Bitcoin Forum
November 08, 2024, 05:37:22 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
Author Topic: ABSCBN (CHANNELS vs CHANNELS) and how does it affects to their stocks.  (Read 380 times)
Mumbeeptind1963 (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1190
Merit: 568

Sovryn - Brings DeFi to Bitcoin

View Profile WWW
May 07, 2020, 10:54:41 AM
Merited by nutildah (2), Rosilito (1)
 #1

Hello mga kabayan,

tutal puro tungkol ABS-CBN naman ang palagi ko nakikita sa mga social media ngayon, hayaan niyo akong ipaliwanag yung ibang mga bagay.

DISCLAIMER: DI KO SILA PINAPANIGAN, HINDI KO RIN GUSTONG IPASARA YUNG NETWORK NILA, NEUTRAL LANG AKO. AT ISA PA HINDI KO 'TO OPINYON, ETO LANG YUNG NATUTUNAN KO SA SUBJECT KO NUNG
UNDERGRAD.

Usap-usapan ngayon yung RA 7966 (eto yung source). Ayan yung law kung saan nakaasaad kung ano ano ba yung rules and regulation na dapat sundin.
Dito tayo mag-focus sa Technical part ipapaliwanag ko lang yung ibang term.

Mababasa niyo palagi yung word na "FREQUENCY" at "CHANNELS"

Okay let's start!

What is frequency?
It describes the number of waves that pass a fixed place in a given amount of time

okay in layman's term tayo,

from the word "frequent" means yung times na nangyari yung isang bagay o sa tagalog ng frequent ay yung "dalas"

so in tagalog , frequency is th number of waves (radio waves, sound waves, micro waves,visible light and infrared)na dumaan sa isang lugar in a given amount of time.
Everything around you is signal. So in other words frequency is number of times something happens and it is measured by Hertz. Kunwari tumalon ako ng tatlong beses sa 1 sec ibig sabihin
may 3hz tayo, makikita niyo yan sa maraming appliances niyo.

Okay focus tayo sa RADIO WAVES and MICRO WAVES. Si Radio waves ginagamit sa pag transmit television and radio programs. Si micro waves naman is to
transmit satellite television and for mobile phones.

So si TV NETWORK ay under na sa VHF(very-high frequency) -UHF (ultra high frequency). Mula Ch2 and so on, siguro nagtataka kayo bakit wala tayong channel 1?
Yung frequency po kasi nun is allocated pa for FM Radios (iba rin yung binigay na frequency rito which is Mhz pati sa AM Radio na Khz).

So eto na nga based sa mga nabasa ko, at sa mga sinasabi ng mga Engineer kong friends and also sa forum namin, using Analog Signals, hindi kakayanin na mapagkasya yung maraming Channels
sa iisang frequency . So maybe isa, or dalawa lang ang kasya not sure, pero eto na nga nakaisip ng paraan si ABS-CBN, gumamit sila ng digital signals using multiplexing.

So, what is MULTIPLEXING?
Eto yung technique na marami kang input na maipapasok tapos ang labas is iisang link na lang. So by using Digital ang advantage nun sa Analog is better quality, higher resolution and
pwede sila mag broadcast ng maraming signal sa iisang bandwidth. (bandwidth means yung difference between lower saka upper frequency kumbaga yung pwede nila paglagyan ng mga info)

So ang nakasaad sa RA7966

 1 FRANCHISE=1 FREQUENCY (mag base po tayo sa law ha? wag doon sa interview)

So eto yung situation,
may isang bahay (FREQUENCY SPECTRUM) na binigay yung mama niyo (NTC), tapos kunwari 10 kayong magkakapatid (10 TV NETWORKS), so may 10 kwarto rin (FREQUENCIES), sabi ni mamsh
kayo na bahala sa kwarto niyo, so si ditse (ABSCBN) dahil mautak gumamit ng ibang bulsa ni doraemon (DIGITAL SIGNAL USING BLACK BOX) na ginaya niya sa ibang bansa di pa kasi alam ng mga kapatid niya to eh,
kaya ayun marami siyang nalagay (CHANNELS), kaso nagreklamo si pinsan (FICTAP) kasi nang dahil ginawa ni Ditse na move. Pero wala rin naman kasing kasalanan yung parents eh, kasi matagal
na sinasabi ni ditse yun e , kaso nadedelay lang kasi matagal siya payagan ni papa (CONGRESS) .

