Bitcoin Forum
December 15, 2024, 08:46:10 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Paano ko Nauunawaan ang Sistem ng Blockchain at Bitcoin  (Read 196 times)
Debonaire217 (OP)
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 644
Merit: 364

In Code We Trust


View Profile
May 04, 2020, 10:07:54 AM
Merited by Theb (2), serjent05 (1)
 #1

Ang ibabahagi ko ay intended sa mga newbies at mga bago nating members na nais matuto patungkol sa basics ng blockchain at bitcoin. Nais ko sana to ishare sa Beginners sections pero mas maigi para sa akin na sa tagalog ko ito ipaliwanag para mas madali at mas madali natin maunawaan.

So paano ko nauunawaan ang sistema ng blockchain at bitcoin?

Simulan natin sa Blockchain...

Sa physical world, kapag nakikipag transact tayo, may tinatawag na ledger kung saan, may taong nag lilista ng transactions na ginagawa natin. Example, yung mga nag papa weteng, o kaya naman ay yung mga nag papautang, mayroon silang listahan ng utang para masiguro kung nakabayad na o hindi ang isang tao papunta sa kinauutangan niya. Malapit ang konsepto ng ledger dito, ito ay listahan ng mga transaksyon at ang Blockchain ay maituturing na digital version ng physical ledger at ang kaibahan nito ay broadcasted ang bawat information ng blockchain para maverify ito sa tulong ng libo libong nodes na nakakalat sa buong mundo.

Ang blockchain din ay patuloy na nag-ggrow, dahil every 10 minutes, may bagong blocks na na ccreate(mag ddive tayo deeper dito mamaya), ang mga nasstore na data sa blockchain ay permanente, secured, nakaayos sa paraang chronological, at hindi maaaring mabago.

Paano nga ba ito nangyayari?

*Commercial* -- Alam mo ba na ang pinakaunang block ng bitcoin ay tinatawag na Genesis Block? At naisakatuparan ito noong January 3, 2009 ng Creator ng Bitcoin na si Satoshi Nakamoto. At kung titignan, mayroong naka attached na message sa genesis block. Ito ay "Chancellor on brink of second bailout for banks". Well ikaw na bahala mag figure out ng meaning pero galing ito sa cover ng news paper na 'The Times' Sa araw na iyon.

Balik tayo sa Blockchain at bitcoin.

Imagine, kung magsesend ka ng picture sa email, ang picture na na sesend mo ay actually isang kopya lamang ng actwal na picture na meron ka. Kung ikukumpara mo ito sa pag sesend ng pera, magkakaroon ng tinatawag na Double Spending. Sinolve ito ngayon ni Satoshi nakamoto gamit ang bitcoin (isang digital currency na nag sstore ng value). Paano? ang sagot ay ang global network ng libo-libong computers na tinatawag na Bitcoin Network at Blockchain Technology. Eh Debon paano naman nagagawa ang mga bitcoins? Mayroon tayong sistema para jan.

Dito na papasok ang sistema ng Bitcoin Mining at mga Miners.

Sa bitcoin network, merong grupo ng mga tao na tinatawag na Miners(Hindi sila nag mimina ng mga mineral at nag bubungkal ng lupa), Ang role nila kumbaga ay mag process at mag confirm ng mga transactions gamit ang specific computers na ginawa para mag mine ng bitcoin. Nag sosolve sila ng mga problems na may kaugnayan sa cryptography dahil ang cryptography ang dahilan para maging secured at hindi mababago ang mga data. So kapag ang isang miner ay nakasolve ng bitcoin problem, Bitcoin din ang reward niya (ang reward na ito ay ang bagong bitcoin na namimina). At dagdag pa dito, lahat ng transaction fees na meron tayo per transaction, sa kanya rin na pupunta.

*Commercial* -- Mayroong total of 21 Million bitcoins lamang na maaring ma mina ng mga bitcoin miners. 

Ang bawat blocks sa bitcoin blockchain ay nagagawa sa loob ng sampung minuto, sa bawat block, dito naka store lahat ng data o transaction na naganap sa oras na iyon. Matapos magawa ang bagong block, dudugtong ito sa blockchain.

I differentiate natin ang pinagkaiba ng Encryption at Hashing;


Pag sinabi nating Encryption, ito ay ang pagtatago ng data sa paraang maaari pa itong maibalik sa orihinal sa pamamagitan ng Decryption. Ang pinagkaiba nito sa Hashing ay malaki dahil kapag nag hahash ng data, hindi na ito maibabalik sa orihinal na form nito.

