Kung matatandaan natin, naglabas sila ng final recommendation noong 2019 sa mga kasapi nitong bansa para labanan ang money laundering. Isa na dyan ang
Travel Rule - yung policies na dati ay para lang sa mga financial institutions (kagaya ng bangko) ay gagamitin na din sa mga palitan ng crypto.
Bago tayo tumuloy, bigyan linaw muna natin ang ibang terms:
- FATF (Financial Action Task Force) - an intergovernmental organization founded in 1989 on the initiative of the G7 to develop policies to combat money laundering. In 2001 its mandate expanded to include terrorism financing. Source
- VASPs (Virtual Asset Providers) - Includes crypto exchanges and custodial wallet providers
Ano nga ba ang layunin ng Travel Rule?Ayon sa
FATF guideline (paragrap 7b), ang bawat VASPs ay kinakailangan kolektahin at ipagalam sa kinauukulan ang iba't ibang mga datos ng mga magpapadala at yung papadalhan ng virtual assets. Kabilang na dyan ang mga sumusunod
- Pangalan, address, account number/wallet address, ID at iba pang pagkakakilanlan ng nagpapadala
- Pangalan at account number/wallet address ng papadalhan
Kung mapapansin ninyo, hindi na ito KYC-level data gathering lang. Kung sakaling ibang tao ang papadalhan mo, kailangan mo din i-disclose kung sino ito. Hindi ko makita sa mismong guidelines pero may nababasa akong articles na ang threshold ay $1,000 pataas.
Kelan ipapatupad ang Travel Rule?Naatasan ang mga
37 countries na kasapi ng FATF na sumunod sa alituntunin isang taon mula noong ito ay malathala. Bale halos walong buwan na ang nakakalipas at meron na lang silang apat na buwan para mag-set ng kani-kanilang policies na naayon sa travel rule.
Ano ang epekto nito sa atin?Sa kasalukuyan, bawat palitan at custodial wallets (i.e. coinsph) na alam ko dito ay may kanya-kanyang KYC policy na pero dahil hindi pa naman kasali ang Pinas sa mga bansang bumubuo sa FATF, hindi na kailangan sumunod. Ibig sabihin, hindi na kailangan ipaalam pa kung kanino tayo magpapadala.
Hindi ko nga lang masabi kung mananatiling ganito dahil nagkaroon ng pagpupulong ang IMF at ang ating Bangko Sentral noong nakaraang taon kung saan iminungkahi na mangolekta ng exchange data ang BSP. (Para sa hindi nakakaalam, ang G7 na siyang nagpalabas ng travel rule ay kasapi din ng IMF)
The data should indicate both the country of origin and destination of the funds transacted, it noted and would be most useful if it were broken down to reveal the parties involved in transactions between individuals, financial and non-financial corporations.
Labanan na ito ng privacy/anonymity at regulation pero mukhang wala tayong magagawa kung sakaling sumunod ang BSP sa mungkahi ng IMF dahil maliban sa peer-to-peer, wala ng ibang palitan dito na pwede ang crypto-fiat or vice versa at hindi kokolektahin ang personal info mo. Naisip ko din na parang nagpapadala ka lang ng pera gamit ang traditional remittance centers gaya ng WU, LBC, at iba pa.
References:
https://cointelegraph.com/news/governments-begin-to-roll-out-fatfs-travel-rule-around-the-globehttps://cointelegraph.com/news/imf-urges-philippines-central-bank-to-collect-crypto-exchange-datahttp://www.fatf-gafi.org/media/fatf/documents/recommendations/RBA-VA-VASPs.pdfhttp://www.fatf-gafi.org/about/membersandobservers/https://en.wikipedia.org/wiki/Financial_Action_Task_Force_on_Money_Laundering