Nais ko lang linawagin OP na ang ekonomiya ay hindi binubuo
lamang ng mga malalaking kompanya na nakalista sa PSEI. Lahat ng negosyo maliit man o malaki, lahat ng tao mayaman man o mahirap, iyon ay iilan lamang sa bumubuo ng ekonomiya. Ang masasabi ko lang sa mga stocks ay sila yung may hatak ng pera mula sa mga investor (retail o institutional) kung kaya't malaki ang kanilang ambag at iyon ay labis na nakaapekto sapagkat mababawasan ang kanilang expansion na kung saan makakabawas rin sa mga bilang ng empleyado at trabaho kung saan ito ay makakatulong sa pag-ikot ng pera.
-Dumami ang Bobong Pilipino
-Naghirap ang dati ng Mahihirap
-Panibagong Utang para sa Pag ahon ng Ekonomiya
-kawalan ng trabaho ng karamihan
Dumami ang Bobong Pilipino - HAHA! Totoo to, pero siguro ay ganun na sila mula nuong una at gawa lang ng lockdown kaya sila nagsilabasan HAHAHA!
Naghirap ang dati ng Mahihirap - Walang pondong pera, walang trabaho, hindi kaya ang presyo ng mga bilihin, isang kayod isang tuka kumbaga sinabayan pa ng lockdown at limitadong tulong ng gobyerno dahil marami ang kailangang bigyan. Masasabi ko na parang kami lang
Panibagong Utang para sa Pag ahon ng Ekonomiya - I agree. Tumataas ang bilang ng pera pero walang progresong nangyayari. Road to inflation.
Kawalan ng trabaho ng karamihan - Ito yung isa sa mga mahihirap na parte, yung oras na wala nang tulong na ibibigay ang gobyerno, paano babangon muli ang mga Pilipino.