Ang Blockchain ay pinag titibay ng Hashing. Sa katunayan, ang ginagamit na Hash ng Bitcoin blockchain ay tinatawag na SHA256 or Secured Hash Algorithm.


Gamit at https://demoblockchain.org/blockchain,

Makikita sa larawan na ito ang iba't-ibang elements na bumubuo sa bawat blocks in simplified form.

Block: number ng block
Nonce: specific number na sinosolve ng mga miners
Data: nag sstore ng transactions or iba pang klase ng data
Prev: Makikita dito ang ang Hash ng previous block
Hash: Pinag samasamang data ng Block#, Nonce, Data, At Prev na Hinash

Kapag binago ko ang data ng isang block, magiging invalid na lahat ng succeeding blocks. At para maibalik ko ito sa valid state, kailangan ko itong i Mine. Ngunit kapag minine ko ito, ito lamang ang maibabalik sa valid state kaya kailangan ko paring i mine lahat ng succeeding blocks. Mapapansin na kapag nag mine tayo ng block, hinahanap ng miners ang tamang kombinasyon ng Nonce. At ang Nonce ay nakadepende sa tinatawag na Difficulty level na makikita sa Hash: 000015783b764259d382017d91a36d206d0600e2cbb3567748f46a33fe9297cf

ang Numero sa unahan na 0000 ang tinatawag na difficulty level at habang dumadami ang blocks, tumataas din ang difficulty level kaya pahirap ng pahirap ang kompetisyon ng mga miners.


Tanong: Kung pwede namang i Mine pabalik sa valid state ang isang invalid block, posibleng mabago ang blockchain. Ang sagot ay Hindi.. Ang blocks na binago natin ay sariling kopya lamang ng blocks na meron sa buong mundo. Mayroong libo libong records ng bitcoin blockchain at ang pag babago sa isang record nito ay hindi makaaapekto sa kabuuang estado ng blockchain Unless, 51% ng Mining Equipment or 51% ng Hashpower ay hawak mo at kailangan mo itong maisakatuparan sa loob lamang ng 10 minutes dahil 10 minutes ang kabuuang pag likha sa bagong blocks.

Napaka imposible na ma alter ang blockchain sa ganitong sistema at ito ang pagkakaintindi ko kung paano gumagana ang blockchain at Bitcoin. Kung may nais kang idagdag at i correct, please do so. Magandang may refresher din tayo even though basics ito ng bitcoin at blockchain para sa mga newbies.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655


View Profile
May 04, 2020, 05:25:30 PM
 #2

dahil every 10 minutes, may bagong blocks na na ccreate(mag ddive tayo deeper dito mamaya), ang mga nasstore na data sa blockchain ay permanente, secured, nakaayos sa paraang chronological, at hindi maaaring mabago.

I would use this statement sparingly lalong lalo na pagka para sa newbies itong topic na ito dahil baka kasi ma mislead sila na lahat ng transactions sa Bitcoin as guaranteed at ligtas sa kahit ano pa mang mga hacks o threats. Tandaan na si Satoshi Nakamoto mismo ay hindi nagbigay ng kahit anong guarantee na walang transaction na mababago o mawawala dahil alam niya na may mga threats na nag-eexist sa Blockchain kahit hindi pa ito nag-sisimula, nag-bigay lang sya ng "proposed" solution pero wala syang sinabing guarantee na walang vulnerabilities na mangyayari.

We propose a solution to the double-spending problem using a peer-to-peer network.

As long as a majority of CPU power is controlled by nodes that are not cooperating to attack the network, they'll generate the longest chain and outpace attackers.

If a greedy attacker is able to assemble more CPU power than all the honest nodes, he would have to choose between using it to defraud people by stealing back his payments, or using it to generate new coins.

Yung last two quoted from Bitcoin's whitepaper si Satoshi ay nag-sasabi sa posibilidad na ang 51% attack ay pwedeng mangyari sa network, at kung nagawa nga iyong ng isang attacker o grupo ng tao maaari nyang mabago yung mga transactions o tanggalin ito at maka-gawa ng double spending. For newbies who are new with Bitcoin transactions kung gusto ninyong i-confirm yung legitimacy ng transaction niyo dapat niyong tinitignan palagai yung number ng confirmation ng iyong transaction, 0 confirmation ay maituturing na unsecure at pwede pang mabaligtad ang transaction ninyo, kaya waiting for at least 1 confirmation (for small transactions) ay dapat ninyong tinitignan.

