at wag papaloko sa pag gamit ng mga prominenteng tao para paniwalaang lehitimo dahil tandaan natin na sa panahong ito pera pera lang ang lahat ng labanan,mabibilang nalang sa daliri ang totoong gustong tumulong na paunlarin ang buhay natin,sa bawat sampung mag ooffer napaka palad na natin kung makatagpo tayo ng isa pero madalas wala pa.
kaya para sa kapakanan ng ating mga ikabubuhay at ikawawaldas ay wag maniwala sa TAo kundi ang tingnan ay ang PRODUKTO AT SERBISYO dahil higit sa lahat hindi ang tao ang kailangan magpasya kundi kung ano ang inooffer nito
Tama, kaya nila tina tap yong mga kilalang tao, pulitiko ay parag influencer lang ang role nyan. Pag nakuha na nila itong mga prominenteng tao saka magpa picture at gamitin nila itong marketing pitch o pang akit.
Kaya basta investment, dapat ay may lisensya sila sa SEC na kumuha ng pera para sa investment fund at dapat may mga portfolio products sila. Pero kahit nga legit na minsan ay possible pa ring maglaho ang pera mo yun pang walang konkretong maipakita kung ano ang maging source of income ng pinopromote nila.Kaya dapat talaga suriing mabuti b lalo na pera ang involve.