Bitcoin Forum
November 09, 2024, 06:17:27 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
Author Topic: Paolo Tomenes, famous pinoy sneaker YouTuber, nahack ang YouTube account  (Read 355 times)
mk4 (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 3881


📟 t3rminal.xyz


View Profile WWW
February 22, 2020, 06:06:22 PM
Last edit: February 24, 2020, 12:34:53 PM by mk4
 #1

Nakasubscribe na ako sa taong to mula nung sobrang baba palang ng subscriber count nya nya, at sumikat sya dahil sa ukay-ukay sneaker hauls niya. Well, pagkauwi ko galing lakad, naisipan ko lang mag YouTube sandali, at ito agad ang bumungad saakin sa subscriber's list ko:


https://www.youtube.com/channel/UCD8lbDbN-cVsmj6YcyrPPOA/featured

The typical YouTube live scam, na chances are, ipapa enter sayo ung recovery seed ng crypto wallet mo. In this case, Exodus. Along with that, deleted(or hidden) ang lahat ng YouTube videos niya. Sana hidden lang; at kung deleted man, sana may backups siya.

Anyway, share ko lang naman just if ever may subscribers siya dito sa Pilipinas section. So far wala pa siyang mensahe sa Facebook page niya concerning itong incident. Update(1 week na pala): https://www.youtube.com/watch?v=dZdgX8P8Iy4



EDIT: nakuha na ulit niya dati niyang YouTube account pati narin mga dating videos: https://www.youtube.com/watch?v=5xXHg7DZ1pc
bL4nkcode
Copper Member
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2142
Merit: 1307


Limited in number. Limitless in potential.


View Profile
February 22, 2020, 06:38:33 PM
 #2

Not familiar sa youtuber na to, but for sure pag na hack youtube account niya, means pati yung google account associated with that account is compromised, mas malala if the same email ang gamit niya related sa personal and financial information.

Well, this is an obvious hack at maraming may alam na mga subscribers, sana nga lang walang na scam.
I wonder bat kayang ma access ang gmail accounts if by default may sms 2fa ito when trying to log in sa mga new at unauthorized device, not sure base sa ip din.

mk4 (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 3881


📟 t3rminal.xyz


View Profile WWW
February 22, 2020, 06:43:26 PM
 #3

*snip*

As far as I know pwede naman atang walang SMS number na connected sa Google account ng isang tao? Might be the case na inalis nya "para di hassle" or something like that. The typical learn the hard way pag security ang pinag uusapan.

One thing's for sure, may fuck up siya somewhere kasi di lang naman basta basta nagkaka access mga hackers at scammers sa Google accounts ng basta basta lang. 99.9% chance na user error talaga.
serjent05
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3024
Merit: 1280


Get $2100 deposit bonuses & 60 FS


View Profile
February 22, 2020, 07:24:12 PM
Last edit: February 22, 2020, 08:32:57 PM by serjent05
 #4

It is also possible na binenta ang account, tapos ang kontrata ay hindi sasabihin sa mga tao para hindi mawalan ng gana ang mga subscriber.  It is just an assumption, pero hindi natin maalis ang angulo na iyan aside sa sinabi ni mk4 na nahack nga ang account. Posible ring na strike for copyright infringement ang mga video nya kaya natakedown.  Anyway, malalaman natin yan once na magupdate na ang may-ari ng account.



update:

While browsing,  nakita ko na trend pala ang ganitong klaseng hacking sa youtube, check it on reddit  



rhomelmabini
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2058
Merit: 578

No God or Kings, only BITCOIN.


View Profile
February 23, 2020, 02:44:23 AM
 #5

Well talagang trend ngayon mga yan kasi papalapit na naman yung bull season, hackers really are the most updated individuals in crypto space. Just recently may na hack na isang gaming channel sa YT at ipinangalan ito sa Coinbase I guess you've already heard of it. Mayroon din akong nakita dati na nag live sila with the name of the channel to XRP naka live lang tapos sa description may link na they want to airdrop XRPs and upon seeing it I really think that's scam attempt.
bL4nkcode
Copper Member
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2142
Merit: 1307


Limited in number. Limitless in potential.


