Bitcoin Forum
May 10, 2024, 10:44:08 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
Author Topic: Ano nga ba naging epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng ating bansa?  (Read 322 times)
KnightElite (OP)
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 924
Merit: 275


View Profile
March 19, 2020, 07:18:08 AM
Merited by TitanGEL (6)
 #1

Paano nga ba nasusukat ang ekonomiya ng Pilipinas? Marami akong nakikitang posts patungkol sa naging epekto ng COVID-19 saating bansa. Masusukat ang ating ekonomiya sa papamagitan ng pagtingin sa PSEI o ang Philippines Stock Exchange Index. Para saan nga ba at ano nga ba ang PSEI? Ang PSEI ay binubuo ng 30 companies na kung saan ang mga kompanya ito ay mayroong pinakamalaking market capitalization pati na rin volume sa market.  Ang mga sikat na companies na nabibilang sa PSEI ay: ang Jollibee Foods Corporation (JFC), SM Investments Corporation (SM), Ayala Corporation (AC), Puregold (PGOLD) at marami pang iba.

List ng mga companya na kabilang sa PSEI:
Ayala Corp. (AC)
Aboitiz Equity Ventures, Inc. (AEV)
Alliance Global Group, Inc. (AGI)
Ayala Land, Inc. (ALI)
Aboitiz Power Corp. (AP)
BDO Unibank, Inc. (BDO)
Bloomberry Resorts Corp. (BLOOM)
Bank of the Philippine Islands (BPI)
DMCI Holdings, Inc. (DMC)
First Gen Corp. (FGEN)
Globe Telecom, Inc. (GLO)
GT Capital Holdings, Inc. (GTCAP)
International container Terminal Services, Inc. (ICT)
Jollibee Foods Corp. (JFC)
JG Summit Holdings, Inc. (JGS)
LT Group, Inc. (LTG)
Metropolitan Bank & Trust Company (MBT)
Megaworld Corp. (MEG)
Manila Electric Company (MER)
Metro Pacific Investments Corp. (MPI)
Puregold Price Club Inc. (PGOLD)
Robinsons Land Corp. (RLC)
Robinsons Retail Holdings, Inc. (RRHI)
Semirara Mining and Power Corp. (SCC)
Security Bank Corp. (SECB)
SM Investments Corp. (SM)
San Miguel Corp. (SMC)
SM Prime Holdings, Inc. (SMPH)
PLDT (TEL)
Universal Robina Corp. (URC)

Ginawa ko tong thread na ito para malaman niyo yung mga latest updates patungkol sa ating ekonomiya.
Sunod sunod po kasi ang pagbagsak ng PSEI at sa katunayan na 3 na beses ng nag cicircuit breaker ngayong crisis.
Ano nga ba ang circuit breaker? Ang circuit breaket ay ang trading suspension sa Philippine Stock Exchange kung saan na reach na ang prescribed threshold ng merkado. -10% kasi yung pinaka threshold tas kapag ang PSEI ay bumagsak ng -10%, ang trading ay halted ang trading for 15 minutes pero matutuloy pa rin naman to pag katapos ng 15 minutes break.

Sa ngayon po kasi may panic na nagaganap, hinde ito katulad ng last financial crisis na nangyare noong 2008 na kung saan madaming nawalan ng tahanan at pensions, ngayon kasi ang pinaguusapan ay buhay!!!!! kaya naman napakalaki talaga ng epekto ng COVID-19 sa buong mundo.




As of today March 19, 2020. Ang chart ng PSEI ay nag close ng 4623.42 php (-13.34%) Dito niyo makikita kung gaano ba kalaki ang binagsak ng ekonomiya ng ating bansa. Derederetso po yung pag bagsak at makikita niyo na may mga bunge na kung saan madaming gap down ang naganap.








Eto naman ang chart ng JFC o ng Jollibee Foods Corporation. Makikita na naapektuhan talaga ng todo yung presyo. 91 pesos na lang per shares pero dati umabot yan ng 300 pesos per share.









Ang SM din ay naapektuhan na kung saan ang price ay nagrarange lang dati ng 900-1100 php pero ngayon yung price nasa 667 na lang per share.



PS: Hinde lang stock market ang naapektuhan ng COVID-19. Pati na din ang cryptocurrency market na kung saan madaming breakdown ang nagaganap. Happy hunting mga kababayan! Salamat sa oras niyo!  
 
