Bitcoin Forum
November 16, 2024, 09:16:54 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
Author Topic: KINGDOM FILIPINA HACIENDA MONEY  (Read 251 times)
arwin100 (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 855


Jack of all trades 💯


View Profile WWW
February 09, 2020, 01:03:45 PM
 #1



Isa na namang bagong pananalapi ang naitampok sa Jessica Soho at Gaya ng Gzion meron silang sariling bangko,justice tribunal at iba pa at Ito pa kapag sumali ka ay kailangan mo magbayad ng 5k pesos which is napakalaking kahangalan para sa mga miyembro na sumali.

Ano ang masasabi nyo dito kabayan? Parami ng parami ang expose Ni Jessica Soho ah at magandang paksa ito.

Credit: photo ay kinuha sa Google.

Blackdeath
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 910
Merit: 261


★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!


View Profile
February 09, 2020, 04:32:10 PM
 #2

Sa aking palagay, isa lamang itong kalokohan nanaman tulad ng Gzion at nagpapatunay na napaka uto-uto talaga ng pilipino pagdating sa pera kaya madalas tayo naloloko ng mga ibang bansa. Para saakin dapat talaga pinalilinaw sa mga tao na nakakaranas nito na dapat silang di maniwala dito dahil isang kasinungalingan ang pinararating sa kanila nito.
jcpone
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 685
Merit: 250



View Profile
February 09, 2020, 04:46:30 PM
 #3

Napanuod ko ito sa Jesica Soho, una palang sumagi na sa isip ko na mali ito, dahil nasa republika ng pilipinas ang Iligan, hindi siya pwedeng gumawa ng ibang pera na basta basta na lamang gagamitin sa bansa natin. Tulad nga ng wakas na kwento hindi siya kinikilala ng banko sentral n legal sa illegal, dahil isipin mo kung yan ay talagang kinikilalang alternatibo na pera sa pinas dapat wala ng membership ng 5k to 7k pesos para lamang tangkilikin mo yung pera, tapos ilegal din yung vehicle plate no. na hindi kinikilala mismo ng cityhall ng Iligan, so maliwanag na isa siyang scam. Ang tanung pano siya nakalusot sa ahensya ng gobyerno na makapag-operate ng ganyan?
rhomelmabini
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2058
Merit: 578

No God or Kings, only BITCOIN.


View Profile
February 09, 2020, 06:18:05 PM
 #4

Kung hindi awtorisado ng Bangko Sentral ng Pilipinas walang silbi yang perang yan. Mga pinoy talaga mag-iimbento na lang pekeng salapi pa, I don't know kung ano rin ang nagho-hook sa iba na sumali pero one thing I am for sure is the "easy money" idea na kung bagkus tangkilikin rin ng iba o makahikayat sila ay mas lalago yung value ng pera.

Sana mahuli man kung sino yung may pasimuno ng scam na yan at sana ang pamahalaan ay mag-take action na mahinto ang ganitong gawain kasi talagang inuuto nila yung mga tao na tangkilikin ang pekeng salapi na yan.
Wintersoldier
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 966
Merit: 274


View Profile
February 09, 2020, 06:45:38 PM
 #5

Nang mapanood ko ito sa KMJS, ang sumagi sa isipan ko na mali talaga ito dahil pinakikita talaga dito na napakadaling masilaw talaga ang isang tao pagdating sa malaking halaga ng isang pera kaya natatangkilik at nauuto kaagad ang mga tao sa Filipina Hacienda sa Iligan City. Sa tingin ko, dapat mapatigil ng ating gobyerno ang mga ganitong klaseng pangyayari dahil hindi pupwedeng maging alternatibo ito sa ating Philippine Peso at hindi ito awtorisado o legal sa ating bansa.
joshy23
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1078
Merit: 256



View Profile
February 09, 2020, 07:09:57 PM
 #6

Grabe naman bago nanaman parang maharlika money na meron ding sariling banko sentral, sana lang ingat tayo at kung meron tayong kakilala or mahal sa buhay na nahuhumaling sa ganitong klase ng industriya pahalagahan natin at i-guide natin sila para makaiwas sa scam. Mapansin sana ng gobyerno natin yung mga taong nagpasimuno nito at mabigyan na kaukulang attenyon bago pa lumaki ung network at bago dumami and maloloko.
ralle14
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3374
Merit: 1921


Shuffle.com


View Profile
February 09, 2020, 08:53:05 PM
 #7

Nang mapanood ko ito sa KMJS, ang sumagi sa isipan ko na mali talaga ito dahil pinakikita talaga dito na napakadaling masilaw talaga ang isang tao pagdating sa malaking halaga ng isang pera kaya natatangkilik at nauuto kaagad ang mga tao sa Filipina Hacienda sa Iligan City. Sa tingin ko, dapat mapatigil ng ating gobyerno ang mga ganitong klaseng pangyayari dahil hindi pupwedeng maging alternatibo ito sa ating Philippine Peso at hindi ito awtorisado o legal sa ating bansa.
Pipigilan lang nila yan kapag malala na yung sitwasyon, pero sa ngayon malabo na gawan nila ito ng aksyon dahil wala namang tumatanggap nang mga ganyang klase na pera sa labas ng lugar nila.

