Bitcoin Forum
November 01, 2024, 03:58:54 AM *
News: Bitcoin Pumpkin Carving Contest
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Stock-to-Flow Model: Pag-aaral sa halaga ng bitcoin gamit ang limitadong supply  (Read 401 times)
Maus0728 (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2030
Merit: 1582

View Profile
May 01, 2020, 06:33:19 AM
Last edit: May 01, 2020, 02:33:30 PM by Maus0728
Merited by fillippone (5), Awraawra (3), plvbob0070 (2), cryptoaddictchie (1), samcrypto (1), maxreish (1)
 #1

Ang post na ito ay pagsasalin sa wikang Filipino sa artikulo na isinulat ni fillippone na pinamagatang Stock-to-Flow Model: Modeling Bitcoin's Value with Scarcity.

Magbibigay ako ng mga depinisyon sa mga salita na hindi pwedeng isalin sa tagalog kasi baka ito pa yung maging dahilan ng pagkalito. Tandaan na ang mga may karagdagang depinisyon ay naka bold at italic

Kaunti lang ang mga artikulong tulad ng gawa ni PlanB ang may malaking epekto sa mundo ng Bitcoin.
Sinubukan niyang ipakita ang halaga ng Bitcoin gamit ang Stock-to-Flow approach.
Hindi na bago ang Stock-to-Flow approach sa usaping pananalapi. Matagal na itong ginagamit sa pagtukoy sa halaga ng mga mga pisikal na produkto o kalakal. Unang ginamit ang paraang ito sa librong “The Bitcoin Standard”, na isinulat ni Saifedean Ammous, upang ipaliwanag kung bakit ang Bitcoin aysuperior, harder money kumpara sa kalakal at FIAT money.
Kahit naunang nailathala ang libro ni Saifedean, hindi maikakailang malaki ang naging epekto ng artikulong isinulat ni PlanB. Dinisenyo ito, una sa lahat, upang tukuyin ang presyo ng bitcoin. Malaki rin ang papel na ginampanan nito sa pagpapabatid ng kahalagahan ng halvings sa bitcoin.

Nasa USD 3,400 ang presyo ng bitcoin noong isinapubliko ang article na iyon.

Sa thread na ito, magbibigay ako ng mga paliwanag patungkol sa mga maling paniniwala na nakasaad sa artikulo, kasama na dito ang pagsagot sa mga kadalasang itinatanong, pagpuna sa nasabing model at pag-aaral sa karagdagang pag-unlad.

Link sa orihinal na artikulo:

Modeling Bitcoin's Value with Scarcity

Quote
Panimula
Inilathala ni Satoshi Nakamoto ang bitcoin whitepaper noong ika – 31 ng Oktubre 2008, nalikha naman ang bitcoin genesis block noong Ika – 3 ng Enero 2009 at naisapubliko ang bitcoin code noong Ika – 8 ng Enero 2009. At dito nagsimula ang pagtaas ng halaga ng bitcoin na umabot sa hanggang $70 billion bitcoin(BTC) na kasalukuyang presyo ng merkado.
Ang bitcoin ay ang unang cryptocurrency na may limitadong supply na kinilala sa buong mundo. Ito ay limitado na tulad ng pilak at ginto, na maaaring maipadala gamit ang internet, radyo, satellite etc.
“Naisip ko, paano kung mayroong isang uri ng metal na mahirap makuha tulad ng ginto ngunit may mga katangian na sumusunod: kulay abo, hindi mahusay na konduktor ng kuryente, hindi matibay [..], hindi angkop sa ornamental na pagdidisenyo …at kaisa-isang espesyal at pambihirang katangian: pwedeng maipasa gamit lang ang telepono” - Nakamoto

Siguradong ang kakulangan ng digital na pera na ito ay may halaga, Ngunit magkano? Sa artikulong ito susukatin ko ang kakulangan at ang presyo ng bitcoin gamit and Stock–to–flow model.

Kasalukuyang mayroong itong 31 na pagsasalin, at asahang may mga susunod pa (Idadagdag ko na lang sila dito).

Arabic
Armenian
Bulgarian
Chinese
Croatian
Czech
Dutch
Finnish
French
Frisian
German
Georgian
Greek
Gujarati
Hebrew
Hindi
Indonesian
Italian
Japanese
Korean
Norwegian
Persian
Polish
Portuguese
Romanian
Russian
Slovenian
Spanish
Swedish
Turkish
Vietnamese

Live Stock-to-Flow Price:
Bitcoin Stock-to-Flow model live chart

Live Stock-to-Flow dashboard:
Bitcoin SF Analysis ni @hansolar21

F.A.Q. (Frequently Asked Questions / Madalas na mga katanungan)

Sobrang daming tanong patungkol sa Stock-to-Flow-Model. At marami sa mga katanungan na iyon ay nasagot na sa ibat-ibang podcasts (nasa ibaba ang podcast channel). Kokopyahin ko na lang dito ang ilan sa mga tanong na palaging nauulit, at gagamitin kong basehan ang mga sulat ni PlanB para masagot ang mga ito, idadagdag ko na din ang mga opinyon ko kung kinakailangan.

