Bitcoin Forum
May 03, 2024, 12:12:21 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Lahat ng gusto ninyong malaman tungkol sa BTC futures ngunit natatakot itanong!  (Read 327 times)
cryptoaddictchie (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2072
Merit: 1315



View Profile
March 15, 2020, 09:38:08 AM
Merited by fillippone (5), Maus0728 (3), 1miau (2), plvbob0070 (2), crwth (1), DdmrDdmr (1), cabalism13 (1)
 #1

Ang post na ito at pagsasalin ng  ginawang topic ni fillippone patungkol sa btc futures. Everything you wanted to know about BTC Futures but were afraid to ask! salamat sa atin kaibigan sa pagbabahagi ng isang napakagandang topicat sana ay inyo din magustuhan ang aking pagpapaliwanag.




Nang mailunsad na ang Bakkt Futures, napansin ko na karamihan sa mga users dito sa forum ay nagtatanong or naguguluhan kung ano nga ba talaga ang futures at ang konsepto nito na talaga naman ikinalilito ng marami. Gagawin ko sa abot ng aking mamakaya upang ipaliwanag o bigyan ng solusyon ang mga bagay na hindi malinaw patungkol dito sa pinaka simpleng pageexplika. Magbibigay din ako ng mga halimabawa na ginagamit ito sa reyaledad na sitwasyon gamit ang Bakkt at CME bitcoin futures.

DEPINISYON NG FUTURES
Ang futures ay binubuo ng mga kontratang pinansyal na inuobliga ang mga mamimili (mga nagbebenta) na bumili (magbenta) ng mga propyedad o bagay na may halaga (na pinagbabatayan kung may halaga) , katulad ng isang pisikal na kalakal o isang pinansyal na instrumento at mga posibilidad na hinaharap na petsya at presyo.

Tignan ang halimbawa sa baba:



Kung ako ay bibili ng BAKKT future sa halagang 7,942.5, at ang pagtatapos ng kontrata nito ay sa Oktubre 17, 2019. Mayroon akong obligasyon na bilhin ang isang buong BTC mula sa Bakkt Warehouse sa presyong naka Dolyar 7942.5. Ang aktwal paghahatid ng future ay maisasagawa sa sumunod na araw ng Oktubre 18, 2019. Ibig sabihin maari ko itong ikalakal hanggang Oktubre 16, 2019 lamang.

Katulad ng pagbili, ay ganun din kung ako ay magbebenta ng   BAKKT future sa halagang 7,942.5, at ang pagtatapos ng kontrata nito ay  sa Oktubre 17, 2019. Malinaw na ako ay obligado na magbenta ng isang buong bitcoin mula sa Bakkt Warehouse hanggang Oktubre 16, 2019.

Ang sumusunod na imahe ay ang mga detalye nf lahat nh importanteng petsa para sa future.



FTD (First Trade Date): paunang petsa na maaaring ikalakal ang mga kontrata ng future.
LTD (Last Trade Date): huling petsa na maaaring ikalakal ang mga kontrata ng future.
FND (First Notice Day): unang petsa kung saan ang merkado ay maaari ng ipaalam sa isang holder kung ito ay puwede ng pumwesto para sa long(pagbili) future ng mga propyedad or mahahalagang bagay (bitcoin sa kasong ito), ito rin ang unang petsa kung saan ang merkado ay pinagbibigay alam sa mga short (pagbenta) holder na maaari na nilang ipadala ang kanilang propyedad sa puntong iyon.
LND (Last Notice Date): ito ang huling petsa kung saan ang merkado ay maaaring iorder or isagawa ang mga detalyeng nabanggit sa itaas.
FDD (First Delivery Date): unang petsa kung saan ang merkado ay maaari ng ilipat sa posisyon ng future long(pagbili) ang mga kabuuang propyedad sa naturang lugar.( sa kasong ito, ay ang bitcoin sa Bakht warehouse).
LDD (Last Delivery Date): katulad rin ng FDD, ito naman ang kahulihang petsa kung saan ang merkado ay maaari ng ilipat ang future long(pagbili) posisyon ang mga kabuuang propyedad sa naturang lugar.( sa kasong ito, ay ang bitcoin sa Bakht warehouse). Aking uulitin, sa kasong ito ng FDD AT LDD ay parehas silang nagtutugma.
FSD (Final Settlement Date): ito ang panghuling petsa kung kailan ang mga naibayad sa pagitan ng future na posisyon ng mga holder at ng merkado ay naisaproseso.

Ang mga kontrata ng futures ay dinedetalye ang kalidad at kabuuan at ang mga importansya ng mga propyedad; ito ay kinakailangan na alinsunod sa pamantayan sapagkat ang mga ito at kinakalakal sa merkado. Mahalaga na ang mga propyedad na pisikal sa katapusan ng future ay nabibigyan ng kalidad at kabuuan. Maaaring ito ay madali para sa pinansyal na instrumento ngunit maaari din maging malaking perwisyo para sa pisikal na kasangkapan o pangangailangan. Isipin na ang AAPL shares ay maaaring maging magkapareho habang ang isang bariles ng langis ay maging magkaiba depende sa kalidad nito.

