Bitcoin Forum
December 15, 2024, 07:36:16 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
Author Topic: Online transactions and house bill #6765  (Read 250 times)
maxreish (OP)
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1358
Merit: 326

View Profile
May 24, 2020, 03:50:25 AM
Last edit: May 24, 2020, 03:42:16 PM by maxreish
Merited by mk4 (1), cryptoaddictchie (1), Nellayar (1)
 #1

I just saw this one news sa television. In this new era, marami na ngang gumagamit ng online transactions, mapa bills payment man, loading and banking transactions, etc. Even some of those businesses ay gumagamit na din ng online subscriptions and payments.

Quote
House ways and means committee chair and Albay Rep. Joey Salceda is pushing for taxation on digital services—specifically, subscriptions to video and music streaming apps, ads on social media sites, and making online sales platforms as withholding tax agents—to offset an estimated P120 billion in foregone revenues once the government cuts corporate income taxes to 25 percent to soothe the pain inflicted by COVID-19 on businesses.

Naiintindihan ko din naman ang magandang layunin ni Albay Rep. Salceda kung ito ay for the good cause para sa COVID. But then iniisip ko din, aside pa sa transaction fees ay mayroon pa tayong tax na babayaran if ever.

What is you opinion regarding this?

Code:
Reference:
https://business.inquirer.net/297571/salceda-wants-additional-tax-on-digital-services-like-netflix-lazada-fb-ads/amp
Nellayar
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 868
Merit: 185

Roobet supporter and player!

View Profile
May 24, 2020, 05:19:08 AM
 #2

The current problem of the Philippines right now is where the government withdraw a budget to sustain everyday life of the citizen.

Imagine, almost 2 months since the lockdown was announced. Our economy falling down by 2% see here because of pandemic. And due to the lockdown, the production of goods and services slide down as well. Therefore, where will the government withdraw the budget to fight COVID-19 and enable us to sustain when it comes in health and necessities?

It might help our economy to atleast lessen the exhaustion. Nasira na ang budgeting ng Pilipinas at kailangan ng humugot ng pondo.

Besides, we need to have tax also for these ads and online service because we are earning here. Assuming na mataas ang bayad for transaction fees plus tax, it will really burden the seller/buyer. But then, isipin natin sa tinagal tagal ng panahon na wala itong tax, nasulit naman din ata ng iba.

Medyo misleading yung ibang info na nabasa ko, nahilo tuloy ako kung mismong tao na gumagamit ng platform like fb online sellers ang papatawan ng tax o yung mismong platform na nagrarun ng mga ads services and etc.

Btw, nice thread OP. Wala kaming load sa tv kaya kung di mo ito naopen, di ko mababa mga articles.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655

View Profile
May 24, 2020, 01:39:50 PM
Merited by mk4 (1)
 #3

Naiintindihan ko din naman ang magandang layunin ni Albay Rep. Salceda kung ito ay for the good cause para sa COVID. But then iniisip ko din, aside pa sa transaction fees ay mayroon pa tayong tax na babayaran if ever.

@OP and para na din sa ibang miyembro na makakabasa nito just a point of clarification lang, hindi sa atin ipapataw yung bagong mga tax na ito kung hindi sa mga sebisyo katulad ng Netflix at Spotify sa kanilang mga subscription based income at para sa Google, Facebook, at Twitter para sa kanilang mga ad revenue na hanggang ngayon walang tax na nakukha. Considering that all of these ay international company malaking yung kinikita nila sa atin pero walang kinikita yung bansa natin sakanila, yung punto lang naman ni Joey Salceda dito since na mababawasan yung corporate tax from 30% magiging 25% ay naghahanap sila ngayon ng bagong paraan para magkaroon ng tax yung mga malalaking kumpanya na ito.

clicking the images will direct you to the House Bill 6765's pdf file

Under the measure, digital advertising by Google and social media giant Facebook, as well as subscription-based services like Netflix and Spotify will be subject to value added tax.

Salceda noted that companies which offer streaming services do not pay taxes, while Google and Facebook are not subject to any VAT for advertising.

No new taxes here, we just want them to pay their fair share,” he said in a statement.

Inu-ulit ko lang ang tax na ito ay para sa mga kumpanya na nabanggit sa house bill for their digitized businesses and the proposed taxes sa bill ay hindi apektado ang mga users ng mga services na ito which I think is a good thing for us, right? I mean Facebook, Twitter, Instagram, and maybe even Snapchat will all be paying taxes, di nalang sila yung palaging kikita sa atin dahil tayo ang "product" ng mga social media websites na ito these companies don't have any offices in the Philippines pero they profit from us sa tingin ko yung tax na ito ay magbabago nun.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655

View Profile
August 03, 2020, 10:18:44 PM
 #4

Sorry for bumping this old thread pero mukhang naloko na naman tayo ng mga legilator natin.

