Bitcoin Forum
November 09, 2024, 10:33:30 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 »  All
  Print  
Author Topic: Pera sa Internet, Tara usap tayo!  (Read 2755 times)
Jercyhora2 (OP)
Member
**
Offline Offline

Activity: 504
Merit: 23

Epsilon Omega

View Profile WWW
November 10, 2019, 01:26:39 PM
Merited by sheenshane (1)
 #1

Usap muna tayo mga kabayan! Wink

Naranasan mo na bang ibahagi ang kaalaman mo sa crypto sa isang indibidwal na walang ideya patungkol dito?

Kasi ako maraming beses na, lalong lalo na sa kapatid at nobya ko.
Hindi sila ganoon kainteresado sa aking pinag sasabi kasi maliit ang aking naipapakita sa kanila "KITA" dito.

Hindi tulad noong taong 2016 - 2017 na basic lang ang 5k lalo na sa tuwing papasok sa exchange ang isang token/coin. Naalala ko pa noong pumutok yung "Hydro" at mabilis na kumalat ang Airdrop na yon sa mga social media. Nakakainis isipin tila wala na halos yung mga ganitong klase ng token / coin. Pero heto parin at umaasang may matisod na magandang project.

Palibhasa "GL" sa isang eye lens manufacturing ang aking nobya kaya madalas nya akong tinutulugan sa tuwing nagkukwento ako tungkol sa crypto.

Nais ko lang naman siyang maging aware sa hindi mapigilan na paglago ng ekonomiya ng crypto currency na alam kong balang araw kakalat ang ganitong uri ng mode of payment sa ating bansa.
Narealize ko ito noong bumili ako ng grocery sa puregold (small letters lang hindi sponsors eh HAHA).

Habang nagbabayad ako gamit ang QR code ng aking Gcash wallet na connected sa aking ATM.
What if dumami pa ang establishment na gumagamit ng ganitong klase ng pagbabayad?
Bukod sa Hindi mo na kailangan pang ma-Down time sa suklian. Hindi kana din mabibigyan ng kendi kapalit sa pisong dapat ay iyong sukli.
Sobrang convenient!

Doon ako naging mas agresibo na ikwento ito sa aking mga kamag anak, kaibigan, katrabaho, etc. Pero tila hindi sila naniniwala, o kung naniniwala man gusto nila madalian.

Habang patuloy na nakikilala ang crypto sa buong mundo, nais ko lang sana na habang maaga pa magkaroon na sila ng kaalaman patungkol dito.
Alam naman natin na dito sa mundo ng crypto, mas lamang ang sinumang nauuna.

Naibahagi ko lang ito sa inyo kasi gusto ko nang kausap na alam kong makakaintindi sakin. Charot!  Grin

Sawang sawa na kasi akong matulugan ng kausap tuwing Gabi. Haha

Ikaw? Katulad mo rin ba ako na naghahanap o naghihikayat sa iba about kay BITCOIN?

Hippocrypto
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1484
Merit: 277

View Profile
November 10, 2019, 01:37:11 PM
 #2

Kasama mo ako sa layunin na yan mate, hindi ako nag hahanap ng mga tao na hihikayatin tungkol kay bitcoin, pero gusto ko itong ibahagi sa may interest at hindi yung babalewalain ka lang. Hindi ko naman itinuturing ang sarili ko na mas lamang ako sa kanila dahil na una ako, ang sa akin lang ay ma ibahagi ko sa kanila ang aking kaalaman upang matuto din sila.
Kung may makikinig lang, tiyak may makukuhang kaalaman sa pagdating ng panahon. Pag masipag ka at may determinasyon, talagang magkakapera ka sa sa online kapag may pasensya ka sa lahat ng bagay.
Katashi
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 672
Merit: 250

CryptoTalk.Org - Get Paid for every Post!