Kung hindi awtorisado ng Bangko Sentral ng Pilipinas walang silbi yang perang yan. Mga pinoy talaga mag-iimbento na lang pekeng salapi pa, I don't know kung ano rin ang nagho-hook sa iba na sumali pero one thing I am for sure is the "easy money" idea na kung bagkus tangkilikin rin ng iba o makahikayat sila ay mas lalago yung value ng pera.

Sana mahuli man kung sino yung may pasimuno ng scam na yan at sana ang pamahalaan ay mag-take action na mahinto ang ganitong gawain kasi talagang inuuto nila yung mga tao na tangkilikin ang pekeng salapi na yan.
Tama ka, yung isang miyembro na ininterview nila binanggit gusto maging milyonaryo kaya sumali at nakakamangha yung iba umaabot ng ilang daang libo yung pinapasok na pera. Grabe yung reyna nila habang kinakausap lakas ng loob parang mananakot pa kahit obvious naman na scam.
Baofeng
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2786
Merit: 1681



View Profile
February 09, 2020, 09:26:54 PM
 #8

Kung hindi awtorisado ng Bangko Sentral ng Pilipinas walang silbi yang perang yan. Mga pinoy talaga mag-iimbento na lang pekeng salapi pa, I don't know kung ano rin ang nagho-hook sa iba na sumali pero one thing I am for sure is the "easy money" idea na kung bagkus tangkilikin rin ng iba o makahikayat sila ay mas lalago yung value ng pera.

Mahuhusay talaga tong mga to eh, ang galing umisip ng paraan para maka pangloko ng mga kapwa Pinoy. At palagay ko at tinatarget nito yung mga taong madaling mabola at yung mga kapos sa buhay dahil ito ung mabilis maniwala dahil gusto nilang magkasalapi agad at umangat ang buhay.

Sana mahuli man kung sino yung may pasimuno ng scam na yan at sana ang pamahalaan ay mag-take action na mahinto ang ganitong gawain kasi talagang inuuto nila yung mga tao na tangkilikin ang pekeng salapi na yan.

At sana kung mahuhuli eh mahuli sila na hindi pa madaming mabibiktima. Karamihan kasi kung kelan putok na putok na ang balita, marami nang naloko at saka pa lang mairereport sa autoridad at kadalasan huli na ang lahat.
arwin100 (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 855


Jack of all trades 💯


View Profile WWW
February 09, 2020, 11:45:03 PM
 #9

Nang mapanood ko ito sa KMJS, ang sumagi sa isipan ko na mali talaga ito dahil pinakikita talaga dito na napakadaling masilaw talaga ang isang tao pagdating sa malaking halaga ng isang pera kaya natatangkilik at nauuto kaagad ang mga tao sa Filipina Hacienda sa Iligan City. Sa tingin ko, dapat mapatigil ng ating gobyerno ang mga ganitong klaseng pangyayari dahil hindi pupwedeng maging alternatibo ito sa ating Philippine Peso at hindi ito awtorisado o legal sa ating bansa.

Kadalasan kasi binibiktima is yung mahihirap nating kababayan na aasang yayaman dahil madali silang masilaw sa mga mababangong salita kaya naman mainam na naitampok Ito ng KMJS at na expose ang samahan nila na nangloloko ng kapwa. At tsaka dapat umaksyon na ang sec dyan or ang bsp upang maparusahan  ang sangkot at di na pamaresan iba pa.


lienfaye
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 3024
Merit: 629


View Profile
February 10, 2020, 01:08:24 AM
 #10

Napanood ko din ito kagabi pero bakit kaya walang ginagawa ang gobyerno na sumasakop sa kanila para mapigilan ang ganito?

Kawawa lang yung mga nagpapa member at naloloko dito, useless ang pera kung hindi sya magagamit sa pagbili sa ibang lugar. Dapat mapigilan na ito habang maaga para wala na silang mauto.

Maganda rin na naipalabas ito para maging aware ang iba lalo na yung mga taga Iligan na hindi pa member na wag maniwala dahil sa huli sila lang din ang magiging biktima.
danherbias07
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3318
Merit: 1133


Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform


View Profile
February 10, 2020, 01:24:43 AM
 #11

Parang naglalaro lang ng bahay bahayan ang mga ito.
Ano ba talaga ang goal?
Freedom from their own country or para mailagay lang ang kanilang mga mukha sa pera?

