Maraming mabibiktima ito lalo kapag hinde masyadong chinecheck ang site bago magbigay ng mahahalagang impormasyon, sana ay maging aware na ang ating mga kababayan at matauhan na sa sobrang daming scammers at fake site na lumalabas.
Ito lagi ang isa mga nagiging rason bakit may nabibiktama ang mga fake website. Alam naman natin na talamak na ngayon ang fake website na kamukhang kamukha talaga ng original kaya kung hindi tayo magiging mabubusi talagang maglalaho nalang ang ating pera na parang bula. Kayang-kaya namang maiwasan ang ganitong website kung tayo ay masipag sa pagsesearch at paglalaanan ito ng oras at effort. Wag tayong maging tamad pag dating sa ganitong bagay dahil kung ikaw ay tatamad tamad sa pagsesearch panigurado lagi kang mahuhulog sa mga fake website.
Magandang naibahagi mo ito OP, dahil alam ko may mga kapwa tayong filipino na nakakalimutan ang pagcheck ng mga website at basta basta nalang sila nagtitiwala. Laging tandaan na maging masinop sa pagsesearch lalo kung may kaugnayan ito sa pag iinvest.