Bitcoin Forum
November 06, 2024, 04:24:08 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2 3 »  All
  Print  
Author Topic: Home based jobs to grow in PH  (Read 643 times)
danherbias07 (OP)
Legendary
*
Online Online

Activity: 3304
Merit: 1133

Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform

View Profile
May 01, 2020, 11:52:24 AM
Last edit: May 01, 2020, 12:06:18 PM by danherbias07
Merited by Theb (1)
 #1

Balita kanina na malaki ang chance na tumaas ang employment sa home based jobs.
Etong covid virus ang nagpaalala sa mga companies na dapat na nga silang mag-upgrade.

Pagkatapos ng news ay nagresearch na ako.
I found a good article and I hope makatulong din sa inyo.
Updated naman siya this April 27, 2020.

https://grit.ph/remote-jobs/

Just read the article and huwag munang pansinin yung ibang options diyan.
First timer din ako sa ganto pero gusto ko ng subukan habang maaga pa.
I picked Upwork and Freelancer.

Since dati ko naririnig ang Odesk at naka-sign up na din ako noon.
Edit: Confirmed. Yung account ko sa Odesk ang pumasok. Nag forget password na lang ako.  Grin
Quote
1. UpWork – Elance and oDesk merged to become the world’s largest talent marketplace right now. It offers thousands of job postings daily categorized by specialization.

Alam ko may account na rin ako dito wayback. Subukan ko mamaya.
Quote
2. Freelancer – Similar to UpWork, but smaller in terms of size. According to CEO Matt Barie in a 2017 interview with ABS-CBN, there are currently 900,000 Filipinos using their service right now.

Share ko lang sa inyo guys and I hope meron din sa atin dito na mag share sa experiences nila or kung saan sila nagwork na same nito until now.
Hindi kasi pwede puro signature and bounties lang.
Kailangan na din natin mag-upgrade.
Kaya dito ko din binahagi ay dahil alam ko marami dito ang magagaling na writer.

Stay safe guys.

Nellayar
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 868
Merit: 185

Roobet supporter and player!

View Profile
May 01, 2020, 02:59:42 PM
 #2

Matagal na yang upwork na platform at meron na din akong account nyan. But it is good that you have shared it in this industry. Pero I think if is necessary na may background ka in terms of being a graduate of computer related courses, business related courses, engineers, architects and so on. Kasi ang sistema ng upwork is offering your services in your own rates.

Pwede naman sa mga normal na tao lang. Mga generic na trabaho like data entry, graphics and design, admin support and etc. Pwede mo nga yan ilink sa crypto since pwede ka makakuha ng project na related sa crypto and support ang papasukin mo.

If you really want home based job bukod kay pareng crypto, I suggest din yung sinabi ni OP.

Here is a little background in upwork:
https://youtu.be/Eqt-JrDIR3k

Pero I suggest to have a good reputation out here and stay focus in crypto since this can make your future more real than other online job.

Baofeng
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2772
Merit: 1679

View Profile
May 01, 2020, 11:25:34 PM
 #3

I agree with Odesk o Upwork na ang tawag ngayon. Dati akong Odesk worker, grabe 2010 pa ako dyan pero hindi na active nung natapos yung isang campaign na halos 3 years tumagal. Anyways, I think matagal na rin at marami na rin talagang Pinoy na nagho-homebase prior the lockdown kasi nga sabi sa article, internet lang at PC ang kailangan mo at knowledge of course para maka hanap ka ng work. Di ko lang sure kung gaano na nahigpit ang competition sa paghahanap ng job sa Odesk, nung panahon ko medyo kunti pa lang at ang daming work pa.

Regarding naman dun sa median pay, I don't know but I personally believed na everything IT related jobs ay ang may pinakamataas na sweldo parin. I'll try to login to my Odesk account ulit at sisilipin ko nga, baka may jobs na mag fit parin sakin kahit wala na ako ng matagal dun.
danherbias07 (OP)
Legendary
*
Online Online

Activity: 3304
Merit: 1133

Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform

View Profile
May 02, 2020, 02:19:00 AM
 #4

Napaisip nga rin ako.
Mas maganda pa rin siguro talaga kung may employer ka na lang kesa yung puro sideline lang na paunti-unti.
Lalo na kung mag full time ka naman na home base worker.