View Profile
February 23, 2020, 10:38:23 AM
 #6

As far as I know pwede naman atang walang SMS number na connected sa Google account ng isang tao? Might be the case na inalis nya "para di hassle" or something like that. The typical learn the hard way pag security ang pinag uusapan.
Ah, okay, na try ko tanggalin, pwede nga. If ganun, talagang hindi priority ang security sa mga ganyang tao, or just na annoyed lang sila sa mga ganyang extra na gawain.

One thing's for sure, may fuck up siya somewhere kasi di lang naman basta basta nagkaka access mga hackers at scammers sa Google accounts ng basta basta lang. 99.9% chance na user error talaga.
It's either phished or stolen device or something similar na naka access sa account niya.
abel1337
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 1145


Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI


View Profile WWW
February 23, 2020, 11:04:06 AM
 #7

Subscriber ako ni Paolo Tomenes and I got shocked from what happened. He is one of my favorite uprising sneaker vloggers that I subscribed and I hate the feeling of his account getting hacked and may be sold to exodus wallet, Di ko alam kung ano o sino ang naghack kasi possible na binenta ng hacker yung account sa exodus wallet, Pwede din mismong exodus wallet admins ang nag hack ng account or maybe paninira ito sa exodus wallet for hacking Youtube accounts with big subscriber.

Nalaman ko din na may iba pang biktima itong hacker na youtubers dito sa pinas at meron din sa ibang bansa according sa vlog ni Paolo.

I feel bad na wala na yung vlogs niya dati kasi dinelete ng hacker at sobrang nakakasura kasi naka plano ko palang panoorin ang ibang videos niya dun. I'm a sneaker fan also kaya nang hihinayang ako masyado sa contents niya.

Medyo malaki din ang chance na kapwa pinoy lang ang hacker kasi if I based it to the youtube channel name as of now. Tagalog ang language niya and it seems nag totroll din ang hacker.



mk4 (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 3881


📟 t3rminal.xyz


View Profile WWW
February 23, 2020, 11:20:45 AM
 #8

Subscriber ako ni Paolo Tomenes and I got shocked from what happened. He is one of my favorite uprising sneaker vloggers that I subscribed and I hate the feeling of his account getting hacked and may be sold to exodus wallet,

Same. Nanonood ako minsan ng vlogs niya bago matulog, pero hindi ko nalang napansin na parang angtagal na atang di nag upload, tapos bigla kong nakita ung Exodus thingy. Yun nga lang, mukha sigurong hindi tech-savvy si Paolo kaya may nag take advantage sakanya. Based sa YouTube video sa bagong acconut niya may pinainstall daw ung isang "endorser". Oh well. Learn the hard way.

Ang nakakapagtaka pero sakin, bakit siya gumawa ng bago? Kahit sabihin nating dinelete siguro ung luma niyang vids, bakit hindi nya narecover ung lumang account? Pero ang explanation niya sa video niya nag-change ownership daw ung YouTube channel niya. Not sure how YouTube channels work so no comment. Sobrang sayang ung subscriber count niya. So many questions. Gusto ko sanang kausapin at payuhan pero sa sobrang daming followers malabo na.  Cheesy
Baofeng
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2772
Merit: 1680



View Profile
February 23, 2020, 12:31:18 PM
 #9

Subscriber ako ng batang to kasi sneaker head din ako (Big Boy Cheng, Carlo Ople anyone?  Grin).

Sa tingin ko kaya na hacked ang account ng kahit sinong youtuber ay dahil sa phishing. At kung meron man silang 2FA, kaya itong i bypass ng mga hackers, gamit tong Modlishka. Hindi ko sina suggest na pang aralan nyo to, baka ma disgrasya rin kayo. So pwedeng pagka hack, pasa o benta agad ung youtube channel nya sa iba, or gamitin mismo ng hacker para sa sarili nilang kapakanan, sa kaso na to nakawin ang crypto natin.