1715381048
Hero Member
*
Offline Offline

Posts: 1715381048

View Profile Personal Message (Offline)

Ignore
1715381048
Reply with quote  #2

1715381048
Report to moderator
1715381048
Hero Member
*
Offline Offline

Posts: 1715381048

View Profile Personal Message (Offline)

Ignore
1715381048
Reply with quote  #2

1715381048
Report to moderator
1715381048
Hero Member
*
Offline Offline

Posts: 1715381048

View Profile Personal Message (Offline)

Ignore
1715381048
Reply with quote  #2

1715381048
Report to moderator
Every time a block is mined, a certain amount of BTC (called the subsidy) is created out of thin air and given to the miner. The subsidy halves every four years and will reach 0 in about 130 years.
Advertised sites are not endorsed by the Bitcoin Forum. They may be unsafe, untrustworthy, or illegal in your jurisdiction.
1715381048
Hero Member
*
Offline Offline

Posts: 1715381048

View Profile Personal Message (Offline)

Ignore
1715381048
Reply with quote  #2

1715381048
Report to moderator
aioc
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2898
Merit: 567



View Profile
March 19, 2020, 11:26:35 AM
 #2

Isang oras lang ang nakakalipas ay binalita sa TV na pinahinto na uli ang trading dahil sa patuloy na pagbulusok ng merkado ito ang pinaka mababang trading sa loob ng walong taon,, at magpapaptuloy pa ito hangang wala tayoong nakikitang maayos na balita sa tungkol sa Covid,
sa ngayun ay napapabalita na mayroon na raw cure sa Corona Virus at ito ay ay ang evigan isang vaccine sa pneumonia na gaw ng FujiFilm.

https://www.dailymail.co.uk/news/article-8125513/Drug-used-treat-flu-Japan-clearly-effective-Chinese-officials-say.html
ice18
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 542



View Profile
March 20, 2020, 04:11:30 PM
 #3

Halos lahat naman ng bansa at industriya apektado na talaga kahit sa US bagsak na rin isa lang ang sure dito kapag wala pang vaccine or hindi ito makontrol ng maayos lalong babagsak ekonomiya ng maraming bansa wag lang magaya sa Italy at Iran na nabreak na ang record ng China sa number of deaths per day at sana makontrol agad dito sa bansa natin at sa ibang bansa den kasi kung hindi base sa pag-aaral baka abutin pa daw ito ng 18 months.
Bitcoinislife09
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1028
Merit: 144

Diamond Hands 💎HODL


View Profile
March 20, 2020, 04:20:56 PM
 #4

Malaki ang mawawala sa ekonomiya ng bansa naten dahil na rin sa lockdown maraming business ang hindi maaaring magoperate dahil maaari itong maging dahilan ng pagkalat ng COVID 19 virus sa ating mga kababayan.

Sa palagay ko tulad narin ng stock market, Malaki ang magiging pagbaba sa ating ekonomiya ngunit kung susunod naman agad ang mga Pilipino ditto sa ating enchanced quarantine sa tingin ko ay madaling makakabangon ang ating bansa, kung hindi naman tayo susunod tulad ng nangyari sa Italy ay maraming tao ang patuloy na namamatay dahil na rin sa huli na ang kanilang paglockdown at masyado nang kalat ang COVID 19 virus sa kanila, maaaring nabutin ng hanggang 5 na buwan pa upang sila ay kompletong makabangon at mapatay ang virus.

Sa ating bansa maaaring umabot pa ng dalawang buwan bago mapatay ang virus na kumakalat sa ating bansa maraming Pilipino ang walang malasakit sa tatting mga kababayan at patuloy pa rin ang paglabas ng kanilang mga Bahay sa gitna ng banta ng virus, ngunit maraming lugar parin naman ang patuloy na sumusunod. Kung magpapatuloy ang pagsunod naten unti unting bubuksan ng gobyerno ang mga business kung malamanan na ang ma quarantine ang virus upang hindi na ito kumalat pa, madaling makakabangon ang ekonomiya ng bansa.
samcrypto
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 2044
Merit: 314


Vave.com - Crypto Casino


View Profile
March 21, 2020, 05:05:37 AM
 #5

Malaki na ang nawala sa atin simula nung naglockdown, many businesses are shutting down and maraming work ang natigil dahil dito. Lubos na naapektuhan ang Ekonomiya ng bansa naten pero sa tingin ko at normal lang talaga ito sa panahong ganito. US stocks are also dumping, and other big countries nagsusuffer din because of Covid19. Ganun pa mam, I’m still happy kase yung mga malalaking company na nasa list ng OP ay nagdonate ng malaking pera at naging fair sa kanilang mga employees. Just take this level as an opportunity to buy, darating din ang time na makakabangon tayo.
xenxen
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 763
Merit: 252