View Profile
November 10, 2019, 01:55:23 PM
 #3

Ako medyo nag li-low nako sa panghihikayat dahil minsan nauubos ang aking oras sa kapapa-liwanag sa mga baguhan tapos maya't maya ang tanong nila pero in the end kakalimutan din naman nila yung tinuro ko kaya ngayon namimili nalang ako ng mga taong tuturuan ko, gusto ko yung interesado talaga sa crypto para naman hindi masayang ang oras ko. siguro sa ngayon medyo may kahirapan pa talaga na maintindihan nila ang crypto dahil wala pa nga itong masyadong pag-gagamitin sa tunay na buhay.
CarnagexD
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1498
Merit: 374

Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform

View Profile
November 10, 2019, 02:01:20 PM
 #4

Sa totoo lang kabayan may mga tao talagang hindi naniniwala lalo kung wala kang pinapakita na ebidensya na kumikita ka dito. Hinikayat lamang ako ng kaibigan ko dito at noong una hindi din ako naniniwala pero sabi nya subukan ko lang at kikita talaga ako at hanggang ngayon ay kumikita pa din ako. Sinubukan ko din ito sabihin sa magulang ko pero ganon din ang nangyari hindi din sila naniwala pero noong nalaman nila na kumita ako ng malaki doon nila sinabi na ituloy ko lang yan at pagbutihin ko pa daw. Gustong gusto ko talaga binabahagi and bitcoin lalo na sa mga kaibigan ko dahil gusto ko din sila kumita ng malaki gaya ko.
ice18
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 542

View Profile
November 10, 2019, 02:01:36 PM
 #5

Ang nasa isip kasi ng mga ibang hindi aware sa technology na digital currency lalo na pag bitcoin ang alam lang nila scam agad kaya talagang mahirap hikayatin ang mga kakilala natin kadalasan wala silang interes minsan nga mga kaibigan ko sinsabi nila cge turuan moko ha tapos lumipas na ang isang taon hindi ko pa rin natuturuan kasi busy daw hehe naiisip ko lang ska lang sila magkakainteres talaga apg gobyerno na ang ngsabi na legit at pwede na tayong gumamit ng crypto na pwedeng alternative sa fiat.
lionheart78
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2982
Merit: 1153

View Profile WWW
November 10, 2019, 02:27:15 PM
 #6

I did tried to convince ang mga taong nakapaligid sa akin before the 2017 bull run, nasa less than $1k pa ang Bitcoin noon.  Halos lahat sila ay walang ideya kung ano ito at ni hindi man lang nagbigay ng interest.  Kaya laking sisi nila ng dumaitng ang 2017 at pumalo ng ganoong kataas ang Bitcoin, at nagkandakumahog sila para kumita ng BTC sa pamamagitan ng pagsali sa mga bounties ( ang kinitang token ay ibebenta para sa Bitcoin) ngunit sa panahon na iyon ay sadyang napakaraming scam ICO's na sinalihan nila kaya ayun, afterwards, hindi pa rin sila kumita at nag-give up na sa cryptocurrency.
Jercyhora2 (OP)
Member
**
Offline Offline

Activity: 504
Merit: 23

Epsilon Omega

View Profile WWW
November 10, 2019, 02:30:28 PM
 #7

Sa totoo lang kabayan may mga tao talagang hindi naniniwala lalo kung wala kang pinapakita na ebidensya na kumikita ka dito. Hinikayat lamang ako ng kaibigan ko dito at noong una hindi din ako naniniwala pero sabi nya subukan ko lang at kikita talaga ako at hanggang ngayon ay kumikita pa din ako. Sinubukan ko din ito sabihin sa magulang ko pero ganon din ang nangyari hindi din sila naniwala pero noong nalaman nila na kumita ako ng malaki doon nila sinabi na ituloy ko lang yan at pagbutihin ko pa daw. Gustong gusto ko talaga binabahagi and bitcoin lalo na sa mga kaibigan ko dahil gusto ko din sila kumita ng malaki gaya ko.

Kung maibabalik lang Sana yung panahon na profitable pa ang Airdrop and bounties. Di tulad ngayon na Kung hindi lakihan ang deposit sa exchange para mas malaki ang profit sa trading. Sa totoo lang Kaya ko unti unting pinag aaralan ang trading dahil sa panahon ngayon kelangan mo na talagang pagtrabahuhan para mas malaki ang income sa tuwing bababa at tataas ang palitan. Nag start ako sa maliit, ayoko naman withdraw para maipakita na kumikita ako. Hindi ako ganun kadesperado. Siguro once na mag bullish ang market baka sakaling magpakita ng patunay. Pero sa ngayon, kelangan ko munang mag ipon. Inaabangan ko Kasi ang bull run kung gaano kataas.
Palider
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1273
Merit: 507