Q1.
Quote
Stephan Livera: Sa tingin ko, ang ibang factors na dapat isaalang alang dito ay ang mabilis na pagbabago-bago ng presyo sa merkado, pwede kasi na mas lalong bumilis at bumagal ang pagbaba at pataas ng presyo nito. Maaari mo bang bigyan ito ng kaunting paliwanag?

A1.
Quote
PlanB: Oo naman. Siguro kung ibabase natin ito patungkol sa model, makikita mo na hindi naman siya ganoon 100% accurate dahil isa lamang siyang model; kaya lahat ng nakararamdam ng FOMO at yung mga takot sa pag-akyat at pagbaba ng merkado ay hindi na kasama, at makikita mo din naman yun sa chart. Simple lang naman ang pinahihiwatig ng model, base sa Stock-to-Flow; kaya lang naman mabilis ang pataas at pagbaba ng actual market ay dahil sa fear and greed. Madalas, kung makikita mo ang market ay tumataas ng 3-10x sa model value, pero ang pinakamababa ay 50%, isa yan sa mga naiisip kong dahilan, “Sige, kung sasabihin natin na ang value ng model ngayon ay medyo mataas sa $6000, ang pinaka mababang presyo nito sa bear market ay $3000 which is 50% ng halaga ng model. Ayun nga, ganoon yung nakikita ko.
SLP67

Q2.
Quote
“Oh, kasama na ba yung epekto ng halving sa presyo ng bitcoin?” sa tingin ko ito yung paniniwala mo sa mga debates; halimbawa yung efficient market hypothesis. BIlang isang Austrian at sa palagay ko kahit si Saifedan mismo ay parehas kaming nagsasabi, “Hindi pantay na ibinigay ang kaalaman sa lahat, kaya maling isipin na hindi na dapat tayo mangialam sa mas mabisa at hindi mabisang paraan ng EMH”, ngunit mayroon pa din iilang eskwelahan sa Chicago ang naniniwala na tama ang ideyang ito.
A2.
Quote
PlanB: Magandang punto iyan. Sa totoo lang, isa yan sa mga naunang charts ko, yung halving chart na may color overlay; ipinapakita doon kung ano ang magiging presyo ng bitcoin sa mga susunod pang mga buwan hanggang sa susunod na halving; at malinaw mong makikita na hindi kasama yung magiging epekto ng halving sa magiging presyo nito, o sabihin na nating hindi kasama yung nakaraang epekto ng dalawang halving. So, sa pagkakaalam ko wala din magiging epekto sa presyo ng bitcoin yung susunod na May 2020 halving. Medyo weird kasi dapat may epekto yun. Sa katunayan, sobra akong naniniwala sa efficient market hypothesis, kasi dapat ito yung unang maging basehan nila kasi karaniwan sa mga tao ngayon walang alam sa nangyayari. Tanging ang efficient market price lang yung pinaka magandang presyo na pwede natin pagbasehan ngayon, at napakatootoo niyan kung sobrang laki ng market at madaling ibenta, at tingin ko ganoon din sa bitcon. Para siyang $80 billion market.
SLP67

Q3.

Quote
Stephan Livera:[…]”Oh, pwede mo bang i-apply ang Stock-to-Flow analysis o modelling sa Altcoins”[…]”
A3.
Quote
PlanB: Ayan nga yung madalas na naitatanong sa akin, kung pwede ko daw bang gamitin ang Stock-to-Flow model sa Litecoin o B Cash at Ethereum. So ipaliliwanag ko nang mas mabuti. Ang punto kasi ng Stock-to-Flow ay base sa ideyang hindi madaling dayain ang tunay na presyo ng isa bagay. Upang maintindihan ng mga bagong tagapakinig, balikan muna natin kung ano ba ang depinisyon ng stock-to-flow model. Ang Stock-to-Flow ay ginagamit upang malaman ang kasalukuyang bilang ng stock ng isang kalakal (yung kabuuang dami na pwedeng magamit) na hahatiin gamit ang bilang ng bagong produksiyon (dami ng namina o nagawa sa partikular na taon). Halimbawa na lang nito ay ang bitcoin na may 17 million na stock o humigit kumulang 18 million at hahatiin gamit ang flow o yung dami ng bitcoin na magagawa o mamimina, sa madaling salita stock divided by flow. Ang bitcoin ay mayroong flow na 0.7 million kada taon na galing sa pagmimina at kung gagamitin mo ang stock-to-flow formula, makakakuha ka ng sagot na 25, ang 25 ay ang stock-to-flow number para sa bitcoin.