View Profile
March 21, 2020, 06:17:17 AM
 #6

malaki tlaga ang epekto nang covid 19 hindi lang sa bansa natin...  gnun din sa forex trading nag babaksakan din lalo na sa cryptocurrency. pero gnun pa man pansamantala lang ito at sa tingin ko mkakabawi din ito. kaya samantalahin na habang mura pa bili lang nang bili.. dahil kung totoong may vaccine na mabilis ulit aakyan yan...
plvbob0070
Copper Member
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 658
Merit: 402


View Profile
March 21, 2020, 12:08:24 PM
 #7

Isa ito sa mga dahilan kung bakit bagsak ngayon ang ekonomiya ng mga iilang bansa at alam natin maraming mga companies sa NCR na ngayon ay nakasa ilalim sa lockdown. Matagal pa bago matapos yung lockdown sa NCR at kung magtatagal pa ito expected natin na maari pang bumagsak ang ekonomiya pero wag naman sana. Buong business/companies sa NCR ang apektado ng virus at sigurado yung mga iba don ay nalugi na. Isa sa mga hinihiling ko ngayon ay matapos na itong crisis ng makabangon ulit tayo at yung mga iba't-ibang market ay umangat rin para talagang happy happy tayo. Sang-ayon ako sa ibang kabayan natin na chance ito upang makabili pa ng mga murang coins sa market at subukan ng mag-ipon ng mga solid na coins upang sigurado na malaki ang kikitain.

Stay safe pa rin mga kabayan at sana wala miski isa satin ang dapuan ng virus na ito!
Rodeo02
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1302
Merit: 577


avatar and signature space for rent !!!


View Profile
March 21, 2020, 12:44:55 PM
 #8

malaki tlaga ang epekto nang covid 19 hindi lang sa bansa natin...  gnun din sa forex trading nag babaksakan din lalo na sa cryptocurrency. pero gnun pa man pansamantala lang ito at sa tingin ko mkakabawi din ito. kaya samantalahin na habang mura pa bili lang nang bili.. dahil kung totoong may vaccine na mabilis ulit aakyan yan...
makakabawi lang yan if tuluyan na talagang mawala ung virus kahit sa ibang bansa hindi  lang dito saatin.
As long kasi na meron pang virus always yan sila magpapanic kasi possible na kumalat at kumalat siya.
joshy23
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1078
Merit: 256



View Profile
March 21, 2020, 11:54:47 PM
 #9

malaki tlaga ang epekto nang covid 19 hindi lang sa bansa natin...  gnun din sa forex trading nag babaksakan din lalo na sa cryptocurrency. pero gnun pa man pansamantala lang ito at sa tingin ko mkakabawi din ito. kaya samantalahin na habang mura pa bili lang nang bili.. dahil kung totoong may vaccine na mabilis ulit aakyan yan...
makakabawi lang yan if tuluyan na talagang mawala ung virus kahit sa ibang bansa hindi  lang dito saatin.
As long kasi na meron pang virus always yan sila magpapanic kasi possible na kumalat at kumalat siya.
Meron kasing malalaking holders na nilalaro yung stocks lalo na ngayong may krisis mas madaling pasunurin or manipulahin ang galawan. isang biglang dumped lang susunod agad ung mga small time players tapos sabayan pa nung mga nagigipit sa sitwasyon at yung mga natataranta dahil sa lock down. Pero yung mga nakahanda at tinuring na long term investment yung stocks makakapag antay ng [agbangon yun at makikinabang sa mga darating na panahon.
akopjpuge
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 236
Merit: 4


View Profile
March 22, 2020, 12:58:24 AM
 #10

Nagbabalak n nga ko humuli ngayon ng mga Stocks sa PSE. Isipin mo yung mga 5 hangang 10 yrs nilang pinagipunan bilhin s cost averaging o hinold - 50% na ang halaga. Kaya halos 1 trillion pesos na ang nawala sa ekonomiya ng Stocks sa atin.
KnightElite (OP)
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 924
Merit: 275


