abel1337
Legendary
Offline
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
|
|
November 06, 2020, 05:35:09 AM |
|
Pwede naman, dahil halos lahat ng tao sa Pinas e gumagamit na ng smart phone, ang problema lang hindi lahat may access sa internet o kaya naman hindi lahat may stable na internet connection, mahirap kasi na kung cashless na lahat tapos mabagal ISP natin balewala lang madami maaapektuhan, Online banking naman ayos lang kaso prone pa rin sa mga hacker palagi akong may nababasa na nakukuhaan sila ng pera, minsan pa nga same na same sa nagsesend sa bangko niya na number para sa OTP possible na nakasali sa Fund nya eh. kung gusto natin ng cashless dapat magkaroon muna ng orientation sa mga bangkong mag aadapt neto.
|
|
|
|
Janation
|
|
November 06, 2020, 09:48:09 AM |
|
This explain my thread, and siguro nga ay di pa napapanahon para sa cashless society since marami paren talaga ang walang sapat na kaalaman tungkol dito. Maybe in the next 5 years mas maaachieve naten ang pagiging cash less society since patuloy na naggrogrow ang teknolohiya at dapat lang natin itong pagtuunan ng pansin.
Hindi lang ito dahil sa pagiging illiterate ng tao pagdating sa technology. Lumaki ako sa isang probinsiya na kung saan ay sanay kami sa normal na pamumuhay. Maraming magsasaka at nakatira kami sa baranggay kung saan ay napapalibutan kami ng mga bundok. Ang internet ay parang isa sa mga bagay na hindi nakasanayan sa aming lugar. Ang gusto kong sabihin, hindi pa din handa ang bansa natin sa ganitong sistema. Siguro sa ibang lugar kayang kaya na ito iimplement pero paano naman sa mga lugar tulad ng kinalkihan ko na mahirap ang signal, na konteng ulan lang nawawala na kaagad. Kung saan unstable and internet and supply ng kuryente. Napakarami pa talagang rason para natin masabi na hindi pa handa ang bansa natin sa ganitong sistema. Sa tingin ko, kulang ang limang taon para sa paghahanda na ito.
|
|
|
|
erikoy
|
|
November 11, 2020, 04:03:01 PM |
|
Panahon na talaga na mag cashless tayo pero hindi parin dapat tanggalin ang fiat currency dahil hindi naman lahat ng transaksyon natin ay online. Hindi na dapat emandate ang cashless pero option ito na para mas mapadali ang proceso at maiwasan na rin ang mga sakit na nakakahawa gaya ng covid19 na pwedeng mag transmit or makuha sa fiat currency.
siguro marami na rin ang gumagamit ng digital payment sa atin. Hindi na tayo naiiwan sa ibang bansa sa palagay ko.
|
|
|
|
cuteness
Jr. Member
Offline
Activity: 204
Merit: 1
|
|
November 16, 2020, 01:25:41 AM |
|
Sang ayon ako na hindi pa nga panahon na maging cashless society ang pinas. kung ito ay pipilitin natin marami ang hindi matutuwa dahil nga maraming tao ang wala pang sapat na kaalaman sa digital currency at dahil na rin sa estado ng pamumuhay. sumabay pa ang pandemya kaya mas magagamit ng tao ang pisikal na pera upang ipang bayad. mas dumami ang naghihirap dahil rito sa pandemya. mas lalong lumalaki ang tsansang hindi agad magagamit ang digital currency sa pinas dahil sa pag bagsak ng ekonomiya.
|
INTERFINEX [ Bill ] DeFi The future of decentralised finance █ https://interfinex.io/ █
|
|
|
iTradeChips
|
|
November 16, 2020, 09:37:47 AM |
|
Sang ayon ako na hindi pa nga panahon na maging cashless society ang pinas. kung ito ay pipilitin natin marami ang hindi matutuwa dahil nga maraming tao ang wala pang sapat na kaalaman sa digital currency at dahil na rin sa estado ng pamumuhay. sumabay pa ang pandemya kaya mas magagamit ng tao ang pisikal na pera upang ipang bayad. mas dumami ang naghihirap dahil rito sa pandemya. mas lalong lumalaki ang tsansang hindi agad magagamit ang digital currency sa pinas dahil sa pag bagsak ng ekonomiya.