PlanB: At hindi lang ito basta numero, tinatawag ko itong kakulangan, o sukat ng kakulangan sabi sa artikulo, sadyang ang stock-to-flow ay walang kakayahan na kontrolin ang pagdami ng produksyon para palobohin ang kabubuang bilang ng stock.  Kung ang stock ay may sapat na bilang at pinapanatili nito ang produksyon, may posilibilidad na ang mga prodyusers ay may kakayahang palobohin ang bilang ng stock. At alam naman natin ang maaring maging problema kapag pinalobo ng mga kumpanya o gobyerno ang bilang ng stock. Tulad na lamang ng bansang Zimbabwe kung saan si Mugabe, ang prime minister ng nasabing bansa ay nagprint ng maraming dolyar ayon sa kanyang gusto, na naging dahilan ng pagbagsak ng kanilang ekonomiya. Ganoon din ang nangyari sa bansang Venezuela na pinamumunuan ni Maduro. At maari mo din itong maihalintulad sa dolyar, euro pati na din sa konsepto ng quantitative easing. Hindi tamang solusyon ang pag-pi-print ng dolyar, euros at yens para lang gamiting pang-piyansa sa mga bangko at ng buong ekonomiya.

PlanB: Ang stock-to-flow ay ginagamit upang maiwasan ang hindi magandang epekto nito sa fiat currency tulad ng nangyari sa bansang Zimbabwe at Venezuela gayundin sa quantitative easing. So kung gagamitin natin ito sa crypto, napakaimportanteng isaalang-alang ang pagkakaroon ng desentralisasyon. Kung mayroong kakayahang magdesisyon ang isang tao, kumpanya o ng isang bansa para baguhin ang patakarang pananalapi, hindi na ito magiging desentralisado. Magkakaroon lang sila ng kakayahan para makagawa o makapaproduce pa ng maraming pera, coins o di kaya palobohin pa ang bilang ng stock.

PlanB: Isang halimbawa nito ang Ripple. Ang CEO ng Ripple ay may kakayahang makapag premine ng isa pang daang bilyong ripple hangga’t gusto niya. At kung titingnan mo naman ang Ethereum, wala kang makikitang limit sa supply nito. Binabago talaga nila yung supply ng pera. Hindi naman na importante kung babaguhin ba nila ang money supply o hindi na, pero yung katotohanan na may kakayang sila itong kontrolin o baguhin… Well, baka ayan pa yung magiging dahilan ng pag-aalala ko bilang isang investor. At sobrang kaiba ito sa bitcoin, dahil ito ay peer-to-peer network na may maraming nodes, mayroon kang sariling kakayahan na i-verify ang money supply nito. Hindi ka dedepende sa third-party tulad ng banko o ng isang kumpanya o di kaya tulad ng isang data center na magsasabi sayo kung ilan ang supply ng pera..

PlanB: Hindi mo pwedeng basta-basta baguhin ang 21 Million na money supply ng bitcoin, hard-forking ang mangyayari kung susubukan mong baguhin ang supply cap nito. At sa tingin ko, walang maniniwala o susunod sayo para gawin ang hard-forking. Tulad ng Bitcoin Cash na mayroong big blocks, pwede mo din gawin iyong hard-forking pero huwag ka umasa na may susunod sayo. Siguro ang pinaka huling puntong dapat kong banggitin ay yung sa teoretikal side ng stock-to-flow pagdating sa Altcoins, hindi dapat madaling mag-produce ng pera katulad ng ginto. Kaya nga makita mo lang ang ginto sa ilalim ng dagat, o di kaya ayon sa nabasa kong artikulo tungkol sa bulalakaw kamakailan, posibleng kang makakuha ng ginto sa tinatawag nilang the golden asteroid.

PlanB: Magiging magastos ang pagmimina ng ginto sa dagat o bulalakaw, kaya nga hindi nila iyon magawa. Ganoon din sa bitcoin. Hash-based proof-of-work at napakataas ng hash rate nito. Kaya mataas ang pagkonsumo nito sa kuryente para makapagmina ng bitcoin, kaya napakalaking kaibahan nito pagdating sa Altcoins. Halimbawa, ang Ripple ay hindi nangangailangan ng Proof-of-Work at hindi naman ganoon kataas ang hash rate ng Bitcoin Cash, kaya nga hindi ito masyadong secured. Uulitin ko, isa yan sa mga dahilan kung bakit hindi ako mapakali bilang isang investor, at para sa mga taong may higit pang gustong malaman tungkol dito, si Nick Szabo ang nag imbento ng terminong ito, at nagsabi na hindi madaling dayain ang totoong magiging presyo ng mga ito. Kaya siguraduhin ninyong basahin lahat.

