Obvious naman na Yobit lang ang dahilan bakit sumobra ang activities ng Local natin lalo na nung Pinayagang Bilanging Post ang Local posting kaya halos lahat ng account dito tumambay para ma madaling mag post .
though sana kahit wala ng campaign ay maging active pa din sa posting kahitisa or dalawang post lang a day lalo na sa mga thread na meron naman talaga silang maitutulong.
.
Totoo naman na mas nakakagana mag post kapag may incentives kang matatanggap once na gawin mo ito, kumbaga yung effort ay sulit. Pero syempre hindi rin naman pwede na pilitin sila mag post kahit walang sig campaign na sinalihan tsaka ang iba kasi satin nagbabasa lang. Sana bumalik sa dating sigla ang local na hindi yung mga active lang ang makikitang nag uusap sa isang topic.
Tama ka, we cannot force them na magpost dito sa local board. Karamihan sa mga member dito ay may mga ibang inaasikaso sa buhay at naghahanap kung paano madadagdagan ang mga panggastos sa araw-araw. Maliban dyan, iilan lang din naman ang mga interesanteng topic na nagagawa dito sa board natin at most of the time ang mga naunang nagreply ay nasasabi na lahat halos ng mga kailangang sabihin or information na dapat iparating. Rather than repeating ang mga sinabi ng mga naunang nagreply (unless hindi nagbabasa ang mag-rereply and just to comply for the needs na makapagpost) nagbabasa na lang.
With regards sa pagiging active ng forum during the yobit campaign, daming spam post na nangyari noon, paulit-ulit na sagot para lang mabilang. Minsan pa nga non-sense talaga ang mga sagot at tipong mema lang. Ganoon ba ang gusto nating mangyari? Dumami ang active sa pagpost dito sa board na inuulit lang naman ang sinasabi ng mga naunang post?