View Profile
November 10, 2019, 02:34:37 PM
 #8

Parehas tayo, Mayroon namang nakinig sa akin at sumubok na mag bitcoin din pero lalo na yung 2017 bull run ng bitcoin at sabayan pa ng mga legit na ICO tiba tiba talaga at easy money lang. Kaya mabilis ko silang nahikayat noon pero ngayon nawala na rin ang interest nila sa crypto dahil wala na rin silang pagkakakitaan dito. Kaya ngayon tinatamad na din ako mag promote ng crypto dahil alam ko na ang unang sasabihin nila "pagkakakitaan bayan?" Haha. Bahala sila basta ako kumikita ako dito at makikita nyo rin na dahil sa crypto giginhawa ang buhay ko. At sigurado na ako na magtatanong nanaman sila ngunit hindi na sa akin dahil alam ko na mahihiya na sila.
Ailmand
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1274
Merit: 519

Coindragon.com 30% Cash Back

View Profile
November 10, 2019, 02:50:30 PM
 #9

May mangilangilang nga kaibigan ko na rin ang nahikayat ko sa cryptocyrrency lalo na ng nakita nila ang kinikita ko sa pamamagitan ng bounty at trading. Maski ang aking nobya ay nag aral din mag cryptocurrency dahil sa dami ng opportunities at sa totoo lang mas malaki ang kita dito kaysa sa pag pasok ng trabaho ng 8 oras. Mas mamamaximize mo pa ang time mo at ikaw rin ang nasusunod sa oras. Sa ngayon inoopen ko na lang ang crypto sa mga tao na talagang interesado dito.
Jercyhora2 (OP)
Member
**
Offline Offline

Activity: 504
Merit: 23

Epsilon Omega

View Profile WWW
November 10, 2019, 02:57:43 PM
 #10

Sang ayon ako dito, hindi naman kasi pera ang pinaka benefit natin sa crypto kundi ang oportunidad sa teknolohiya. At gayundin ako, hanggat may gusto o interesado matuto, masaya kong tuturuan hanggang sa alam ko.
lionheart78
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2982
Merit: 1153

View Profile WWW
November 10, 2019, 03:00:10 PM
 #11

Nandoon na ako na ng pinaka benefit ng tao sa cryptocurrency ay ang tech na dala nito, pero hindi natin maiaalis na kailangan pa rin ng tao ang kumita at ito ang pinakadriving factor ng karamihan sa mga sumasali sa cryptocurrency trends.  Kaya hindi rin natin sila masisisi kung hindi nila papansin ang cryptocurrency kung wala silang makikitang pakinabang dito.
Cherylstar86
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1484
Merit: 253

View Profile
November 10, 2019, 03:02:27 PM
 #12

May mangilangilang nga kaibigan ko na rin ang nahikayat ko sa cryptocyrrency lalo na ng nakita nila ang kinikita ko sa pamamagitan ng bounty at trading. Maski ang aking nobya ay nag aral din mag cryptocurrency dahil sa dami ng opportunities at sa totoo lang mas malaki ang kita dito kaysa sa pag pasok ng trabaho ng 8 oras. Mas mamamaximize mo pa ang time mo at ikaw rin ang nasusunod sa oras. Sa ngayon inoopen ko na lang ang crypto sa mga tao na talagang interesado dito.
Dahil sa cryptocurrency nagbibigay ito sa atin ng oportunidad na may kalayaang kumita. Hindi tulad sa ating tradition na trabaho na nag earn ng paper money, bukod sa mataas na oras ay kakarampot lang ang kikitain. Eh sa crypto malaki ang posibilidad na kikita malaki sa maikling oras pero hindi naman ito permanent. Isa kasi yan sa pinapaintindi ko sa aking mga kaibigan at mga kapatid na gusto din matuto.
Jercyhora2 (OP)
Member
**
Offline Offline

Activity: 504
Merit: 23

Epsilon Omega

View Profile WWW
November 10, 2019, 03:07:02 PM
 #13

May mangilangilang nga kaibigan ko na rin ang nahikayat ko sa cryptocyrrency lalo na ng nakita nila ang kinikita ko sa pamamagitan ng bounty at trading. Maski ang aking nobya ay nag aral din mag cryptocurrency dahil sa dami ng opportunities at sa totoo lang mas malaki ang kita dito kaysa sa pag pasok ng trabaho ng 8 oras. Mas mamamaximize mo pa ang time mo at ikaw rin ang nasusunod sa oras. Sa ngayon inoopen ko na lang ang crypto sa mga tao na talagang interesado dito.