Halimbawa, ang WTI future ng CME ay dinedetalye ang mga propyedad sa mga sumusunod na depinisyon na matatagpuan sa contract specification:

Quote
200101.A. Deliverable Crudes
1. Deliverable Crude Streams
Blends of West Texas Intermediate (“WTI”) type light sweet crude streams are only deliverable if such blends constitute a pipeline's designated "common stream" shipment which meets the grade and quality specifications for domestic crude. Enterprise Products Partners L.P. (including any successor in such capacity, “Enterprise”) and Enbridge Pipeline (Ozark) LLC’s (including any successor in such capacity, “Enbridge”) Common Domestic Sweet (“DSW”) Streams that meet quality specifications in Sections 101.A.2.- 12. of this rule are deliverable as Domestic Crude.
2. Sulfur: 0.42% or less by weight as determined by ASTM Standard D-4294, or its latest revision;
3. Gravity: Not less than 37 degrees American Petroleum Institute (“API”), nor more than 42 degrees API as determined by ASTM Standard D-287, or its latest revision;
4. Viscosity: Maximum 60 Saybolt Universal Seconds at 100 degrees Fahrenheit as measured by ASTM Standard D-445 and as calculated for Saybolt Seconds by ASTM Standard D-2161;
5. Reid vapor pressure: Less than 9.5 pounds per square inch at 100 degrees Fahrenheit, as determined by ASTM Standard D-5191-96, or its latest revision;
6. Basic Sediment, water and other impurities: Less than 1% as determined by ASTM D-96-88 or D-4007, or their latest revisions;
7. Pour Point: Not to exceed 50 degrees Fahrenheit as determined by ASTM Standard D-97;
8. Micro Method Carbon Residue: 2.40% or less by mass; as determined by ASTM Standard D4530-15, or its latest revision;
© Copyright 2009 New York Mercantile Exchange, Inc. All rights reserved. Page 2 of 6
9. Total Acid Number (TAN): 0.28 mg KOH/g or less as determined by the first inflection point; using ASTM Standard D664-11a (2017), or its latest revision;
10. Nickel: 8 parts per million (ppm) or less by mass; as determined by ASTM Standard D5708-15, Test Method B, or its latest revision;
11. Vanadium: 15 ppm or less by mass; as determined by ASTM Standard D5708-15, Test Method B, or its latest revision;
12. High-Temperature Simulated Distillation (HTSD) as determined by ASTM Standard D7169-16, or its latest revision, as follows:
(a) Light Ends <220°F by HTSD: Not more than 19% by mass;
(b) 50% Point by HTSD: 470°F- 570°F;
(c) Vacuum Residuum >1020°F by HTSD: Not more than 16% by mass.
200102. TRADING SPECIFICATIONS

Makikita mo na ang pagdedetalye ng mga kalidad ng isang bariles ng langis ay mas kumplikado kaysa sa pagdedetalye ng mga propyedad ng Bakkt future:

Quote
1 Bitcoin

Dito ay makikita na mayroon tayong  pagkakaiba sa CME future. Habang ang isang kontrata ng future sa bakkt ay kinonkontrol ang 1 bitcoin, samantalang ang 1 future sa CME ay kinokontrol naman ang 5 bitcoins:

Quote
Contract Unit   5 bitcoin, as defined by the CME CF Bitcoin Reference Rate (BRR)

Habang ang Bakkt Future ay mayroong hindi umano na halaga humigit kumulang USD 8,000, samantalang ang CME future naman ay isipin ninyong mayroong  halaga ba 5*USD 8,000 = USD 40,000

Samantala, ang laki din ng kontrata ay nakakaimpluwensya sa minimum na paggalaw ng presyo: mas mababa ang halaga ng kontrata ay mas mababa ang minimum na paggalaw ng presyo (halaga ng tick):

BAKKT
Quote
Minimum Price Fluctuation
$2.50 per bitcoin ($2.50 per contract).

CME:
Quote
Minimum Price Fluctuation   Outright: 5.00 per bitcoin=$25.00
Ang ibig sabihin nito ay ang kontrata ng bakkt ay maaaring gumalaw mula 8,000 hanggang 8,002.5, nangangahulugang ang mga may hawak ng isang kontrata ay kumita ng 2.5 USD, samantalang sa future ng CME ay maaaring umakyat naman mula 8,000 hanggang 8,005. Sa makatuwid ay ang mga may hawak ng kontrata ay kumita ng 25 USD

Hindi sapilitan na maihatid ang mga propyedad.

Ang unang kaibahan sa pagitan ng mga futures ay ang pagitan ng pisikal na naayos kumpara sa pera na naayos.

According to Wikipedia

Quote
  • Physical delivery − the amount specified of the underlying asset of the contract is delivered by the seller of the contract to the exchange, and by the exchange to the buyers of the contract. Physical delivery is common with commodities and bonds. In practice, it occurs only on a minority of contracts. [...] The Nymex crude futures contract uses this method of settlement upon expiration.
  • Cash settlement − a cash payment is made based on the underlying reference rate [...]. The parties settle by paying/receiving the loss/gain related to the contract in cash when the contract expires.[11] [...]

Narito ang makabagong paraan ng Bakkt Futures, na pisikal na naiayos,  ang aktwal na bitcoin ay naipapadala sa mamimili ng future; samantala ang mga namimili naman ng CME futures na imbis na pisikal ay sa pera naiaayos, ibig sabihin sa katapusan ng future, ay ang dolyares na katumbas ng isang bitcoin ay binabayaran na sa mga may hawak ng mga future.

Patungkol naman sa lugar ng paghahatidan, ang WTI au mas lubhang mas kumplikado kaysa sa bitcoin.

WTI:
Quote
Delivery shall be made free-on-board ("F.O.B.") at any pipeline or storage facility in Cushing, Oklahoma with pipeline access to Enterprise, Cushing storage or Enbridge, Cushing storage. Delivery shall be made in accordance with all applicable Federal executive orders and all applicable Federal, State and local laws and regulations.

