Bitcoin Forum
May 04, 2024, 12:15:53 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
Author Topic: [SUGGESTION] Isang problemang mapapansin sa Local Board natin  (Read 350 times)
Casdinyard (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2058
Merit: 882


Leading Crypto Sports Betting and Casino Platform


View Profile
May 25, 2020, 01:26:52 PM
 #1

MAGANDANG ARAW MGA KABABAYAN!

Ginawa ko ang thread na ito dahil napansin ko kamakailan ang isang maliit na problema sa forum ngunit isang malaking issue sa totoong buhay:
Ang pag-gamit natin ng sarili nating Wika!

Madami akong thread na nababasa sa Local Board natin na mas karamihan ay binubuo ng mga salita sa Ingles o hindi kaya'y Bilingual (pinaghalong Ingles at Tagalog). Nakakaalarma lang rin dahil napansin ko na kakaunti na lamang ang mga newbie na kapwa natin Pinoy na nakikilahok sa mga usapin sa Forum lalo na rito sa ating Local Board. Halos mga active Members at pataas na rank na lang ang active sa atin sa mga usapin at marahil may mga users na nahihiya magtanong. Ngunit nakakaalarma parin dahil sa katunayan, issue padin ang Wika sa bansa.

Ito ang iba pang mga dahilan kung bakit ko nais iungkat muli ang usaping Wika sa ating Board:
  • Nung nakaraa'y sinubukan kong muli magbasa ng mga malalalim na konteksto, at laking gulat ko na para akong elementaryang kakasimula lang matuto magbasa ng Tagalog. Ngunit nung nagbabasa ako ng mga sulatin na Ingles, eh nadadalian na ako. Subukan niyo rin!
  • May mga bagay sa ingles na baka hindi maintindihan ng ating mga Kababayan partikular na sa mga malalalim at teknikal na usapin sa Forum. Kumbaga, paano natin matutulungan ang mga kababayan nating gustong matuto kung hindi "Layman's Term" o sariling wika natin ang ating gagamitin upang ipaintindi ang mga ito?

Suhestyon ko lamang na marahil simulan natin sa maliit na hakbang ang paggamit ng ating angking wika. Totoo at aminin natin, mas madami tayo masasabi at madali natin maipapaliwanag sa wikang ingles, ngunit paano ang ibang hirap parin sa wikang iyon rito sa Forum?.. Dahil naniniwala ako na sa kahit maliit na kilos sa Forum ay malaki ang maidudulot nito sa panlabas nating pamumuhay.

Anong masasabi ninyo, mga kababayan?


Kaunting Paalala:
Hindi ko dinidiscourage or sinasabing mainam na itigil ang paggamit ng Ingles dahil sa totoo naman na maraming mas kumportable sa ganitong salitaan, ngunit gaya nga ng napansin ko, iilan lamang ang nakikilahok na sa mga usapin.
1714781753
Hero Member
*
Offline Offline

Posts: 1714781753

View Profile Personal Message (Offline)

Ignore
1714781753
Reply with quote  #2

1714781753
Report to moderator
1714781753
Hero Member
*
Offline Offline

Posts: 1714781753

View Profile Personal Message (Offline)

Ignore
1714781753
Reply with quote  #2

1714781753
Report to moderator
Advertised sites are not endorsed by the Bitcoin Forum. They may be unsafe, untrustworthy, or illegal in your jurisdiction.
1714781753
Hero Member
*
Offline Offline

Posts: 1714781753

View Profile Personal Message (Offline)

Ignore
1714781753
Reply with quote  #2

1714781753
Report to moderator
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655


View Profile
May 25, 2020, 05:29:23 PM
 #2

Madami akong thread na nababasa sa Local Board natin na mas karamihan ay binubuo ng mga salita sa Ingles o hindi kaya'y Bilingual (pinaghalong Ingles at Tagalog). Nakakaalarma lang rin dahil napansin ko na kakaunti na lamang ang mga newbie na kapwa natin Pinoy na nakikilahok sa mga usapin sa Forum lalo na rito sa ating Local Board. Halos mga active Members at pataas na rank na lang ang active sa atin sa mga usapin at marahil may mga users na nahihiya magtanong. Ngunit nakakaalarma parin dahil sa katunayan, issue padin ang Wika sa bansa.

