May latest update ngayon about this situation. Literally 30 minutes ago na-ipasa
na sa senado yung bill na nag-bibigay kay Duterte ng additional powers. Dito sa mga dagdag na kapangyarihan na ito pwede mag re-allocate ng funds si Duterte without any permissions, as well as make decisions to all government owned corporations, bukod dun may kapangyarihan na din sya i-take charge ang mga private establishments to help fight against COVID 19.
Pinapanood ko yung deliberation ng Senate kanina pero naumay ako kasi halos pare-parehas din naman binabanggit ng mga Senador. Akala ko nga suspended pa dahil walang quorum kanina pero buti na lang natuloy.
Para sa akin kung titignan parang naka-pangit na paraan naman ito na ginagawa ng pangulo natin, puro nalang balita is about additional powers being granted to him pero wala tayong naririnig na balita about how they will fight this. Sobrang nakakawala ng pag-asa pag nakikinig at nagbabasa ka ng balita.
Pretty much given na sa article kung saan magagamit ang mga pondo. Tungkol sa implementation at checking kung tama ba ang napupuntahan ng pondo, titignan natin yan. I'm confident na maglalabas sila reports (maybe on a weekly basis) for transparency. Hopefully hindi bibiguin ng communications team ng Presidente ang mga tao. Marami ang magrereklamo at magpapahayag ng kanilang pagka-dismaya sa emergency powers granted to PRRD pero hindi ito ang tamang oras para mag-reklamo. Mahalaga ang bawat segundo ngayon dito dahil mabilis ang pagkalat ng virus. Local transmission na nga eh at kahit enhanced quarantine na, hirap pa din ang tracking nyan dahil may mga pasaway na mamayan at pati na din mga ibang nasa katungkulan. Maliban dyan, kailangan pa alalahanin ang mga pagkain ng mga tao.