At buyer's option, delivery shall be made by any of the following methods: (1) by interfacility transfer ("pumpover") into a designated pipeline or storage facility with access to seller's incoming pipeline or storage facility; (2) by in-line (or in-system) transfer, or book-out of title to the buyer; or (3) if the seller agrees to such transfer and if the facility used by the seller allows for such transfer, without physical movement of product, by in-tank transfer of title to the buyer.

BAKKT:

Quote
Delivery Locations
Bakkt Warehouse

Sa kasong ito, mas simple ang proseso. Ang Bakkt ay ang siyang naghahanda para sa mga kliyente ng mga warehouse ( o ang tinatawag natin na wallet) kung saan nila maaaring ideposito ang kanilang mga bitcoin na ikakalakal kontra sa kanilang future na nakalakal.

Sa reyalidad ng mga merkado, yung aktwal na bilis ng paghahatid ng mga propyedad na nakasaad sa mga kontrata ng futures ay talaga namang napakababa: kakaunti lamang ang mga nakalakal na futures ang naisarado, pisikal man o pinansyal. Karamihan sa mga positions ng futures ay naisasarado ng mas maaga, o iniiwanan na bago pa man mapawalang bisa ang pagtatapos ng kanilang futures, o gumagawa ng kabaligtara na aksyon: ang mga mamimili(nagbebenta) imbis bumili ay nagbebenta (namimili) ng katumbas na dami ng kaparehas na mga kontrata ng future para maiba nila ang kanilang posisyon sa merkado, ito ay epeketibong pagalis  sa una mong posisyon ng hindi ka gumagawa ng kalakal ng future.

Ito ay humantong sa isa pang konsepto sa hinaharap: bukas na interes at lakas ng tunog. Muli mula sa wikipedia:
Quote
Open interest (also known as open contracts or open commitments) refers to the total number of outstanding derivative contracts that have not been settled (offset by delivery)

For each buyer of a futures contract there must be a seller. From the time the buyer or seller opens the contract until the counter-party closes it, that contract is considered 'open'.

Volume instead is quite a straightforward definition:

Quote
Volume is the number of shares or contracts traded in a security or an entire market during a given period of time. For every buyer, there is a seller, and each transaction contributes to the count of total volume. That is, when buyers and sellers agree to make a transaction at a certain price, it is considered one transaction. If only five transactions occur in a day, the volume for the day is five

Tignan ang halimbawa:

  • si A ay nagbenta ng future kay B: Ang kabuuan dami ay isa, at ang bukas na interes ay binubuo ng isa
  • si C ay nagbenta ng future kay B: Ang kabuuan dami ay dalawa, at ang bukas na ay binubuo ng dalawa
  • si D ay nagbenta ng future kay A: Ang kabuuang dami ay dalawa, at ang bukas na interes ay nanatiling dalawa

Sa huling transaksyon, si A ay naisarado niya ang kanyang posisyon dahil sa pagsalo ng future ni D: sa makatuwid nanitiling dalawa ang mga bukas na posisyon na hindi nagbago sa merkado: si B ay naka long (pagbili) na posisyon sa kontrata samantalang si C at D naman ay parehas na naka short (pagbenta) na posisyon ng tig isa.


  • si B ay nagbenta ng future kay C: Ang kabuuang dami ay apat, at ang bukas na interes ay bumababa na isa
  • si B ay nagbenta ng future kay D: Ang kabuuang dami na ay umabot na sa lima, ngunit ang bukas na interes ay wala na

Pagkatapos ng limang kalakal (bultahe=5), ay wala ng bukas na interes, lahat ng posisyon sa kontrata ng future ay naisarado na, lahat ay pantay pantay, at walang naganap na transakayon sa merkado dahil bumalik lang ang kanilang mga isinet up na posisyon.


Sa BAKKT ay nakakakuha tayo ng impormasyon sa pamamagitan ng dami o kabuuan lamang, hindi sa mga bukas na interes
(UPDATE: Ang mga bilang ng bukas na interes ay maaari nating makuha  sa Bloomberg Terminal tignan ito update).




Noong ika-25 ng Setyembre 131 ang mga kontratang nakalakal ngunit hindi natin malalaman kung paano magbago ang mga bukas na interes.

Sa CME makukuha natin ang parehong impormasyon



Noong nakaraang 25 ng Setyembre ay mayroong  5,824 na mga kontrata na nakalakal sa pagtatapos ng Septyembre. Mayroong kabuuang 1171 na mga kontrata na bukas, at mas mababa pa ng 171 ang nagsara noong hapon ding iyon. ( talagang ang OI hindi updated sa totoong oras, kaya naman anh mga numerong iyon at nakatugma sa presyo bago pa ang araw na iyon)

Mga gamit ng Futures

Ang mga futures ay maaaring magamit upang ihedge o magbakasali sa galaw ng presyo ng mga propyedad.

