Russlenat
|
|
January 23, 2020, 02:12:38 PM |
|
For me, the most important thing is to have a proper mindset and the rest will follow.
Me, I started in crypto before the last bull run and I really think I could achieve my better future here in crypto, of course like everyone else, I also have a day job but in the long run, jobs are so boring especially when you are already aging, and you think of change your lives for the better and you can only get that when you invest in business.
Imagine being an employee for the rest of your life, there's no freedom on that, and you'll never find true happiness when you are not in control of your time.
|
|
|
|
Palider
|
|
January 23, 2020, 02:19:22 PM |
|
Hindi ako mayaman pero malaki ang maitutulong ng extra income sa atin upang makaipon ng pera para naman makapagpatayo ng sariling business nila. Karamihan nga ngayon sa mayayaman dumaan sa ganitong pagsubok. Meron din iba na sa kagustuhan yumaman agad e hindi pinag iisipan bawat move na gagawin nila kaya naman at the end lugi bagsak ang negosyo! Kaya naman kung gusto natin yumaman talaga mag pakasipag tayo i take natin ang mga oppurtunity na alam natin makakatulong sa atin.
|
|
|
|
Kambal2000
|
|
January 23, 2020, 02:35:33 PM |
|
Depende po kasi yong gaano mo kagusto yumaman, marami kasing mga tao na masaya na sa simpleng buhay and para sa kanila kayamanan na yon, meron naman hindi kuntento gusto magkaroon ng malalaking business, meron naman kahit simpleng business okay na. Kaya nasa sa atin yon kung paano tayo yayaman in our own way and kung gaano tayo makukuntento.
|
|
|
|
makolz26
|
|
January 23, 2020, 02:39:10 PM |
|
Paano yumaman?
Sana madaling sagutin, sana madaling iwork out, yong tipong basta magsisikap ka lang and mag ttrabaho kang mabuti ay talagang kikita ka na ng malaki and yayaman, kaso hindi, katulad na lamang ng mga tahoo vendor, or mga balot vendor (hindi sa minamaliit ko sila), sana simpleng ganun pwede na kaso hindi, need mong pati isip and mindset mo ay maging fit and need to work harder bago mo makamit ang tagumpay.
|
|
|
|
lionheart78
Legendary
Offline
Activity: 2982
Merit: 1153
|
|
January 23, 2020, 02:48:16 PM |
|
Paano yumaman?
Sana madaling sagutin, sana madaling iwork out, yong tipong basta magsisikap ka lang and mag ttrabaho kang mabuti ay talagang kikita ka na ng malaki and yayaman, kaso hindi, katulad na lamang ng mga tahoo vendor, or mga balot vendor (hindi sa minamaliit ko sila), sana simpleng ganun pwede na kaso hindi, need mong pati isip and mindset mo ay maging fit and need to work harder bago mo makamit ang tagumpay.
I agree, hindi porke masipag at matiyaga ay yayaman kana. Ang totoong yumayaman ay iyong taong ayaw magpagod ng husto habang buhay. Mind setting is a good start plus financial literacy but ang pinakamaganda after nito ay ang pagiging mapamaraan, matatag ang loob at hindi basta-basta sumusuko. Karamihan sa umuunlad ang pamumuhay ay nagtitiis, halos hindi gumagastos at simple lang ang mga gamit. Lahat halos nasa investment or savings. Karamihan sa mga yumayaman ay iyong may mga innovative ideas, wise at marunong gumamit(in a good way) ng mga taong nakapaligid sa kanya para sa kanyang ikaka-unlad that also include yung pag-uugaling hindi mahiyain. Ang daming kailangan kung hihimay-himayin.at naniniwala akong Smart working is better than hardworking.
|
|
|
|
Ailmand
|
|
January 23, 2020, 02:53:09 PM |
|
Eagerness to learn and willingness to try and apply and ilan ding characteristics na dapat tayong magkaroon. Ang buhay ay hindi puro success lang. Maraming downfall tayong kakaharapin bago pa namin mareach yung goal natin kaya walang lugar ang pagsuko para maging successful tayo. Dapat umalis tayo sa comfort zone natin at sumubok ng bago. Parang trial and error lang. Doon ka sa kung saan mas aangat ka sa buhay.
|
|
|
|
joshy23
|
|
January 23, 2020, 03:00:17 PM |
|
Eagerness to learn and willingness to try and apply and ilan ding characteristics na dapat tayong magkaroon. Ang buhay ay hindi puro success lang. Maraming downfall tayong kakaharapin bago pa namin mareach yung goal natin kaya walang lugar ang pagsuko para maging successful tayo. Dapat umalis tayo sa comfort zone natin at sumubok ng bago. Parang trial and error lang. Doon ka sa kung saan mas aangat ka sa buhay.