Mahirap intindihin ang intensyon nila pero may mali pa din.
Kung walang tamang batas ay magiging magulo ang isang bansa.
Magiging talamak ang krimen.
Yun ang una nilang isipin muna. Sumunod sa batas at nakasaad doon kung paano magkakaroon ng value ang isang papel na pera.

In fairness, effort sa pag gawa ng pera ha at pag imprenta. Aksaya sa papel.
maxreish
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1358
Merit: 326


View Profile
February 10, 2020, 02:04:29 AM
 #12

Its not even recognized and accepted by the BSP. It just means hindi rin naman nila ito magagamit at maipambabayad sa ibang lugar maliban sa lugar nila and that is prohibited. Nasa law na hindi tayo pwedeng gumawa ng sariling "pera" natin maliban sa Peso. And to think na they are doing some networking like paying 3,000 or 5,000 pesos to join them is also insane. Magiging komplikado ito because it is against the government.

Aminado naman ang mga naging miyembro ng grupo na hindi pa nila mapalitan ang sinasabing tribal money dahil hindi pa umano ito kinikilala ng mga bangko.

Alam naman pala nila but they are still continuing to take the risks. Well, if no one will gonna warned this people magpapatuloy pa din ang kanilang pinaniniwalaan.
bitcoin31
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1834
Merit: 523


View Profile
February 10, 2020, 03:27:06 AM
 #13

Wow ano yan ginto yang pa member nila ah 5000 pesos dinaig pa ang iba, hindi ko to napanood sa KMJS kaya hindi ko masyadonv maintindihan . Pero obvious naman siguro na parang manloloko lang yang mga yan pero kung sakaling legit hindi rin yan sila magtatagal ingay tayo sa mga modus ngayon lalo na kapag kapwa Pilipino madalas kasi kung sino magkalahi nagtataluhan na eh.
cml2019
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 46
Merit: 3


View Profile
February 10, 2020, 03:29:44 AM
Last edit: February 10, 2020, 09:11:40 AM by cml2019
 #14

Kung hindi awtorisado ng Bangko Sentral ng Pilipinas walang silbi yang perang yan. Mga pinoy talaga mag-iimbento na lang pekeng salapi pa, I don't know kung ano rin ang nagho-hook sa iba na sumali pero one thing I am for sure is the "easy money" idea na kung bagkus tangkilikin rin ng iba o makahikayat sila ay mas lalago yung value ng pera.

Sana mahuli man kung sino yung may pasimuno ng scam na yan at sana ang pamahalaan ay mag-take action na mahinto ang ganitong gawain kasi talagang inuuto nila yung mga tao na tangkilikin ang pekeng salapi na yan.

Peso lamang ang pera na ginagamit para sa palitan sa loob Republika ng Pilipinas at aware tayo duon na kahit ang cryptocurrency ay may nilalabag ring panuntunan. Sa kabilang banda, ang pera na ito ay nagmula talaga sa isang grupo na mga Pilipino na nag imprenta para ibenta sa mamamayang Pilipino na nangangahulugan lamang ng paglabag at pagrerebolusyon laban sa Pamahalaan at sa Pilipinas miso. Sa tingin ko, sa ngayon ay hindi pa yan mabibigyan ng agarang lunas o aksyon pero panigurado sa hinaharap ay ipapasara yan ng Pangulo ng walang sabi-sabi.


Aminado naman ang mga naging miyembro ng grupo na hindi pa nila mapalitan ang sinasabing tribal money dahil hindi pa umano ito kinikilala ng mga bangko.

Alam naman pala nila but they are still continuing to take the risks. Well, if no one will gonna warned this people magpapatuloy pa din ang kanilang pinaniniwalaan.

Yun nga din ang isa sa mga nakakatuwang problema ng lipunan, alam na nilang mali ay gagawin pa din nila tapos isisisi sa gobyerno ang lahat. Tama iyon kabayan na balaan nalang natin ang mga nagtatangkang sumali sa ganyang klase ng scam, atleast may nagawa tayo para puksain ang ganyang klase ng panlilinlang.
arwin100 (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 855


Jack of all trades 💯


View Profile WWW
February 10, 2020, 04:15:06 AM
 #15

Napanood ko din ito kagabi pero bakit kaya walang ginagawa ang gobyerno na sumasakop sa kanila para mapigilan ang ganito?

Kawawa lang yung mga nagpapa member at naloloko dito, useless ang pera kung hindi sya magagamit sa pagbili sa ibang lugar. Dapat mapigilan na ito habang maaga para wala na silang mauto.