Eto lang yung simpleng paliwanag ko guys, wala akong kinalaman sa ABS-CBN ha? pinaliwanag ko lang yung ibang problema.
Sana nakatulong, at isa pa, wala akong ibang gustong ipahiwatig gusto ko lang makapag bigay ng impormasyon, wala pa rin akong konkretong paliwanag kung bakit may 2 kwarto na ginamit
si Ditse, pero sabi nila binigay daw ito ni mama, saka isa pa yung kay Diko (GMA) at sanse (PTV) may iba rin DAW silang kwarto for Digital.

At, eto na nga ano kaya mangyayari sa presyo ni ABSCBN sa PSE?

Salamat kabayan sa pagbabasa, NO TO ARGUEMENTS TAYO RITO HA? I'M NOT PRO DI RIN AKO ANTI. Feel free to correct me sa mga kapwa ko ECE dyan.

Magandang gabi,paalam ! Wink
Vaculin
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2954
Merit: 613

Winding down.

View Profile
May 07, 2020, 11:07:41 AM
Merited by cabalism13 (1)
 #2

No trading for ABS CBN stocks now.

PSE suspends trading on ABSCBN

Quote
The Philippine Stock Exchange (PSE) suspended trading of common shares and depositary receipts of ABSCBN Corp. on Wednesday as the broadcasting giant went off the air following a shutdown order from the National Telecommunications Commission (NTC).

siguro para maiwasan ang pag dump nito.. di ko rin alam ang rules ng PSE since I am not a PSE trader.. pero kung i basi natin sa crypto, tiyak dump yan.. maaring mag zeo pa ang price dahil close na nga ang network..

ito pang isang source.

https://www.cnbc.com/quotes/?symbol=ABS-PH

LogitechMouse
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2618
Merit: 1061

Need A Campaign Manager? | Contact Little_Mouse

View Profile WWW
May 07, 2020, 12:38:28 PM
 #3

siguro para maiwasan ang pag dump nito.. di ko rin alam ang rules ng PSE since I am not a PSE trader.. pero kung i basi natin sa crypto, tiyak dump yan.. maaring mag zeo pa ang price dahil close na nga ang network..
Parehas lang sa crypto. If may bad news ang isang stock ay for sure babagsak ito and vice versa. In this case ang ABS ang nasa hot seat pero the PSE suspended the trading of the stock for 2 straight days already. Posibleng rason ito ay para maiwasan ang pag dump pero as long as walang good news sa ABS or if hindi pa sila babalik, babagsak at babagsak ito.

On the other side nung pagkalabas ng news May 4 ng hapon, May 5 nag spike ang price ng GMA at nag open ito ng 49.95% higher than the May 4 closing price Cheesy. Para sa mga traders at investors, rival ang dalawang ito at sa part na ito GMA ang nanalo kaya napunta ang mga funds ng traders sa GMA. Unfortunately, hindi nagtagal sa price opening at bumagsak din kalaunan at for sure maraming ipit pa rin sa ngayon at naging forced investor sila Cheesy.

Regarding sa price ng ABS going to zero, para sa akin imposible ito dahil for sure gagawa ng paraan ang ABS para bumalik. Di pa ako pinapanganak anjan na sila nagsisilbi at nagbibigay ng news sa mga tao kahit minsan bias talaga sila kaya di sila papayag na titigil sila ng ganun lang. Smiley
Vaculin
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2954
Merit: 613

Winding down.

View Profile
May 07, 2020, 01:37:03 PM
 #4

Di rin natin masasabi dahil alam mo naman ang tao kung mag panic, pero maaring temporary lang yan at sa tingin ko, kung makakabalik man ang abs cbn, maaring iba na ang may ari niyan dahil sa dami ng violation nila, kailangan pang manalo sila sa court para lang payagan ulit silang ma renew nag kanilang franchise.