Samahan mo lang ng tiyaga at pagsusumikap, mahirap sa una pero kung nagset ka ng goals at talagang sinusubukan mo na magprogress darating yung tamang panahon para sayo. Gaya ng sinabi ni OP asa tamang mindset yan. Hindi naman palaging sablay darating din yung tamang time para sayo
|
|
|
|
d3nz
|
|
January 23, 2020, 03:01:48 PM |
|
Sa totoo lang ka kailangan mo ng diskarte sa buhay at meron ka adhikain o ambisyon sa buhay. Mahirap din kasi na sa utak mo ay gusto mo yumaman at hindi madali iyon dahil marami pa talagang pagdadaanan. Mahirap din na kung nakamtam mo yung kayamanan pero wala kang ideya paano ito hawakan baka maubos lang, kailangan mo talaga ng kaalamanan paano ito gamitin ng tama at hindi sa paglustay sa mga bagay na hindi mo naman talaga kailangan.
|
|
|
|
ice098
|
|
January 23, 2020, 04:13:03 PM |
|
Sa totoo lang kung bakit nahihirapan ang ibang mga tao para kumita at maging financially freedom ay nanatili lang sila sa dating gawi. Nagtratrabaho lamg sila ng nagtratrabaho tapos pag linggo ubos ang pera dahil narin sa gastusin. Madali lang naman yumaman lalo na kapag may sipag at tiyaga! Dedication wag puro trabaho! Work smarter, kung tutuusin e lugi pa yung mga nagtratrabaho ng arawan sa sahod ng matatalino. Naka upo lang yumaman na, Ayaw kasi nila mag risk sa investment, kontento na sila na isang kahig isang tuka.
Sad to say yun Kasi ang tinatak sa utak ng ating mga magulang na dapat mag aral ka ng mabuti para makakuha ka ng magandang trabaho e sa salitang yan tiyak hanggang sa paglaki NG mga Bata e pag tatrabaho ang paman ng utak nila Kaya dito marami sa atin ang babad sa trabaho kahit hindi gusto ang ginagawala nila. Totoo naman kasi sa panahon ngayon wala ka na makikitang work na hindi naghahanap ng wducational background even mga janitor and janitress hinahanapan na non. Totoo talaga yung kasabihan na education is the key to success tsaka ang pagyaman natin nakasalalay naman sa atin at hindi sa ibang tao. Kung gusto natin makaangat dapat gumawa tayo ng paraan na marangal.
|
|
|
|
k@suy
|
|
January 23, 2020, 04:22:58 PM |
|
Eagerness to learn and willingness to try and apply and ilan ding characteristics na dapat tayong magkaroon. Ang buhay ay hindi puro success lang. Maraming downfall tayong kakaharapin bago pa namin mareach yung goal natin kaya walang lugar ang pagsuko para maging successful tayo. Dapat umalis tayo sa comfort zone natin at sumubok ng bago. Parang trial and error lang. Doon ka sa kung saan mas aangat ka sa buhay.
Tama very well said. Agree ako sa sinabi mo kabayan. Sabi nga nila experience is the best teacher at all times. Yung iba kapag nagkaroon ng struggle natatakot na ulit sumubok pero mali talaga yon. Dapat kahit ano mang harapin natin tuloy pa rin tayo kasi papaano tayo aangat kung wala tayong initiative at willingness. Hardwork lang talaga ang kailangan natin dahil kung papataypatay tayo walang mangyayare.
|
|
|
|
Insanerman
|
|
January 23, 2020, 04:39:00 PM |
|
The only basic principle that everyone should master is frugality. We all have unlimited expenses but has a limited income. Hindi natin yan dapat sinisisi sa work natin only because we are getting paid at a lower rate, then if that is the case, we should limit ourselves to an extravagant buying or spending disorder. We should live below our means.
If magtatayo naman ng business make sure na you know what you are doing and experienced what type of business you are creating. Mahirap pumasok sa business world if you have not learned or experience kung paano tumatakbo yung isang business system.
