Bitcoin Forum
December 14, 2024, 08:35:14 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Epektibong paggamit ng Personal Message- Tutoryal  (Read 110 times)
Polar91 (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1120
Merit: 553

Filipino Translator 🇵🇭


View Profile WWW
March 28, 2020, 07:24:23 AM
 #1


Ito ay pagsasalin lamang. Ang orihinal na thead ay makikita sa pamamagitan ng pag-click sa link na nasa itaas.


Matagal na akong nakikipag-usap sa isang user dito sa huling 2 buwan. Sa loob ng panahong ito, nagkaroon ako ng PM sa ibang mga user din. Sa ilang sandali, hindi ko na kayang makipag-talakayan sa mga user na nakipag-usap sa akin sa huling 2 buwan.
Kaya, sinubukan kong malaman ang isang madaling paraan, nagkaroon ng talakayan dito at naisip kong ibahagi ang epektibong paggamit ng Personal Message ng forum .

Ang pangunahin ay ang inbox at outbox na alam nating lahat. Iiwan ko ang bahaging iyon, tatalakayin ko lamang ang iba pang opsyon na hindi natin nagagamit o hindi pa natin ganung kilala.

1. Suriin ang pinakabagong aktibidad

Image Loading

Kung i-ciclik mo ang My Messages, makukuha mo ang listahang ito. Dito sa listahang ito, maaari kang makakuha ng ilang arrow point (na may dilaw na kulay), ang ilan ay walang arrow. Ang arrow ay nagsasabi na ikaw ay tumugon sa mensahe na iyon, kung walang arrow ibig-sabihin ay hindi ka pa nakakatugon sa mensaheng iyon.

2. Label
Ang label ay isang paraan ng pag-filter ng mensahe ayon sa bawat kinakailangan. Bilang halimbawa, kung nais mong i-filter ang mensahe ng isang tiyak na user, ilagay ang kanyang pangalan (anuman) sa bow at i-click muna ang add a label. Para sa layong subukan, gumawa ako ng isang label na "test".

Image Loading

3. Magdagdag ng mensahe nang manu-mano sa label
Sa ilalim ng bawat mensahe, makikita mo ang pagpipilian na lagyan ng label ang mensahe tulad ng ipinapakita sa larawan sa ibaba.

Ngayon, i-click ang listahan ang dropdown list at piliin ang iyong tiyak na pangalan ng label.

Image Loading

4. Suriin ang magic label
Ngayon, makikita mo ang iyong mga label sa ilalim ng menu ng inbox at outbox. I-click ang iyong tiyak na label upang makuha mo ang lahat ng mensahe sa label na iyon.

Ang ilan sa mga impormasyon ay nakuha mula sa- https://wiki.simplemachines.org/smf/Personal_messages

5. Pop up notification sa mensahe
Kung nakatanggap tayo ng mensahe, makakakuha tayo ng notification sa pamamagitan ng email pati na rin ang (1) nakasulat sa ating mensahe. Kung hindi ka gumagamit ng isang aktibong email, malamang mas matagal ang hihintayin bago mo ito mapapansin kahit na nagba-browse ka sa forum dahil napakaliit din nito upang mapansin. Sa kasong ito, kung sa tingin mo ay isa itong problema, maaari kang magbukas ng pagpipilian na magpapadala sa iyo ng pop up message sa sandaling nakatanggap ka ng isang mensahe.

Mag-click sa Personal Message Option at suriin ang ika-3 na pagpipilian na ipinapakita sa ibaba at i-save ito.



Isang halimbawa ng pop up notification-


Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!