|
February 24, 2020, 04:07:01 PM Last edit: March 02, 2020, 02:45:09 PM by katherinediwa |
|
Malinaw na Pangangalaga [Transparent Custody] kumpara sa Pangatlong Partidong Pangangalaga [Third Party Custody]
Ang Kalinawan [Tansparency] ay ang pinaka importanteng bahagi ng blockchain technology. Sa kasamaang palad, kahit na ito ay nag-a-upgrade palagi hindi pa rin ito perpekto.
Bawat tao, na nagpapanatili ng kanilang coins sa isang pribadong pitaka [private wallet] sa halip na sa mismong palitan [exchange] ay takot na mawala ang mga ito. Kung magyari nga ito, walang paraan na maibalik ang mga coins at ang mga gumagamit [users] ay mawawalan ng access sa bawat pondo [funds] na nakaimbak doon.
Sa kabilang banda, kung panatilihin mo ang iyong coins/mga pondo/pera sa mismong palitan [exchange] wala ka namang access sa iyong pribadong susi [private keys]. Ang pitaka [wallet] ay nasa ilalim ng buong kontrol ng palitan [exchange] at ng mga taong namamahala dito. At gaya nga ng sinasabi ng lolo ko noon “Hindi iyo ang susi, hindi iyo ang Bitcoins”. Pagpalain ng Diyos ang kanyang kaluluwa.
Ang mga palitan [exchange], kung saan ang mga gumagamit [users] ay walang access sa kanilang pribadong susi [private keys], ay tinatawag na “Pangatlong Partidong Pangangalaga” ["Third Party Custody"]
Bilang resulta ng naturang solusyon, nasaksihan na natin ngayon ang maraming atake ng mga hacker sa mga palitan na nagdulot ng pagkawala ng pera ng mga tao. Binuksan din nito ang isang backdoor para sa pagmamanipula sa merkado (Ang palitan [exchange] ay may access sa coins/mga pondo ng kanilang users at ma-aaring maka-apekto sa presyo at sa merkado).
Palitang [Exchange] may Pangatlong Partidong Pangangalaga [Third Party Custody] Gaya ng nasabi ko kanina, ang Pangatlong Partidong Pangangalaga [Third Party Custody] ay hindi nagbibigay ng access sa pribadong susi [private keys]. Pero… Ito ay nagbibigay ng malaking kalamangan - maaari mong maibalik ang access sa iyong account na nawala o nakalimutan mo ang password.
Saka, ito ay komportable sa trading, ang iyong mga coins at pondo ay nasa isang lugar kung saan ito ay madaling pamahalaan.
Pero… Kapag ang palitan ay namaalam na (sa ilalim), ang iyong pondo ay mamama-alam na rin.
At heto pa ang isang importanteng panuntunan “WAG ITAGO ANG LAHAT NG IYONG COINS SA PALITAN [EXCHANGE]”!
Palitang [Exchange] may Malinaw na Pangangalaga [Transparent Custody] Ang Malinaw na Pangangalaga [Transparent Custody] na pitaka [wallet] ay nagbibigay ng buong kontrol sa iyong mga pondo [funds]. Ang may-ari [user] ng pitaka [wallet] ay ang tanging tao na may access sa kanyang pribadong susi [private keys] at mga pondo [funds] sa pitaka [wallet] at ang palitan [exchange] ay may permiso lamang na gamitin ito kapag ikaw ay nag-trade. Ang iyong mga pondo [funds] ay ligtas pero ang systemang ito ay may mga isyu rin, kung mawalan ka ng access sa iyong pitaka [wallet] (nawalang password, naburang mga file ng seguridad, nasirang cellphone) hindi mo na na ito maibabalik pa. Kaya naman napaka-importanteng itago ang inyong mga pribadong susi [private keys] sa isang ligtas na lugar. Ang ilan sa mga palitan na may malinaw na pangangalaga [transparent custody] ay ang BBOD at DIGITEX.
Sa kasalukuyan, 90%, (o higit pa) palitan [exchange], ay base sa Pangatlong Partidong Pangangalaga [Third Party Custody] na teknolohiya, kung saan malamang alam na ng lahat. Sa opinyon ko, ang mga palitan [exchanges] kagaya ng Binance, Bitbay, Bitmex at iba pa na kaya pa ring manakawan at hindi pa rin kayang masigurado ang proteksyon ng mga data ng mga gumagamit [users], ay maaaring maging isang bagay ng nakaraan na lamang sa malaot madali.
Sa kanilang pagkawala ang mga bagong palitan [exchanges] na may Malinaw na Pangangalaga [Transparent Custody] na teknolohiya ay darating at papalitan sila. Ito ang natural pagkakaayos ng mga bagay.
Ano ang inyong opinyon guys? Huwag mag-atubiling pag-usapan ang paksang ito!
|