Sa tingin ko hindi naman "Language Barrier" yung problema kung bakit konti lang yung activity natin sa local board natin eh. Hindi naman ito parang English board na may magbabawal sa mga miyembro sa pag-gamit ng gusto nilang wika. At kung hindi nila maintindihan yung mga English word dun sa mga Filipino posts madali lang naman i-Google ito para makuha yung meaning, and to be honest masusurpresa pa ako na naka-abot kayo sa forum na ito ng hindi man lang nakakabasa ng mga English websites dahil karamihan ng nasa web ngayon ay nasa English language at kaunti lang ang mga Tagalog versions ng mga websites. Ako aminado ako Taglish (Tagalog-English) ako mag-salita sa local board natin dahil may mga salita talaga na mas ma-inam na hindi isalin sa wikang Tagalog dahil mas mahihirapan yung mga readers natin. Katulad ng mga salitang "Cryptocurrency", "Mixer", "Transaction Fees", "Network", o di kaya "Mining" pag ito pinilit kong Tagalugin baka mag-iba na yung ibig sabihin niya at baka wala ng maka-intindi. Hindi ma talaga pwedeng ma-attribute yung pag-baba ng activity ng local board natin dahil sa klase ng wika natin kasi pwede mag-tanong ang mga miyembro both sa post nila o di kaya sa pag-Google ng mga salita.
Nellayar
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 868
Merit: 185


Roobet supporter and player!


View Profile
May 25, 2020, 11:46:09 PM
 #3

Alintana ko ang iyong agam-agam sa pagkakaroon ng dalwikaan dito sa local board. Datapwa't may mga salita din kasi sa wikang Filipino ang nakakabalingoyngoy at marahil imbis na maunawaan ay maaaring tayo pa ay magulumihanan.

May mga konteksto/salita o maging parirala na hindi mo matarok kung ito ay nasa wikang Filipino. Kaya nga nagkaroon ng Ortograpiya sa Wikang Pilipino at may mga hiram na salita tayo mula sa ibang bansa sapagkat walang translasyon ang mga ito sa atin. Halimbawa na lamang ang cryptography, blockchain, cryptocurrency, whitepaper at iba pa.



Batid ko ang iyong adhikain dito OP, subalit para lamang yang mga mag-aaral na nagulat sa wikang Ingles sapagkat nasanay na sila na magsalita ng mother tongue mula pagkabata. Narito tayo para manurture ang ating pananalita sapagkat kailangan ito sa international boards.

Ito na rin ang magsisilbing sanayan ng mga baguhan para maging aware sila na kailangan gumamit ng wikang ingles. At syempre, para masanay na din ang bawat isa sa ating na magkomento ng hindi purong tagalog.

Para sa akin, oo maganda na magsalita tayo ng purong tagalog dito. Pero naniniwala ako sa laws of learning ni Thorndike. Isa na dito ang law of exercise na kung saan kailangan natin magpraktis ng magpraktis ng ingles para masanay tayong gumamit nito. Saan pa ba tayo magsasanay? Sa bahay? Malamang itong local board na ang magsisilbing training ground.
Shimmiry
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 840
Merit: 105


★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!


View Profile
May 26, 2020, 01:01:13 AM
 #4

Sa tingin ko hindi naman "Language Barrier" yung problema kung bakit konti lang yung activity natin sa local board natin eh. ~

Tingin ko ang gustong iparating ng OP ay isang adhikain na ibalik ng bahagya yung talagang paggamit ng Tagalog sa ating Local Board at yoon lamang. Kahit ako rin nahirapan minsan sa pag intindi sa teknikal questions na nababasa ko sa mismong Board natin kaya somehow agree ako sa OP na gamitin pa natin nang mas madalas ang ating Wika.

Para sa akin, oo maganda na magsalita tayo ng purong tagalog dito. Pero naniniwala ako sa laws of learning ni Thorndike. Isa na dito ang law of exercise na kung saan kailangan natin magpraktis ng magpraktis ng ingles para masanay tayong gumamit nito. Saan pa ba tayo magsasanay? Sa bahay? Malamang itong local board na ang magsisilbing training ground.

Hindi man ako personally malalim mag Tagalog, tingin ko ok din naman na gawing training grounds yung local board natin para matuto pa ng wikang ingles.