Dami kung nababasa pero yung legal matters sa court an yan, di na ako mag touch diyan,..

ito lang ang point kung bakit di na renew dahil sa original application nila, channel lang pero now pag renew nila channels na.. siguro nasanay na kakampi nila ang president kaya di pinag tuonan ng pansin, ngayon iba na kasi si Duterte walang pabor2 at walang kinakakatakutan..

baka pag balik ng abs cbn, davao group na may ari. hehe
Asuspawer09
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1820
Merit: 436

View Profile
May 07, 2020, 01:43:49 PM
 #5

So ang nakasaad sa RA7966

 1 FRANCHISE=1 FREQUENCY (mag base po tayo sa law ha? wag doon sa interview)

Kanina lang ay binalita na ito sa Facebook Live ng TV Patrol mukang sa Fblive muna sila magbabalita, Sinabi sa interview na hindi nangangahulugan na 1 FRANCHISE=1 FREQUENCY which ang ABS ay mayroong anim.

ABS-CBN Live Link

For me maraming mga violation ang ABS-CBN ang dapat lang na panagutan nila ito, For sure mayroon naman silang funds to support their employees ngayon and kailangan nila itama ang pagkakamali nila kung gusto nilang mabalik ang Company nila.

Surely expected na ang pagbaba ng stock dahil sa balita at pagkawala ng Franchise ng ABS CBN mukang okey ang maginvest dahil kapag bumalik ang ABS CBN for sure malaki ang itataas at magiging profit ng  pera mo dito, pero for me mukang medjo in the middle ako dahil na rin sa pandemic masokey na rin ang magsave muna para sa future dahil magkakaroon ng general community quarantine which is deffinitely maaaring magtagal ng months or maybe up to 2 years, For sure dahil sa sakit ay magkakaroon ng bagong normal na kailangan masanay na tayo, maybe na general community quarantine ay tumagal pa hanggang 2 years upang kumpletong mapatay ang sakit na COVID 19.

Regarding sa price ng ABS going to zero, para sa akin imposible ito dahil for sure gagawa ng paraan ang ABS para bumalik. Di pa ako pinapanganak anjan na sila nagsisilbi at nagbibigay ng news sa mga tao kahit minsan bias talaga sila kaya di sila papayag na titigil sila ng ganun lang. Smiley

Di rin natin masasabi dahil alam mo naman ang tao kung mag panic, pero maaring temporary lang yan at sa tingin ko, kung makakabalik man ang abs cbn, maaring iba na ang may ari niyan dahil sa dami ng violation nila, kailangan pang manalo sila sa court para lang payagan ulit silang ma renew nag kanilang franchise.

Dami kung nababasa pero yung legal matters sa court an yan, di na ako mag touch diyan,..

ito lang ang point kung bakit di na renew dahil sa original application nila, channel lang pero now pag renew nila channels na.. siguro nasanay na kakampi nila ang president kaya di pinag tuonan ng pansin, ngayon iba na kasi si Duterte walang pabor2 at walang kinakakatakutan..

baka pag balik ng abs cbn, davao group na may ari. hehe

Yeah, mukang iba na ang magiging may-ari ng ABS-CBN pagbalik neto.

Pero mukang tuloy tuloy pa rin naman ngayon dahil mayroon pa silang FB live pero makikita din naten yan kapag tumagal pa. Magiging option din ng may-ari na ibenta ang ABS sa investor na may kaya.

nakamura12
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2450
Merit: 682

drop me a dm if interested to rent my PT

View Profile
May 07, 2020, 07:47:38 PM
 #6

Marami siguro na companies and kanilang e refund na nagbabayad upang ipakita ang kanilang product sa TV. Binalita nga sa GMA na lung anong mga violations ng ABSCBN at dapat nila itong panagutan. It's their fault na bakit na shutdown ang franchise kung sumunod lang sila sa law di sana mangyari ang pag shutdown. Opinion lamang po ito at wala akong pinapanigan. Siguro naman babalik ang ABSCBN but iba na ang may ari that's what I think too.
dothebeats
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3766
Merit: 1354

View Profile
May 07, 2020, 08:08:30 PM
 #7

Confidence ang mawawala sa stocks ng ABS-CBN, but once this gets sorted out, I'm pretty sure na medyo magiging bullish ang paggalaw ng kanilang mga stocks dahil nanalo sila sa kanilang adversaries. The law needs a lot of ironing out para maiwasan ang ganitong lapses between companies asking for franchise and the respective government departments na nangangasiwa sa mga ito. ABS-CBN's legal department is largely at fault kung bakit nagkaroon ng ganitong gusot. 2014 pa pala nila kinukuha ang franchise at niresubmit nung 2016 ngunit wala pa ring nangyari dahil marami pa ring kulang sa renewal application documents na hinihingi sa kanila.