Sa akin lang naman ang malaking balakid na nakikita ko para maging cashless ang lipunan natin ay ang imprastrakturang kailangan para makapagbigay ng mabilis na internet connection at imprastrakturang makapagbibigay ng teknolohiyang ito sa mga kanayunan. Malaking porsiyento ng ating bansa ay masukal na mga komunidad at maliliit na mga siyudad. Tapos bisitahin pa ng bagyo at lindol na ginagawang shortlived lang ang mga cable at torre na pinapatayo. Marami pang pwedeng gawin at marami pang taon ang hihintayin para dito. Kung iisipin mo, para itong Star Trek Technology.
|
|
|
|
█▀▀▀▀▀ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █▄▄▄▄▄ | | . Stake.com | | ▀▀▀▀▀█ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █ ▄▄▄▄▄█ | | | ▄████████████████████████████████████▄ ██ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██ ▄████▄ ██ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██████████ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██ ██████ ██ ██████████ ██ ██ ██████████ ██ ▀██▀ ██ ██ ██ ██████ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██████ ██ █████ ███ ██████ ██ ████▄ ██ ██ █████ ███ ████ ████ █████ ███ ████████ ██ ████ ████ ██████████ ████ ████ ████▀ ██ ██████████ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██████████ ██ ██ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██ ▀█████████▀ ▄████████████▄ ▀█████████▀ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄███ ██ ██ ███▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██████████████████████████████████████████ | | | | | | ▄▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▄ █ ▄▀▄ █▀▀█▀▄▄ █ █▀█ █ ▐ ▐▌ █ ▄██▄ █ ▌ █ █ ▄██████▄ █ ▌ ▐▌ █ ██████████ █ ▐ █ █ ▐██████████▌ █ ▐ ▐▌ █ ▀▀██████▀▀ █ ▌ █ █ ▄▄▄██▄▄▄ █ ▌▐▌ █ █▐ █ █ █▐▐▌ █ █▐█ ▀▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▀█ | | | | | | ▄▄█████████▄▄ ▄██▀▀▀▀█████▀▀▀▀██▄ ▄█▀ ▐█▌ ▀█▄ ██ ▐█▌ ██ ████▄ ▄█████▄ ▄████ ████████▄███████████▄████████ ███▀ █████████████ ▀███ ██ ███████████ ██ ▀█▄ █████████ ▄█▀ ▀█▄ ▄██▀▀▀▀▀▀▀██▄ ▄▄▄█▀ ▀███████ ███████▀ ▀█████▄ ▄█████▀ ▀▀▀███▄▄▄███▀▀▀ | | | █▀▀▀▀▀ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █▄▄▄▄▄ | | . PLAY NOW | | ▀▀▀▀▀█ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █ █ ▄▄▄▄▄█ |
|
|
|
Cling18
|
|
November 16, 2020, 06:42:47 PM |
|
Pwede ito sa darating na panahon pero hindi pa sa ngayon. Marami pang mamamayan ang hindi pa sapat ang kaalaman tungkol sa cashless society. Hindi rin sapat ang mga equipments ng nakararami para dito tulad ng internet at gadgets. Hindi tayo parepareho ng estado ng buhay kaya ang posible satin ay imposible lalo na para sa mga mahihirap nating kababayan.
|
|
|
|
cryptomac
Newbie
Offline
Activity: 31
Merit: 0
|
|
November 23, 2020, 01:46:45 AM |
|
Mahirapan pa tayo mag-adapt jan sa "CASHLESS SOCIETY" internet connection nga natin hirap pa pabilisin... Hehe!
Di pa tayo handa.
ANG MAIPAPAYO KO LANG!
PAGHANDAAN NA NATIN ITO.
EARN MORE BITCOINS AND ALTCOINS.