Sa huli, ang aking opinyon ay mas mainam kung pareho padin nating gagamitin ang wikang Ingles at Tagalog, ngunit mas mapapadalas ang sariling wika at gamitin ang banyagang wika sa mga kuntekstong mas madaling maiintindihan ng kahit na sino man.
ralle14
Legendary
*
Online Online

Activity: 3178
Merit: 1876


Metawin.com


View Profile
May 26, 2020, 02:24:42 AM
 #5

Maganda yung suggestion mo pero karamihan naman siguro dito nakakaintindi ng mga discussion kahit may halong Ingles yung post. Okay lang naman i-encourage yung mga posts na tagalog pero kung lalahatin kasi parang tulad nung mga translation posts baka maging exaggerated yung pag gamit ng ibang salita kaya tingin ko mas mabuti na hayaan yung iba na gumamit ng Ingles kung gugustuhin nila para deretso agad sa gusto nilang sabihin. Hindi naman masamang magtanong kapag may hindi tayo naiintindihan na post.
Peanutswar
Legendary
*
Online Online

Activity: 1540
Merit: 1034


Top Crypto Casino


View Profile WWW
May 26, 2020, 04:23:58 AM
Last edit: May 27, 2020, 03:52:26 AM by Peanutswar
 #6

Sa tingin ko ay maganda ang adhikain ni OP upang mas malawak ang ating kaalaman sa wikang ating ginagamit at upang mas maging epektibo ito bilang gamit sa komunikasyon ngunit may ilan lamang tayong problema sa ilang mga salita dahil kadalasan ay wala itong katumbas kung kaya't gumagamit tayo ng salitang hiram,salitang isinasalin, at pag hiram ng buong salita

Ginagamit natin ang mga hiram na salita upang tumbasan sa ating wika
Halimbawa.
Skills - kasanayan
Computer - kompyuter
Crypto - Kripto

Salitang salin tulad ng
Poem - tula
Song - kanta

Kadalasan ay wala tayong panumbas sa mga salita kung kaya't kailangan nating gamitin ito ng buo tulad ng
Cryptocurrency
Blockchain


Sa tingin ko hindi hadlang ang mga ito dahil mas mainam padin kung saan tayo mas kumportable gamitin ang mga salita dahil sa ganoong paraan ay mas magiging epektibo ang daloy ng mensahe.

Bttzed03
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2114
Merit: 1149


https://bitcoincleanup.com/


View Profile
May 26, 2020, 06:23:30 AM
 #7

Wala sa language barrier ang pagbaba o pagkawala ng activities ng mga newbies dito sa lokal. Tingin ko marami sa kanila ay aktibo lang talaga sa mga bounty campaigns (kung saan english din ang mga post sa social media) at ayaw lang makihalubilo dito. Aminado ako na wala akong planong maging aktibo dati dito kung hindi lang nagkaroon ng signature campaign dati na mga lcal boards ang target market.


~
May mga bagay sa ingles na baka hindi maintindihan ng ating mga Kababayan partikular na sa mga malalalim at teknikal na usapin sa Forum. Kumbaga, paano natin matutulungan ang mga kababayan nating gustong matuto kung hindi "Layman's Term" o sariling wika natin ang ating gagamitin upang ipaintindi ang mga ito?
Kahit tagalugin natin ang mga technical terms, kung wala talagang background ang tao sa mga bagay na iyon, hindi pa din maiintindihan. Kapaag tinagalog, hindi ibig sabihin na layman's term na.

Ilang blogs na din ang nakita ko na nagpapaliwanag ng bitcoin at blockchain. Ni isa sa kanila walang purong tagalog.
Iniisip ko paano i-translate ang blockchain, blokeng naka-kadena?



~
Tingin ko ang gustong iparating ng OP ay isang adhikain na ibalik ng bahagya yung talagang paggamit ng Tagalog sa ating Local Board at yoon lamang. Kahit ako rin nahirapan minsan sa pag intindi sa teknikal questions na nababasa ko sa mismong Board natin kaya somehow agree ako sa OP na gamitin pa natin nang mas madalas ang ating Wika.
Mas mapapadali ba ang pagintindi mo sa mga technical questions o topics dito sa local board kapag tinagalog?

plvbob0070
Copper Member
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 658
Merit: 402


View Profile
May 26, 2020, 08:15:32 AM
 #8

Dahil narin ito sa kolonyalismo.  Ang English ay ang ating second language at kinalakihan na din natin ang pag gamit nito. Mula pagkabata, tinuturuan na tayong mag English, dahil para sa kanila mukha kang matalino pag marunong mag English. Siguro naging stereotype na din ang ganitong thinking. Mahirap na mawala ito dahil ito na ang nakasanayan. Hindi lang naman sa language, kung titignan ay masyado na din tayong nasasakop ng mga foreign countries sa iba't-ibang aspeto. Isa pa ay kailangan din nating mag English sa labas ng local board kaya siguro ay nasasanay na din tayong haluan ng English ang mga post natin sa local board at kadalasan ng ating talakayan ay ginagamitan ng mga teknikal sa salita na masasabi lamang sa English. 