PlanB: Sa kabila ng lahat patungkol sa teoretikal na argumentong hindi madaling pekeen ang tunay na presyo ng mga ito. Nagdesisyon ako na kahit papaaano i-apply ko ito sa Altcoins, hindi dahil maraming pumipilit na gamitin ang Stock-to-flow model sa Altcoins kundi para makita ko mismo kung posible ba na magamit ito. Samakatuwid, Isa ito sa mga ginagawan ko ng pagsusuri kasama ang mga eksperto pagdating sa pag-aaral ng stock trading. At masasabi ko sayo ng pahapyaw kung ano ang naging resulta nito, nag tweet na din ako tungkol dito. Lahat sila nakitaan ng sobrang babang R-squares, kaya hindi pwedeng gamitin ang model para dito. Halimbawa, magandang pag-aralan ang Litecoin kasi nalalapit na ang halving nito. Ang Litecoin ay mayroong R-squared na 32% at masasabi natin na sobrang baba ito kumpara sa 95% ng bitcoin. Sa madaling sabi, wala ito gaanong relasyon sa isa’t-isa. Ganoon din ang makikita mo sa Ethereum na nasa 50% R-squared at Decred o DCR na 0% R-squared

PlanB: Kaya kung imposible ang tingin mo sa teoretikal na argumentong hindi madaling dayain ang totoong halaga ng mga ito, nagkakamali ka, kasi kung pag-aaralan mo nang mabuti ang stock-to-flow model, hindi pa din magiging maganda ang resulta.[…]
SLP86

Ilan sa mga SF graph para sa Altcoins: Malinaw na makikita na walang kaugnayan (cointegration) ang SF at ang value nito:

Q4.
Quote
Stephan Livera: Oo nga, nakakamangha ito. Para sa mga tagapakinig, ang table mo ay nagpapakita ng taon, halving at yung predicted price ng model. Sabi mo na ang magiging presyo ng mga ito ay 50,000, 400,000 at 3.2 million para sa 2028 halving. Ngayong epektibo na gamitin na yung stock-to-flow model, lilinawin ko lang na hindi ito batas pang ekonomiya, isa lamang itong modelo, pero dahil gumagana naman yung model. May ideya ka ba kung ilang cycle pa yung pwede natin asahan gamit ang model na ito?
A4.
Quote
PlanB: Oo, kasama din yan sa mga napag-usapan sa Twitter, sobrang daming tanong tungkol  sa magiging presyo nito. Kung pagbabasehan mo yung table, pwede tayong umabot sa taong 2140 habang wala ng flow, hindi na magkakaroon ng panibagong bitcoin at tanging fees na lang yung matitira. Posible na walang katapusang pag-aaral sa Stock-to-flow ang mangyayari para lang malaman ang teoretikal na presyo nito. Paano naging posible iyon? Sa tingin ko, masyadong teoretikal na argumento iyon, kaso praktikal akong tao. Kung ang titingnan lang natin ay ang tatlong susunod pang mga halving. Mapapansin natin na nasa 100, $200 billion ang market nito. Bawat halving pwede itong tumaas ng 10x. Pagkatapos ng 2020, posible na maabot yung 1 trillion, 10 trillion naman sa 2024. At 100 trillion US dollars naman kapagtapos ng taong 2028.

PlanB: Sa tingin ko hindi naman natin kailangan maghintay hanggang 2140 bago tuluyang mawala ang bisa ng model. Magiging mas maaga pa ito kaysa sa iniisip natin. Sa palagay ko, taong 2024. O di kaya sa pagitan ng taong 2024 at 2028 dahil sobrang laking halaga ng $100 trillion bitcoin market kung ikukumpara mo ito sa US dollar. Mayroong itong monetary base na three million at sa tingin ko, 12 or 14 trilion na M2. Ibig sabihin, sa pagitan ng taong 2024 at 2028, mas malaki na ang halaga ng bitcoin kumpara sa US dollar. Sa madaling salita, unti-unti nang nawawalan ng halaga ang US dollar, at maaring bitcoin na lang ang ating gagamitin..

