Isang kilalang tao na naman ang nagpahayag ng kanyang interest pagdating sa Bitcoin. Ayon sa isang tweet ng isang British rapper na si Zuby, tumatanggap siya ng bitcoin for payments at ayon pa sa kanyang thread, wala siyang intensyon na iconvert agad ang kanyang bitcoin sa fiat. Dagdag pa nito, mas gusto niyang mag hodl kesa ibenta ang mga ito. Ang nasabing rapper ay hindi lang isang rapper, isa rin siyang speaker at mayroon din syang mga libro na pinupublish na kung saan ipinahiwatig nya sa kanyang tweet na tumatanggap din sya ng bitcoin sa pagbili ng kanyang libro at sa mga service na pinroprovide niya.
Magandang balita para sa atin ito dahil nakikita nating mas dumadami ang nagkakainterest sa crypto pati na rin ang mga kilalang tao. Hindi ba't mas madaling makikilala ang crypto kapag ipinromote ito ng isang sikat na tao dahil madami silang followers sa mga social media. Ang rapper na ito ay may 178k followers kaya kung titignan, madami ang pwedeng makabasa ng tweet niya about bitcoin
Atsaka alam naman natin na nag iimprove na ang adoption ng crypto sa Pilipinas, mas nakikilala na ito ng mga tao at may mga stores na din sa ating bansa ang tumatanggap ng bitcoin kapalit ng kanilang produkto. Hindi malabong mangyari na dumami pa ang makakilala at maging interesado dito lalo na kung alam nila ang advantages at benefits na maaari nilang makuha mula dito.
Dito sa Pilipinas kaya, sino-sino ang mga kilala niyong sikat o artista na interesado rin pag dating sa crypto at willing tumanggap ng bitcoin as a payment sa kanilang services o product?
Maraming tao na talaga ang tunatanggap ng bitcoin ngayon dahil mas naging interasado sila maglagay ng pera sa bitcoin kaysa sa totong pera, kaya malaki ang chansa na mas umusbong pa ang bitcoin ngayong taon ng 2020. Ang alam ko din kasi pinopromote lang ng mga sikat na tao ang cryptocurrency kaya nakilala din ito pero syempre gumagamit din sila katulad ni Floyd Mayweather jr, Gwyneth Paltrow, Paris Hilton at marami pang iba.