mas maaga pa mga 100000 pcs ako n cgro mayaman sa pinas, yan mga pinagiisip ko minsan pagnaalala ko , pero ngaun sa isip nalang sayng talaga, minsan kung kelan wlang halaga di natin itinabi, ang aral dito minsan tumaya kadin para tumama, hindi pwede sa isip lang , dpat may gawa din, parang sa buhay para umasenso, kayo ba anu mga bagay na gingawa nyo at naiisip nyo nung mababa p bitcoin at ilan sana nabili nyo nung mura pa? share lang mga sir/ma'am pra masaya
|
|
|
|
Clark05
|
|
October 15, 2019, 01:56:46 PM |
|
Kung nalaman ko lang ng mas maaga ang bitcoin baka possible na ang isang tulad ko na bata pa lamang ay maging millionaire or isang billionaire kayang kaya yan maabot nang isang tao noon dahil ang value ng bitcoin noon ay napakababa kaya naman afford ito kahit ng low class na tao sa ating lipunan perp ganyan talaga ang life kung na miss man natin opportunity noon ay mas magiging maayos tayo ngayon dahol andito na tayo hardwork and patient lang ang kailangan para maging success dito.
|
|
|
|
Kupid002
|
|
October 15, 2019, 02:05:51 PM |
|
Kung nakabili ka nung time nayun, kaso sabi mo nga wala kapang idea .
Maraming pwedeng mangyari if ever makabili ka nga, marami kapang pag dadaanan for example kung anong exchange anong wallet ang gagamitin mo dahil bago lang wala pang mga opinion kang makikita or magtuturo kung paano ito gamitin dahil hindi pa nga siya kilala.
Wala pa ung mga local wallet nung panahon na yun kaya mag dodownload ka pa personal computer mo at syempre hindi mo din alam kung pano un gamitin kasi wala ngang magtuturo.😂😂😂 kunti palang source na makukuha mo sa internet that time. Pero kung mga 2013 pwede marami ka na makukuhanan ng idea tungkol sa bitcoin.
|
|
|
|
Wexnident
|
|
October 15, 2019, 02:13:57 PM |
|
Alam na siya ng kaibigan ko at nakwento na siya samin. nag fafarm pa nga raw ung isa naming co - worker sa trabaho ng bitcoin gamit yung laptop niya mismo habang nag wowork siya and up to ganun lang yung interaction ko with bitcoin in the past. Nung nabanggit naman na virtual currency ito nung tinanong ko ay binalewala ko lang din sapagkat ignorante pa ako noon sa ibig sabihin ng mga salitang iyon. Di ko rin naman masisisi sarili ko na hindi ako nagtanong o naguinquire pa kung ano pa ang ibig sabihin nun sapagkat yun na kasi ang desisyon ko eh. Nakakapanghinayang lang talaga pag alam mo na yung bitcoin nung una pa lang tas di mo finollow up kaya ngayon andito ka naghohold at nagaantay tumaas uli yung priceehahaha.
|
RAZED | │ | ███████▄▄▄████▄▄▄▄ ████▄███████████████▄ ██▄██████▀▀████▀▀█████▄ ░▄███████████▄█▌████████▄ ▄█████████▄████▌█████████▄ ██████████▀███████▄███████▄ ██████████████▐█▄█▀████████ ▀████████████▌▐█▀██████████ ░▀███████████▌▀████████████ ██▀███████▄▄▄█████▄▄██████ █████████████████████████ █████▀█████████████████▀ ███████████████████████ | ▄▄███████▄▄ ▄███████████████▄ ▄███████████████████▄ ▄█████████████████████▄ ▄███████████████████████▄ █████████████████████████ █████████████████████████ █████████████████████████ ▀███████████████████████▀ ▀█████████████████████▀ ▀███████████████████▀ ▀███████████████▀ ███████████████████ | RAZED ORIGINALS SLOTS & LIVE CASINO SPORTSBOOK | | | NO KYC | | │ | RAZE THE LIMITS ►PLAY NOW |
|
|
|
ecnalubma
Sr. Member
Offline
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
|
|
October 15, 2019, 02:14:22 PM |
|
Pareho tayo ng kina adikan ng mga panahon na yun bro Cabalbalan😂. Pero hindi pa kasi bukas ang isip ko sa mga panahon na yun regarding investments. Madalas ko lang naririnig ang bitcoin noon na ginagamit sa darkweb, pero hindi ako nagka interes kung saan makukuha at saan makakabili. Just imagine kung early days kahit sa faucets ka lang nag accumulate which is marami pang sats every claim tapus inipon mo, millionaire din ang status mo ngayon sigurado.