Halimbawa, ang isang sensitibong negosyo sa bitcoin (pagiisip ng isang minero) ay maaaring gumamit ng future upang mabawasan ang kanyang pag asa para kumita na dumedepende aa galaw at presyo ng bitcoin, at pagtatalaga ng spesipiko na presyo,
at mabawasan ang delikadong pagbebenta ng dami ng bitcoin futures. Sa sitwasyon naman na ang bitcoin ay tumataas, ang mga kita sa sektor ng mining ay tataas din, ngunit ito ay di sinasangayunan naman sa bitcoin future dahil sa pagkalugi dito, at binubura nito ang impact sa ekonomiya ng pagbabago ng presyo ng ating mga propyedad. Sa kabilang dako naman ay, ang pagbaba naman ng presyo ng bitcoin ay magsisilbing pagbaba din ng kita ng ating mga operasyon sa mining ngunit ang pagposisyon sa pagbenta ng future ay magsisilbing parehong epekto sa kita. Sa dalawang senaryo, ang total na kita ng minero, ang suma ng mining operasyon at ang kita o talo sa mga susunod pang posisyon, ay hindi magiging apektado. Itong prosesong ito ay tinatawag na hedging. Ang layunin nito ay hindi kumita sa magiging pag galaw ng presyo ng mga assets, halimbawa sa bitcoin, kundi ang umiwas sa  pagkatalo sa hindi inaasang pag galaw ng presyo at panatiliin ang natutukoy na pinansyal na resulta: Na-hedge ng minero ang kanyang sarili sa pag galaw ng presyo ng bitcoin habang kinakamtan ang antas ng pagkita sa kahit anong scenario ng presyo ng bitcoin. Syempre may pagkatalo kapag mataas ang presyo ng bitcoin pero na protektahan niya ang sarili niya sa mabababang presyo na pwedeng magdala sa paghinto ng operasyon sa una palang.

Pangalawa sa mga pangunahing isyu ng mga kontrata ng future ay ang mga haka-haka o mga spekulasyon. Ang pag speculate ang ibig sabihin kikita ka sa mga magiging posisyon mula sa pag galaw ng presyo sa nakapaloob na asset. Kung ang mga sumasali sa market ay gusto mag speculate sa pag taas ng presyo ng nakapaloob na asset sa future, pwede siyang kumita sa pagbili ng mga kontrata ng future at ibenta ito sa mas mataas na presyo o kumita sa mas paborableng presyo kasya sa spot market kung ang future ay maayos na. (pag kuha ng mga nakapaloob na propyedad pagkatapos maayos ng future at ibenta ito sa aktwal na  merkado.) Ang panganib ay syempre ang pagkatalo sa sobrang pag galaw ng presyo, o ang pag baba ng presyo sa kasong ito. Mangyaring ang presyo ay mas mababa kasya sa kung ano ito nung binuksan ang posisyon ng future, ang may hawak ng posisyon o pagbili ay mapapabili ng naka paloob sa naka dikta na presyo sa panahon ng pagumpisa ng kalakal at ibbenta niya ang nakapaloob na propyedad sa mas mababang presyo sa aktwal na merkado na magtatamo ng pagkatalo. Sa kabilang banda, kung siya na gustong kumita sa mas mababang presyo ay dapat ibenta ang future para kumita sa pamamagitan ng pag bili sa mababang presyo at maayos ito mula sa pag benta sa mga tukoy na mataas na presyo sa may hawak ng posisyon ng pagbili.

FUTURE PRICE SLOPE: CONTANGO AND BACKWARDATION

Tignan natin ang mga futures sa CME: Ayon sa CME ang mga sumusunod na mga kontrata ay sinipi:

   Listed Contracts   Quarterly contracts (Mar, Jun, Sep, Dec) listed for 2 consecutive quarters and the nearest 2 serial months.

Ang mga siniping kontrata ay ang mga sumusunod:

   FUTURE      MONTH      LAST TRADE DATE      PRICE       OPEN INTEREST   
   BTCV9      Oct-19      25/10/2019      8275      2142   
   BTCX9      Nov-19      29/11/2019      8290      248   
   BTCZ9      Dec-19      27/12/2019      8360      943   
   BTCH0      Mar-20      27/03/2020      0      0   
                              

Sa buwan ng Setyembre ay nagtapos na sa oras na aking sinulat ito ngayon ay may dalawa pang pagtatapos sa Disyembre 19 at Marso 20 ( itoy ay sinipi, ngunit hindi pa naikakalakal), habang ang kasunod ay sa Oktubre 19 at Nobyembre 19. Ating bigyan pansin na kapag mas malaki ang mga bukas na interes ay nasa mga paunang kontrata, habang ang mga susunod na kontrata ay mas maliit ang interes, at ang panghuling kontrata naman ay masyadong bago para magkaroon ng mga bakanteng interes ( o yung mga naisipi sa kaunting oras pa lamang )

Kung ating titignan ang mga presyo makikita natin na ang mga ito ay tumataas: Ang mga saklaw ng kalendaryo(ang pagkakaiba sa pagitan ng mga presyo ng magkakaibang pagtatapos) ay positibo.
Dapat ang bawat isa ay isipin na ito ay mga " ekspektasyon na mga tumataas na presyo ng bitcoin sa merkado" sa pagitan ngayong araw at sa Disyembre. Ngunit ito ay mali.
Ang pinakamainam na ekspektasyon sa presyo ng mga future ay yung aktwal na presyo, dahil sinasama ang lahat ng pampublikong impormasyon tungkol sa presyo at maaaring magamit bukod pa sa presyo ng futures. Kung ang bawat isa ay may katiyakan sa pagtaas ng presyo ng bitcoin sa loob ng isang taon, o kung ako ay may tiyak na ekspektasyon sa puntong ito, ngunit hindi ito simple sa akso ng bitcoin, na pinapataas ang presyo, at pinalalapit ang presyo ng aktwal sa presyo ng futures. Ang mga ito, ay may pagsusuri na hindi eksakto, at hindi binase sa mga arbitrayo na kondisyon na nagtutugma ng mga presyo ng parehong propyedad sa magkakaibang oras. Ang presyo ng future ay dapat laging katulad nito:

Future prices= spot price (1+ risk free rate) + cost of carry – convenience yield.