Next target ko magcheck na lang sa mga job finding websites na tumatanggap ng writing or encoding skills since yun naman ang background ko for 10 years.
ice18
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 542

View Profile
May 02, 2020, 04:23:55 AM
 #5

This is really nice info OP sayang ubos smerit ko for now btw sobrang dami palang site na pwedeng aplayan kung sakali iilan ang diyan yung alam ko like upwork, fiverr etc ang mahirap lang kung wala ka manlang experience mahirap maghanap ng client since nakadepende den sila sa resume na ipapasa mo pano kung first time mo mag-apply sa hombased kung career shifter ka mas maganda sana kung ang gobyerno natin e magprovide na rin ng free trainings para sa mga online jobs para sa iba na hindi naman masyadong tech-savvy e makahanap den ng work na homebased.
cml2019
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 46
Merit: 3

View Profile
May 02, 2020, 04:57:43 AM
Merited by danherbias07 (1)
 #6

Hindi ko pa nagamit ang Freelancer at Upwork before pero isa rin akong freelancer online for quite a while now. Masasabi ko na hindi madali ang maging isang freelancer online lalo na't maraming mas competent sa industriya at kailangan mo talagang magsumikap makakuha lang ng kliyente. So I find a bunch of clients on my stay on reddit and tips ko lang din sa mga nagnanais magtrabaho online, consider making friends, expand your network, it's the only way to open up a window of opportunities sa katulad nating hindi gaanong talented pero masipag. Lamang ang may koneksyon.

You can visit these links below :
https://www.reddit.com/r/Jobs4Bitcoins/
https://www.reddit.com/r/Jobs4Crypto/
https://www.reddit.com/r/HireaWriter/
https://www.reddit.com/r/forhire/

Mag a-add nalang ako if makahanap ako ng worthy to share.

Good thing narin na nandito tayo sa crypto sphere at maaaring mode of payment natin ay crypto, plus points na iyon dahil mababa ang fee at ang ibang clients ay mas prefer iyon na mode of payment (check nyo na din ang wallet ng client nyo, baka involved sa mga illegal acts, madamay ka pa.)
Consider nyo rin na magtrabaho for free for a week, kahit 1 hour a day lang, atleast duon kayo makakakuha ng attention at matest ang kagalingan nyo. Parang OJT kumbaga. Best thing here is pag-aagawan ka, sayang e libre serbisyo.

Goodluck on finding clients and finding job online, Kudos to everyone!

peter0425
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 2828
Merit: 458

Vave.com - Crypto Casino

View Profile
May 02, 2020, 06:12:51 AM
 #7

Thanks sa share kabayan kasi nag hahanap hanap na din ako ng magiging option since mukhang magpapahinga ang kumpanya namin after this month for indefinite time dahil sa epekto ng Covid at sigurado ng mag babawas ng tao in case na bumalik na operation.

and i think mag focus na lang muna ako dito sa forum at sa iba pang free lance jobs ,at having this thread eh marami na akong masisilip mula now Salamat.
antoncoin222
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 37
Merit: 2

View Profile
May 02, 2020, 09:23:47 AM
 #8

mahirap sa ibang online jobs eh dami na kasabayan mo dyan..ako ok ako sa stock trading sa ngayon kasi mababa na mga stocks ilang ulit na ako kumikita sa scalping at ganun din sa crypto
Taskford
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2716
Merit: 839

View Profile
May 02, 2020, 09:40:41 AM
Merited by danherbias07 (1)
 #9

Hindi pansinin dati ang Homebased job dahil mababa ang tingin ng ilan nating kababayan sa trabahong to at akala nila na walang kita online o maliit lang kasi ang mentalidad ng karamihan ay mas malaki pa ang kitaan sa opisina.

At maaari mo ding idagdag ang mga site nato dahil pwede ng maghanap dito ng client ang mga kababayan natin.

Onlinejobs.ph
Fiverr.com
linkedin.com

Pero wag isipin na madali lang makakuha ng trabaho sa mga site nato ah dahil sobrang taas ng kompetisyon dito at mainam na may experience/skills ka para may malaking bentahi ka sa ibang applicante.

Search nyo narin ang facebook page ng upwork philippines at marami kayong matutunan dun dahil magaganda ang topic at makakatulong lalo na sa mga baguhan.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655

View Profile
May 02, 2020, 09:33:53 PM
Merited by danherbias07 (1)
 #10

Guys if gusto niyo maging employed on a permanent basis o full-time home-based employee and not as a freelancer o project-based employee I would suggest this site: https://www.linkedin.com/ , masu-surpresa kayo sa mga big companies na nag-hahanap ng work from home (wfh) na empleyado. Even before the enhanced community quarantine started may mga kumpanya na naghahanap ng work from home employees and hindi lang mga simpleng "encoder" type jobs ang makikita niyo dahil meron mga full-time data analyst, market analyst, at software developers na hinahanap ng mga kumpanya na ito. One handy feature I like is yung "easy apply" function nila na kailangan mo lang click yung "easy apply" button and sila na magsa-submit ng resume na prinovide ninyo.
Baofeng
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2772
Merit: 1679

