Kung ganyan lang ang karamihan sa maraming coin, malaki ang posibilidad na ito ay aakyat sa malaking presyo pagdating ng panahon. At kapas staking ang pag uusapan, isang paraan din yan na kumita ng coins gamit ang sariling wallet. Kadalasan ang ginagamit neto ay windows installed wallet na mag sync sa iyong pc.
Dipende sa system ng may-ari, kadalasan nagrerelease ang developer ng wallet compatible sa windows, android, ios, at linux. Pero ang pagsetup ng VPS wallet ay kadalasang nasa linux instruction dahil mas madali para sa developer ang pagsetup dahil hindi na nila kailangang icompile pa ang initial program na gawa sa linux.
Totoong profitable ang pagstake ng isang coins lalo na kung malakas ang demand at matatag ang buy support nito. Nakita ko sa isang history movement ng NRG na mula sa $2.5 pumalo ito ng $9 sa loob lamang ng isang buwan bago ito magunti-unting bumaba. Kung nakabili ang isang staker sa presyo ng $2.5 at nakapagstake siya habang tumataas ang presyo ng NRG, doble kita ang nangyari dahil may kita na siya sa initial coins at may kita pa siya sa mga stakes.