Tungkol naman sa mga newbie na hindi gaanong kaactive sa local board, napapansin ko rin ito. Sa tingin ko, ito ang namimiss ng ibang mga newbie kasi para sa akin ay mas magandang maging active ka muna sa local board habang newbie ka pa. Kasi mas madaling makisama sa mga kababayan at maaari kang magtanong ng mga hindi mo pa naiintindihan ng lubusan. Kumbaga, hindi mo poproblemahin ang language sa pagtatanong dahil maaari kang tulungan ng nga kababayan mo.
rhomelmabini
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2002
Merit: 578


View Profile
May 26, 2020, 10:30:43 AM
 #9

Computer - computer
kompyuter, sa pagbaybay lang nagkaiba pero ganoon parin ang bigkas.

Wala sa language barrier ang pagbaba o pagkawala ng activities ng mga newbies dito sa lokal. Tingin ko marami sa kanila ay aktibo lang talaga sa mga bounty campaigns (kung saan english din ang mga post sa social media) at ayaw lang makihalubilo dito.
Tama. Isa ngang isyu ang hindi pagiging makasariling wika ng karamihan ng pinoy pero hindi dahilan ito ng pagbaba ng bilang ng mga aktibong miyembro dito sa ating lokal.

Para sa akin for long term hindi ito maisasakatuparan kasi karamihan narin sa mga susunod na henerasyon will prefer tag-lish convos. I do get the suggestion and initiative pero mind me mukhang mahirap talaga ito considering na elementary days palang hindi naman talaga maisakatuparan na ang ituturo ay purong Tagalog/Filipino sa mga paaralan.
Rosilito
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 658
Merit: 274

Wish for the rain? Then deal with the mud too.


View Profile
May 26, 2020, 11:18:06 AM
 #10

Wala sa language barrier ang pagbaba o pagkawala ng activities ng mga newbies dito sa lokal. Tingin ko marami sa kanila ay aktibo lang talaga sa mga bounty campaigns (kung saan english din ang mga post sa social media) at ayaw lang makihalubilo dito. Aminado ako na wala akong planong maging aktibo dati dito kung hindi lang nagkaroon ng signature campaign dati na mga lcal boards ang target market.

Agree, and kahit naman siguro gumamit tayo ng Filipino/Tagalog kung talaga hindi sila nakikilahok sa mga discussion dito, walang mangyayari. I do love the initiative pero parang hindi siya appropriate or hindi siya best option na gawin considering na 'tong platform na 'to ay binubuo ng maraming technicalilties, as mentioned na rin by @Theb , and tulad nga nang sinabi mo mas magiging mahirap intindihin.

They can still use Google Translate naman kung may mga terms, sentences silang hindi naiintindihan, one tab away lang naman 'yon. Marami rin naman mga  translator application na pupwede nila gamitin. Kung worried naman sila sa grammar, may grammarly naman. Madaming option, wala lang talaga siguro initiative 'yong iba. Anyway, salute rin sa 'yo for appreciating our own language Smiley.

Last thing pala, bakit bumaba ang mga activities dito, probably dahil kokonti lang rin 'yong mga topic na nabubuo and hindi naman lahat automatic nag-e-engage sa mga existing topic na 'yon, may mga namimili rin diyan kung saan sila makikipagdiskusyon.
mk4
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2758
Merit: 3830


Paldo.io 🤖


View Profile
May 26, 2020, 11:18:35 AM
Last edit: May 26, 2020, 11:33:05 AM by mk4
 #11

Disclaimer: my opinion.

Pag nababasa niyo ang karamihan ng mga posts ko dito sa Pilipinas section, mapapansin niyo na kadalasan akong nagtataglish, simply dahil un ung nakasanayan ko pag nagtatagalog ako(both sa personal at online), at tingin ko un ung paraan upang mas masabi ko ng mas maayos at mas malinaw ung gusto kong sabihin.

About sa pag gamit natin ng sariling wika: There's definitely nothing wrong with that. In fact, ok rin naman talagang mas buhayin natin ung wika natin.

But let's remember lang na andito tayo sa Bitcointalk Pilipinas section para makuha natin ang perspective ng kapwa pilipino tungkol sa Bitcoin in general; at hindi necessarily na ginawa ung Pilipinas section na para lang may section na tagalog/filipino ung language na ginagamit.

The same reason kung bakit free na magpost ung mga dayuhan na hindi marunong magtagalog/filipino sa Pilipinas section. Nagpopost sila dito hindi dahil gusto nila ng tagalog/filipino replies(e hindi nga nila maintindihan in the first place), kung hindi dahil gusto nila ang opinyon nating mga pilipino.