Stephan Livera: Napaka bullish.
SLP86

Ito yung image na pinagbasehan nila:

Twitter link

Noong nagdesisyon si Satoshi na limitahan ang kabuuang supply na 21 miilion na BTC, nagkaroon siya ng ideya kung saan ang pinakamaliit na unit ng bitcoin na tinatawag na satoshi ay pwedeng magkaroon ng malaking halaga. Kaya nangangahulugan ito na baka ang isang bitcoin ay pwedeng magkahalaga ng isang milyon. (Kasama si Hal Finney sa desisyong ito)
Para lalo pang tumaas ang presyo ng bitcoin, kinakailangang bumaba ang halaga ng dolyar: hindi naman talaga bitcoin yung tumataas, kasi ang totoo, bumababa na ang halaga ng dolyar. Kung ang bitcoin ay magkakahalaga ng 3,200,000 USD siguro ang isang litro ng gatas ay nasa 50 USD na: lalo lang magmamahal ang mga bilihin

Sarili kong review tungkol sa Stock-to-flow model:

  • Pagkompyut sa Uncertainty ng bitcoin Stock-to-Flow Model
    Quote
    The linear regression of the log of the values seems reasonable but the uncertainty (variability / error) large enough, especially when brought back to a linear scale, that it makes it difficult to make useful specific predictions. Then again, that alone is useful information.

    Sabihin ko na lang po yung paliwanag ko dito kasi sobrang hirap isalin sa filipino kapag puro mathematical terms, baka lalo kasing maging dahilan ng pagkalito kapag literal na isinalin ko sa wikang Filipino.
    Kung pag-aaralan po kasi natin yung linear regression of the log sa mathematics, magkakaroong po tayo ng ideya sa relationship ng dalawang variables. In this case po, ang pagkakaintindi ko sa first paragraph ay; mayroong in-assume na dalawang related variable pero kapag daw kinuha yung error (theoretical-experimental)/theoretic, makakakuha ng malaking error. Ibig sabihin, mahirap ipredict yung specific value ng bitcoin kasi pwede pong biglaang tumaas at bumaba. Kapag may oras po ako didisuss ko po ito kasi need ko pang aralin kasi sobrang technical ng paliwanag.

  • Hindi pagtanggap sa Stock-to-Flow Model para malaman ang halaga ng bitcoin

    Quote
    Ang artikulong Ito ay magsasabi kung mayroon bang relasyon ang paggamit ng Stock-to-Flow upang malaman ang halaga ng bitcoin. Ang inirekomendang log-log model ay istatistikong pinag-aralan kung mabisa ba itong gamitin sa least squares assumptions, ito ay para mapatunayan kung magkaugnay ba ang mga variable na ginamit o hindi. Ang Vector Error Correction Model (VECM) ay pinag-aralan at sinubukang ikumpara sa orihinal na stock-to-flow model. Habang ang ilan sa mga modelong ito ay nakikipagkumpetensya sa orihinal na model, lahat sila hindi na-reject yung hypothesis na ang stock-to-flow ay importanteng predictor sa halaga ng bitcoin ibig sabihin, pinanindigan nila yung hypothesis nila na yung stock to flow ay legitimate predictor at mahalaga sa pag identify ng value ng bitcoin in terms of Akaike Information Criteria

Podcasts kung saan idenetalye ni PlanB ang kanyang mga article:

Related na pag-aaral tungkol sa Stock-to-Flow

Quote
Nagsumite ng report ang banko ng mga Aleman patungkol sa bitcoin (BTC) versus gold, kung saan nahulaan nila na magkakaroon ng malakihang pagtaas ng cryptocurrency sa taong 2020.Nalalamangan na ba ng bitcoin ang gold?Noong Ika-3 ng Oktubre, ang bangko na nakabase sa Munich ay naglathala ng pinakabagong research report na nagsasabing ang paparating na bitcoin halving ay magkakaroon ng epekto sa kasalukuyang  $8,300 presyo nito.Nilinaw ng institusyong pampinansiyal na dapat tumaas ang stock-to-flow ratio ng ginto “mahirap na paraan sa paglipas ng millennia.” Sa kabilang banda, mas mataas yung posibilidad na maaabot ng bitcoin ang nasabing stock-to-flow ratio sa mga susunod na taon kumpara sa ginto. Ayon sa prediction ng report.[/ul]

Direktang link sa research paper:

Nalalamangan na ba ng bitcoin ang gold?

Maus0728 (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2030
Merit: 1582

View Profile
May 01, 2020, 06:56:40 AM
Last edit: May 01, 2020, 09:24:22 AM by Maus0728
 #2

Greetings Everyone,

Ginawa ko tong translation ni fillippone para malaman ninyo din yung relationship ng scarcity at price ng bitcoin in a more technical matter.

This is a very good read kasi habang tinatranslate ko yung post madami din akong natutunan when it comes to the Stock-to-Flow Model. Though masasabi ko na there is a very technical side sa computation para malaman yung specific price ng bitcoin at a specific time pero hindi na ako masyado nag focus doon kasi hindi naman yun yung focal point ng post ni fillippone.