House panel OKs VAT for online goods, services

Dun sa original bill na ginawa they were looking to add additional taxes to corporations involve in the digital industry (see my post above) pero ngayon mukhang lumiko sila and focus on consumers na ang bagong tax na ibibigay nila is para sa customers at hindi sa mga korporasyon.

Quote
Netflix and Spotify subscribers as well as Amazon, Lazada and Shopee customers may soon have to pay more for these digital platforms’ products and services should the 12-percent value-added tax (VAT) approved by the House committee on ways and means becomes law after third reading in the House and Senate approval.

Ito ay nakaka-lungkot man isipin kasi sa hirap na ng sitwasyon ngayon ang mga nakikita nating bill na ginagawa instead sa agarang pag-tulong sa tao ay puro nalang pag-papahirap dito. Hindi ko din na-gets yung punto nila kung bakit nag-shift yung focus ng buwis from corporations na dating sinabi ni Salceda at naging tayo ang focus ng buwis.
mardaed
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 994
Merit: 105

View Profile
August 06, 2020, 12:55:47 PM
 #5

Maraming isyu na ang kinakaharap ng gobyerno ng Pilipinas sa panahon ngayon, mga isyu ukol sa mga aksyon na lubhang hindi naman kailangan ngunit inuna pa kaysa tugunin ang malubhang crisis na kinakaharap ng bansa ngayon, ang pandemya. Tingin ko ay isa nanaman ito sa mga paraan na gagawin nila upang makapag generate ng pera mula sa mga mamamayan upang maging pondo since naubos na nila ang pondo ng bansa. Ngunit kung ito ay hindi pagkakamali lamang sa pagkakaintindi sa batas, mukhang hindi nanaman ito pinagisipan ng maayos ng mga mambabatas ito.
Vaculin
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 3010
Merit: 613

20BET - Premium Casino & Sportsbook

View Profile
August 06, 2020, 01:39:56 PM
 #6

Naku parang desperate na yata sila na makakuha ng tax sa atin, kung kailan tayo nag hihirap saka pa sila nagsusulong ng tax.
Bakit kaya hindi nila pagtuonan ng pansin ang corruption bago sila gumawa ng bagong tax law, bilyon bilyong pera ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa corrution, bakit di pag tuunan ng pansin ang pag sugpo diyan, corruption ang pinaka ugat ng problema ng Pilipinas, maraming batas hindi naman ma implement ng maayos.

yung Philhealth mismo laki ng perang nanakaw. haist... sana i approve muna death penalty para takot na mga corrupt.
Twentyonepaylots
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1946
Merit: 370

View Profile
August 06, 2020, 07:35:13 PM
 #7

Naku parang desperate na yata sila na makakuha ng tax sa atin, kung kailan tayo nag hihirap saka pa sila nagsusulong ng tax.
Dahil iyan lang ang pinagkukunan naten ng pondo, kakaunti lang ang mga nagtatrabaho ngayon dahil nga pandemya kung kaya kakaunti lang ren ang nakakapagbayad ng tax. Hindi sa pag aano ha, pero kung disagree kayo dito para nyo na ring pinagkaitan ng pampagkain ang mga mahihirap nating kababayan, kasi malaking porsyento nito ay para sa kanila rin naman.

Isa sa naiisip ko kung bakit hindi mawala wala yang corruption na yan, ay yung mga tagapangsiwa mismo ng ahensya laban sa corruption ay corrupt din. Isipin mo, kung hindi pa bumaliktad ang isa sa opisyal noon ng PhilHealth, sa tingin nyo malalaman naten na ganon kalaking pera nag nanakaw nila? Malamang sa malamang nyan kung walang bubulong walang aaksyon.

yung Philhealth mismo laki ng perang nanakaw. haist... sana i approve muna death penalty para takot na mga corrupt.
Approve din ako sa death penalty for heinous crime, pero as far as I know hindi ito kasali, pero gusto kong mapasama ito para makakita ng buwayang mamatay  Cheesy
Vaculin
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 3010
Merit: 613

20BET - Premium Casino & Sportsbook

View Profile
August 06, 2020, 10:32:40 PM
 #8

Naku parang desperate na yata sila na makakuha ng tax sa atin, kung kailan tayo nag hihirap saka pa sila nagsusulong ng tax.
Dahil iyan lang ang pinagkukunan naten ng pondo, kakaunti lang ang mga nagtatrabaho ngayon dahil nga pandemya kung kaya kakaunti lang ren ang nakakapagbayad ng tax. Hindi sa pag aano ha, pero kung disagree kayo dito para nyo na ring pinagkaitan ng pampagkain ang mga mahihirap nating kababayan, kasi malaking porsyento nito ay para sa kanila rin naman.