Kapag dumating yung panahon na handa na ang Pinas sa Cashless Society. HANDA KA NA RIN!
|
|
|
|
cryptomac
Newbie
Offline
Activity: 31
Merit: 0
|
|
November 23, 2020, 01:58:39 AM |
|
Pwede naman, dahil halos lahat ng tao sa Pinas e gumagamit na ng smart phone, ang problema lang hindi lahat may access sa internet o kaya naman hindi lahat may stable na internet connection, mahirap kasi na kung cashless na lahat tapos mabagal ISP natin balewala lang madami maaapektuhan, Online banking naman ayos lang kaso prone pa rin sa mga hacker palagi akong may nababasa na nakukuhaan sila ng pera, minsan pa nga same na same sa nagsesend sa bangko niya na number para sa OTP possible na nakasali sa Fund nya eh. kung gusto natin ng cashless dapat magkaroon muna ng orientation sa mga bangkong mag aadapt neto.
Cashless Society sa mga Major Cities lang. Like in China, cashless na ibang cities doon. They are using wechatpay at alipay!
|
|
|
|
meanwords
|
|
November 23, 2020, 02:51:55 AM |
|
Mahirapan pa tayo mag-adapt jan sa "CASHLESS SOCIETY" internet connection nga natin hirap pa pabilisin... Hehe!
Di pa tayo handa.
ANG MAIPAPAYO KO LANG!
PAGHANDAAN NA NATIN ITO.
EARN MORE BITCOINS AND ALTCOINS.
Kapag dumating yung panahon na handa na ang Pinas sa Cashless Society. HANDA KA NA RIN!
By being a cashless society ay hindi ibig-sahin na Bitcoin at cryptocurrency lang ang gagamitin natin, maaari din itong centralized digital cash na inissue ng mga banko. Tignan mo ang China, naka gawa na sila ng sarili nilang digital currency na hindi naka base sa blockchain or cryptocurrency. Hindi naman kasi kapag sinabing "digital cash" ay cryptocurrency na, may mga nauna pang mga digital cash maliban sa Bitcoin, ang pinag-kaiba lang ng Bitcoin ay decentralized siya.
|
|
|
|
finaleshot2016
Legendary
Offline
Activity: 1750
Merit: 1007
Degen in the Space
|
|
November 23, 2020, 10:21:19 AM |
|
Mahirapan pa tayo mag-adapt jan sa "CASHLESS SOCIETY" internet connection nga natin hirap pa pabilisin... Hehe!
Di pa tayo handa.
ANG MAIPAPAYO KO LANG!
PAGHANDAAN NA NATIN ITO.
EARN MORE BITCOINS AND ALTCOINS.
Kapag dumating yung panahon na handa na ang Pinas sa Cashless Society. HANDA KA NA RIN!
Kapag cashless, all currency yan not only cryptocurrency but also fiat ang magagamit sa digital transaction sa isang cashless society. Yes, I agree with it, hindi pa tayo handa at tama ka sa sinabi mo na ang internet connection is one of the important things for implementing cashless society. Kasi kapag full cashless na talaga, meron na din dapat tayong public wi-fi which most of us can access freely at walang cap. Sa ngayon, unti palang naman ang may ganon at kung titignan mo sa provinces, imposibleng mangyari dahil mabagal nga talaga ang internet. So probably, sa NCR palang mangyayari ito bago pa mangyari sa buong Pilipinas. Earn more bitcoins and altcoins ba? hindi lang naman cryptocurrency ang need sa transaction kasi pwede kang gumamit ng fiat, like what I've said, hindi lang sa cryptocurrency ito pag sinabing cashless.
|
|
|
|
Khenzakie
Newbie
Offline
Activity: 1
Merit: 0
|
|
November 25, 2020, 08:50:07 AM |
|
This explain my thread, and siguro nga ay di pa napapanahon para sa cashless society since marami paren talaga ang walang sapat na kaalaman tungkol dito. Maybe in the next 5 years mas maaachieve naten ang pagiging cash less society since patuloy na naggrogrow ang teknolohiya at dapat lang natin itong pagtuunan ng pansin.