Another thing to consider is that I needed a lot of time para maintindihan yung mga formula na ginamit sa model kasi napaka complex mathematical equation na yung ginamit. Baka gagawa na lang din ako ng panibagong post para ma-simplify ko yung technical side ng concept specifically yung linear regression of log

Anyhow, kung may error or typo kayong makita, please feel free to comment para ma edit ko yung post. If there is any wrong grammar or may mga phrases na nag cause ng confusion, please comment as well.
Of course kapag may misconception ako na naisulat, please enlighten me.

Thank you so much.
Rosilito
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 658
Merit: 274

Wish for the rain? Then deal with the mud too.

View Profile
May 01, 2020, 11:46:57 AM
Merited by Maus0728 (1)
 #3

Wow... this is one of a hell translation man. Not trying to over exaggerate here pero grabe 'yong tiyaga, pag-aaral at pag-intindi ginawa mo rito. Ibang klase 'yong effort. Napakadami pa naman techincalities mayroon ang S2F model, and you make it through for us to understand. Interesting, I'll wait sa next discussion mo thoroughly about this. Anyway thanks for translating this up!

I just found very slight typographical error lang pero it doesn't ruined the whole thing naman. So you don't need to worry much.
Quote
Sa thread na ito, magbibigay ako ng mga paliwanag patungkol sa mga maling paniniwala na nakasaad sa artikulo, kasama na dito and pagsagot sa mga kadalasang itinatanong, pagpuna sa nasabing model at pag-aaral sa karagdagang pag-unlad.
It should be "ang", right? I am not really a big help lol  Grin  Grin.

May nakita rin ako related YouTube video discussing this S2F model. So add ko na rin if may mga user naman diyan na mas prefer videos on studying something. Here you go: https://youtu.be/ipIEct1pOc8
Maus0728 (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2030
Merit: 1582

View Profile
May 01, 2020, 02:16:21 PM
 #4

Wow... this is one of a hell translation man. Not trying to over exaggerate here pero grabe 'yong tiyaga, pag-aaral at pag-intindi ginawa mo rito. Ibang klase 'yong effort. Napakadami pa naman techincalities mayroon ang S2F model, and you make it through for us to understand. Interesting, I'll wait sa next discussion mo thoroughly about this. Anyway thanks for translating this up!
Honestly, I have a hard time studying and translating what does "unforgeable costliness" means and until now medyo vague pa din sa akin yung idea nito. That is why I am planning to listen another podcast kasama si PlanB para lalo pa akong magkaroon ng deep understanding sa concept. Furthermore, sobrang hirap intindihin ng linear regression of the log kasi punong puno ng complex mathematical formula, parang noodles sa utak ko yung mga variable na nabanggit nung binasa ko yung article. But still okay pag-aralan since connected siya sa econometrics which is a very important part ng pag-aaral if you are really into cryptocurrency.

Anyhow, very much appreciated ang compliment.

Quote
Sa thread na ito, magbibigay ako ng mga paliwanag patungkol sa mga maling paniniwala na nakasaad sa artikulo, kasama na dito and pagsagot sa mga kadalasang itinatanong, pagpuna sa nasabing model at pag-aaral sa karagdagang pag-unlad.

It should be "ang", right? I am not really a big help lol  Grin  Grin.
Thank you and very much appreciated.

May nakita rin ako related YouTube video discussing this S2F model. So add ko na rin if may mga user naman diyan na mas prefer videos on studying something. Here you go: https://youtu.be/ipIEct1pOc8
Hey, nice find. Panoorin ko nga! Sobrang cool matutunan ng model na to since it'll give you a very basic foundation sa economy which is the concept of scarcity and the supply cap.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655

View Profile
May 01, 2020, 10:30:01 PM
Merited by cryptoaddictchie (1), Maus0728 (1)
 #5

PlanB last 3 days ago updated his BTC S2F model with an article in medium. Ang nakakagulat lang dito is gumawa sya ng value prediction for the year 2020-2024 para sa Bitcoin in line ng Halving na mangyayari dito.

The S2FX model formula can be used to estimate the market value of the next BTC phase/cluster (BTC S2F will be 56 in 2020–2024):

Market value = exp(12.7598) * 56 ^ 4.1167 = $5.5T.

This translates into a BTC price (given 19M BTC in 2020–2024) of $288K.