Well for what it's worth, so long as this gets sorted out hindi naman mawawala sa mapa ang ABS-CBN, lalo't nakuha na nila ang simpatya ng madla sa kanilang mga madadamdaming pahayag sa internet at bago sila mag-sign off.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655

View Profile
May 07, 2020, 10:13:55 PM
 #8

At, eto na nga ano kaya mangyayari sa presyo ni ABSCBN sa PSE?

click the image to see the full resolution

ABS-CBN Annual Earnings (in billions) for the last 5 years (highest stock price)

2014 - 34.35₱ (39.56₱/share)
2015 - 38.7₱ (68.24₱/share)
2016 - 42.32₱ (59.90₱/share) [Presidential Election]
2017 - 40.7₱ (48.88₱/share)
2018 - 40.13₱ (35.51₱/share)
2019 - ABS-CBN hasn't released their 2019 Annual Report Yet (Current Price: 17.50₱/share)

Sa simula palang sasabihin ko na saiyo na undervalued ang ABS-CBN, bakit? If kukumparahin natin ngayon yung stock price niya and it's earnings makikita mo na hindi nagkakalayo sila, ABS-CBN achieved its highest stock price nung 2015 which their gross revenue amounted in 38.7₱ billion pero even though naging stable yung earnings nya or somehow umangat ng konti bumababa ng bumababa yung value ng stock nya kahit naging mas mataas pa sa 38.7₱ billion yung earnings nya sa mga sumunod na taon, bakit? Kasi by the start of 2014 palang may taning na yung franchise nila eh dahil sila mismo nag withdraw ng application for renewal nila nung 2016, dito na nag start magka downtrend ang stock ng ABS-CBN. Paano ko nasabi na undervalued ang ABS-CBN? If we are plainly talking about earnings nandyan na sya, as a company wala na syang kailangan patunayan na stable yung kumpanya ni Lopez dahil in the last 5 years naging malakas yung earnings nila especially nung 2016 elections. 17.50₱/share is extremely undervalued pero yung kalaban nga talaga ng ABS-CBN dito is whether or not mabigyan sila ng renewal and base sa mga nababasa ko mukhang medyo malabo pa ito lalong lalo na wala tayong makuha straight na sagot sa pangulo natin.
antoncoin222
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 37
Merit: 2

View Profile
May 08, 2020, 04:03:42 AM
 #9

yong stocks ng GMA 7 ceiling....sobrang taas noong shutdown abs..pero ngayon bumagsak din stocks ng GMA angdami naipit sa taas
Vaculin
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2954
Merit: 613

Winding down.

View Profile
May 08, 2020, 10:19:04 AM
 #10

yong stocks ng GMA 7 ceiling....sobrang taas noong shutdown abs..pero ngayon bumagsak din stocks ng GMA angdami naipit sa taas

Normal lang siguro yan dahil iniisip ng mga tao ng ABS CBN hindi na makakabalik at masosolo na ng GMA ang entertainment dahil wala ng ibang channel na may artisita, kung nag dump man ang GMA, maaring overbought lang yan pero yung kaso ng ABS CBN, mukhang serious talaga at maiipit rin yung mga trader dahil kung i resume na ang trading, instant dump na siguro anga aabuting ng ABS CBN Stocks.

sa hype and FUD, walang pinag kakaiba ang crypto sa PSE, kaya tingin ko yun ang mangyayari.
Mumbeeptind1963 (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1190
Merit: 568

Sovryn - Brings DeFi to Bitcoin

View Profile WWW
May 09, 2020, 05:03:02 AM
 #11

Oo,kabayan ayan din nabasa ko sa group sa fb, nanatakot kasi sila and ceiling price nga GMA stocks now, pero I think babalik yan si ABSCBN pero yung price nila sa market patuloy talagang bababa sa ngayon.

Confidence ang mawawala sa stocks ng ABS-CBN, but once this gets sorted out, I'm pretty sure na medyo magiging bullish ang paggalaw ng kanilang mga stocks dahil nanalo sila sa kanilang adversaries. The law needs a lot of ironing out para maiwasan ang ganitong lapses between companies asking for franchise and the respective government departments na nangangasiwa sa mga ito. ABS-CBN's legal department is largely at fault kung bakit nagkaroon ng ganitong gusot. 2014 pa pala nila kinukuha ang franchise at niresubmit nung 2016 ngunit wala pa ring nangyari dahil marami pa ring kulang sa renewal application documents na hinihingi sa kanila.