View Profile
May 02, 2020, 11:58:02 PM
 #11

I agree with Odesk o Upwork na ang tawag ngayon. Dati akong Odesk worker, grabe 2010 pa ako dyan pero hindi na active nung natapos yung isang campaign na halos 3 years tumagal. Anyways, I think matagal na rin at marami na rin talagang Pinoy na nagho-homebase prior the lockdown kasi nga sabi sa article, internet lang at PC ang kailangan mo at knowledge of course para maka hanap ka ng work. Di ko lang sure kung gaano na nahigpit ang competition sa paghahanap ng job sa Odesk, nung panahon ko medyo kunti pa lang at ang daming work pa.

Regarding naman dun sa median pay, I don't know but I personally believed na everything IT related jobs ay ang may pinakamataas na sweldo parin. I'll try to login to my Odesk account ulit at sisilipin ko nga, baka may jobs na mag fit parin sakin kahit wala na ako ng matagal dun.

Napaisip nga rin ako.
Mas maganda pa rin siguro talaga kung may employer ka na lang kesa yung puro sideline lang na paunti-unti.
Lalo na kung mag full time ka naman na home base worker.

Next target ko magcheck na lang sa mga job finding websites na tumatanggap ng writing or encoding skills since yun naman ang background ko for 10 years.

Tsambahan lang din talaga kung makakakita ka ng mga long term jobs sa Odesk. Pero may maraming employer may gusto na mag hire ng Pinoy sa Odesk:

https://www.youtube.com/watch?v=V2XSQFUXERg
JanpriX
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1708
Merit: 606

Buy The F*cking Dip

View Profile
May 03, 2020, 02:24:02 AM
Merited by danherbias07 (1)
 #12

Currently, yung misis ko eh home-based yung naging work niya after niyang magresign sa isang corporate company from Ortigas due to its ever-changing policy that only benefits the employer and not its employees. Sakto din na buntis siya noon kaya napilitan din siyang magresign. The problem that we encountered from it is that yung lifestyle at gastos namin eh hindi kayang suportahan ng work ko lang. Need talaga namin na pareho kaming nagwo-work kaya naisipan niyang mag-try ng work-from-home jobs.

Hindi namin akalain na dito pa siya makakakita ng maganda work (magandang sahod at super flexible sa schedule) tapos yung employer niya eh tine-take into consideration yung status niya (kasi nga buntis siya nung panahong na-hire siya). Na-swertehan din siguro yung misis ko at dahil don, masasabi kong sobrang possible talaga na magkaron ng job na home-based at kumita ng malaki. Kaya ngayon, nag iisip din akong lumipat ng work.

Things to take note:

  • There are a lot of scam online jobs out there. Naka-encounter ang misis ko niyan. Sobrang dami. For example, mag rereply sa kanya yung scam company and then hihingi ng "membership fee" para daw mas mabilis makakuha ng work. Ingat ingat kayo diyan,
  • Ingat din kayo sa companies/individuals na hindi verified ng ibang tao at maaaring hindi kayo bayaran after niyong magwork sa kanila. Madaming ganyan din na nalolokong Pinoy.
  • Make sure you have enough money to invest para sa mga gagamitin mo para sa home-based work. Like laptop, hi-speed internet and small room dedicated for your work. Maraming companies ang nagchecheck niyan sa hiring process nila. Pag nakita nilang hindi mo yan na-meet, tanggal ka kagad.

You can check this website. Dito siya nakapasok at nakakuha ng maganda sweldo.

Code: (VERIFIED HOME-BASED COMPANY)
https://hellorache.com/
rhomelmabini
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2058
Merit: 578

No God or Kings, only BITCOIN.

View Profile
May 03, 2020, 03:51:42 AM
Merited by Theb (1)
 #13

Guys if gusto niyo maging employed on a permanent basis o full-time home-based employee and not as a freelancer o project-based employee I would suggest this site: https://www.linkedin.com/ , masu-surpresa kayo sa mga big companies na nag-hahanap ng work from home (wfh) na empleyado. Even before the enhanced community quarantine started may mga kumpanya na naghahanap ng work from home employees and hindi lang mga simpleng "encoder" type jobs ang makikita niyo dahil meron mga full-time data analyst, market analyst, at software developers na hinahanap ng mga kumpanya na ito. One handy feature I like is yung "easy apply" function nila na kailangan mo lang click yung "easy apply" button and sila na magsa-submit ng resume na prinovide ninyo.
I agree as well but the competition on LinkedIn was totally huge especially if you're not on a premium account subscription. So far marami ang mga jobs rito but mostly sa mga napag-aaplyan ko they still required to have you walk in on their company or on-site especially if local lang yung inapplyan mo.