Sa mga pangyayari sa kapaligiran dapat ay panahon na para maging Cashless Society ang Pilipinas subalit napipigil ito dahil sa kawalan ng kakayan ng gobyerno na iimplement ang mga kinakailangan para patakbuhin ito. Una, ang Pilipinas ay medyo nahuhuli pagdating sa International Innovation Index na nasa pwestong 54th. Pangalawa, ang internet access ay medyo mahirap lalo na sa mga liblib na lugar. Kahit nga sa metro manila ay may mga lugar na walang signal at kung mayroon man ay sadyang napakahina. Kailangan pang paunlarin ang telecommunication technology at service sa ating bansa. Nasa parteng kulelat tayo pagdating sa internet speed sa global ranking na 100th at pang 72nd pagdating sa mobile internet speed.
|
|
|
|
cryptomac
Newbie
Offline
Activity: 31
Merit: 0
|
|
November 26, 2020, 02:41:23 AM |
|
Mahirapan pa tayo mag-adapt jan sa "CASHLESS SOCIETY" internet connection nga natin hirap pa pabilisin... Hehe!
Di pa tayo handa.
ANG MAIPAPAYO KO LANG!
PAGHANDAAN NA NATIN ITO.
EARN MORE BITCOINS AND ALTCOINS.
Kapag dumating yung panahon na handa na ang Pinas sa Cashless Society. HANDA KA NA RIN!
By being a cashless society ay hindi ibig-sahin na Bitcoin at cryptocurrency lang ang gagamitin natin, maaari din itong centralized digital cash na inissue ng mga banko. Tignan mo ang China, naka gawa na sila ng sarili nilang digital currency na hindi naka base sa blockchain or cryptocurrency. Hindi naman kasi kapag sinabing "digital cash" ay cryptocurrency na, may mga nauna pang mga digital cash maliban sa Bitcoin, ang pinag-kaiba lang ng Bitcoin ay decentralized siya. May binanggit po ba ako na cashless society is all about crypto lang? wala naman di ba? hehehe Sa china wechatpay at alipay ang gamit na gamit dun. may part na majority is wechatpay..meron din part na majority is alipay.
|
|
|
|
fishbonez11
|
|
December 06, 2020, 10:06:35 PM |
|
I know someone who works at GCASH and nagspike daw talaga ang users nila during the pandemic. Dahil na din sa malaking allocation sa advertisement nila at dahil sa curre nt situation na pandemic. I believe hindi pa mangyayare in the next few years, pero knowing na nagspike ang users sa isang iglap, kunting kunti na lang talaga. Nasabi din sa akin na GCASH ay magiging national partner sa adaptation ng cashless transaction.
Baka next year, magstart na sa mga urban areas and cashless system. Hindi pa mangyayare yung isang iglap ay cashless agad, unti unti itong mangyayare until we realized na hindi na pala tayo gumagamit ng cash.
|
|
|
|
epis11
Member
Offline
Activity: 295
Merit: 54
|
|
December 07, 2020, 09:17:25 AM |

Ito ang isa sa mga mabuting epekto ng pandemic napilitan ang mga tao at kompanya na maging cashless para maiwasan ang hawaan lalo na sa mga public transpo na cashless payment na rin ang ngyayari pati sa mga tollways naging cashless na rin wala ng cash dapat kapag public payments ganyan dapat isunod na nila mga mall at mga palengke required talaga na mag cashless na rin kasi diyan maraming tao lagi unti-unti tayong nilagay ng pandemic sa pagiging cashless society in the next 3-5 years mas marami pang tatangkilik sa ganitong sistema mas mabilis at hassle free kumpara sa cash mag-susukli pa konduktor sa cashless sakto ang bayad walang daya sa pasahero.