|
|
|
|
Hippocrypto
|
|
October 15, 2019, 02:23:37 PM |
|
Pareho tayo ng kina adikan ng mga panahon na yun bro Cabalbalan😂. Pero hindi pa kasi bukas ang isip ko sa mga panahon na yun regarding investments. Madalas ko lang naririnig ang bitcoin noon na ginagamit sa darkweb, pero hindi ako nagka interes kung saan makukuha at saan makakabili. Just imagine kung early days kahit sa faucets ka lang nag accumulate which is marami pang sats every claim tapus inipon mo, millionaire din ang status mo ngayon sigurado.
Sa panahon na iyon, wala pa sa isip natin na mag impok ng bitcoin kasi sagana pa sa kita lalo na magaganda ang proyekto na sa atin ay dumarating. Wag mawalan ng pag asa, darating din ang tamang panahon para pag recover ni bitcoin ay magtatagumpay, at hindi yung mauuwi sa wala.
|
|
|
|
Ailmand
|
|
October 15, 2019, 02:44:36 PM |
|
Nang mga panahong iyon, may kaunting kaalaman na ako tungkol sa bitcoin subalit hindi pa ako handa para magimpok at pumasok sa industriya ng investment. May takot pa akong sumubok na siyang pinagsisisihan ko ngayon. Kung naging matapang lang akong bumili ng Bitcoin noon, maaaring milyonaryo na ako ngayon. Siguro nga, may tamang panahon para sa atin. Kailangan lang nating magsikap at pagtrabahuhan ito.
|
|
|
|
Bitkoyns
|
|
October 15, 2019, 02:49:31 PM |
|
nung mga panahon na bago palang at halos zero value pa ang bitcoin nagtratrabaho pa ko nun na minimum wage ang sweldo pero nung 2014 naging sideline ko si bitcoin at kumikita ako ng halos 500 pesos palang weekly sa isang signature campaign, 777coin yata yun kung tama pagkakatanda ko tapos hindi ko na iniwan ang crypto as a sideline hangang naging fulltime na ako
|
|
|
|
Gotumoot
|
|
October 15, 2019, 03:05:30 PM |
|
kayo ba anu mga bagay na gingawa nyo at naiisip nyo nung mababa p bitcoin at ilan sana nabili nyo nung mura pa? share lang mga sir/ma'am pra masaya
noong mga panahon na iyon ako ay walang trabaho at umaasa lang ako sa aking mga magulang, Ako ay isang teen ager pa lamang noon kaya wala pa akong pera. Hindi kona inabutan ang 0.03$ to 0.5$ na presyo ng bitcoins, Ang naabutan ko lang ay ang 200$ na presyo. Pero nagsimula na akong magkaroon ng interest dito lalo nung kumita ako sa mga faucet dito sa pag aalala ko nga halos 0.2 BTC a week kinikita ko noon. Sumagi din sa isip ko na bumili pero dahil nga wala akong pera at hindi ko naman inaasahan na magiging ganito ang presyo ng bitcoin ay hindi na ako bumili.
|
|
|
|
Edraket31
|
|
October 15, 2019, 03:15:23 PM |
|
Maaring nasasagi sa isip nyo, papanu kung nkabili ka ng 1000 pcs of btc worth less a dollar ng mga panahong basura pa ang turing ng iba dito dahil wla syang halaga at pinagtatawanan pa ng iba, anu ang ginagawa natin ng mga panahong iyon. sa totoo lang busy ako sa paglalaro ng cabal pero nadidinig dinig ko nadin ang bitcoin, nung nsa work ako may mga crypto lock nadin akong nadidinig at ingat na ingat kami sa office , kasi bka mabiktima ang network nmin, pero never nming check kung anu at meron bang halaga ang mga coins na yan, madalas business pinag uusapan namin, pero wla namang kaming pera, pero kung siguro bumili ako dati ng bitcoin before na mura sya like 100 bka mayaman nako, or nung mas maaga pa mga 100000 pcs ako n cgro mayaman sa pinas, yan mga pinagiisip ko minsan pagnaalala ko , pero ngaun sa isip nalang sayng talaga, minsan kung kelan wlang halaga di natin itinabi, ang aral dito minsan tumaya kadin para tumama, hindi pwede sa isip lang , dpat may gawa din, parang sa buhay para umasenso, kayo ba anu mga bagay na gingawa nyo at naiisip nyo nung mababa p bitcoin at ilan sana nabili nyo nung mura pa? share lang mga sir/ma'am pra masaya
Masarap isipin at pangarapin muli yan, naisip ko nga baka sumali ako dati sa captcha earnings na yan at bayad is Bitcoin, kaso wala talaga, nung mga panahon na yan sa captcha payment is 5BTC, biruin mo kung naipon mo yon, or meron ka nakatago, kahit 5 BTC lang instant yaman, kaya swerte ang mga nagmining din dati dahil nakaipon sila ng libo libong bitcoin at yumaman.