..bustadice..         ▄▄████████████▄▄
     ▄▄████████▀▀▀▀████████▄▄
   ▄███████████    ███████████▄
  █████    ████▄▄▄▄████    █████
 ██████    ████████▀▀██    ██████
██████████████████   █████████████
█████████████████▌  ▐█████████████
███    ██████████   ███████    ███
███    ████████▀   ▐███████    ███
██████████████      ██████████████
██████████████      ██████████████
 ██████████████▄▄▄▄██████████████
  ▀████████████████████████████▀
                     ▄▄███████▄▄
                  ▄███████████████▄
   ███████████  ▄████▀▀       ▀▀████▄
               ████▀      ██     ▀████
 ███████████  ████        ██       ████
             ████         ██        ████
███████████  ████     ▄▄▄▄██        ████
             ████     ▀▀▀▀▀▀        ████
 ███████████  ████                 ████
               ████▄             ▄████
   ███████████  ▀████▄▄       ▄▄████▀
                  ▀███████████████▀
                     ▀▀███████▀▀
           ▄██▄
           ████
            ██
            ▀▀
 ▄██████████████████████▄
██████▀▀██████████▀▀██████
█████    ████████    █████
█████▄  ▄████████▄  ▄█████
██████████████████████████
██████████████████████████
    ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄
    ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀
       ████████████
......Play......
Bitcoinislife09
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1028
Merit: 144

Diamond Hands 💎HODL


View Profile
June 25, 2020, 10:08:50 AM
 #3

dahil every 10 minutes, may bagong blocks na na ccreate(mag ddive tayo deeper dito mamaya), ang mga nasstore na data sa blockchain ay permanente, secured, nakaayos sa paraang chronological, at hindi maaaring mabago.

I would use this statement sparingly lalong lalo na pagka para sa newbies itong topic na ito dahil baka kasi ma mislead sila na lahat ng transactions sa Bitcoin as guaranteed at ligtas sa kahit ano pa mang mga hacks o threats. Tandaan na si Satoshi Nakamoto mismo ay hindi nagbigay ng kahit anong guarantee na walang transaction na mababago o mawawala dahil alam niya na may mga threats na nag-eexist sa Blockchain kahit hindi pa ito nag-sisimula, nag-bigay lang sya ng "proposed" solution pero wala syang sinabing guarantee na walang vulnerabilities na mangyayari.

We propose a solution to the double-spending problem using a peer-to-peer network.

As long as a majority of CPU power is controlled by nodes that are not cooperating to attack the network, they'll generate the longest chain and outpace attackers.

If a greedy attacker is able to assemble more CPU power than all the honest nodes, he would have to choose between using it to defraud people by stealing back his payments, or using it to generate new coins.

Yung last two quoted from Bitcoin's whitepaper si Satoshi ay nag-sasabi sa posibilidad na ang 51% attack ay pwedeng mangyari sa network, at kung nagawa nga iyong ng isang attacker o grupo ng tao maaari nyang mabago yung mga transactions o tanggalin ito at maka-gawa ng double spending. For newbies who are new with Bitcoin transactions kung gusto ninyong i-confirm yung legitimacy ng transaction niyo dapat niyong tinitignan palagai yung number ng confirmation ng iyong transaction, 0 confirmation ay maituturing na unsecure at pwede pang mabaligtad ang transaction ninyo, kaya waiting for at least 1 confirmation (for small transactions) ay dapat ninyong tinitignan.
Dahil electronic money nga ang bitcoin at iba pang cryptocurrency laganap ang scams. May mga grupo ng scammers na umaatake para makakuha ng pera mula sa ibang tao. Sa pamamagitan ng bitcoin transactions ay nagagawa nila ang kanilang mga scam. Sa mga confirmations sila umaatake kailangan palagi mong ikoconfirm kung legitimate ba ang transaction mo. Kailangan mong tingnan ang verification sa transaction kapag walang number for confirmation ibig sabihin delikado ang transaction mo. Kailangan ay palagi tayong maging mapanuri.

Dito sa Pilipinas ang coins.ph ang isa sa mga lehitiming bitcoin transaction application. Safe rin ito at marami ang mga gumagamit nito. Sa Coins.ph maaari kang bumili ng load, magtransfer ng electronic money, at pwede ring magbayad ng bills payment. So halos lahat ng pwedeng gawing transactions ay maaari mong gawin sa Coins.ph.


Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!