Well for what it's worth, so long as this gets sorted out hindi naman mawawala sa mapa ang ABS-CBN, lalo't nakuha na nila ang simpatya ng madla sa kanilang mga madadamdaming pahayag sa internet at bago sila mag-sign off.
Tama ka dyan kabayan ! what happened to ABSCBN is really an eye opener na rin sa batas natin, dahil marami talagang di pa nauupdate, kumbaga nasa advance technology ang mundo pero yung bansa natin nasa analog era pa rin.
Vaculin
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2954
Merit: 613

Winding down.

View Profile
May 09, 2020, 08:39:15 AM
 #12

yong stocks ng GMA 7 ceiling....sobrang taas noong shutdown abs..pero ngayon bumagsak din stocks ng GMA angdami naipit sa taas

Normal lang siguro yan dahil iniisip ng mga tao ng ABS CBN hindi na makakabalik at masosolo na ng GMA ang entertainment dahil wala ng ibang channel na may artisita, kung nag dump man ang GMA, maaring overbought lang yan pero yung kaso ng ABS CBN, mukhang serious talaga at maiipit rin yung mga trader dahil kung i resume na ang trading, instant dump na siguro anga aabuting ng ABS CBN Stocks.

sa hype and FUD, walang pinag kakaiba ang crypto sa PSE, kaya tingin ko yun ang mangyayari.
Oo,kabayan ayan din nabasa ko sa group sa fb, nanatakot kasi sila and ceiling price nga GMA stocks now, pero I think babalik yan si ABSCBN pero yung price nila sa market patuloy talagang bababa sa ngayon.

Mukhang halted pa rin ang trading ng ABS CBN stocks now...

https://www.pse.com.ph/stockMarket/companyInfo.html?id=114&security=123&tab=0
52 week Low:   14.80
52 week High:   24.85

laki ng binaba.. antayin nalang natin kung anong mang yayari at kung kailan babalik ang ABS CBN, tingin ko matagal pa bago bumalik yan.
Kawawa naman nga artista,, bina bash nalang sa online dahil di na maka pag pigil sa nararamdaman nila.. yung kay coco martin ang kim chiu, sila yata trending now.
cml2019
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 46
Merit: 3

View Profile
May 09, 2020, 11:21:50 AM
 #13

I just want to commend OP for an explanation that is easy to digest, entertaining sya at the same time informative. Going to ABS-CBN stocks naman, personally I don't trade stocks pero being here in crypto, I have an understanding about how price action works and what drives the market to where it's going to be. For ABS-CBN stocks, I could say that they are fundamentally broken (legal issue) and probably going down.

Mabuti na nga lang halted ang trading, pero with the uncertainty of when they could operate again, hanggang kailan? Should investors wait? If anybody who has the right knowledge regarding this matter, pakisagot naman boss, salamat.

Mumbeeptind1963 (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1190
Merit: 568

Sovryn - Brings DeFi to Bitcoin

View Profile WWW
May 10, 2020, 04:34:39 AM
 #14

I just want to commend OP for an explanation that is easy to digest, entertaining sya at the same time informative. Going to ABS-CBN stocks naman, personally I don't trade stocks pero being here in crypto, I have an understanding about how price action works and what drives the market to where it's going to be. For ABS-CBN stocks, I could say that they are fundamentally broken (legal issue) and probably going down.

Mabuti na nga lang halted ang trading, pero with the uncertainty of when they could operate again, hanggang kailan? Should investors wait? If anybody who has the right knowledge regarding this matter, pakisagot naman boss, salamat.

Wala pa ako nababalitaan ulit kung ano ang kanilang balak, pero last time nakita ko, youtube ginamit nilang way para makapag broadcast, and I think they can do that since di kasama yun sa bawal nilang gawin, at isa pa, kikita rin sila sa youtube, pero ayun nga medyo alarming para sa mga holders, pero I think magiging okay ulit price niyan for about few weeks lang. Anyway salamat Sir sa pagbabasa ng aking thread Smiley
serjent05
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3024
Merit: 1280

Get $2100 deposit bonuses & 60 FS

View Profile
May 11, 2020, 12:30:28 AM
 #15

Recently ginagamit nila ang Cinemo para broadcast ang ilan sa kanilang mga programs like TV Patrol.