Sang ayon ako dito, hindi naman kasi pera ang pinaka benefit natin sa crypto kundi ang oportunidad sa teknolohiya. At gayundin ako, hanggat may gusto o interesado matuto, masaya kong tuturuan hanggang sa alam ko.

Nandoon na ako na ng pinaka benefit ng tao sa cryptocurrency ay ang tech na dala nito, pero hindi natin maiaalis na kailangan pa rin ng tao ang kumita at ito ang pinakadriving factor ng karamihan sa mga sumasali sa cryptocurrency trends.  Kaya hindi rin natin sila masisisi kung hindi nila papansin ang cryptocurrency kung wala silang makikitang pakinabang dito.

Hindi lahat nagtataglay ng ganoong mindset, alam natin na may mga taong gustong matuto ng mga bagay bagay na sa tingin nila ay interesado kumita man o Hindi. Nasa sa kanilang imahinasyon na yon. Hindi pa ganon kalawak ang kaalaman ko dito pero masaya akong may bagong natututunan. Lalong lalo na sa forum na ito. Isa ito sa source ng mga inpormasyon na nakakasagotsa aking katanungan.
Naway may makilala akong bago na willing matuto. Basta Hindi ako busy haha
mk4
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 3881

📟 t3rminal.xyz

View Profile WWW
November 10, 2019, 03:39:17 PM
Merited by rhomelmabini (1)
 #14

Ikaw? Katulad mo rin ba ako na naghahanap o naghihikayat sa iba about kay BITCOIN?

Personally, hindi. Siguro oo, in rare cases like pag may tao o kaibigan akong nag mention ng bitcoin at nagtanong ng ano man tungkol dun. Pero besides un, hindi talaga. Ayaw ko lang isipin ng mga tao na baka may hawak akong bitcoins. Kahit di ko sabihin, pwedeng pwede nilang i-assume un lalo na't pag marami akong alam tungkol sa bitcoin.

Couple of reasons:

  • Pag nag bull market ulit ang bitcoin at cryptocurrency markets, ayaw kong maging utangan ng bayan
  • ...at ayaw kong maraming taong hihingi ng "balato"
  • Para maiwasan ang $5 wrench attack[1]
  • Baka sisihin ako nung tao pag may certain tao na nag invest sa bitcoin dahil sakin, at nagcrash ang price nito

Basically, sa kahit ano, priority ko lagi ang securidad ko at ng pamilya ko, kahit baka isipin ng mga tao na mejo "OA" ung mga rason ko.

[1] https://bitcointalk.org/index.php?topic=5112748.0
Quidat
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2702
Merit: 540

DGbet.fun - Crypto Sportsbook

View Profile
November 10, 2019, 04:06:04 PM
 #15

Depende kasi wala ako masiyadong oras mag explain fully about crypto lalo na sa mga 0 knowledge.Di ko itinatanggi
na somewhat sakim ako sa bagay na ito which ayaw ko malaman ng mga kaibigan ko or relatives na nag bibitcoin ako
lalo na ngayon na nakikita nila na nag improve ang aking lifestile which means meron akong mga naipundar na higit pa
sa aking mga relatives kaya nagtataka talaga sila kung ano aking ginagawa online.
lionheart78
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2982
Merit: 1153

View Profile WWW
November 10, 2019, 04:07:39 PM
Last edit: November 10, 2019, 04:19:00 PM by lionheart78
 #16

May mangilangilang nga kaibigan ko na rin ang nahikayat ko sa cryptocyrrency lalo na ng nakita nila ang kinikita ko sa pamamagitan ng bounty at trading. Maski ang aking nobya ay nag aral din mag cryptocurrency dahil sa dami ng opportunities at sa totoo lang mas malaki ang kita dito kaysa sa pag pasok ng trabaho ng 8 oras. Mas mamamaximize mo pa ang time mo at ikaw rin ang nasusunod sa oras. Sa ngayon inoopen ko na lang ang crypto sa mga tao na talagang interesado dito.

Sang ayon ako dito, hindi naman kasi pera ang pinaka benefit natin sa crypto kundi ang oportunidad sa teknolohiya. At gayundin ako, hanggat may gusto o interesado matuto, masaya kong tuturuan hanggang sa alam ko.

