I think lahat naman ata ng produkto at serbisyo ay ang mga consumer ang nagbabayad ng tax tingnan mo ang mga pangunahing bilihin wich is hindi natin alam na may hidden charges pala at very wrong talaga dapat yun dahil dapat yung kompanya talaga ang magbabayad pero malabo eh nasimulan kasi ng dating mga korap na opisyal ang ganitong gawain kaya malabo na mabago ang systema.
At tsaka di naman dahil may pandemic e exempt ba ang ganyang bagay dahil gumagalaw pa naman ang ekonomiya at nararapat lng talaga maghanap ng paraan ang gobyerno na kumita dahil unti2x ng nauubos ang pundo ng gobyerno laban sa pandemyang ito. Mainam siguro na wag nating isipin ang maliit na bagay na yun dahil malaking tulong nadin ang tax natin upang tumakbo ang ating ekonomiya at may magamit ang gobyerno para sa mga pangangailangan lalo na sa panahon ngayon.
Read my post above like I said yung orihinal na proposed tax ay hindi targeted satin or tayo ang magbabayad. Ang una nilang prinopose na tax eh ay dapat ang magbabayad ay ang mga e-commerce businesses na ito at ang mga international companies like Facebook, Netflix, at Twitter na wala namang office dito pero kumikita sa mga citizens ng Pilipinas which for my side is a good thing kasi kumikita sila sa taong bayan pero hindi sila nagbabayad ng buwis para dito. Pero ang nakakagulat dito is instead na gawin ito eh ang ginawa na nilang proposed tax ay VAT sa mga serbisyon katulad ng Lazada at Shopee which instead na ang kumpanya ang magbabayad eh ang taong bayan ang magbabayad.
Sa tingin ko ngayon ay mas pag iigtingin nila ang pag tingin sa mga kumikita online dahil ngayon ay nasa isa na naman tayong MECQ at ang mga ilang iniinda na ng gobyerno natin ay wala na daw silang mapag kukunan ng pera at dahil dito mukhang mas pag lalawak na nila ang mga online transactions with tax.
Ngayon ay umutang na naman ang ating bansa, at may nakita din ako na video ni NasDaily sa internet kung saan pinapakita niya ang china trap na loan debt which is strategy nila upang lumakas ang kanilang sinasakupan. Tingin ko hindi ito good debt sa ating bansa.
To be honest medyo malayo ang Pilipinas para maging katulad ng ibang bansa na nahulog sa debt trap ng China dahil yung mga nabiktima na nilang bansa is mas mahirap kumpara satin at higit sa lahat yung utang na kinuha nila ay alam ng China na hindi nila mababayaran. Ang problema lang sa utang na meron tayo ngayon is sa sobrang laki nito is kahit ang mga apo ng apo natin eh meron parin binabayaran ang Pilipinas tungkol dito. At malaking factor ito sa magiging development ng Pilipinas even after the pandemic will be gone.