Ang Stock/Flow (SF) ng Bitcoin ay magiging 56 na which is more than double compared to the current year, and yung price calculation nya for Bitcoin given na existing supply nito ay umabot na ng 19 Million in circulation at 288,000$ in just 4 years. Medyo nakakagulat lang na nagkagawa sya ng price prediction using his own model for Bitcoin gamit lang ang mga factors such as halving, current supply, upcoming new supply, at calculated market value. Pero para sa akin kahit convincing yung binigay na concept ng S2F ni PlanB hindi pa din ako masyadong kampanted na ganun ka-accurate or kadali ang mangyayari sa Bitcoin. Just by looking at the Stock to flow model makikita mo naman na hindi cinonsider ang mga outside factors only Bitcoin at internal factors lang ang na-isama sa model. Factors katulad ng laws, economics, at higit sa lahat yung actual demand ng Bitcoin ay hindi kasama sa model na yan. Hindi ko sinasabi na mali sya pero this is just another way of looking into things and kung paano nagka-value ang isang digital asset.
fillippone
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2338
Merit: 16620

Fully fledged Merit Cycler - Golden Feather 22-23

View Profile WWW
May 02, 2020, 01:09:52 PM
 #6

Hello @Maus0728,
the "stock to flow" model is something that is very difficult to understand, so you've done a great job of making it available in your language.
Now comes the biggest and hardest part: try to keep this thread alive and updated with answers to questions from your fellow Filipino speakers!

I will do my best to help with this, just ask questions in English and tag my usernames with @fillippone so I’m notified about that!
Maus0728 (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2030
Merit: 1582

View Profile
May 03, 2020, 01:07:09 AM
Merited by fillippone (2)
 #7

Now comes the biggest and hardest part: try to keep this thread alive and updated with answers to questions from your fellow Filipino speakers!

I will do my best to help with this, just ask questions in English and tag my usernames with @fillippone so I’m notified about that!

Thank you for offering some help in answering questions from our country regarding Stock-to-Flow model. Well, I am also doing my part in studying Stock-to-Flow deeply everyday for me to be able of answering with ease and accuracy. Wink

Ang Stock/Flow (SF) ng Bitcoin ay magiging 56 na which is more than double compared to the current year, and yung price calculation nya for Bitcoin given na existing supply nito ay umabot na ng 19 Million in circulation at 288,000$ in just 4 years. Medyo nakakagulat lang na nagkagawa sya ng price prediction using his own model for Bitcoin gamit lang ang mga factors such as halving, current supply, upcoming new supply, at calculated market value.
The concept of his model is indeed very useful. Kung mapapansin mo yung tranlsation, makikita mo naman doon na napakatagal na din ng Stock-to-Flow model sa financial industry at ginagamit naman na ito dati pa. Its just that PlanB proposes the upgraded the model for bitcoin and surprisingly if gagamitin mo yung linear regression, you can see that the model is really compatible with that of bitcoin.

I dont know if this is a misconception of mine but I think napakalaking factors yung pagkakaroon ng alam sa concept ng supply and demand especially when we are dealing with this kind of topic. Sobrang technical discussion ng Stock-to-Flow lalong lalo na doon sa paggamit ng linear regression. Honestly doon talaga ako nahihirapan.

Doon mo kasi makikita yung relationship ng 2 variable, check the hypothesis, checking some errors and finally make some conclusions. Basically, ayon yung ginawa ni PlanB in order to prove that his model is in compatible with bitcoin.

Pero para sa akin kahit convincing yung binigay na concept ng S2F ni PlanB hindi pa din ako masyadong kampanted na ganun ka-accurate or kadali ang mangyayari sa Bitcoin.
Yep, it is still a model and there is no guarantee that this will be accurate for a longer period of time. Napakadaming uncontrolled variables wherein it cannot be useful anymore. So far, his model and prediction are doing great, let's just use it as a reference and additional subject for studying na lang. Additionally, may maitutulong naman yan sa atin lalo na sa T.A even though I am no trader but still knowledge pa din yan.
Bitcoinislife09
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1028
Merit: 144

Diamond Hands 💎HODL

View Profile
July 01, 2020, 11:56:09 AM
Last edit: July 01, 2020, 03:37:19 PM by Bitcoinislife09
 #8

I agree, model palang ito at hindi tayo certain kung magiging accurate to in the future.
Kailangan talaga ng kaalaman pagdating sa ganitong bagay.Yung stock flow sa mga existing supply namemeasure sa pamamagitan ng paglabas ng mga bagong bitcoins. At napatunayan namang accurate ang performance ng prices sa chart. Ang stock flow model namemeasure naman natin sa mga available na rate ng production at syempre sa mga stocks ng isang resource. Mahalaga ito sa mga precious metals at iba pang mga concerns dito, pero marami naman ang mga nagtatalo kung magiging katanggap tanggap rin ito sa bitcoin.

Shimmiry
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 840
Merit: 105

★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!