Matalino rin ang ABS CBN sa pagsuspend ng trading ng kanilang mga stocks.  Dahil sigurado itong mawawalan ng value if hindi nila sinuspinde ang trading.  Ngayon sana masarap bumili ng stocks nila dahil talagang bagsak ito.

Bttzed03
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2114
Merit: 1150

https://bitcoincleanup.com/

View Profile
May 11, 2020, 05:23:41 AM
Merited by Theb (1)
 #16

~
2014 - 34.35₱ (39.56₱/share)
2015 - 38.7₱ (68.24₱/share)
2016 - 42.32₱ (59.90₱/share) [Presidential Election]
2017 - 40.7₱ (48.88₱/share)
2018 - 40.13₱ (35.51₱/share)
2019 - ABS-CBN hasn't released their 2019 Annual Report Yet (Current Price: 17.50₱/share)
Meron ka ba data nung sinabi ng NTC that they might give a provisional authority to operate before Sol Gen Calida intervened? Balita ko nag-spike that time.

~
ABS-CBN's legal department is largely at fault kung bakit nagkaroon ng ganitong gusot. 2014 pa pala nila kinukuha ang franchise at niresubmit nung 2016 ngunit wala pa ring nangyari dahil marami pa ring kulang sa renewal application documents na hinihingi sa kanila.
Maliban sa hindi nila maibigay yung mga requirements at hindi masagot yung mga tanong sana ng Congress, nabasa ko na ayaw din ni Pinoy i-grang yung franchise renewal kung hini tatanggalin si Noli De Castro that time (who was GMA's VP). So they gambled on the next administration but unfortunately for them, si PRRD ang nanalo and not Mar.

Well for what it's worth, so long as this gets sorted out hindi naman mawawala sa mapa ang ABS-CBN, lalo't nakuha na nila ang simpatya ng madla sa kanilang mga madadamdaming pahayag sa internet at bago sila mag-sign off.
Mukhang hindi na ang kaso ngayon. Pinatahimik na lang sana nila mga artista nila dahil mas lalo lang nainis mga tao sa kanilang kadramahan  Grin

Been reading another issue about ABS-CBN with their subsidiary company - Big Dipper Digital Content and Design, Inc. Some investigative journalists/bloggers have been digging into their financial reports kung saan napansin na they were able to Avoid taxes in the past years (paglilinaw tax avoidance =/= tax evasion). This Big Dipper company is registered under PEZA and they were granted some privileges like having non-taxable dividends. While this move seems legal under our existing tax laws, some argue that it is unethical. There are even others who claim that Big Dipper is just a shell company.

I don't know where these findings/investigation would lead to and how that would affect the franchise renewal but this could put a dent on their reputation (if they still have).
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655

View Profile
May 11, 2020, 02:47:23 PM
 #17

~
2014 - 34.35₱ (39.56₱/share)
2015 - 38.7₱ (68.24₱/share)
2016 - 42.32₱ (59.90₱/share) [Presidential Election]
2017 - 40.7₱ (48.88₱/share)
2018 - 40.13₱ (35.51₱/share)
2019 - ABS-CBN hasn't released their 2019 Annual Report Yet (Current Price: 17.50₱/share)
Meron ka ba data nung sinabi ng NTC that they might give a provisional authority to operate before Sol Gen Calida intervened? Balita ko nag-spike that time.

Hindi ko sure if ito yung tinutukoy mo since nangyari pa ito nung July 29, 2019 which was 10 months ago. Naging house bill pa nga ito pero hindi sya pumasa sa kongreso at hindi sya umabot sa senado natin. In terms of price increase naman based on the chart ng previous post ko makikita mo na walang naging epekto ito sa price movement ng ABS-CBN makikita mo na overall downward trend pa din sya, yes nagkaroon ng konting rally pataas until August of 2019 pero it wasn't enough para masabi natin na reversal sya. Also if ikaw ay investor sa market at hindi trader yung mga spikes na ito sa short term hindi naman ganun ka-importante eh. Ang mahalaga is if nakita mo syang undervalued para sa presyo nya at yung earning potential nya, buying it right now even if nagkaroon ka ng paper loss  you will still be confident and have a peace of mind habang natutulog ka.