Off-topic, mukhang maraming sneaker heads dito pala sa tin.  Smiley
samcrypto
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 2044
Merit: 314


Vave.com - Crypto Casino


View Profile
February 23, 2020, 01:22:38 PM
 #10

Not a tambay of youtube pero nangyari na itong case sa maraming youtube account and for a good youtuber like him Prone talaga sila sa mga ganto since maraming subscribers and mataas ang chance na maraming makapanood ng scam video na ito. Hopefully gumagana ng husto yung report button ng youtube para madown agad yung video if hanggang ngayon ganun paren.
mk4 (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 3881


📟 t3rminal.xyz


View Profile WWW
February 23, 2020, 03:20:23 PM
 #11

Subscriber ako ng batang to kasi sneaker head din ako (Big Boy Cheng, Carlo Ople anyone?  Grin).
Off-topic, mukhang maraming sneaker heads dito pala sa tin.  Smiley
🙋🙋 Mga ka-bisyo.

Sa tingin ko kaya na hacked ang account ng kahit sinong youtuber ay dahil sa phishing. At kung meron man silang 2FA, kaya itong i bypass ng mga hackers, gamit tong Modlishka.
Based sa video niya sa bagong channel nya(MY YOUTUBE CHANNEL GOT HACKED(WHAT HAPPENED?)) may pinadownload daw. Pero hula ko hindi lang ung pagdownload at pag install ung fuck-up ni Paolo unfortunately.

Anyway, kahit sa mga hindi sneakerhead dito, I suggest watching ung video niya na nilink ko^. Nakakabilib lang ung positivity niya kahit ganun ung nangyari sakanila.
finaleshot2016
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 1778
Merit: 1009


Degen in the Space


View Profile WWW
February 23, 2020, 05:46:49 PM
 #12

*snip*
As far as I know pwede naman atang walang SMS number na connected sa Google account ng isang tao? Might be the case na inalis nya "para di hassle" or something like that. The typical learn the hard way pag security ang pinag uusapan.
Bago tayo makagawa ng Google account, nagrerequire ng SMS number para sa verification ng account bago magproceed. Pero bakit kaya niya tatanggalin yun kung for security purposes naman ang dulot nung SMS.

Anyways, napapanood ko siya minsan kapag napapadaan sa home ng YT ko. Nakakalungkot kasi yung 300k+ subs na pinaghirapan niya, nawala nalang agad tas ibang tao na makikinabang. Kaya nga kahit yung google account ko, may 2fa at SMS kahit nakakatamad kapag maglologin sa ibang IP, tinitiis nalang kasi for the sake of security naman. And malaking bagay din yung recovery email, kaya dapat meron din tayo non.

Dapat iba din yung business email sa email ng ginagamit for youtube. Yung ibang youtuber kasi, ibang email ang ginagamit talaga lalo na for public use.
Asuspawer09
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1820
Merit: 436


View Profile
February 24, 2020, 02:56:50 AM
 #13

Anong Nangyari sa Youtube Account Nya sayang ang mga videos Matagal ko na itong pinapanood lalo na mga vlogs ni PaoloTomenes(what up mga boss)
Buti nalang narecover pa ni Boss ang account niya  Lips sealed Lips sealed

Grabe uso narin pala ang hacking sa youtube, medjo tagilid din tong exodus wallet nagpopromote ng kanilang wallet gamit ang hack na account pano may gagamit niyan kung galing sa hack ang pinagpromotetan...
Binura pa mga video ni bossss....
mk4 (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 3881


📟 t3rminal.xyz


View Profile WWW
February 24, 2020, 03:25:06 AM
 #14

Grabe uso narin pala ang hacking sa youtube, medjo tagilid din tong exodus wallet nagpopromote ng kanilang wallet gamit ang hack na account pano may gagamit niyan kung galing sa hack ang pinagpromotetan...

Hindi Exodus mismo ang nagppromote ng serbisyo nila sa hacked YouTube accounts. Mga scammers ang nagppromote ng altered version ng Exodus wallet software para manakaw nila ung private keys ng mga biktima.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655


View Profile
February 25, 2020, 04:55:13 PM
 #15

Pina-nuod ko ng onti yung video and makikita mo talagang kawawa sya, wala syang ka-alamalam na nahack sya and hindi din nya alam kung ano itong "Exodus Wallet" na ito. For the past months akala ko na gumagawa lang sila ng Youtube channels ng sarili nila and to impersonate some other Youtube channel para mapang-loko ng tao yun pala nang-hahack na din sila. Aminado naman sya sa video nya na may faults din sya and parang ngayon lang nya na-realize na may na-download ata syang malware which leads me to think na hack nga din talaga ito. Sana magsilbing babala na din ito para sa mga content creators, influencers, and even celebrities na pwede na maging target sa ganito kasi mukha ang strategy nila is to attract this people to download or endorse something in exchange for cash. Siguro dapat tayo din maging aware na sa mga ganitong stilo sa internet kasi wala naman pinipili itong mga hackers na ito.
Dabs
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3416
Merit: 1912


