or either madali kasing mapaniwala ang mga pinoy due to lack of research at kaya nasa pinaka lowest tayo ng bansa pagdating sa reading comprehension.
Kahit sabihin natin ang bansa natin ay isa sa may mga pinakamababang reading comprehension hindi mo din sila masisi dun. Madamjng nabubulag pagdating sa pera amd ang kadalasan sa mga naloloko ng mga scam ay may kaya sa buhay, kaya pag may makikita kang news kahit mga milyonaryo naloloko din ng scam. Wala yan sa lack of research dahil ang scam at panloloko walang pinipili yan na bibiktimahin. Mas ok ng maging totoo sa sarili na wala talagang easy way to get rich para hindi ma-attract sa ganito.
Tama ka dyan, ang mga nababalitaan kong naiiscam ng malaki ay yaong mga professionals pa, like engineers, lawyer mga deans at high ranking officials. Basta tinamaan ng pagkaganid, kahit anong taas pa ng pinag-aralan, nawawala ang sense of reasoning. Like dun sa case ng kakilala ko, magulang yun pagdating sa pera pero naloko ng Php2m, pinagsabihan ko na sila tungkol dun sa scheme ng isang company, the name of the company ay GDM Finance SARL, sabi ko sa kanila na mag-ingat dahil daming negative sa internet about that company, nginingitian lang ako, tapos ngayon nagkwento yung babae na pinapahabol na nila sa abugado yung ininvest nila. Nakakalungkot lang kasi pinagsabihan na sila pero hindi pa rin nakinig.
Dapat yang company na yan ay inihahabla na at pinapasara, ang dami ng taong naloko ng mga fake news yan at paggamit ng mga kilalang tao at istasyon to entice investors para pumasok sa kanila. Kapag tumagal pa yan mas marami pang mabibiktima yang scam company na yan.