Suggestion ko lang sainyo kung gusto niyo makakita ng official news/announcement sa ABS-CBN (o sa kahit ano pang kumpanya) I would rather go sa PSE EDGE page at hindi unahin ang mga balita na nang-gagaling sa media natin.
Code:
https://edge.pse.com.ph/companyInformation/form.do?cmpy_id=114

Sa page nila puntahan niyo yung "Company Disclosures" na tab kasi dito sila mamimigay ng official statements, announcements, pati na rin financial reports. Mas magiging reliable ito kung usapan natin stocks nila dahil ito yung magiging basehan if may chance nga na mag-operate sila earlier.
cml2019
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 46
Merit: 3

View Profile
May 12, 2020, 06:59:41 AM
 #18

Recently ginagamit nila ang Cinemo para broadcast ang ilan sa kanilang mga programs like TV Patrol.

Matalino rin ang ABS CBN sa pagsuspend ng trading ng kanilang mga stocks.  Dahil sigurado itong mawawalan ng value if hindi nila sinuspinde ang trading.  Ngayon sana masarap bumili ng stocks nila dahil talagang bagsak ito.

Agree ako at bubulusok talaga ang value to consider na hindi na sila nag-ooperate at wala nang maaaring kitain ang mga investor sa kanila. The big question is, dahil uncertain at floating parin ang status ng muling pagbubukas ng ABS-CBN, hanggang kailan suspended and trading, normal lang ba iyon sa stocks? Paano yung mga naipit na investor? As I could see sa crypto markets, nasususpende ang trading if may hacking incident o may bug na nadiskubre, if ganito kalala ay delist na agad.
arwin100
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2912
Merit: 852

Jack of all trades 💯

View Profile WWW
May 12, 2020, 11:56:59 PM
 #19

Recently ginagamit nila ang Cinemo para broadcast ang ilan sa kanilang mga programs like TV Patrol.

Matalino rin ang ABS CBN sa pagsuspend ng trading ng kanilang mga stocks.  Dahil sigurado itong mawawalan ng value if hindi nila sinuspinde ang trading.  Ngayon sana masarap bumili ng stocks nila dahil talagang bagsak ito.

Agree ako at bubulusok talaga ang value to consider na hindi na sila nag-ooperate at wala nang maaaring kitain ang mga investor sa kanila. The big question is, dahil uncertain at floating parin ang status ng muling pagbubukas ng ABS-CBN, hanggang kailan suspended and trading, normal lang ba iyon sa stocks? Paano yung mga naipit na investor? As I could see sa crypto markets, nasususpende ang trading if may hacking incident o may bug na nadiskubre, if ganito kalala ay delist na agad.

Naka suspend ang trading ng stock ng Abs-Cbn check mo ito https://www.cnn.ph/business/2020/5/6/abs-cbn-shares-trading-halt-ntc-cease-and-desist-order.html at magandang  initiative ito para sa mga trader na nakapag invest na sa kanila para hindi bumulosok pababa ang kanilang pera at siguro naka shutdown pa ito hanggang hindi pa nasasaayos ang prangkisa nila.

Pag naayos na nila ang issue sa prangkisa tiyak aabangan to ng mga trader https://www.marketwatch.com/investing/stock/abs?countrycode=ph
Vaculin
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2954
Merit: 613

Winding down.

View Profile
May 13, 2020, 11:42:19 AM
 #20

Pag naayos na nila ang issue sa prangkisa tiyak aabangan to ng mga trader https://www.marketwatch.com/investing/stock/abs?countrycode=ph

Yun lang, kailan kaya maayos yan, hindi naman madali ang problema ng ABS CBN.
Ito ang scenarion niyan, yung ABS CBN kahit malaking kompanya na sila pero for sure may utang rin yan sa banko which they will be paying maybe monthly, quarterly or semi monthly, so since no income sila now, tiyak magkaka problema sila o baka mag benta ng mga stocks para maka bayad lang sa utang, habang tumatagal lalong lalala ang problema ng abs cbn kung pag lalaban nila ang kaso nila,, siguro mainam na ibenta nalang para solve na problem nila.. at maka survive pa ang business.
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!