Hindi biro ang pag analyze ng susunod na magiging presyo ni bitcoin o kahit na anong alts. Kasi kailangan updated ka sa mga pangyayari / balita na maaaring makaapekto sa Volatility ng isang coin.
Meron ba satin dito ang full time trader?
Yung tipong sa trading na mismo kumukuha ng pang araw araw na pangangailangan?
Maaari mo ba kaming bigyan ng kahit konting tips, o aral patungkol dito?
Maraming salamat.
Mayroon na akong karanasan patungkol sa trading, though masasabi ko na beginner palang ako kung maituturing kung pagbabasehan ang aking record.
If we'd say trader kasi, for me, I would say na you are watching charts and analyzing it, teknikal lahat. If you base it kasi sa mga pangyayari at balita, you would end up analyzing it fundamentally that way you'd fall into the category of investor, buying a stock with the hope and research na it would increase it's value. Pang long term kumbaga.
Yung tipong sa trading na mismo kumukuha ng pang araw araw na pangangailangan?
For me personally, I think if you'd feed yourself from your trading profits, it's possible but only possible if you have acquired certain knowledge and trading with high capital, mahal na kasi bigas ngayon
Maybe next time I'd open a new thread for aspiring traders and see what tips I could share since we are all here to learn and build friendship.