Kaya nga mas mainam na habang nagsasaliksik ka ng mga impormasyon about sa pagtrade, ginagawa mo rin o inaapply mo yung mga nalalaman mo para hindi lang maimbak sa isipan mo ang mga ito. Dapat rin na malaman mo kung papaano gumagalaw ang presyo sa merkado at kung papaano mo malulunasan yung mga pagbaba ng presyo. Kapag nakakuha ka ng maraming karanasan ukol dito tiyak na mas marami ka pang pagsubok sa trading na mapagdaraanan pagdating ng panahon. At kapag nangyare yon, patuloy at patuloy kang magiging mas magaling na trader if bawat pagkakataon ay inaapply mo yung mga nalalaman at nararanasan mong solusyon sa bawat pagkakamali mo. Hindi sapat ang forum na ito, dapat subukan mo rin. Umpisahan mo sa pagobserve sa market at alamin ang mga dapat at hindi dapat gawin.
Experience is the best teacher talaga, dahil kahit anong pagresearch natin ng iba't ibang strategies kung hindi din natin to naapply ay parang pumasok labas lang sa tenga natin, nagkakaidea lang tayo pero wala talaga tayong natututunan dahil hindi natin to naapply hindi tayo nagkakaroon ng assumption, conclusion, kaya habang nagaaral trade tayo kahit 500 lang, laruin natin yon.