Sa mga gustong magkaroon ng XLM wallet address, I recommend Lobstr. Maganda siya at simple lang gamitin dahil diyan, Ishahare ko sa inyo itong pag set up ng Lobstr web wallet para sa mga wala pang xlm addresses.
Una ay bisitahin muna ang official website ng
StellarSa kanang bahagi ay makikita ang
wallets na seksyon iclick ninyo ito.
Pag ka click ninyo ay lalabas na ang mga third party app and web wallets na nagsususporta ng xlm or lumens.
Pagkatapos ninyong piliin ang Lobstr idederekta kayo nio sa registration page
https://lobstr.co/authorization/signup/Maaari ninyong gamitin ang inyong email, ang account sa Facebook, Google or ang inyong numero.
Kapag kayo ay handa na magregister iclick lamang ang sign up.
Kung ang inyong ginamit ay ang inyong email. Kailangan pa ninyo itong ikumpirma sa mismong email na inyong ginamit. Para maactivate ang inyong pag sign up.
Pumunta lamang sa inyong email at icheck ang email ng Lobstr at iclick ang here.
Makikita ninyo ang kumpirmasyon na ang account ay activated na. Maaari na kayong magsign in at gumawa ng stellar wallet.
Ngayong activated na ang inyong account. Kailangan na ninyo gumwa ng stellar wallet.
Para gawin ito ay, gumawa ng unique na username at iclick ang
Create AccountPagkatapos ay lalabas na ang Recovery code. Ito ay importanteng bagay kung sakaling makalimutan ninyo ang inyong password na puwedeng gamitin para maretrieve ang inyong account. Mas magandang inyong isulat ito sa papel at itago sa ligtas na lalagyanan.
Lagyan ng check ang mga tick box kung ito ay inyo ng nakopya at naitabi. At iclick ang OK
And Hooray mayroon ka ng Stellar wallet at username.
Sa home ng website ay makikita ninyo ang inyong XLm dashboard ganun din ang market chart nito.
Kung gusto ninyong mag send ng xlm sa ibang account. Click lamang ang send sa menu or kanang itaas ng inyong dashboard.
Pag ka click ay may lalabas na Send Payment Window at dito ay kailangan ninyong isulat ang xlm address nila or username. Ang amoung at ganun din ang message memo. Kung handa na at tama lahat ng detalye ay iclick na ang send. Agaran ito ay mapoproseso.
Kapag kayo naman ang tatanggap mula sa ibang tao ng lumens or xlm ibigay ninyo lamang ang inyong xlm address or ang xlm username na inyong ginawa sa pagregister or maaari din kayong mag request ng xlm sa kanila
Iclick lamang ang
Request MoneyPag kaclick ninyo ay may lalabas ulit na window. Kopyahin lamang ang address ng magbibigay sa inyo, ang amount, at ang message na kanilang ginawa at iclick ang
Request kung tapos na.
Kung gusto naman ninyong makita ang inyong mga transaksyon na nagawa ay iclick lamang ang
HistoryKapag ang inyong pinindot naman ay ang
access history ay magpapakita lahat ng detalye tulad ng oras ng inyong pag access ng lobstr account.
Kapag kayo ay madalas gumamit at makipag transaksyon gamit ang xlm maaari ninyong isave ang mga xlm address ng inyong pinapadalhan at iclick ang
+ add contact sa kanang bahagi ng platformKopyahin lamang ang xlm address ng inyong mga ilalagay sa contact at lagyan ng deskripsyon, maaaring pangalan nya para madaling matandaan.
Kapah ang inyong pinindot ay
Converter maaari na ninyong makita ang palitan ng xlm sa USD.
Kung ayaw naman ninyong gumamit ng web wallet ay maaari kayong magdownload ng app ng Lobstr sa Google Playstore at App Store.
Google PlaystoreApp StoreSana ay nakatulong sa inyo kabayan ang Tutorial na ito.
DisclaimerAng post na ito ay direktang nilathala sa wikang tagalog at ang mga soure na imahe at iilang detalye ay galing sa website na ito.
https://coinwalletguide.com/lobstr-web-wallet