Nakasubscribe na ako sa taong to mula nung sobrang baba palang ng subscriber count nya nya, at sumikat sya dahil sa ukay-ukay sneaker hauls niya. Well, pagkauwi ko galing lakad, naisipan ko lang mag YouTube sandali, at ito agad ang bumungad saakin sa subscriber's list ko:
The typical YouTube live scam, na chances are, ipapa enter sayo ung recovery seed ng crypto wallet mo. In this case, Exodus. Along with that, deleted(or hidden) ang lahat ng YouTube videos niya. Sana hidden lang; at kung deleted man, sana may backups siya.
Anyway, share ko lang naman just if ever may subscribers siya dito sa Pilipinas section.
So far wala pa siyang mensahe sa Facebook page niya concerning itong incident. Update(1 week na pala):
https://www.youtube.com/watch?v=dZdgX8P8Iy4
EDIT: nakuha na ulit niya dati niyang YouTube account pati narin mga dating videos:
https://www.youtube.com/watch?v=5xXHg7DZ1pcMabuti naman at narecover na niya ang account niya. Para sa akin napakahirap palaguin ng youtube account. Napakahirap magpadami ng subscribers pati na rin napakahirap umisip ng gagawin mong video para magustuhan ng marami pati kumita ka. Ayon lang naman ito sa experience ko.
Sa kabilang banda, mabuti at alam mo na scam ang exodus dahil kung hindi, maaring nagclick ka dito dahil sinusubscribe mo ang account/taong iyon at baka nascam ka din.