Well, in terms of financial literacy naman there are lots of Financial mentors that you can lean on sa youtube. There is chinkee tan, randell tiongson, marvin germo, arvin orubia and francis kong. I personally watched most of them and I truly learned a lot from them in terms of finance and leadership and character building.
|
|
|
|
blockman
|
|
January 24, 2020, 01:03:06 AM |
|
Idol ko yan si Marvin Germo, pinapanood ko yung mga videos niyan at yung mga ibang successful na businessman na nasa contents niya. Ito yung mga tingin ko sa mga binigay mong mga factors.
1. Mindset. Tama na magkaroon ng positibong mindset at dapat lahat ay kakayanin mo sa sinabi ni Jack Ma, totoo yan. Kasi parang sa sitwasyon natin ngayon, kapag merong problema, merong solusyon at mga oportunidad na lalabas. Katulad na lamang nung mga popular ngayon na TNVS. Nagsimula silang lahat sa problema sa ating trapiko at kaya nga din naman nagawa ang bitcoin dahil sa problema sa crisis nung isang dekada na nakararaan.
2. Skill. Marami ngayong mga tutorials paid at free sa internet at ang kailangan mo nalang gawin ay pumili at maglaan ng oras at panahon para mahone mo yung skill na gusto mo.
3. Business. Mahabang debate yung tungkol sa pagiging empleyado at pagkakaroon ng business. Pero meron talagang mga tao na para sa lang sa pagiging empleyado at takot sa risk ng pagtatayo ng business. Kasi sa pagiging empleyado merong assurance at tatanggap ka nalang ng sahod mo kinsenas o buwan buwan at meron pang mga benefits kaya ito yung gusto ng iba. Para naman sa mga open minded at gusto talagang umangat, negosyo talaga ang panlaban. Maganda rin kung kaya mong ipagsabay habang nagsisimula ka at kapag naging stable na negosyo mo pwede mo na iwan trabaho mo at mag focus nalang sa tinayo mong business.
4. Investment. Maganda na alam natin yung bitcoin kasi isa na ito sa mga investments. Pwede rin pagsamahin ang business at investment, kapag naging stable na yung business mo at may mga tauhan ka pwede na yung passive income mo doon mag manage ka nalang pero kailangan mo pa rin mag laan ng oras yun nga lang mas magiging magaan na yung ginagawa mo.
Sa bansa natin, ang mindset ng karamihan ay maging empleyado at okay na sila doon. Pero kung ikaw yung taong may pangarap at hindi ka takot sa risk o bumagsak ng pansamantala para sayo talaga ang pag nenegosyo at investments tulad ng bitcoin. At kapag natutunan mo na yung diskarte sa pagkakamali at pagbagsak mo, magbubunga lahat yan balang araw.
|
|
|
|
ecnalubma
Sr. Member
Offline
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
|
|
January 24, 2020, 01:47:41 AM |
|
Ang susi talaga sa pagyaman ay nasa tamang diskarte lang at tamang paghawak ng pera. Madaling sabihin pero mahirap iapply sa sariling buhay kaya kailangan din ng determinasyon, kahit minsan nalulubog tayo sige lang laban parin at importante rin ang lesson at desisyon pagdating financial.
|
|
|
|
Periodik
|
|
January 24, 2020, 03:50:28 AM |
|
May mga libro, seminars, talks, guides, at kung ano ano pa tungkol sa kung paano yumaman. Sa katunayan may mga nabasa na rin akong libro tungkol nito. Yumaman ba ako? Hindi. Hehe. Yung mga nakikinig ba sa mga talks, seminars, at iba pa yumaman? Maraming hindi. Yung mga speakers ba at recruiters mismo ng kung an ano ay yumaman din ba? Karamihan hindi rin. Hehe.