Also, not sure pero baka ako lang to, pero mas naiintindihan ko pa ung mga malalalim na english kesa ung mga malalalim na tagalog.  Cheesy

Just my 2 satoshis.
dothebeats
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3640
Merit: 1352


Cashback 15%


View Profile
May 26, 2020, 08:19:21 PM
 #12

Magandang suhestiyon, pero marami kasing mga termino na hindi angkop gamitan ng salitang Tagalog, o may iilang terminong Ingles na nawawalan ng essence o kahulugan kapag tinagalog mo na.

Maganda ang gesture, at kahit ako na hindi naman talaga unang wika ang Filipino ay pinipilit kong mag-Tagalog dahil nandito ako sa bansa niyo. Pero sa pag-aaral ko ng wikang Filipino, napansin ko kalaunan na marami talagang mga konsepto ang hindi mo talaga mai-apply o maisasalin nang maayos kung galing ito ng wikang Ingles. Hindi rin siguro language barrier ang rason bakit lumiliit ang bilang ng mga baguhan na dito unang nagpopost--isang factor na rin siguro na may kalakihan ang forum at marahil ay hindi pa nila alam na mayroon tayong sariling board na nakalaan para sa mga usaping lokal.

Siguro maaari nating gawing strictly Filipino ang mga usapin sa loob ng board na ito tuwing Agosto, bilang pagkilala at paggunita sa Buwan ng Wika, pero sa mga normal na araw, okay lang naman na bilingual/TagLish ang mga post dahil dito na nasanay ang karamihan sa atin.

Opinyon ko lamang ito.
Casdinyard (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2058
Merit: 882


Leading Crypto Sports Betting and Casino Platform


View Profile
May 27, 2020, 12:52:14 AM
 #13

Wala sa language barrier ang pagbaba o pagkawala ng activities ng mga newbies dito sa lokal. Tingin ko marami sa kanila ay aktibo lang talaga sa mga bounty campaigns (kung saan english din ang mga post sa social media) at ayaw lang makihalubilo dito. Aminado ako na wala akong planong maging aktibo dati dito kung hindi lang nagkaroon ng signature campaign dati na mga lcal boards ang target market.

Marahil sa mga susunod na araw ay susubukan kong gumawa ng listahan ng kung ilang porsyento ng mga users sa Local Board ang nakikihalubilo sa mga lokal na threads at kung ilan ang preferred ang pagsali sa ibang mga board. At sa gayon makukumpara ko kung talaga bang ang mga users dito ay sanay na rin talaga sa wikang ingles na siyang sasagot sa aking agham agham.

Tungkol naman sa mga newbie na hindi gaanong kaactive sa local board, napapansin ko rin ito. Sa tingin ko, ito ang namimiss ng ibang mga newbie kasi para sa akin ay mas magandang maging active ka muna sa local board habang newbie ka pa. Kasi mas madaling makisama sa mga kababayan at maaari kang magtanong ng mga hindi mo pa naiintindihan ng lubusan. Kumbaga, hindi mo poproblemahin ang language sa pagtatanong dahil maaari kang tulungan ng nga kababayan mo.

Tama ka diyan kapatid. Ayon rin ang naiisip ko kasi baka mamaya ibang mga kababayan natin ay may hirap sa ingles ngunit dahil lang sa posts requirements ay ginagawa ang pagpopost sa mga megathreads or ikanga'y mga common topics sa ibang board at discussions.

Last thing pala, bakit bumaba ang mga activities dito, probably dahil kokonti lang rin 'yong mga topic na nabubuo and hindi naman lahat automatic nag-e-engage sa mga existing topic na 'yon, may mga namimili rin diyan kung saan sila makikipagdiskusyon.

Naisip ko na ito kapatid ngunit napaisip din ako kung ano nga ba ang limitasyon na pwede natin isalin sa sarili nating board. May mga discussions sa ibang board na puwedeng isalin at pag usapan sa ating wika hindi para dagdag post lamang kundi para na rin sa mas aktibong local board natin kung saan lahat ay madaling makikipagdiskusyonan ng kani kanilang mga opinion sa wikang mas marami silang maipapaliwanag.

But let's remember lang na andito tayo sa Bitcointalk Pilipinas section para makuha natin ang perspective ng kapwa pilipino tungkol sa Bitcoin in general; at hindi necessarily na ginawa ung Pilipinas section na para lang may section na tagalog/filipino ung language na ginagamit.