|
|
|
|
airdnasxela
|
|
October 15, 2019, 03:34:08 PM |
|
Since hanggang ngayon estudyante palang rin ako, siguro noong mga panahon na mababa pa ang value ng bitcoin at hindi pa ganun kakilala, ay pag aaral pa lang ang inaatupag ko tapos tinatamad pa. Pero kung sa panahong iyon, ay na discover ko na ang bitcoin, baka hindi ko din iengage ang sarili ko dahil medyo immature pa ako at hindi pa iniisip masyado ang pera as long as may baon ako galing sa magulang. I wish I was born earlier para matured na thinking ko noon.
|
|
|
|
mk4
Legendary
Offline
Activity: 2912
Merit: 3881
📟 t3rminal.xyz
|
|
October 15, 2019, 04:03:36 PM |
|
Masarap isipin at pangarapin muli yan, naisip ko nga baka sumali ako dati sa captcha earnings na yan at bayad is Bitcoin, kaso wala talaga, nung mga panahon na yan sa captcha payment is 5BTC, biruin mo kung naipon mo yon, or meron ka nakatago, kahit 5 BTC lang instant yaman, kaya swerte ang mga nagmining din dati dahil nakaipon sila ng libo libong bitcoin at yumaman.
Sa totoo lang kung magiging realistic tayo sa gagawin ng mga bitcoin holders dati, kung ang isang tao ay may bitcoin dati nung malayong mas mababa pa ang presyo nito, mejo mataas ang chance na ibenta nalang agad nung tao ung bitcoin pag nag x5 o kahit siguro nag x2 lang ung presyo ng bitcoin. Knowing na wala pa masyadong content dati concerning long term valuations and predictions about sa price ng bitcoin.
|
|
|
|
leonair
Sr. Member
Offline
Activity: 1400
Merit: 420
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
|
|
October 15, 2019, 04:25:23 PM |
|
Wala akong nakikitang magandang dahilan para bumili ang isang inosenteng pilipino ng Bitcoin noon para lang yumaman sa mga susunod na panahon, ang tanging dahilan lang na naiisip ko ay dahil sa laro(online games), kung mas napaaga ang pasok ng mga Steam or naging accessable ng mas mura ang pag papaload ng mga online games(lalo yung international) then baka meron isang pinoy na yumaman ng biglaan.
Meron akong kakilala na gumawa neto, nagkaroon siya ng kulang kulang 1 Bitcoin at ang pagkakatanda nya ay mga nasa 0.7+ ang natira sa Btc wallet nya, at ang rason dahil na curious lang sya noon at meron syang Paypal balance ang inalam kung pano magkaroon ng Bitcoin. So out of curiousty lang at hindi for investment or what. To cut the long story short ang 0.7 BTC and malaki noong peak ng December 2017 at kahit na ngayon ang masama nga lang hindi nya na alam kung paano ma access yung Bitcoin wallet nya dahil nakalimutan nya ang password at ultimo username ng crypto wallet nya online.
|
|
|
|
Quidat
|
|
October 15, 2019, 06:36:53 PM |
|
Napakasarap isipin kung nakabili ka ng marami sa mga panahong iyon.Kahit mga 1000 btc lang ay sapat na mabuhay kahit hindi ka na magtrabaho.hahaha Sa mga panahong iyon ay college student pa lang ako at medyo nalulong sa jowa kaya di masiyado nakapag focus about online things pero akoy adik sa dota 2 game. Narinig ko ang bitcoin sa mga oras na iyon pero tinuring ko lang ito na scam kasi rampant naman talaga ang ponzi at scam kahit nung una pa.