View Profile
July 01, 2020, 02:00:50 PM
 #9

~
JUST A SUGGESTION:
This is really a great translation and sobrang tyaga. But then again some (even I myself) would find this hard to understand not because of the depth of the translation but with the unfamiliarity of the context or should I say the terminologies used to describe. Though yes somehow nagegets ko naman but then how about those whom are not fond onto the technical terms (S2Fs and stuffs) ? I think it's good to suggest a thread @Maus0728 ng basics of those terms like san ito ginagamit or ano ito in layman's term.

But then in my opinion, the price prediction is so fictional. Why? Yes the readings can be true withstand to the researches and expectations sa mga possible na implementations ng Bitcoin, but then again there are still hindrances such as wars na hindi lang physical or sa virus conspiracies na yan, pati na rin sa palakasan ng advancement ng technology, and other hindrances such as governments na nakikita ang crypto as threat to their banking systems. Basically I trust the prediction in it's half amount to reach in year 2024.
fillippone
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2338
Merit: 16620

Fully fledged Merit Cycler - Golden Feather 22-23

View Profile WWW
July 04, 2020, 09:21:11 AM
 #10

~
JUST A SUGGESTION:
This is really a great translation and sobrang tyaga. But then again some (even I myself) would find this hard to understand not because of the depth of the translation but with the unfamiliarity of the context or should I say the terminologies used to describe. Though yes somehow nagegets ko naman but then how about those whom are not fond onto the technical terms (S2Fs and stuffs) ? I think it's good to suggest a thread @Maus0728 ng basics of those terms like san ito ginagamit or ano ito in layman's term.

But then in my opinion, the price prediction is so fictional. Why? Yes the readings can be true withstand to the researches and expectations sa mga possible na implementations ng Bitcoin, but then again there are still hindrances such as wars na hindi lang physical or sa virus conspiracies na yan, pati na rin sa palakasan ng advancement ng technology, and other hindrances such as governments na nakikita ang crypto as threat to their banking systems. Basically I trust the prediction in it's half amount to reach in year 2024.

Reply in English:
the concept of stock to flow is quite simple in my understanding: the original PlanB article is quite clear on this. The supply (the flow) of precious assets is constant, and scarce, regarding to the total available quantity (the stock).
Gold is mined in constant proportion every year: yes there are technological advances that allows for greater production year after year, but this greater production is somewhat constant versus the increasing total mined quantity.
Also, fluctuations in gold price are not impact on production. This is not the case for other precious metals (like silver) or other non precious commodities (like oi) where production is greatly affected by price fluctuations.
Please, if you have some concept you want me to clarify, tell me: i will try to explain those in the most possible simple terms (in English, sorry).

Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655

View Profile
July 04, 2020, 06:55:49 PM
 #11

JUST A SUGGESTION:
This is really a great translation and sobrang tyaga. But then again some (even I myself) would find this hard to understand not because of the depth of the translation but with the unfamiliarity of the context or should I say the terminologies used to describe. Though yes somehow nagegets ko naman but then how about those whom are not fond onto the technical terms (S2Fs and stuffs) ? I think it's good to suggest a thread @Maus0728 ng basics of those terms like san ito ginagamit or ano ito in layman's term.

Kung hindi mo masyadong na-iitindihan yung translated version ng explanation ni fillippone I guess what you need to do is to look at the original articles na ginawa ni PlanB. Yung isa kong post dito ay may link dun sa updated article ni PlanB using Medium. Maganda naman explanation ni PlanB dun sa dalawa nyang articles and medyo noob-friendly ang kanyang approach dito kaya madali ko itong nakuha, aside dun makikita mo kung paano niya inanalyze yung price prediction nya using his own words try it baka ang original article ni PlanB will be easier for you to understand.

But then in my opinion, the price prediction is so fictional. Why? Yes the readings can be true withstand to the researches and expectations sa mga possible na implementations ng Bitcoin, but then again there are still hindrances such as wars na hindi lang physical or sa virus conspiracies na yan, pati na rin sa palakasan ng advancement ng technology, and other hindrances such as governments na nakikita ang crypto as threat to their banking systems. Basically I trust the prediction in it's half amount to reach in year 2024.

I won't go as far as saying that it is "fictional" but yung S2F model mismo has it's flaws and PlanB said it himself. The price prediction is based on the supply and demand and the calculations made for Bitcoin's S2F model pero yung greatest flaw na nakita ko sa model na ito is hindi kasama yung mga external factors that could easily influence the future price movement of Bitcoin, when I say "external factors" tinutukoy ko dito yung mga instances katulad ng laws and regulations, world events, as well as yung mga scandals na pwedeng maka-apekto sa demand yung mga factors kasi na ito can influence the model's prediction directly kaya wala talagang assurances na mangyayari yung prediction na ito.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!