Tignan natin ang mga ibig sabihin nito:

Ang presyo ng aktwal: Tulad ng ating nakita ang pinakamahusay na pagtantya para sa presyo ng future ay ang mga aktwal na presyo, dahil lahat ng mga impormasyon tungkol sa future ay bawas na sa pang merkadong presyo ( kakayahan ng mahinang merkado a la Fama).
Mga ginastos sa pagpopondo: ito ang mga kinatawan ng parte (1+ na libreng rate ng peligro): ang pagbili ng bitcoin at pagkalakal ng future ay nangangailangan ng pondo para makaposisyon. Ang mababang  interes sa pagkalahatang nasyon ay nais pigilan ang importansya ng mga ito, kung saan ang mga gastos ay maging hakbang para mapataas ang mga presyo ng future.

Gastos ng pagdala: ito ang mga panggastos ng bitcoin hanggang ang mga future ay mahinog sa dapat nitong presyo, ito ang mga nangungunang dahilan sa pagimpluwensya sa posibleng direksyon ng future kung ito ba ay tataaa o bababa. Ang gastos ng pagdala, ay maihahalintulad natin sa gastos ng pagiimbakan ng bitcoin. Ito ay maaaring mababa apra sa bitcoin kumpara sa ibang propyedad ng future ( isipin na nagiimbak ng bitcoin sa halip na nagiimbak ng gold bullion, o siang bariles ng langis), ngunit ang gastos sa insurance at ang imbakan sa pang industriya na lebel ay hindi natin maaaring balewalain. Ating buoin, kung ako ay magkaroon ng gastos sa pagiimbak ng mga propyedad, nangangahulugan na ang presyo ng future na gusto kong ibenta ang propyedad na ito ay mas mataas sa aktwal na presyo, para mabayaran ang mga nasabing gastos, na magpapataas ng presyo sa hinaharap. Ang kaginhawaan ng ani ay ang mga halaga ng pagkakaroon  ng pagkakagamitan ng ating mga propyedad hanggang ito ay angkop na sa pagbenta sa hinaharap.
Ito ay partikular na napakaimportante  sa pangpinansyal na propyedad, na kumakatawan sa kupon o dibidendo na binayaran mula sa aktwal na petsa o sa pagbubunga nito. Maaari nating isipin na katulad ito ng isang negatibong gastos para pagiimbak na isang uri ng "kita para sa pag-iimbak", o kita na nagmula sa paghawak ng mga ari-arian p propyedad mismo. Sa kaso ng bitcoin ang kaginhawaan na ani ay mayroong potensyal na magmula sa kinitang interes sa pagpapahiram ng Bitcoin sa merkado or sa iba pang sektor o partido (isipin ang BlockFI): Kung ako ay kikita ng interes sa pagpapahiram ng bitcoin sa BlockFi ay aking bibilhin ito sa aktwal na presyo at maaari kong ibenta sa hinaharap na mas mababa sa presyo ngayon sa merkado, kung ang kaibahan ay higit pa sa kinitang pera mula sa mga kinitang interes.

Ang dahilan kung bakit ang presyo ng future ay nagpapakita ng isang positibong (o negatibo) kiling na hugis ay may kinalaman sa gastos ng pagdala ng kanyang posisyon kumpara sa ani ng kaginhawaan: kapag ang ani ng kaginhawaan ay mas mababa kaysa sa gastos ng pagdala, kailangan magisip ng pisikal na pangagailangan, at ang kurba ng future ay magpapakita ng contango, kapag ang ani ng kaginhawaan  ay mas mataas kaysa sa gastos ng imbakan ( ito ang katotohanan sa maraming pinansiyal na pagaari ng mga propyedad) kung ganoon ay ang presyo ng kiling na future  ay maihahambing natin sa backwardation. Ang hugis kurbada ay maaating magpabago bago sa  paglipas ng panahon: habang nasa contango ito sa ngayon, ito ay hindi palaging ganito tulad ng backwardation sa oras ng paglunsad ng future ng CME/CBOE . Ito ay kailangan ng matinding pagiisip na isinasaalang alang kung saan mas pwersado ang direksyon ng mas makakabuti sa isang uri ng "Mixed nature" sa ilalim ng ating mga propyedad.

MGA PANGAKO NG MGA TRADERS:

Ang bawat merkado  ay may nakalakip na "pangako ng mga mangangalakal", kung saan makakakuha ka ng kabatiran  pagposisyon ng mga mangangalakal sa merkado. Ang mga pangako sa mga report ng mga mangangalakal para sa mga futures ng bitcoin sa CME ( ang may importansya lamang sa ilang sandali) ay matatagpuan sa mga sumusunod link at pagpili ng mga Equity Index, pagkatapos ay ang mga cryptocurrencies at sa wakas ay Bitcoin bilang pinapailalim na:



Nirerekomenda ko na basahin ang  User Guide na idinedetalye ang mga teknikal na pamamaraan kung ang mga report ay nagawa, ngunit aking sasabihin ang mga pangunahing bagay:

Siyempre ang kabuuang bukas na mga posisyon ay katumbas ng mga maikling posisyon, kung titignan  ang kabuuan: Ang mga bukas na interes ay katumbas ng kabuuan ng mga posisyon sa long o ang pagbili (o shorts) + ang mga posisyon. Ito ay mas malinaw kung titingnan natin ang isang pagkasira sa pamamagitan ng talahanayan:



Siyempre mayroon ding iba't ibang uri ng mga manlalaro, at ang iba ay  may iba't ibang pamamaraan sa pangangalakal, kaya alam ko kung  mahaba o maikli pa ang maaaring maging kapaki-pakinabang.

Kahit na mas kawili-wili ang pag-aaral ng ebolusyon ng mahaba (pagbili)/ maiksing (pagbenta) balanse, Dami at Open Interes: maaari itong magbigay sa atin ng mga pahiwatig kung paano naiimpluwensyahan ang paggalaw ng mga nangangalakal sa pagangat or pagbaba ng presyo.