The Concierge of Crypto


View Profile
February 25, 2020, 07:06:46 PM
 #16

I haven't watched his videos, pero pwede nga walang number associated with your google / youtube account, and as long as 2FA is activated, that is actually safer as the hackers can not attempt to control the account through a sim swap attack or use the mobile number connected to the account.

Yung sarili kong personal accounts, walang mga number, pero lahat naka activate ang 2FA, so you need to use the codes. Google will not help you recover the accounts if you don't have the codes and you forget your password.

I do this with new google accounts that I create, also so you can log in from any ip address without restrictions.
blockman
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 3094
Merit: 629


Vave.com - Crypto Casino


View Profile
February 25, 2020, 11:42:48 PM
 #17

Napanood ko sa bagong channel niya at inexplain niya yung nangyari. Na-gets ko na agad yung nangyari sa kanya kasi may dinownload pala siyang software na nirequire sa kanya sa email ng scammer na yun na nagpakilala siguro na mags-sponsor sa mga videos niya or known as advertiser.
Trend yan ngayon ng mga scammer kaya pala maraming naloloko sa mga pa giveaway livestream na ginagamit pangalan ng Binance at iba pang kilalang service dahil sa malaking bilang ng subs nila, ganito pala ginagawa nila.
Ok naman na ulit at nabalik na sa kanya account niya na may 360k+ subs.
Ailmand
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1274
Merit: 519


Coindragon.com 30% Cash Back


View Profile
February 26, 2020, 08:09:15 AM
 #18

May nabasa akong na marami nga raw na may youtube channel ang na hi-jack at ginagamit itong bagong paraan para makapang scam sa crypto. Yung iba nag eedit ng mga crypto related na video tas naglalagay ng live video feed sa gilid at nagpapainvest ng either ETH, BTC, o kahit anong crypto pa at dodoblehin ang balik. Maging maingat at humahanap ng makabagong paraan ang mga scammer para makapang loko dahil karamihan ng tao ay aware at cautious na sa mga lumang modus sa crypto.
Rodeo02
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1302
Merit: 577


avatar and signature space for rent !!!


View Profile
February 26, 2020, 11:32:44 AM
 #19

Followers ako neto siya ung mga video tungkol sa mga murang sapatos tapos pagiikot sa mga tyangge.

Napansin ko din ung exodus nayun tapos parang nag live ung account niya tapos popup nga yang exodus akala ko naman promoter na siya ng exodus or may background na siya sa crypto.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655


View Profile
February 26, 2020, 08:06:22 PM
 #20

May nabasa akong na marami nga raw na may youtube channel ang na hi-jack at ginagamit itong bagong paraan para makapang scam sa crypto. Yung iba nag eedit ng mga crypto related na video tas naglalagay ng live video feed sa gilid at nagpapainvest ng either ETH, BTC, o kahit anong crypto pa at dodoblehin ang balik. Maging maingat at humahanap ng makabagong paraan ang mga scammer para makapang loko dahil karamihan ng tao ay aware at cautious na sa mga lumang modus sa crypto.

Mabilis ng ma-take down yung mga video na yun lalo na kapag live kasi madami na ding nagrereport sa mga scam na yun, isa na ako dun. Minsan may nagpost sa scam accusation thread about dito and within a matter minutes na-takedown kaagad yung live streaming ng channel. Yung masama talaga dito is yung mga nangyayaring hi-jacking ng mga Youtube channels which base naman sa mga news madami nga sila, madaming content ang nawawala and pera din kasi mga ilang Youtubers dito at ito lang ang kabuhayan nila. Siguro dapat ang gawing nalang ng Youtube is to make them aware that there are certain scams/hacks on going in there website para mabawasan na din yung mga scam streaming na nangyayari sa Youtube.
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!