Also, not sure pero baka ako lang to, pero mas naiintindihan ko pa ung mga malalalim na english kesa ung mga malalalim na tagalog.  Cheesy
Medyo naintindihan ko na ang limitasyon ng aking argumento, na baka nga hindi naman ganoon magiging epektibo ang wikang Tagalog sa forum na siyang pinakawika'y ingles. At ako rin mas nakakaintindi ng wikang Ingles kaysa sa malalalim na tagalog, ngunit gusto ko lamang din buhayin ang sariling Wika sa forum na ito bilang tulong na rin sa mga kilos na mapanatili at mapayabong pa ang sarili nating Wika.

Siguro maaari nating gawing strictly Filipino ang mga usapin sa loob ng board na ito tuwing Agosto, bilang pagkilala at paggunita sa Buwan ng Wika, pero sa mga normal na araw, okay lang naman na bilingual/TagLish ang mga post dahil dito na nasanay ang karamihan sa atin.

Siguro ito ang pinakamagandang suhestyon sa ganitong usapin, na gawing Tagalog or kahit Bilingual (taglish) board ang ating Local tuwing Agosto o hindi kaya'y kahit sa loob labang ng isang linggo, para naman kahit papaano'y mapanatili padin natin ang ating ikanga'y "Mother Tongue" sa ganitong English-based forum.
mk4
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2758
Merit: 3830


Paldo.io 🤖


View Profile
May 27, 2020, 01:28:40 AM
 #14

But let's remember lang na andito tayo sa Bitcointalk Pilipinas section para makuha natin ang perspective ng kapwa pilipino tungkol sa Bitcoin in general; at hindi necessarily na ginawa ung Pilipinas section na para lang may section na tagalog/filipino ung language na ginagamit.

Also, not sure pero baka ako lang to, pero mas naiintindihan ko pa ung mga malalalim na english kesa ung mga malalalim na tagalog.  Cheesy
Medyo naintindihan ko na ang limitasyon ng aking argumento, na baka nga hindi naman ganoon magiging epektibo ang wikang Tagalog sa forum na siyang pinakawika'y ingles. At ako rin mas nakakaintindi ng wikang Ingles kaysa sa malalalim na tagalog, ngunit gusto ko lamang din buhayin ang sariling Wika sa forum na ito bilang tulong na rin sa mga kilos na mapanatili at mapayabong pa ang sarili nating Wika.

There's definitely nothing wrong with that naman. Anyone can freely speak pure filipino/tagalog kung gugustuhin nila. Mejo heavily magdidisagree lang ako pag it comes to the point na unnecessarily inenforce ang pag gamit ng filipino/tagalog(though I doubt this will happen naman). It will do more bad than good in my opinion.
samputin
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1036
Merit: 294



View Profile
May 27, 2020, 02:53:33 AM
 #15

Gusto ko din lamang ibahagi ang aking opinyon.

Maganda ang iyong hangarin kabayan, walang duda doon. Pero sa palagay ko, medyo mahirap kung purong wikang Filipino lang ang gagamitin natin sa pakikipagtalastasan dito sa forum lalo na kung patungkol sa mga teknikal na bagay ang pag-uusapan.

May ilan din sa atin dito na mas sanay talaga sa taglish. Isa na ako dun. Pakiramdam ko kasi mas naeexpress ko yung sarili ko nang mas maayos sa ganung paraan. Bukod dun, hindi ko kasi alam ang tagalog term sa ilang salita. Palagay ko din ah, ang lakas lang maka-formal ng purong tagalog. Wala namang masama dun pero diba, nandito naman tayo sa forum para makipag-communicate na parang nakikipagusap lang sa isang kakilala, kaibigan, o sa mas nakatataas na parang kaharap natin sila?

Kung saan natin mas mai-express ang sarili natin at ang gusto nating sabihin, dun tayo. Kahit taglish pa yan, purong English, o purong tagalog.

Yun lang naman. Still, maganda ang hangarin mo and I respect that. Cheesy
Rosilito
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 658
Merit: 274

Wish for the rain? Then deal with the mud too.


View Profile
May 27, 2020, 03:22:49 AM
Last edit: May 27, 2020, 04:40:45 AM by Rosilito
 #16

Last thing pala, bakit bumaba ang mga activities dito, probably dahil kokonti lang rin 'yong mga topic na nabubuo and hindi naman lahat automatic nag-e-engage sa mga existing topic na 'yon, may mga namimili rin diyan kung saan sila makikipagdiskusyon.