View Profile
March 22, 2020, 02:59:41 PM
 #11

Isa ito sa mga dahilan kung bakit bagsak ngayon ang ekonomiya ng mga iilang bansa at alam natin maraming mga companies sa NCR na ngayon ay nakasa ilalim sa lockdown. Matagal pa bago matapos yung lockdown sa NCR at kung magtatagal pa ito expected natin na maari pang bumagsak ang ekonomiya pero wag naman sana. Buong business/companies sa NCR ang apektado ng virus at sigurado yung mga iba don ay nalugi na. Isa sa mga hinihiling ko ngayon ay matapos na itong crisis ng makabangon ulit tayo at yung mga iba't-ibang market ay umangat rin para talagang happy happy tayo. Sang-ayon ako sa ibang kabayan natin na chance ito upang makabili pa ng mga murang coins sa market at subukan ng mag-ipon ng mga solid na coins upang sigurado na malaki ang kikitain.

Stay safe pa rin mga kabayan at sana wala miski isa satin ang dapuan ng virus na ito!
Tama nasa lockdown ang buong NCR na nakaapekto narin sa pagbagsak ng stocks. Nag karoon talaga ng panic Philippine Stock Exchange na nag cause sa pag pull out ng mga investors. Alam ko na tataas rin ang stocks sa ating bansa pag katapos ng pandemic, pero wag muna tayong mag pa kampante kasi mataas padin ang selling pressure kaya naman may posibilidad pa na mas bumaba pa ang mga stocks sa ating bansa.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655


View Profile
March 22, 2020, 06:19:31 PM
 #12

I'm greatly disagreeing with your comment to the fact that the economy is the one reflecting it's performance to the stock market and not the either way around, why? Ang stock market natin or kahit saan na stock market pa yan ng bansa ay tinatawag na "forward-looking" which means it only reacts based on what is happening around it mapa-financial reaction man yan or mapa-news based reaction pa yan lahat yan ay may epekto sa stock market. Ngayon masasabi nating tinamaan yung ekonomiya natin dahil lang sa pag-tingin ng stock market pero sa katotohanan panget na gawing basehan ng ating ekonomiya ang PSEi dahil na din mas nauna silang natakot compared sa real effect ng COVID 19 sa Pilipinas. Pinaka simpleng explanation ko dito is yung mga investors natin mapa isang tao man yan or institutional investor sila ang unang nag-benta gawa na din sa possibleng ma-idudulot ng epidemic na ito.
Soranith
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 798
Merit: 502


View Profile
March 22, 2020, 10:43:39 PM
 #13

Malaki ang epekto ng Covid-19 sa ekonomiya worldwide dahil kasabay ng pag laganap ng pandemic na virus na eto ay bumagsak talaga ang economy worldwide. Pero hindi ko maiwasan isipin na baka eto ay sinadya kasi diba matagal naman talaga usap usapan na pabagsak na ang economy at ang daming CEO nang malalaking company na nagsisiresign parang ang perfect timing lang ng lahat.
Thecryptocurrency09
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 346
Merit: 100


View Profile
April 06, 2020, 05:36:17 PM
 #14

Siguradong mahihirapan ang ating bansa Lalo na kung  patatagalin pa ng gobyerno ang community quarantine sa NCR or kahit sa buong bansa, dahil na rin sa community quarantine maraming mga malalaking business ang hindi nagooperate at hindi makapag operate dahil na rin sa virus malaking risk ito sa ating mga kababayan kung magpapatuloy ang mga businesses since bibilis ang pagkalat ng virus sa bansa natin sa tingin ko, sa ngayon ay medjo maluwag pa at kahit papano ay nakakraos tayo sa pagkain dahil marami pa naman ang ating mga imbak na pagkain at tila kahit papano ay natutulungan din tayo ng gobyerno pero sigurado hindi naman tayo mapapakain lahat ng gobyerno wala tayong trabaho or income kaya mauubos din ang mga imbak at ipon naten pagdating ng mga ilang buwan bagsak ang ekonomiya naten sa mga susunod na buwan.
Rebisco
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 650
Merit: 103