Mga nakakatulong na links o website:

Ang isa pang magandang pagkuhaan ng impormasyon na aking sinusuportahan ay  ang sumusunod na kursong mula sa CME:

INTRODUCTION TO FUTURES: Definition of a Futures Contract

Ito ay talaga namang kumpletong kurso patungkol sa mga futures, na nagbibigay ng napaka kapaki-pakinabang na mga imporsyon ukol sa future's na depinisyon, mga gamit nito, at lahat ng mga sa CME. Tiyak na sulit ito kapag iyong binasa.

Ang post na ito ay paunang bersyon lamang at sumasaklaw sa kakaunting mga paksa lamang. Maaari kong ieksplika ang mga maa malalim na mga detalye o masakop ang mga karagdagang paksa.

Para sa iba pang mga paksa na nais kong ipaliwanag sa higit pang mga detalye ay ang mga sumusunod:

  • Term structure (contango/backwardation)
  • Margins on the open positions (Initial margins/Variation margins/Marking to Market)
  • Commitments of traders example

Kung kayo ay makakatulong na mapaganda pa ang thread na ito o may ideya na maidadagdag pa ay huwag mahiyang sabihin at ilahad ito.



Ang post na ito ay isa sa mga kasali sa munting proyekto ni @fillippone at aking isinalin sa ating wikang tagalog.


Quote
I am a strong believer in the utility of local boards.
I am lucky enough to be able to express myself in at least a couple of languages, but I know this is not the case for everyone.
A lot of users post only in the local boards because of a variety of reasons  either language or cultural barriers, lack of interest or whatever other reason.
I personally know a lot of very good users (from the italian sections mainly, for obvious reason) who doesn't post in the international sections.

I think all those users they are missing a lot of good contents posted on the international (english) section or on other boards.



Maraming salamat sa iyo fillippone sa permisong maibahagi ko sa mga kababayan ang iyong ideya tungkol sa Bakkt btc futures.

Note: Ang topic ay napaka ganda at talaga naman helpful. Kung mayroon man akong mga naisalin na terms na medyo taliwas sa base sa pagkakaintindi ninyo ay maaari ninyo sa akin ipaalam para mas maayos ko pa ang post na ito. Salamat sa lahat ng makababasa maapreciate ko ang inyong response lalo na ang mga may experience na sa future tradings.

.BEST..CHANGE.███████████████
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
███████████████
..BUY/ SELL CRYPTO..
The trust scores you see are subjective; they will change depending on who you have in your trust list.
Advertised sites are not endorsed by the Bitcoin Forum. They may be unsafe, untrustworthy, or illegal in your jurisdiction.
1714695141
Hero Member
*
Offline Offline

Posts: 1714695141

View Profile Personal Message (Offline)

Ignore
1714695141
Reply with quote  #2

1714695141
Report to moderator
1714695141
Hero Member
*
Offline Offline

Posts: 1714695141

View Profile Personal Message (Offline)

Ignore
1714695141
Reply with quote  #2

1714695141
Report to moderator
1714695141
Hero Member
*
Offline Offline

Posts: 1714695141

View Profile Personal Message (Offline)

Ignore
1714695141
Reply with quote  #2

1714695141
Report to moderator
fillippone
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2156
Merit: 15448


Fully fledged Merit Cycler - Golden Feather 22-23


View Profile WWW
March 16, 2020, 10:14:02 PM
 #2

Kumusta cryptoaddictchie,
napakabuti ng trabaho! Paumanhin kung gumagamit ako ng Google Translate na hindi ako marunong magsalita!

Oo ang paksa ay medyo kumplikado, kaya't ang isang post na kailangang basahin nang mabuti. Kung mayroon kang anumang pagdududa tungkol dito, mangyaring mag-post ng isang kahilingan dito, at susubukan kong tulungan kang maunawaan nang mas mahusay!

.
.HUGE.
▄██████████▄▄
▄█████████████████▄
▄█████████████████████▄
▄███████████████████████▄
▄█████████████████████████▄
███████▌██▌▐██▐██▐████▄███
████▐██▐████▌██▌██▌██▌██
█████▀███▀███▀▐██▐██▐█████

▀█████████████████████████▀

▀███████████████████████▀

▀█████████████████████▀

▀█████████████████▀

▀██████████▀▀
█▀▀▀▀











█▄▄▄▄
▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀
.
CASINSPORTSBOOK
▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄
▀▀▀▀█











▄▄▄▄█
goinmerry
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2940
Merit: 1083


View Profile
March 16, 2020, 11:20:47 PM
Merited by cryptoaddictchie (1)
 #3

This topic is interesting and worth to read. Thanks @fillippone for creating the subject and OP @cryptoaddicthie for translating it here.

Just my 2 cents, it would be nice if the context didn't explain in a literal Tagalog language para mas magets ng mga newbies since technical talaga. Medyo may mga terms na surely magulo ang dating para sa mga newbies pero sa atin gets agad. I understand the difficulty of translating threads pero mas user friendly kapag natranslate ito base sa pagkakaintindi ni translator.

Well done. Tuloy mo lang kabayan. Wala pa ako maisip na puwede itanong as a first question here para sumunod na rin iyong iba especially newbies. Smiley
cryptoaddictchie (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2072
Merit: 1315



View Profile
March 17, 2020, 03:57:08 AM
 #4

Kumusta cryptoaddictchie,
napakabuti ng trabaho! Paumanhin kung gumagamit ako ng Google Translate na hindi ako marunong magsalita!