So siguro naman nasa tiyaga, dedikasyon, ugali, oportunidad, talino, sipag, tiyaga, swerte, at marami pang ibang factors para yumaman ang isang tao.
|
|
|
|
JC btc
|
|
January 24, 2020, 04:52:51 AM |
|
Maraming paraan talaga para tayo ay yumaman, pero tandaan po natin na hindi hadlang ang iyong status sa edukasyon para masabing yayaman ka, hindi po lahat ng mga nakatapos ng college ay yumayaman, tamang diskarte talaga sa buhay and tamang paghawak ng pera, kasi kahit anong laki ng income mo kung magastos ka ay wala din.
|
|
|
|
Wintersoldier
|
|
January 24, 2020, 05:22:22 AM |
|
Napapansin ko, kadalasan kasi sa mindset ng mga Pilipino ay maging consistent at paigtingin ang kanilang pag ttrabaho, sa madaling salita, maging consistent na empleyado ngunit hindi naman ito masama, para sa akin lang, hindi kasi ma-mamaximize ang capability natin kumite ng pera kung fix ang asset na meron tayo (Salary). Pero kung mag ti-think outside of the box tayo, investment at business ang magiging pundasyon natin para yumaman. Lalo na kung ang business income natin ay ilalagay natin sa mga matitibay na investment platforms gaya ng bitcoin at real estate.
|
|
|
|
john1010
|
|
January 24, 2020, 07:16:08 AM |
|
Ang sikreto sa pagyaman ay magkaroon ng tamang FOCUS sa ating passion, hindi man tayo literal na yumaman pero makakagawa tayo ng SIGNIFICANCE sa buhay na ito.
|
|
|
|
serjent05
Legendary
Offline
Activity: 3024
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
|
|
January 24, 2020, 07:26:56 AM |
|
Sad to say yun Kasi ang tinatak sa utak ng ating mga magulang na dapat mag aral ka ng mabuti para makakuha ka ng magandang trabaho e sa salitang yan tiyak hanggang sa paglaki NG mga Bata e pag tatrabaho ang paman ng utak nila Kaya dito marami sa atin ang babad sa trabaho kahit hindi gusto ang ginagawala nila.
Una dapat nating malaman bakit kailangang mag-aral. Isa itong daan para maestablish ang kaalaman ng isang tao. Hindi lang naman sa eskuwelahan nagtatapos ang pag-aaral. Habang nabubuhay tayo patuloy tayong nag-aaral. Bakit kailangan nating magtrabaho? Kumakain tayo araw-araw, may mga binabayaran at mga pangangailangan, ang tanong lang naman dyan kapag hindi ba tayo nagtrabaho may pantugon ba tayo sa mga panganga-ilangan natin? Mayoridad sa atin ang pinanganak na mahirap kaya kapag hindi nakapagtrabaho ay walang kakainin sa maghapon. Bakit hindi magnegosyo? May pera ba tayong pangnegosyo? Kung wala saan natin hahagilapin? Magtatrabaho tayo syempre tapos mag-iipon. Para makakuha ng magandang trabaho, kailangan nating mag-aral ng mabuti. In short, inihahanda lang tayo ng magulang natin sa mga kakailanganin para umangat ang ating buhay. Kapag nagnegosyo ka.. nagtatrabaho ka parin. Iba ang empleyado sa tinatawag na pagtatrabaho just to be clear. Ano ba ang magandang trabaho, syempre ang magmanage ng sariling negosyo. Kaya wag masamain ang mga pangaral ng magulang na mag-aral ng mabuti para makakuha ng magandang trabaho.
|
|
|
|
Sadlife
|
|
January 24, 2020, 07:31:21 AM |
|
I agree basi na rin sa experience wala talagang patutunguhan kung habang buhay lang magtatrabaho lalo na kung may pamilya although stable ang kita di ka naman makaka angat sa buhay at sa pagtanda mo i lalayoff kalang nila kasi ano mang oras kaya ka nilang palitan. Ika nga isa lang tayong disposable slaves habang yung owner ay kumikita ng milyones tayo ay kakarampot lang, kung gusto talaga nating makamit ang marangyang buhay or gusto lang makatakas sa nakakapagod na corporate work dapat tayo ay mag invest sa sarili nating business na tayo ang may hawak at control ng oras pati pera na sasahurin.
|
|
|
|
lienfaye
|
|
January 24, 2020, 11:42:48 AM |
|
Paano yumaman? Magsikap sa buhay, huwag makuntento sa kung ano ka lang ngayon. Totoo na edukasyon ang susi para magtagumpay sa buhay pero hindi sapat ang magkaron lang ng trabaho at meron kang sinusweldo.
Mas malaki ang chance na umangat sa buhay kung magtatayo ng sariling negosyo at pasukin ang pagiging investor.
Hindi ito ganun kadali pero napapag aralan naman lahat ng bagay, kailangan lang ng diskarte at tiyaga.
|
|
|
|
|