Much better if ibigay ni OP yung telegram username nya para mas mabilis yung transaction. Minsan kasi emergency at sobrang need na ng load and of course para less sa waiting time.
Kaso ang problem baka madami mang loko kay OP sa telegram na unlike dito may pang hahawakan. 🤔
Hindi kasi ako active sa telegram. Kung papapiliin ako, sa messenger na lang ako kasi merong free data.
Yun nga, kaya I advise na i-PM na lang muna sakin yung mobile number dito sa forum na gagamitin pang contact sakin. Kaya for the 2nd time ng transaction ay wala ng authentication kasi alam ko na kung sino yung may-ari.
Kung babayaran natin si OP sa pamamagitan ng ating COINS.PH account bakit hindi na lamang tayo mismo ang magload sa sarili natin?
Magkakaroon pa tayo ng tipid para sa sarili natin at pwede naman tayo ang mag register sa network or meron din si COINS.PH ng direktang naka promo rin (iilan lamang).
Kagandahan pa dito mayroon tayong 10 percent rebate diba? pero as per business okay din yung kay OP, yan ang pinagkikitaan nya eh.
kagandahan nalang din hindi sya tulad sa mga tindahan na may additional charges gaya ng nakalagay sa message nya NO ADDITIONAL CHARGES.
Oo, ginagamit ko rin pang load ang Coins.ph account ko sa ibang clients kapag may funds ito at kung available naman yung loading system nila. Yung nagpapaload sakin ay walang internet so di sya makapag open ng coins.ph, di sya makakapag load sa sarili. Then magrerequest muna sya ng load sakin and saka nya babayaran gamit Coins.ph or other MOP like Gcash and Paymaya