Maganda rin na naipalabas ito para maging aware ang iba lalo na yung mga taga Iligan na hindi pa member na wag maniwala dahil sa huli sila lang din ang magiging biktima.

May statement dun ang pamahalaan na illegal ang kanilang ginagawa at tsaka pinabulaanan ng sec na hindi  sila rehistrado sa kahit ano pang claims na ipinahahayag nila at nakakapagtaka din na bakit walang ginawa ang gobyerno sa nila to think na laganap Ito sa kanilang nasasakupan.


Wow ano yan ginto yang pa member nila ah 5000 pesos dinaig pa ang iba, hindi ko to napanood sa KMJS kaya hindi ko masyadonv maintindihan . Pero obvious naman siguro na parang manloloko lang yang mga yan pero kung sakaling legit hindi rin yan sila magtatagal ingay tayo sa mga modus ngayon lalo na kapag kapwa Pilipino madalas kasi kung sino magkalahi nagtataluhan na eh.


Follow mo Lang page ni Jessica soho at baka e upload nila dun ang video tungkol sa paksang ito at good thing talaga na natalakay Ito para hindi lumawak lalo ang kanilang panloloko. At sa tingin ko may darating pa na ganitong expose dahil tiyak talamak ang ganitong modus lalo na sa mga liblib na lugar.
ice18
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 542



View Profile
February 10, 2020, 06:03:43 AM
 #16

Aba dumadami na to ah hindi ba nila alam na yung lupang tinatapakan nila e Pilipinas at kung naandito sila sa bansang ito iisa lamang ang pwedeng gamitin na pananalapi kundey ang PHP lamang at wala ng iba kung ipambayad nila yan sa ibang lugar isang malinaw na panloloko at kailangan makasuhan yan either fraud or kung anumang case na pwede isampa sa kanila, ang pinagtataka ko lang bakit maraming ato ang nahihikayat sumali at magbayad ng registration fee na 5k ata? grabe malinaw na SCAM talaga to. 
Vaculin
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2968
Merit: 613


Winding down.


View Profile
February 10, 2020, 08:57:18 AM
 #17

Another big scam in the making, obviously that would likely be the result of this investment.
To become a member you need to pay ...  I don't need to read all the details, that alone I am already convince that it's a scam.
arwin100 (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 855


Jack of all trades 💯


View Profile WWW
February 10, 2020, 09:24:20 AM
 #18

Aba dumadami na to ah hindi ba nila alam na yung lupang tinatapakan nila e Pilipinas at kung naandito sila sa bansang ito iisa lamang ang pwedeng gamitin na pananalapi kundey ang PHP lamang at wala ng iba kung ipambayad nila yan sa ibang lugar isang malinaw na panloloko at kailangan makasuhan yan either fraud or kung anumang case na pwede isampa sa kanila, ang pinagtataka ko lang bakit maraming ato ang nahihikayat sumali at magbayad ng registration fee na 5k ata? grabe malinaw na SCAM talaga to. 

Parami ng parami at ay thing mas marami pang kabulastugan ang ma expose dahil naunahan na Ito at sana naman making ung mga tao doon dahil nilinaw ng BSP na walang ibang makakapag issue ng currency notes Kung di sila lang ung gumagawa ng sariling pera at illegal at walang halaga at Ito pa mas Mahal pa ang currency nila kaysa sa peso at Isa itong napakalaking kabulastugan.


mk4
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 3881


📟 t3rminal.xyz


View Profile WWW
February 10, 2020, 09:59:35 AM
 #19

Typical ponzi scheme, na gumamit lang ng ibang pakulo para makapagloko pa ng mga tao. Pruweba lang na gagawa at gagawa ng ibat ibang paraan para maka-kumbinse ng masa ung mga scammer. Bitcoin lang ang bagong form of money na possibleng maging successful at profitable in the long term. Hindi ung mga ganitong pera na may central authority na binebenta lang na parang produkto.
peter0425
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 2842
Merit: 458


DGbet.fun - Crypto Sportsbook


View Profile
February 10, 2020, 10:20:31 AM
 #20

napanood ko nga yan kagabi kaya sabi ko sure na may Gagawa ng Thread tungkol dito at eto na nga  Grin

hanggat maraming taong hindi pa din tinatanggap ang makabagong teknolohiya sa kanilang buhay,mananatili ang mga ganitong pambibiktima.hanggat hindi natutuklasan ng mga tao na ang nagpapanggap na gusto tumulong ay madalas sya ang manloloko ay hindi talaga to matatapos.

dapat na talagang ma adopt ng mga tao ang cryptocurrencies lalo na ang Bitcoin para sa mas makatarungang investment at pag gamit ng technolohiya.
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!