Hindi naman sa against ako dyan, alam ko naman na para makatulong sa ekonimiya natin, dismayado lang talaga ako dahil laganap pa rin ang corruption sa Pilipinas at nasasayang lang ang mga buwis natin. Sa laki ng buwis natin, malaki rin ang kokorakutin nila.. Imagine mo sa araw araw nating gastusin kung bibili tawo, may tax na agad yan na 12%, parang ang sakit di ba.. kung may sweldo ka, kuhanan ng tax yan, tapos ang net mo gagastusin mo, magbabayad ka pa rin ng tax.. medyo complicated na ang tax system sa bansa natin, konte nalang matitira sa atin. Ito panibago na naman ito, additional na sa pondo ng mga corrupt.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655

View Profile
August 06, 2020, 11:22:10 PM
 #9

This isn't really a valid point. Unang-una sa lahat kung madami na ang nawalan ng trabaho bat ang solusyon nila is taasan yung buwis at hindinalang gumawa ng ibang proyekto para makagawa ng trabaho para sa mga nawalan? Bukod dun ang buwis na ito which is Value-added-tax(VAT) ay para sa lahat ng klase ng tao kaya kahit mahirap na bumibili lang sa e-commerce websites ay ma-aapektuhan nito, baka kaya imbis na maka-tulong yung tax na ito ay perwisyo lang mararamdaman nila. Masyado ng malaking utang ang kinuha ng gobyerno matin para aabihin na kulang yung pondo nila. Oo may mga social amelioration at relief goods tayong natatanggap pero hindi naman ito ang solusyon para mawala ang pandemic. Kung gusto nila tumigil yung pagkalat ng pandemic para maging maayos na ulit ang ekonomiya dapat alam nila kung paano nila titigilin yung pag-kalat.
Vaculin
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 3010
Merit: 613

20BET - Premium Casino & Sportsbook

View Profile
August 06, 2020, 11:28:35 PM
 #10

Alam kasi nila na kahit aangal ang mga tao, wala pa rin itong magagawa kundi ang sumunod.
Kung sa corporation sila naka based, tatataasan ang tax, maaring ang risk nyan at humina ang ekonomiya natin dahil aalis ang mga negosyante sa bansa.
ralle14
Legendary
*
Online Online

Activity: 3402
Merit: 1927

Shuffle.com

View Profile
August 07, 2020, 01:30:28 AM
 #11

On the bright side may threshold naman pala basta huwag lang lalampas sa 3 million. ang tanong monthly ba to or annually? Kulang pa siguro yung 1 trillion na inutang last month kaya naghahanap sila ng ibang financial source. Or nag trending lang talaga mga online business dahil karamihan nasa kanilang bahay lamang.

Then again ang hirap i-track ng mga yan nabanggit ko na ata ito dati pero may mga online resellers (puro in game items ang binebenta) at grabe yung budget ng iilan halos milyon ata pero hindi halata kasi patago yung transaction usually nasa betting sites.

Quote
Small businesses, including those engaged in online selling whose sales are below P3 million will continue to be VAT exempt, Salceda said.
Debonaire217
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 644
Merit: 364

In Code We Trust

View Profile
August 07, 2020, 06:47:24 AM
 #12

Hindi naman sa against ako dyan, alam ko naman na para makatulong sa ekonimiya natin, dismayado lang talaga ako dahil laganap pa rin ang corruption sa Pilipinas at nasasayang lang ang mga buwis natin. Sa laki ng buwis natin, malaki rin ang kokorakutin nila.. Imagine mo sa araw araw nating gastusin kung bibili tawo, may tax na agad yan na 12%, parang ang sakit di ba.. kung may sweldo ka, kuhanan ng tax yan, tapos ang net mo gagastusin mo, magbabayad ka pa rin ng tax.. medyo complicated na ang tax system sa bansa natin, konte nalang matitira sa atin. Ito panibago na naman ito, additional na sa pondo ng mga corrupt.

