Yes, that's right. Marami tayong nababalitaang mga kakaibang pangyayari na pumapalibot sa kolehiyo sa Pilipinas. Example na lamang dito ang pagtatanggal ng
Filipino as a subject pati na rin ang pagkakaroon ng
eSports related courses. For so much years, simula na mag-
BOOM ang Bitcoin sa Pilipinas. Dapat sinimulan nang kilalanin ng mga tao ang transaksyon at iba't-ibang pamamalakad using Bitcoin.
Ang susunod ay iisang article mula sa mga kilalang media-outlet na nagpapakita ng pag-unlad ng Bitcoin sa Pilipinas:https://www.voanews.com/south-central-asia/why-cryptocurrency-gaining-philippines-despite-2018-bitcoin-crash - Nailathala last year, tumutukoy ito na sa kabila ng pagbaba ng presyo ng Bitcoin. Naging masigasig pa rin ang mga Pilipino sa paggamit nito. Nagkaroon ng survey na 7 out of 10 Pinoy ay walang bank accounts. Kaya isang magandang paraan ang Bitcoin para magkaroon sila ng kapital para sa gustong mag-umpisa ng negosyo. Dagdag pa na binabalak ng
The Central Bank at Securities and Exchange Commission ang pagplaplano patungkol sa seguridad ng cryptocurrency para sa mga pilipino.
I think the Philippines understand that it's going to be a very big deal to be involved with cryptocurrency, because it's going to happen no matter what, and if they're the ones to treat this capital best, the capital is going to flow there and the other jurisdictions are just going to completely miss out
by Kenneth Amiduri, financial analyst and CEO of the crypto-specialized news website Crush the Street in the United States.
Bilang isang pangsuporta:https://news.abs-cbn.com/business/11/20/19/singapore-proposes-to-regulate-bitcoin-futures- Ang mga singaporeans ay nagiging cautious pagdating sa paggamit ng cryptocurrency dahil sa volatility nito at katulad nga sa mga ibang posts. Ang mga custodial wallets ay nagagawang ihack. Pero binabalak pa rin ng Singapore na dapat iregulate ang paggamit ng Bitcoin dahil nakikita nila ito na magiging mas kilala sa mga susunod na taon. Kung ang mga nakapaligid sa ating mga bansa ay balak palakasin ang paggamit ng Bitcoin, hindi ba dapat tayo rin?
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5249761.new#new- Makikita naman dito ang iba't ibang businesses sa Pilipinas na tumatanggap na ng Cryptocurrency specifically Bitcoin bilang mode of payment.
Pero ang malaking katanungan ay lahat ba ng tao ay may kakayahan at kaalaman para gamiting ang cryptocurrency? Let alone Bitcoin?Impormasyon ang pinakamabisang sandata. Hindi natin inaasahan na ang lahat ng mga tao kabilang ang matatanda ay makakagamit nito kaya't kailangan magkaroon ng pag-aaral kung paano nga ba ang transaksyon at pamamalakad sa paggamit ng Cryptocurrency. Sa panahon ngayon, hindi ba't nararapat lamang na umpisahan na rin ng mga tao ang pag-aaral tungkol sa bitcoin? Lalo na't sa mga finance-related courses. Tama na siguro ang pag-intindi natin sa mga lumang libro na ang tanging nilalaman ay ang mga lumang kaalaman din. Nag-aaral ang mga estudyante para maging handa sa hinaharap at hindi nating maitatanggi na ang
Cryptocurrency/Bitcoin ay isang parte ng hinaharap ng mga Pilipino.Information makes us wiser.WE MUST MAKE THE FIRST MOVE!