Marami pa maapektuhan nito lalo na ang mga laro na pisikalan.
MMA, boxing at kung ano ano pa.
Masakit para sa NBA to. Babagsak ang kita. Malamang ay may hinahanda na din sila na bagong form ng season para next year.
Baka matuloy na yung maikling season lang since mahihirapan na sila sa budget sa nawalang profit nila ngayong taon.
Lintik talaga na virus yan.
Sana lang ay masolve na agad. Pati dito sa atin ay may panic buying na.
Pati ako napahanda na ng mga necessities for 3 weeks.
Tama. hindi lang NBA kundi pati ung mga sports na marami rin ang tumatangkilik, sa nangyayari kasi ngayon kailangan maingatan ang mga tao.
Yung mga arena or yung mga dausan ng mga activities na yan kailangan mapa iwasan muna.
Ayaw man nating mga fans at manunuod pero para wag ng lumala pa kailangan itigil muna pansamantala.