Oo ang paksa ay medyo kumplikado, kaya't ang isang post na kailangang basahin nang mabuti. Kung mayroon kang anumang pagdududa tungkol dito, mangyaring mag-post ng isang kahilingan dito, at susubukan kong tulungan kang maunawaan nang mas mahusay!
Tama ka kaibigan @fillippone, huwag kang magalala, kung mayroon man akong hindi maintindihan at klarong detalye ay aking itatanong sayo. Salamat sa pag guide pala dito, isa ka sa mga user na talaga naman nakakatulong ng malaki dito sa forum.

Just my 2 cents, it would be nice if the context didn't explain in a literal Tagalog language para mas magets ng mga newbies since technical talaga. Medyo may mga terms na surely magulo ang dating para sa mga newbies pero sa atin gets agad. I understand the difficulty of translating threads pero mas user friendly kapag natranslate ito base sa pagkakaintindi ni translator.

Well done. Tuloy mo lang kabayan. Wala pa ako maisip na puwede itanong as a first question here para sumunod na rin iyong iba especially newbies. Smiley
Hello tama ka kabayan, nais ko din itong mas iexplain ng hindi gaano kalalim sa ating wika, sa totoo lang mas mahirap pa pala ang tagalog kaysa sa english, pero I tried my best to come up with the best translation, anyway, kung may mga katanungan or suhestyon dito ay open lang ang thread sa mga karagdagang kaalaman.

Salamat sa feedback. I will always help our Local community the best way I can para makapagbigay ng tulong sa papamagitan ng kakaunting kaalaman patungkol sa cryptocurrency.

.BEST..CHANGE.███████████████
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
███████████████
..BUY/ SELL CRYPTO..
plvbob0070
Copper Member
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 658
Merit: 402


View Profile
March 17, 2020, 05:10:21 AM
 #5

Well appreciated yung effort mo at yung oras na nilaan mo sa pag translate ng thread ni fillippone. Bukod sa mahaba ito, personally nahihirapan ako mag translate sa tagalog kahit first language ko ito pero you manage to discuss everything na naiintindihan pa rin. Tsaka itong information na ito ay makakatulong talaga lalo na sa mga beginners na kapwa nating Pilipino. Since mas madali nilang maiintindihan ang explanation pag sa first language nila since nangangapa pa din sila pagdating sa crypto at masyadong complex ang topic na ito para sa kanila pati na rin sakin. Pero with the help of translation, mas maiintindihan nila compare kapag English. Nakita ko din yung thread ni fillippone sa Beginners and Help at parang gusto ko din subukan ang mag translate para kahit paano may experience din ako.
Sadlife
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1400
Merit: 269



View Profile
March 17, 2020, 05:41:47 AM
 #6

Mukhang medyo mahirap intindihin yung pagsasalin, clarify kulang bakit obligado bumili ng Bakkt futures ang mga mamimili ? di ba pwedi kahit anong oras lang nila gusto kasi pano kung walang pambili ?

At bakit kailangan ihatid ang futures sa bumili nito ? through ledger or paper wallet ?
Na vivisualize ko kasi siya as a trading platform na may ibang rules lang.

         ▄▄▄▀█▀▀▀█▀▄▄▄
       ▀▀   █     █
    ▀      █       █
  █      ▄█▄       ▐▌
 █▀▀▀▀▀▀█   █▀▀▀▀▀▀▀█
█        ▀█▀        █
█         █         █
█         █        ▄█▄
 █▄▄▄▄▄▄▄▄█▄▄▄▄▄▄▄█   █
  █       ▐▌       ▀█▀
  █▀▀▀▄    █       █
  ▀▄▄▄█▄▄   █     █
         ▀▀▀▄█▄▄▄█▄▀▀▀
.
CRYPTO CASINO
FOR WEB 3.0
.
▄▄▄█▀▀▀
▄▄████▀████
▄████████████
█▀▀    ▀█▄▄▄▄▄
█        ▄█████
█        ▄██████
██▄     ▄███████
████▄▄█▀▀▀██████
████       ▀▀██
███          █
▀█          █
▀▀▄▄ ▄▄▄█▀▀
▀▀▀▄▄▄▄
  ▄ ▄█ ▄
▄▄        ▄████▀       ▄▄
▐█
███▄▄█████████████▄▄████▌
██
██▀▀▀▀▀▀▀████▀▀▀▀▀▀████
▐█▀    ▄▄▄▄ ▀▀        ▀█▌
     █▄████   ▄▀█▄     ▌

     ██████   ▀██▀     █
████▄    ▀▀▀▀           ▄████
█████████████████████████████
████████████████████████████
█████████████████████████
▀███████████████████████▀
██████▌█▌█▌██████▐█▐█▐███████
.
OWL GAMES
|.
Metamask
WalletConnect
Phantom
▄▄▄███ ███▄▄▄
▄▄████▀▀▀▀ ▀▀▀▀████▄▄
▄  ▀▀▀▄▄▀▀▀▀▀▀▀▀▀▄▄▀▀▀  ▄
██▀ ▄▀▀             ▀▀▄ ▀██
██▀ █ ▄     ▄█▄▀      ▄ █ ▀██
██▀ █  ███▄▄███████▄▄███  █ ▀██
█  ▐█▀    ▀█▀    ▀█▌  █
██▄ █ ▐█▌  ▄██   ▄██  ▐█▌ █ ▄██
██▄ ████▄    ▄▄▄    ▄████ ▄██
██▄ ▀████████████████▀ ▄██
▀  ▄▄▄▀▀█████████▀▀▄▄▄  ▀
▀▀████▄▄▄▄ ▄▄▄▄████▀▀
▀▀▀███ ███▀▀▀
.
DICE
SLOTS
BACCARAT
BLACKJACK
.
GAME SHOWS
POKER
ROULETTE
CASUAL GAMES
▄███████████████████▄
██▄▀▄█████████████████████▄▄
███▀█████████████████████████
████████████████████████████▌
█████████▄█▄████████████████
███████▄█████▄█████████████▌
███████▀█████▀█████████████
█████████▄█▄██████████████▌
██████████████████████████
█████████████████▄███████▌
████████████████▀▄▀██████
▀███████████████████▄███▌
              ▀▀▀▀█████▀
cryptoaddictchie (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2072
Merit: 1315



