Ganda ng pinakita ng dalawang bagong Warriors, si Buddy Hield at Melton, daming hit din ni Hield sa tres, mukhang magandang senyales to para sa fans ng Warriors. Although parang nakakapanibago na wala si Klay na.
Kaya parang may kulang parin sa kanila eh, although lahat naman healthy at halos lahat naglaro, pero absent si Andrew Wiggins sa lineup mukang may pinagdadaanan na naman tong tao na to.
Siguro pahirapan ang Warriors na makapasok sa line up na to, at baka mahirapan na rin tong mapag champion this year.
Medyo mabigat talaga yung labanan lalo sa west side pero tingin ko naman palag naman ung lineup nila need lang talaga familiarity ng mga bagong players pero ung sistema bagay dun sa mga nadagdag kasi dun talaga yung bread and butter nila sa outside shots, kung gaganda pa lalo ung depensa nila maganda mararating ng team na to' pero syempre sa regular season magkakaalaman yan hanggang sa playoffs kung hanggang saan aabot,
medyo nakakapanibago din talaga kasi ung rotation parang kulang nung isang receiver na usual na nakikita natin lalo na pag tinanggap na ni Green yung bola maliban kay Steph nandyan palagi si Klay para umikot tatanggap or mag bibigay ng space kay Steph.
Palag palag yan solid na din yung current line up nila since nagkaroon sila ng reliable shooter at sa ngayon di nila talaga randam yung pagkawala ni Klay since nakita naman natin na solid din talaga ang performance na binibigay ng mga bago sa roster nila.
Kaya expect ko na malaki ang chance nila makapasok sa playoffs this season. Although questionable pa kung kaya ba talaga nila pumasok sa finals pero tingin mo may tira ngayon ang Warriors compare s last roster nila dahil parang maganda ang timpla nila ngayon. Nakaka panibago lang talaga na wala na si Klay sa roster nila dahil nasanay talaga tayo na andyan sya at akala natin na mag reretiro sya as Warriors kasama sila Curry at Green.
Edit: Nasa magandang posisyon ang Warriors sa standing ngayon at magandang senyales to para sa team nila check nyo to
https://www.espn.ph/nba/table