I had one in 2015 nung nag-try ako magmine using Gridseed miners out of curiosity and not for profits. Dalawa ang connection ko noon, isang fiber PLDT which, at the time costs Php 2800 a month (ridiculous!) at isang broadband internet connection from Globe. Configured yung machine to use the broadband connection as a fail-safe in the event of internet disruption kay PLDT which, thankfully happened only a few times. Sadly, kinailangang i-shutdown yung node at miners dahil lumipat kami ng place, at dito sa nilipatan namin ngayon eh wala nang fiber connection at inconsistent naman ang broadband kaya hindi ko na ulit binalak magset-up ng node.
Yes, katulad ng nasabi ko isa yan sa magiging problema natin sa Pilipinas if nag run tayo ng full bitcoin node kasi ang bagal na ng internet at ang singilan pa sa kuryente. Kasi nakakagulat na mayroong 2 na nagtayo ng bandera ng Pilipinas. Isa ring senyales na malayo layo na ang narating ng bitcoin dito sa ating bansa.
Sa totoo lang during 2015-2016 sa kasagsagan ni Nicehash at GPU mining, maraming Pinoy bitcoin nodes ang lumitaw at lumubog. Dahil na rin siguro sa hype sa mining nung mga panahong yun kung kaya't madaming nag-try. May kakilala pa nga akong umorder ng mga ASICs at nag-group buy sa mga FB pages na mga taga-Antipolo, Cavite at Pangasinan para lang ma-try kung magpaprofit ba sila. Sa ngayon kasi, ang profits eh nasa trading na at wala na sa bitcoin mining kung ngayon ka pa lang magsisimula, at napaka-harsh ng operating conditions and costs dito sa Pinas kaya hindi talaga worth-it mag setup ng mining farm dito.
I was not yet in the crypto sphere in 2015-2016 so salamat sa pag share about it.
@blockman - isa pa talaga yan budget + yung speed ng internet natin. Ang balak ko talaga eh dedicated machine, para ma experience lang ba.
Pero mukang hindi sustainable sa Pilipinas.
@anxenial - yes, d natin alam kung magkano talaga ang budget nila pero at least willing silang mag host ng bitcoin node dito sa atin despite na madaming problema.