Upwork, Freelancer, Toptal and most known freelance site ay hindi mga beginner friendly or yung mga walang masyadong karanasan o experience and what I am annoyed by their site was their reviewing of application to sign up on them kasi mostly they chose those who has experienced or has lot of experience. I don't know if others experience it as well you can share it here if you have the same story.
xenxen
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 763
Merit: 252

View Profile
May 03, 2020, 06:32:28 AM
 #14

may  account ako dati pa dito sa upwork kaso hindi pa na vverify at hindi ko na pinag patuloy mula nong nakahanap ako sa mga walkin job.. ang napansin ko lang ngayon sa upwork parang tumaas na yung mga criteria nilang hinahanap. dati daming no need experience yung makikita ngayon parang kunti nalang yata. yun lang napansin ko noong binalikan ko yung account ko sa upwork..
maxreish
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1358
Merit: 326

View Profile
May 03, 2020, 07:06:27 AM
 #15

Makakatulong ito sa mga naapektuhan talaga ng community quarantine, yong mga nawalan ng trabaho at no work no pay. Kaso syempre sa mga online jobs dapat ay competent ka din upang mapili. Hindi lang dahil alam mo ung job description na hinahanap nila, dapat din ay maganda ang credibility mo, well made ang resume mo at sa alam ko din, experienced is an advantage din.

Naririnig ko na dati pa ung Upwork, siguro ay susubukan ko ding mag sign up habang andito lang din naman sa bahay.
danherbias07 (OP)
Legendary
*
Online Online

Activity: 3304
Merit: 1133

Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform

View Profile
May 03, 2020, 07:38:50 AM
 #16

Guys if gusto niyo maging employed on a permanent basis o full-time home-based employee and not as a freelancer o project-based employee I would suggest this site: https://www.linkedin.com/ , masu-surpresa kayo sa mga big companies na nag-hahanap ng work from home (wfh) na empleyado. Even before the enhanced community quarantine started may mga kumpanya na naghahanap ng work from home employees and hindi lang mga simpleng "encoder" type jobs ang makikita niyo dahil meron mga full-time data analyst, market analyst, at software developers na hinahanap ng mga kumpanya na ito. One handy feature I like is yung "easy apply" function nila na kailangan mo lang click yung "easy apply" button and sila na magsa-submit ng resume na prinovide ninyo.
Buti na lang pala talaga naisip ko ipost ito.
Dami na nagshare ng mga experience nila.
Sobrang natutuwa ako at naeexcite na rin. Kalma!  Grin
Thank you Theb sa pagshare.

Currently, yung misis ko eh home-based yung naging work niya after niyang magresign sa isang corporate company from Ortigas due to its ever-changing policy that only benefits the employer and not its employees. Sakto din na buntis siya noon kaya napilitan din siyang magresign. The problem that we encountered from it is that yung lifestyle at gastos namin eh hindi kayang suportahan ng work ko lang. Need talaga namin na pareho kaming nagwo-work kaya naisipan niyang mag-try ng work-from-home jobs.

Halos parehas pala tayo situation.
Sa akin naman dahil wala na mag alaga sa dalawang bata at yung isa ko baby pa.
Kaya nag-resign si misis.
Papabasa ko nga ito sa kanya para ma-push na siya na mag home base na lang.
Problema nalang isa pang computer para talagang personal niya lang.

Salamat sa lahat ng shares niyo, nakakainspire sobra. Mukhang ito na rin talaga ang new norm sa pagtrabaho ng mga tulad natin na computer base ang mga job.
Asuspawer09
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1820
Merit: 436

View Profile
May 03, 2020, 06:42:43 PM
 #17

Currently, yung misis ko eh home-based yung naging work niya after niyang magresign sa isang corporate company from Ortigas due to its ever-changing policy that only benefits the employer and not its employees. Sakto din na buntis siya noon kaya napilitan din siyang magresign. The problem that we encountered from it is that yung lifestyle at gastos namin eh hindi kayang suportahan ng work ko lang. Need talaga namin na pareho kaming nagwo-work kaya naisipan niyang mag-try ng work-from-home jobs.