View Profile
April 07, 2020, 02:02:00 AM
 #15

Siguradong mahihirapan ang ating bansa Lalo na kung  patatagalin pa ng gobyerno ang community quarantine sa NCR or kahit sa buong bansa, dahil na rin sa community quarantine maraming mga malalaking business ang hindi nagooperate at hindi makapag operate dahil na rin sa virus malaking risk ito sa ating mga kababayan kung magpapatuloy ang mga businesses since bibilis ang pagkalat ng virus sa bansa natin sa tingin ko, sa ngayon ay medjo maluwag pa at kahit papano ay nakakraos tayo sa pagkain dahil marami pa naman ang ating mga imbak na pagkain at tila kahit papano ay natutulungan din tayo ng gobyerno pero sigurado hindi naman tayo mapapakain lahat ng gobyerno wala tayong trabaho or income kaya mauubos din ang mga imbak at ipon naten pagdating ng mga ilang buwan bagsak ang ekonomiya naten sa mga susunod na buwan.
Dahil na extend pa ang community quarantine hanggang april 30, for sure may mga unexpected events pa ang pwedeng mangyare. Pero sa tingin ko na tapos na ang panic na naganap recently at alam. Ko na unti unti nanulit na nakaka recover and Philippine Market. Ito kasing virus na ito naapektuhan niya hindi lang maliliit na business pati na din mga oligarchy business.
peter0425
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 2646
Merit: 446



View Profile
April 07, 2020, 04:26:38 AM
 #16

Buong Mundo ay parehas ng nararanasan at meron pa ngang mas malala kumpara sa atin,at hindi naman tatagal to kung hindi matitigas ulo ng mga kababayan natin.

maraming masamang epekto ang covid sa ating bansa pero meron din itong magandang naidulot,dahil nagkaron tayo ng panahon para sa mga mahal natin sa buhay at nakita natin ang kahalagahan ng bawat isa sa ganitong klase ng laban.
maxreish
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1330
Merit: 326


View Profile
April 07, 2020, 08:20:17 AM
 #17

Hindi lang sa ating bansa ang negatibong impact ng covid kundi sa buong mundo, sa tingin we need to prepare for the worst kasi yung lockdown sa atin at sa ibang bansa sa tingin ko di kakayanin ng isang buwan lang dahil di naman pabawas ang contagious ng virus kundi padagdag pa.
 

 It was announced by President Duterte na extended ang enhanced community quarantine until April 30. At nabanggit din niya na apektado ang budget ng gobyerno lalo nga at nag extend nga ang quarantine. At isa pa, lalo pang bababa ang performance ng ating bansa dahil sa covid. At katulad nga din ng ibang mga bansa, ang budget ng kanya kanyang gobyerno ay nagagamit na din dahil sa crisis hindi lang ang Pilipinas.
 
 Kung magkakaisa ang bawat kapwa kababayan natin matatapos din ang kalbaryo na kinakaharap natin. Ang goal naman natin dito ay pababain ang pag spread ng virus para maging normal na ang lahat.
Adriane14
Member
**
Offline Offline

Activity: 308
Merit: 10

Revolution of Power


View Profile
April 07, 2020, 11:39:07 PM
 #18

Sa pagkaka alam ko recession at darating pa daw ang mas malaking global recession meaning mag decline pa mga ekonomiya sa mundo ayon kay Jamie Dimon mismo CEO ng JPMorgan Chase. Baka ito na yung total global recession kaya mag ingat muna lalo sa ating mga big traders na wag muna mag bet this coming months para di mausog ang holdings.
dothebeats
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3640
Merit: 1352


Cashback 15%


View Profile
April 08, 2020, 02:30:41 AM
 #19

Malaki ang naging epekto ng pandemic sa ating ekonomiya lalong-lalo na sa malalaking korporasyon. Isa siguro marahil sa mga pinakaapektado ng krisis ay ang oil industry lalo na't bumaba ang kada bariles nito sa world market at apektado maging ang mga stock dahil na nga rin paralisado ang ekonomiya at wala namang gaanong nagamit ng petrolyo sa panahong ito. Bagama't ganto ang kalagayan ngayon ng ating mga markets, tuloy-tuloy pa rin ang trading sa ating mga stock exchanges, at unti-unti nang nagkakaroon ng recovery ang ilan sa mga nabanggit ni OP na kumpanya based on recent performances.
Kong Hey Pakboy
Member
**
Offline Offline

Activity: 1120
Merit: 68


View Profile
April 09, 2020, 08:04:57 PM
 #20

Dahil walang trabaho at pansamantalang tumigil ang iilang malalaking kumpanya o mga negosyo, ito ay nagkaroon ng malaking epekto sa ekonomiya ng ating bansa dahil tumigil ang produksyon at transaksyon upang maiwasan ang pagdami ng sakit at mabilis masolusyonan. Pero may mga pinoy paring ang titigas ng ulo dahil labas parin ng labas at wala namang ginagawa kaya kung hindi mapapatigil ang corona virus o ang COVID-19 mukhang patuloy babagsak ang ekonomiya ng ating bansa at ang ibang bansa.
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!