Nandoon na ako na ng pinaka benefit ng tao sa cryptocurrency ay ang tech na dala nito, pero hindi natin maiaalis na kailangan pa rin ng tao ang kumita at ito ang pinakadriving factor ng karamihan sa mga sumasali sa cryptocurrency trends.  Kaya hindi rin natin sila masisisi kung hindi nila papansin ang cryptocurrency kung wala silang makikitang pakinabang dito.

Hindi lahat nagtataglay ng ganoong mindset, alam natin na may mga taong gustong matuto ng mga bagay bagay na sa tingin nila ay interesado kumita man o Hindi. Nasa sa kanilang imahinasyon na yon. Hindi pa ganon kalawak ang kaalaman ko dito pero masaya akong may bagong natututunan. Lalong lalo na sa forum na ito. Isa ito sa source ng mga inpormasyon na nakakasagotsa aking katanungan.
Naway may makilala akong bago na willing matuto. Basta Hindi ako busy haha

Talagang interesante ang isang technology na makakapagbigay sa atin ng profit financially.   Admit it or not, money is the most motivating factor.  And looking at your signature space, i guess one of your question is how to earn money on the internet  Grin.   And believe me, they will be willing to learn kung makakakita sila ng resulta sa mga ginagawa mo sa cryptocurrency.  Marami sa atin ang nanggaling na dyan.  Just look at one of the post above this one.

Couple of reasons:

  • Pag nag bull market ulit ang bitcoin at cryptocurrency markets, ayaw kong maging utangan ng bayan

Hahaha tama ka dyan, sa akin malakng halaga rin ang napahiram ko sa mga kaibigan at kakilala ko (walang tubo yan), hirap makatanggi dahil alam nilang meron ka, tapos pagdating ng singilan sakit sa ulo.  Almost half of them ay thank you na then yung half nangako din pero di pa nagsisimulang magbayad.  Ganun din sa mga kakilala kong nagkicrypto  naging utangan din sila ng bayan at hirap din sa paniningil.

Basically, sa kahit ano, priority ko lagi ang securidad ko at ng pamilya ko, kahit baka isipin ng mga tao na mejo "OA" ung mga rason ko.

Dapat lang ipriority ang family, dahil sila lang ang talagang tutulong sa atin in times of troubles.  
Jercyhora2 (OP)
Member
**
Offline Offline

Activity: 504
Merit: 23

Epsilon Omega

View Profile WWW
November 10, 2019, 04:12:32 PM
 #17

Katulad nito, mukang may senyales na para sa bull run.
mk4
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 3881

📟 t3rminal.xyz

View Profile WWW
November 10, 2019, 04:25:20 PM
 #18

Katulad nito, mukang may senyales na para sa bull run.
https://i.imgur.com/psYzfPo_d.jpg?maxwidth=640&shape=thumb&fidelity=medium

I don't think so. Lalo na sa mga mayayamang bansa gaya ng US, mejo kilala naman na ang bitcoin sa mga lugar na un, though hindi lang alam ng mga tao ang importance ng bitcoin.

Itong halimbawang ito sa larawan, tinake advantage lang nung tao ung fact na pag inadvertise nya ang bitcoin sa public, e may mga donations siyang matatanggap.
Fappanu
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1111
Merit: 255

View Profile
November 10, 2019, 04:37:46 PM
 #19

Okey lang yan brad, atlis na ikwento mo sa kanila at walang sisihan kung sakaling mag boom man ang price ng bitcoin. Focus ka lang kung ano ngayon ang ginagawa mo para mamaximize mo lalo ang iyongbincome sa bitcoin. Sa ngayon kasi medyo magulo pa ang market at mahirap talaga ikwento sa ating mga kakilala ang bitcoin. Pero sigurado ako na babalik din sayo yang mga kwenentohan mo at magtatanong ulit. Hintayin lang nati ngayon na tanggapin pa ng mas maraming kompanya ang bitcoin para sa alternative payments. Hindi ito malabong  mangyari dahil andyan naman si coins na automatic natin maikokonvert agad ang btc to php.
spadormie
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 840
Merit: 268

View Profile
November 10, 2019, 04:44:51 PM
 #20

Oo naman naranasan naman siguro yan satin dito. And I think malaki yung percentage nga dito na puro nasabi lang or nahikayat eh na sumali sa forum. Marami na rin akong nahikayat na maginvest sa cryptocurrency eh. And tinuruan ko rin sila na mag create ng account dito sa forum since itong forum na to is a good source in getting information about some good coins and magaganda yung bawat POV ng mga tao dito.
Pages: [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!