Hindi namin akalain na dito pa siya makakakita ng maganda work (magandang sahod at super flexible sa schedule) tapos yung employer niya eh tine-take into consideration yung status niya (kasi nga buntis siya nung panahong na-hire siya). Na-swertehan din siguro yung misis ko at dahil don, masasabi kong sobrang possible talaga na magkaron ng job na home-based at kumita ng malaki. Kaya ngayon, nag iisip din akong lumipat ng work.

Things to take note:

  • There are a lot of scam online jobs out there. Naka-encounter ang misis ko niyan. Sobrang dami. For example, mag rereply sa kanya yung scam company and then hihingi ng "membership fee" para daw mas mabilis makakuha ng work. Ingat ingat kayo diyan,
  • Ingat din kayo sa companies/individuals na hindi verified ng ibang tao at maaaring hindi kayo bayaran after niyong magwork sa kanila. Madaming ganyan din na nalolokong Pinoy.
  • Make sure you have enough money to invest para sa mga gagamitin mo para sa home-based work. Like laptop, hi-speed internet and small room dedicated for your work. Maraming companies ang nagchecheck niyan sa hiring process nila. Pag nakita nilang hindi mo yan na-meet, tanggal ka kagad.

You can check this website. Dito siya nakapasok at nakakuha ng maganda sweldo.

Code: (VERIFIED HOME-BASED COMPANY)
https://hellorache.com/

Kelangan pala ng medical specialty sa site na ito.

Seems legit naman ang websites rerecommend ko sa mga kakilala ko na naghahanap ng home base job.

~

Mukang okey din naman ang www.fiverr.com kung may skills ka medjo matumal nga lang ang mga nagbobook kung bago palang.
bL4nkcode
Copper Member
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2142
Merit: 1307

Limited in number. Limitless in potential.

View Profile
May 03, 2020, 08:26:38 PM
 #18

Mukang okey din naman ang www.fiverr.com kung may skills ka medjo matumal nga lang ang mga nagbobook kung bago palang.
Mostly, namimili yung buyer sa may mga 5 star reviews na, but still depend sa budget nila. At need mo ng appealing na gig description at title para mas madali makita yung gig mo using the search function. At sympre, reasonable price.
If bagohan palang try to make your price lower, at pag nakakuha ka ng buyer pilitin mong mag leave ng review sympre dapat 5 stars, at pwede mo nang taasan price sa gig mo, ganyan ginawa ko so far, at least 1 buyer nakukuha ko a week.
Shimmiry
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 840
Merit: 105

★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!

View Profile
May 04, 2020, 12:27:14 AM
 #19

Share ko lang sa inyo guys and I hope meron din sa atin dito na mag share sa experiences nila or kung saan sila nagwork na same nito until now.
Hindi kasi pwede puro signature and bounties lang.
Kailangan na din natin mag-upgrade.

I agree na need na din natin mag upgrade lalo na't ngayo'y hirap tayo kasi biglaan tong pandemic at ecq na nagaganap. Dati na rin akong nag inquire sa upwork bilang Graphic Designer pero sobrang hirap pala kumuha ng clients kapag starting ka palang sa online freelancing platform kasi marami silang choices and somehow magagaling ang lahat.

Suggest ko lang din OP na pakidagdag yung 99designs.com para naman sa mga ibang users na may experience na rin sa Graphic Layout and Designs.
samputin
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1036
Merit: 294

View Profile
May 04, 2020, 08:59:54 AM
 #20

Balita kanina na malaki ang chance na tumaas ang employment sa home based jobs.
Etong covid virus ang nagpaalala sa mga companies na dapat na nga silang mag-upgrade.
This is so true. As the saying goes, "Modern problems call for modern solutions." Hindi naman kasi pwedeng tumigil ang buhay nang dahil sa pandemic na ito.

Anyway, regarding sa article mo, I've noticed na malalaki ang pasweldo sa online jobs particularly those inclined sa IT. Nakakaengganyo tuloy sumubok. Unfortunately, I'm not an expert sa field na yun.

Hindi kasi pwede puro signature and bounties lang.
Kailangan na din natin mag-upgrade.
May point ka dito. Di pwedeng sa signature and bounties lang fully dependent lalo na kung di naman kalakihan ang kinikita mo. However, kung gusto mo mag work ng gaya ng nasa article pero ayaw mo i-let go ang source of income mo dito sa forum, okay lang din naman yun. The only challenge lang would be on time management.

Kaya dito ko din binahagi ay dahil alam ko marami dito ang magagaling na writer.
As I have mentioned earlier, I am no expert sa field ng IT but I do know some of the basics and I know how to write. Maybe sooner or later, I will try and apply on an online job that fits my qualifications.  Cheesy

Thanks for this, op. And stay safe mga kabayan!
Pages: [1] 2 3 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!