Pwede mo ba i-explain yung rason kung bakit di ka makapag-withdraw gamit ang coins.ph? Hindi ka lang ba verified kaya ganyan or parang na-block yung account mo? Kasi madali naman verification process ng coins.ph and sa tingin ko kaya mo naman yun considering nasa right age ka na with government ids.
Zero limit na e at may interview na ko kaso ewan ko kung ma accept yung saakin kung sakali kasi hindi na nya magagamit ang coins.ph nya kung ako mismo mag papadala galing saakin to coins.ph lang din. Tsaka maliit lang yung saakin na limit hindi yung sa kanya na mataas talaga to unlimited cashout yung sa kanya.
Ngayon kasi ZERO na lahat after na push ang wife ko na live interview pero pinasasubmit ngayon ng mga requirements trading portfolio or mga financial documents like payslip.
Kung hindi man ma accept yung account nya papadaan ko na lang sa ibang alternative ng coins.ph yung abra parang maganda.
Paanong big amoun bro? Di ba sabi mo nagagamit mo naman iyong sa wife mo. Limit na rin ba?
Siguro kung same tayo ng case, P2P na lang ang way ko. Sangguni ka sa mga crypto groups at may mga direct traders dun coins.ph to GCASH although may patong talaga. Last time, Php20 per Php1k yata iyong rate nung naka-deal ko. Sa iba minsan Php30 then sa tag-gutom umaabot pa ng Php50.
Kung malakihang withdraw boss kunwari tumaas yung coins na hawak ko tapus papalit ko sa bitcoin umabot ng 1m paano kaya yun pwede kaya yun sa abra? Wala bang mga additional verification? Kung ID lang at baranggay clearance ok lang pero kung hihingan ako parehas sa coins.ph ng financial documents mukang wala. Ang kailangan ko yung hindi nag tatanong ng financial documents pwede naman ako mag submit ng ID ang meron siya dito is Postal ID, Police clearance at baranggay clearance.
Baka kasi tumaas ang presyo ng mga this next year so baka mag withdraw ko ng big amount kung susuwertihin. Parang hindi ako safe kasi kung sa group lang pero kung di2 at high trusted naman baka pwedeng pakonti konti mag papalit ako pero mas gusto ko kasi yung pag pumalo ng 1m ma withdraw na agad.