Naisip ko na ito kapatid ngunit napaisip din ako kung ano nga ba ang limitasyon na pwede natin isalin sa sarili nating board. May mga discussions sa ibang board na puwedeng isalin at pag usapan sa ating wika hindi para dagdag post lamang kundi para na rin sa mas aktibong local board natin kung saan lahat ay madaling makikipagdiskusyonan ng kani kanilang mga opinion sa wikang mas marami silang maipapaliwanag.

I am not sure kung allowed 'to kasi parang magiging redundant 'yong topic (if you're going to translate lang agad) not unless you have the permission from user who created the topic or naghahanap siya ng mag-tatranslate ng kaniyang topic para sa mga local board tulad ni fillippone.

Better watch those users na lang who usually create substantial topic or if may nakita ka na hindi naman humihingi ng translation then ask for their permission. Nakahihiya nga lang and 'di lahat may capability na mai-translate 'yong topic lalo na kung hindi nila alam thoroughly 'yong content. Ang gara rin naman kung dadalhin naman natin dito 'yong mga thread na tanong-tanong lang. Pero maganda 'yang idea mo.
acroman08
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2324
Merit: 1075



View Profile
May 27, 2020, 03:45:37 AM
 #17

di ko nakikitang problema ang paggamit ng teknikal na salitang ingles dito sa lokal board dahil nakakasigurado naman ako na ang mga myembro ng lokal board natin ay nakakaintindi ng ingles(o kahit yung madadaling salitang ingles lamang) at kung may di man sila naintidihan na salita ay may google naman para tumulong sakanilang tanong. kahit ako gumagamit ako ng google kung may salitang ingles akong hindi maintindihan at dahil dun maraming akong natutunan na bagong(para saakin) salitang ingles habang nandito ako sa forum.
Bttzed03
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2114
Merit: 1149


https://bitcoincleanup.com/


View Profile
May 27, 2020, 04:38:29 AM
 #18

~
Marahil sa mga susunod na araw ay susubukan kong gumawa ng listahan ng kung ilang porsyento ng mga users sa Local Board ang nakikihalubilo sa mga lokal na threads at kung ilan ang preferred ang pagsali sa ibang mga board. At sa gayon makukumpara ko kung talaga bang ang mga users dito ay sanay na rin talaga sa wikang ingles na siyang sasagot sa aking agham agham.
Direkta mo na lang silang tanungin saa pamamagitan ng anonymous poll.
Kung gagawin mo yan, mas maganda kung specific ang mga tanong mo at lahat related sa wika.



Naisip ko lang din, hindi naman yata lahat ng Pinoy dito sa forum ay komportable sa Tagalog. Malamang meron din mga mas gusto ang Bisaya, Ilocano, Kapampangan, Pangasinense at iba pang dialects/regional languages.
fillippone
Legendary
*
Online Online

Activity: 2156
Merit: 15450


Fully fledged Merit Cycler - Golden Feather 22-23


View Profile WWW
May 27, 2020, 06:41:08 AM
Last edit: May 27, 2020, 06:52:49 AM by fillippone
 #19

Last thing pala, bakit bumaba ang mga activities dito, probably dahil kokonti lang rin 'yong mga topic na nabubuo and hindi naman lahat automatic nag-e-engage sa mga existing topic na 'yon, may mga namimili rin diyan kung saan sila makikipagdiskusyon.

Naisip ko na ito kapatid ngunit napaisip din ako kung ano nga ba ang limitasyon na pwede natin isalin sa sarili nating board. May mga discussions sa ibang board na puwedeng isalin at pag usapan sa ating wika hindi para dagdag post lamang kundi para na rin sa mas aktibong local board natin kung saan lahat ay madaling makikipagdiskusyonan ng kani kanilang mga opinion sa wikang mas marami silang maipapaliwanag.

I am not sure kung allowed 'to kasi parang magiging redundant 'yong topic (if you're going to translate lang agad) not unless you have the permission from user who created the topic or naghahanap siya ng mag-tatranslate ng kaniyang topic para sa mga local board tulad ni fillippone.

Better watch those users na lang who usually create substantial topic or if may nakita ka na hindi naman humihingi ng translation then ask for their permission. Nakahihiya nga lang and 'di lahat may capability na mai-translate 'yong topic lalo na kung hindi nila alam thoroughly 'yong content. Ang gara rin naman kung dadalhin naman natin dito 'yong mga thread na tanong-tanong lang. Pero maganda 'yang idea mo.

Hello.
I have been summoned here by TryNinja mention BOT.

