Magandang Umaga sa Inyong Lahat!
Nag iisip lang ako ng mga paraan para makatulong sa mga newbies na mag calculate ng merits at required activities para mag rank up sila, dahil narin siguro na naging katulad rin nila ako noon. Kaya naisipan kong gumawa ng merit and rank calculator galing sa idea ni
hilariousandco batay sa merit at ranking system. Bilang karagdagan, nainspire ako ni
DireWolfM14 sa ginawa niyang
topic. Bago lang ako sa programming at kailangan kong mag practice para mag improve ako, kaya sa tingin kong habang nag ccrypto, maigi din na isabay na din ang practice. Ang ginamit ko ay C# using visual studio WPF tapos nag dagdag nalang ako ng feature at UI
Makikita nyo dito na kailangan nyo lang mag lagay ng bilang ng acitivity at merit nyo tapos pindutin nyo yung start button.
Yung mga information katulad ng 'Next rank', 'Activities Required', at 'Merits Required' ay makikita, kapag negative naman yung number, ibig sabihin naabot nyo na yung kailangan na bilang ng merit or activity.
Kung marami kayong oras, maaari nyong subukan yung app sa PC: hereAt kung gusto nyo namang mas matuto ayon sa sistema ng rank at merit:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=2766177.0