Kung tutuusin, malaki ang nakakalap nila sa tax natin sa pang araw araw, iba pa yung sa business ng mga korporasyon dito sa Pilipinas, ang problema lang, yung ibang ahensiya, hindi nila responsableng gingagamit yung mga tax. Halimbawa na yung sa Phil health, I don't know kung bakit kailangan ng mga sobrang mabibilis na computer with focus on media and digital arts if ang purpose nila ay mag process ng data na may kinalaman sa kalusugan diba. Ang inefficient ng paggamit ng tax, plus mayroon pang corruption na nagaganap.

Tama din ang sinabi ng presidente "wala na tayong pera", kaya talagang tataasan ang tax natin para sa ekonomiya.
Vaculin
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 3010
Merit: 613

20BET - Premium Casino & Sportsbook

View Profile
August 07, 2020, 12:05:36 PM
 #13

Ang masasabi ko lang sir is dahil sa corrupt, kung ang isang agency ay corrupt, wag ka ng umasa na maganda ang performance ng agencia.
Halos lahat ng agencia ng pamahalaan ay corrupt, ang LTO, BIR, at custom, lahat yang corrupt, sakit sa ulo nito sa president natin, kaya siguro yung mga congressman natin kahit ano ano nalang naiisip.. Parang yung propose law is napaka anti poor.

Tama din ang sinabi ng presidente "wala na tayong pera", kaya talagang tataasan ang tax natin para sa ekonomiya.

baka yung na improve na ceiling ng employees salary na excempted baguhin na naman, marami pa namang tax free na ngayon..

itong pandemic talaga pahamak sa atin, until now wala pa ring vaccine kaya di tayo makakilos ng maayos.. sana di bumagsak ekonomiya natin.
Rosilito
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 658
Merit: 274

Wish for the rain? Then deal with the mud too.

View Profile
August 07, 2020, 05:23:16 PM
 #14

Kung tutuusin, malaki ang nakakalap nila sa tax natin sa pang araw araw, iba pa yung sa business ng mga korporasyon dito sa Pilipinas, ang problema lang, yung ibang ahensiya, hindi nila responsableng gingagamit yung mga tax. Halimbawa na yung sa Phil health, I don't know kung bakit kailangan ng mga sobrang mabibilis na computer with focus on media and digital arts if ang purpose nila ay mag process ng data na may kinalaman sa kalusugan diba. Ang inefficient ng paggamit ng tax, plus mayroon pang corruption na nagaganap.
Ang masasabi ko lang sir is dahil sa corrupt, kung ang isang agency ay corrupt, wag ka ng umasa na maganda ang performance ng agencia.
Halos lahat ng agencia ng pamahalaan ay corrupt, ang LTO, BIR, at custom, lahat yang corrupt, sakit sa ulo nito sa president natin, kaya siguro yung mga congressman natin kahit ano ano nalang naiisip.. Parang yung propose law is napaka anti poor.

Hindi naman na talaga efficient 'yong iilan sa mga 'yan magtrabaho, to begin with. I'm not surprised though, they will always loop something into their own benefit, so pag-walang kabig 'yang mga 'yan alam mo na... walang matinong output 'yan. Saka 'yong word na corruption is something broad, imo, possible na may perang involve, manipulation or a favor. Kung 'di mawawala 'yang mga malpractices nila na 'yan, malabong makakita ka pa ng matinong sistema  Undecided.

And tell you what, you will be surprised pa sa mga susunod na papatungan nila ng tax.
dothebeats
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3808
Merit: 1355

View Profile
August 07, 2020, 05:49:18 PM
 #15

With the growing debt of the nation day by day, they are trying to seek for ways to at least pay for that debt, or to supplement whatever payment they can recoup with the available taxation streams they have currently. Para sa akin, malaking kaswapangan naman siguro kung pati sa industriya ng video games ay makikihati pa sila. Sapat na siguro yung mga taxes at duties na binabayaran ng mga publishers at related people sa gaming industry pag nagdadala sila ng product nila dito. Aggressive tax models wouldn't do the cut kung yung humahawak naman eh palpak at incompetent.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655

View Profile
August 07, 2020, 10:23:58 PM
 #16

Medyo panget din kasi yung solusyon nila pagka ganito. Isipin mo malaki na ang utang natin ang gagawing solusyon is dagdagan yung mga tax responsibilities nating mga Filipino na may mga ilan satin na nahihirapan na sa sitwasyon. Kung gusto nila malutas yung utang ng bansa dapat ang gawin nila is solusyon kung paano ipag-patuloy yung ekonomiya ng bansa at para magawa nila ito dapat solusyunan nila ang pandemic sa bansa. Kasi biruin mo ang gagawin nilang sagot sa "lack of funds" due to Covid-19 is additional kinds of tax para sa naghihirap ng bayan? Hindi ata tama yung ganun na dadagdagan mo pa ang paghihirap ng mga tao mo.
Shimmiry
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 840
Merit: 105

★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!