|
|
|
|
blockman
|
|
October 15, 2019, 07:06:22 PM |
|
Nakakapanghinayang pero ayaw ko nalang isipin na ganun na kesyo "sayang mura pa dati", "sana bumili ako dati pa". Move on nalang ginagawa ko at hinaharap yung kasalukuyan. Naririnig ko na rin ang bitcoin dati pa pero binalewala ko lang pero masaya pa rin ako kasi lahat tayo na nandito masasabing mga early adopter pa rin. Hindi natin alam kung ano magiging presyo niya sa mga susunod na taon kaya kung meron ka mang hinohold na bitcoin ngayon, maging masaya ka nalang. Nung mga panahon na yan, nagdodota at aral lang ako at hindi ko naman nireregret yun kasi masaya naman ako nung mga panahon na yun.
|
|
|
|
alexsandria
Sr. Member
Offline
Activity: 896
Merit: 268
★777Coin.com★ Fun BTC Casino!
|
|
October 15, 2019, 08:57:32 PM |
|
Nakakahiya mang sabihin, wala Pa akong alam sa bitcoin ng mga panahong iyan. Ginagawa ko lamang ang mga normal na ginagawa ko noon na nakapokus lamang ako sa aking pag-aaral. Nakilala ko lang ang bitcoin noong 2017,ngunit hindi kaagad ako nagsimula noon. Nagsimula lamang ako na maging active dito noong 2018. Pero, better late than never naman diba?
|
|
|
|
creepyjas
|
|
October 15, 2019, 09:58:06 PM |
|
I was in HS nung 2009 and wala pang kahit anong impormasyon tungkol sa Bitcoin ang nakakaratimg sakin noong mga panahong iyon. Inom, tambay, at maglaro ng PC games lang ang alam ko that time.
Well, technically, naniniwala ako na nakararami saatin dito ay hindi naman basta ppadukin ang crypto kung nagkataon na nalaman natin ito around 2009 dahil wala pa tayong source, basis, at expert analysis ng mga panahong iyon.
Possible around 2013-2015 siguro bago tayo na-curious kasi around 2015 ko nalaman ang BTC mula sa isang student sa school kung saan ako unang nagtrabaho at ang pagkakaintindi ko lang ito ay virtual currency na magagamit lamang din para sa mga virtual na bagay-bagay hanggang sa nalaman ko ang tunay na gamit at kakayanan nito noong 2017.
So yun, kung around 2015 ay naintindihan ko na at pinag-aralan ito, malamang nabenta ko rin agad nung nasa 17k php palang ang value nito kada isa o baka nga nung 5k php palang dahil hindi naman inexpect ng lahat na aabot ito current ATH.
|
|
|
|
deadsilent
|
|
October 15, 2019, 10:09:08 PM |
|
2009 kasi high school pa ako nun. Yun din yung taon kung kailan lumabas ang Bitcoin. Wala pa akong ideya noon about Bitcoin dahil puro online gaming lang ginagawa ko that time. But 2016 na-discover ko sya kasi gusto talaga makahanap ng pagkakakitaan kahit sa maliit na halaga lang. So napadpad ako dito at dun nagsimula ang aking kaalaman about sa Bitcoin. Kung maaga ko talagang nalaman to mayaman na sana ako ngayon😂 Pero naabutan ko yung presyo ng Bitcoin is around $45-$100. Still can't afford one pero nagsisimula na akong kumita.
|
|
|
|
chaser15
Legendary
Offline
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
|
|
October 15, 2019, 11:03:57 PM |
|
Matagal ko ng nakikita ang term na bitcoin pero di ko pinapansin. Nakita ko yan sa isang advertisement ng Neobux at Clixsense.
Then sumikat sya nung panahon ng MT Gox pero di ko pa rin pinansin. Hanggang 2015 naisipan ko out of nowhere na itry sya.
Dati kung matandaan niyo, napakadaling kumita sa faucets dati kasi mababa pa ang price. Hanggang sa tuluyang ng lumobo ang price at nalugi na ang mga faucet owneers.
|
|
|
|
dark08
|
|
October 15, 2019, 11:21:39 PM |
|
2009 to 2015 ito yung mga panahon kung saan nag aaral ako at talagang hindi ko alam ang salitang bitcoin after ko makagraduate nag start nako maghanap ng trabaho at nung nagwowork nako mga taon 2016 jan ako nagstart maghanao ng extra income una kong narinig ang bitcoin sa isang forum nung una di ako naniniwala na pwede kang kumita sa bitcoin hanggang sa nagtry nga ako mag faucet hanggang sa napadpad sa forum na ito, my mga bagay talaga nasa huli natin nalalaman pero its not a reason na sumuko tayo, swerte parin ako kasi naabutan ko ang bullrun wayback 2017 kung saan yung mga naipon kong altcoins sa mga bounty campaign ay nagboom din.
|
|
|
|
|