View Profile
March 17, 2020, 07:48:03 AM
 #7

Mukhang medyo mahirap intindihin yung pagsasalin, clarify kulang bakit obligado bumili ng Bakkt futures ang mga mamimili ? di ba pwedi kahit anong oras lang nila gusto kasi pano kung walang pambili ?

At bakit kailangan ihatid ang futures sa bumili nito ? through ledger or paper wallet ?
Na vivisualize ko kasi siya as a trading platform na may ibang rules lang.

Obligado ka kung mayroon kang inorder sa Bakkt future na produkto nila. Katulad lang din sa siya style ng CME which is short and long process na madaling maproseso. Tulad ng indicated needed siya as part of the provision ng Bakkt Future kung ikaw ay bibili o magbebenta since may aktwal na bakkt bitcoin product sila na mangaggaling sa kanilang warehouse. Pero sa pagkakaalam ko, eh paper wallet din or physical wallet din ang makakatanggap nito ngunit designated nila as physical bitcoin product. Im not sure lang, since I never experienced to do trading future ng Bakkt but on my understanding eh ganun nga. Mas kumplikado pa ang mga examples na binigay tulad ng oil transaction pero the idea is almost the same.

.BEST..CHANGE.███████████████
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
███████████████
..BUY/ SELL CRYPTO..
fillippone
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2156
Merit: 15448


Fully fledged Merit Cycler - Golden Feather 22-23


View Profile WWW
March 17, 2020, 11:05:16 AM
 #8

Mukhang medyo mahirap intindihin yung pagsasalin, clarify kulang bakit obligado bumili ng Bakkt futures ang mga mamimili ? di ba pwedi kahit anong oras lang nila gusto kasi pano kung walang pambili ?

At bakit kailangan ihatid ang futures sa bumili nito ? through ledger or paper wallet ?
Na vivisualize ko kasi siya as a trading platform na may ibang rules lang.

Ang paghahatid ng pisikal na bitcoin ay nangangahulugan na sa pag-expire sa hinaharap kailangan mong mag-transact ng mga aktwal na bitcoins (pagpapadala o pagtanggap nito, ayon sa iyong mga posisyon) laban sa isang espesyal na address ng bitcoin (BAKKT's WHarehouse). Sa ganitong kahulugan ang mga "bitcoins" ay hindi nila tinatanggap ang papel na pitaka o ledger.
Ang pisikal na katangian ay nangangahulugan lamang na ang pagpuksa sa hinaharap ay hindi ginawang cash transactin (dolyar, ibig sabihin) ngunit sa aktwal na mga bitcoins.

.
.HUGE.
▄██████████▄▄
▄█████████████████▄
▄█████████████████████▄
▄███████████████████████▄
▄█████████████████████████▄
███████▌██▌▐██▐██▐████▄███
████▐██▐████▌██▌██▌██▌██
█████▀███▀███▀▐██▐██▐█████

▀█████████████████████████▀

▀███████████████████████▀

▀█████████████████████▀

▀█████████████████▀

▀██████████▀▀
█▀▀▀▀











█▄▄▄▄
▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀
.
CASINSPORTSBOOK
▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄
▀▀▀▀█











▄▄▄▄█
ice18
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 542



View Profile
March 17, 2020, 11:26:18 AM
 #9

Really nice topic to those who want to try futures trading kahit ako gusto ko aralin to matagal na kaso nga nag-iipon parin ako ng funds para dito, ano ba ang mas risky dito, itong futures ba or margin trading?  at ano ang recommended niyo diyan sa dalawang yan?

arrmia11
Member
**
Offline Offline

Activity: 406
Merit: 13


View Profile
March 17, 2020, 01:56:40 PM
 #10

Really nice topic to those who want to try futures trading kahit ako gusto ko aralin to matagal na kaso nga nag-iipon parin ako ng funds para dito, ano ba ang mas risky dito, itong futures ba or margin trading?  at ano ang recommended niyo diyan sa dalawang yan?

Kahit ako sa sarili ko gusto ko ring aralin at gusto kong matutunan yung pag tatrade dahil na nga din sa sabi ng mga ibang tao na mas malaki yung kinikita dito kesa sa mga signature lg or mga airdrop kaya gustong guato ko itong aubukan matagal na kaso natatakot din ako na baka nga malugi lg ako sa kadahilanang wala pa akong masyadong knowledge tungkol dito

john1010
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2086
Merit: 562


View Profile WWW
March 22, 2020, 10:23:07 AM
 #11

Maganda ngunit lubhang malaki ang risk ng Futures trade, Gamit ko ang features na ito sa Binance, okay ang kita ko malaki kesa sa spot trade, kaya lang nitong last two weeks ng pumutok ang issue ng Plus Token ( https://bitcointalk.org/index.php?topic=5231408.0) malaki ang naging talo ko sa loob lang ng ilang oras, 100k sa maikling sandali dahil sobrang sisid ng BTC, yan lang ang risk ng futures trade yung mga galaw na di mo expected.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!