View Profile
August 08, 2020, 11:08:40 AM
 #17

Di lang maganda talaga kasi patong patong na yung taxes. Sana hindi na yung mga transactions kasi may mga service fee na rin yung ilan dun eh.  Yung sa streams naman, meron naman ata na basehan kung sino yung magkakatax base sa kung magkano yung kinikita.

Kaya talaga tayo lubog ngayon kasi sa mga mali maling desisyon na iniimplement. Syempre dulot na rin yan nung mga pinoy na matitigas ang ulo.
Twentyonepaylots
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1946
Merit: 370

View Profile
August 09, 2020, 03:05:14 PM
 #18

With the growing debt of the nation day by day, they are trying to seek for ways to at least pay for that debt, or to supplement whatever payment they can recoup with the available taxation streams they have currently.
Maganda naman ang adhikain nitong batas na ito, yun nga lang bibigat ang babayaran ng mga taong gumagamit ng mga online services na tatamaan sa batas na ito, dagdag expenses din kumbaga.
Talking about our national debt, what I can say is that we are in a good position pa naman, our debt-to-GDP ratio is healthy which makes sense to have a loan. Good debt kung matatawag.

Para sa akin, malaking kaswapangan naman siguro kung pati sa industriya ng video games ay makikihati pa sila. Sapat na siguro yung mga taxes at duties na binabayaran ng mga publishers at related people sa gaming industry pag nagdadala sila ng product nila dito. Aggressive tax models wouldn't do the cut kung yung humahawak naman eh palpak at incompetent.
Hindi malayong tamaan ito sa totoo lang lalo na yung mga larong ginagastusan talaga like ML, Dota, etc. Ang gusto kong malaman sa ngayon ay kung paano nila magagawa iyon.
bL4nkcode
Copper Member
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2142
Merit: 1307

Limited in number. Limitless in potential.

View Profile
August 09, 2020, 05:13:34 PM
 #19

Halimbawa na yung sa Phil health, [...]
Yung sa philhealth halatang halata kurapsyon dyan, laki ng IT budget tapus kita mo website nila? parang high school OJT lang yung gumawa tas yung budget ng computer pang hardcore. Tas ang laki ng contribution mo pero kelangan pang ma hospital ka or masakit para magamit mo amp.

Baka sa susunod may tax na din pag fund transfer from bank to another bank, e-wallet or etc.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655

View Profile
August 09, 2020, 09:36:07 PM
 #20

With the growing debt of the nation day by day, they are trying to seek for ways to at least pay for that debt, or to supplement whatever payment they can recoup with the available taxation streams they have currently.
Maganda naman ang adhikain nitong batas na ito, yun nga lang bibigat ang babayaran ng mga taong gumagamit ng mga online services na tatamaan sa batas na ito, dagdag expenses din kumbaga.
Talking about our national debt, what I can say is that we are in a good position pa naman, our debt-to-GDP ratio is healthy which makes sense to have a loan. Good debt kung matatawag.

Para sa akin, malaking kaswapangan naman siguro kung pati sa industriya ng video games ay makikihati pa sila. Sapat na siguro yung mga taxes at duties na binabayaran ng mga publishers at related people sa gaming industry pag nagdadala sila ng product nila dito. Aggressive tax models wouldn't do the cut kung yung humahawak naman eh palpak at incompetent.
Hindi malayong tamaan ito sa totoo lang lalo na yung mga larong ginagastusan talaga like ML, Dota, etc. Ang gusto kong malaman sa ngayon ay kung paano nila magagawa iyon.

The problem here was the first proposed law was supposed to be the companies having a special kind of tax in relation sa kanilang online service at biglang nagbago yung kanilang proposed tax na ang magbabayad ng buwis is yung mga gumagamit sa online service nito which is wrong dahil ang kanilang reasoning dati is yung mga kumpanya na ito ay kumikita satin kahit wala silang local operations sa Pilipinas. Bukod pa dun bakit nila lalagyan ng VAT ang ganitong klaseng serbisyo na parang digitized supermarket/mall lang naman. At ang pinaka panget dito is ginawa pa nila sa panahon ng pandemic na mas importante na ang mga ganitong serbisyon dahil sa kanilang contactless shopping experience.
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!