As you know I have a project dedicated to translating my best posts into local board in local languages.

Help me translate my best posts in your Local Board

I think local boards are of an utter importance to the success of the forum, as language barrier are an high obstacle to overcome in a difficult subject like bitcoin.

When proposing translation to other user, the only two conditions required are:

  • Strictly literal translation.
    The author of the thread made specific choices, if the translator disagrees or is willing to improve those choices (those are both legitimate options) Should do so in a separate post in the same thread.
  • Clearly label the thread as a translation with a woriking link to the original thread.
    This is in both the author, but only in the translator's benefit, avoiding plagiarism accusation

So yes, I think translation in the topic, done within forum rules (avoid automated Translators to provide good quality content), is a really good option to improve board activity and engagement.

lionheart78
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2898
Merit: 1152



View Profile WWW
May 27, 2020, 11:17:50 AM
 #20

MAGANDANG ARAW MGA KABABAYAN!

Ginawa ko ang thread na ito dahil napansin ko kamakailan ang isang maliit na problema sa forum ngunit isang malaking issue sa totoong buhay:
Ang pag-gamit natin ng sarili nating Wika!

Madami akong thread na nababasa sa Local Board natin na mas karamihan ay binubuo ng mga salita sa Ingles o hindi kaya'y Bilingual (pinaghalong Ingles at Tagalog). Nakakaalarma lang rin dahil napansin ko na kakaunti na lamang ang mga newbie na kapwa natin Pinoy na nakikilahok sa mga usapin sa Forum lalo na rito sa ating Local Board. Halos mga active Members at pataas na rank na lang ang active sa atin sa mga usapin at marahil may mga users na nahihiya magtanong. Ngunit nakakaalarma parin dahil sa katunayan, issue padin ang Wika sa bansa.

May mga salita sa ingles na napakahirap isalin sa wikang Filipino, kung isasalin mo man ito ay bubuuin ito ng maraming salita kaya para sa mas kaginhawaan sa pagpapahayag ay ginagamit na lang ang salitang ingles kesa sa salin nito sa Filipino.

Ito ang iba pang mga dahilan kung bakit ko nais iungkat muli ang usaping Wika sa ating Board:
  • Nung nakaraa'y sinubukan kong muli magbasa ng mga malalalim na konteksto, at laking gulat ko na para akong elementaryang kakasimula lang matuto magbasa ng Tagalog. Ngunit nung nagbabasa ako ng mga sulatin na Ingles, eh nadadalian na ako. Subukan niyo rin!
  • May mga bagay sa ingles na baka hindi maintindihan ng ating mga Kababayan partikular na sa mga malalalim at teknikal na usapin sa Forum. Kumbaga, paano natin matutulungan ang mga kababayan nating gustong matuto kung hindi "Layman's Term" o sariling wika natin ang ating gagamitin upang ipaintindi ang mga ito?

Suhestyon ko lamang na marahil simulan natin sa maliit na hakbang ang paggamit ng ating angking wika. Totoo at aminin natin, mas madami tayo masasabi at madali natin maipapaliwanag sa wikang ingles, ngunit paano ang ibang hirap parin sa wikang iyon rito sa Forum?.. Dahil naniniwala ako na sa kahit maliit na kilos sa Forum ay malaki ang maidudulot nito sa panlabas nating pamumuhay.

Anong masasabi ninyo, mga kababayan?


Kaunting Paalala:
Hindi ko dinidiscourage or sinasabing mainam na itigil ang paggamit ng Ingles dahil sa totoo naman na maraming mas kumportable sa ganitong salitaan, ngunit gaya nga ng napansin ko, iilan lamang ang nakikilahok na sa mga usapin.

Ito ay isang international forum na kung saan ang pinakapunong salita ay ingles, ang pagkakaroon ng isang lokal na board ay hindi nangangahulugan na ang gagamiting salita ay Filipino lamang.  Ginawa ito para magkaroon ng lugar ang bawat miyembro ng isang bansa na mag-usap ng mas may kaginhawaan at para rin maabot ang mga miyembro na medyo hirap sa pagintindi sa ingles.  Para sa akin hindi naman malaking issue kung sakaling karamihan ng mga salita sa isang sagot ay ingles dahil ang mga Filipino ay nakakaintindi rin naman ng ingles, yun nga lang ay hirap ang karamihan na magsalita sa wikang banyaga.

Naiintindihan ko ang punto mo OP pero hindi ito lugar para sa isulong ang ating pambansang wika, pero hindi ko rin naman sinasabi na di ako sang-ayon sa gusto mong mangyari.
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!