|
|
|
|
akirasendo17
|
|
December 13, 2020, 07:21:41 AM |
|
Maganda sana itong panukala na ito isang malaking pagbabago at mapapabilis lahat ng transaction, subalit meron akong mga nakikitang mga bagay na maaring pumigil dito at ito ay anga mga sumusunod: - Fee's or bayad sa transaction
- Kakayahan magkaroon ng mabile
- adaptation ng mga tao
Ito ang mga maaring pumigil at yaan sa tingin ko palang at maaring madami pang nakaambang na problema kung sakasakali, hindi sa tutol ako pero malaking pagbabago ito para sa mga tao na sanay na hindi cashless maaring okay ito sa mga nkakaangat subalit papano ang mga taong wala pang masyadong kakayanan Una dito ay ang fee's sa paggamit, alam naman natin na mayroong fee's sa paggamit nito like coinsph na mayroong fee for transfer or convert ang naiisip ko dito alam naman natin ang mga pinoy kung san mas makakatipid duon tayo kaya isa sa mga nakikita kong magiging problema. Pangalawa ang kakayanan ng iba na magkaroon ng gadget, as we know din tayong mga pinoy kung alam natin na di naman kailangan mostly satin ekis yan sasabihin ng ating magulang ibibili na nang gadget bili nalang natin ng pagkain siguro nadinig nyo na iyan sa ating magulang. Pangatlo ang pagadapt natin sa makabagong technolohiya or siguro sa ating mga milenyal madali lang ito sating mga magulang maaring mahirapan sila at magkamali madalas. at meron akong isa pang naisip na isang malaking hadlang ang mga naglipanang scammer siguradong sisibol sila at pagsasamantalan ang mga taong wala pang masyadong alam at idea sa ganetong bagay.
|
|
|
|
arwin100
|
|
December 13, 2020, 10:54:31 AM |
|
Maganda sana itong panukala na ito isang malaking pagbabago at mapapabilis lahat ng transaction, subalit meron akong mga nakikitang mga bagay na maaring pumigil dito at ito ay anga mga sumusunod: - Fee's or bayad sa transaction
- Kakayahan magkaroon ng mabile
- adaptation ng mga tao
Ang unang dahilan talaga na pumipigal na umunlad ang ganitong sistema ay ang takot ng tao na subokan ang mga bagong bagay, dahil siguro hindi sila sanay at gusto ng karamihan na manatili sa kanilang nakasanayan dahil ang iba ay hirap mag adopt sa makabagong teknolohiya or implementasyon. Gawin nating sample ang Rfid stickers implementation maganda sana un dahil less hassle na un sa mga drivers in the long run at mapipigilan ang spread ng virus dahil less contact na ang pagbayad pero marami padin ang tumutotol dahil kesyo me bayad at iba't-iba pang rason. Kaya sa malamang magagaya nito ang implementasyon ng cashless society sa mga ganitong scenario, pero di malabong mangyari ito in future kaya dapat magkaroon ng educational campaign ang gobyerno kung e implement man nila ito.
|
|
|
|
0t3p0t
|
|
December 18, 2020, 02:56:30 PM |
|
Education is one of the most important thing na dapat ay maipakalat sa mga kapatid nating walang alam sa cryptocurrency. Hindi magiging cashless society ang bansa natin kung majority sa atin ay gumagamit padin ng nakaugaliang salapi. Ang gobyerno natin ay hindi naman labag sa cryptocurrency activities bagkos ay sinisigurado ng pamahalaan ang security nang mga enthusiasts sa paraan nang pagregulate ng mga exchanges. Marami lang talaga ang hindi pa alam ang systema ng pagiging cashless kaya dahan-dahan natin sila na imulat sa modernong pamamaraan ng currency.
|
|
|
|
JPCRYPTO2012
Member
Offline
Activity: 70
Merit: 10
|
|
December 28, 2020, 02:14:59 PM |
|
This explain my thread, and siguro nga ay di pa napapanahon para sa cashless society since marami paren talaga ang walang sapat na kaalaman tungkol dito. Maybe in the next 5 years mas maaachieve naten ang pagiging cash less society since patuloy na naggrogrow ang teknolohiya at dapat lang natin itong pagtuunan ng pansin.
For me ang dapat talaga pag tuonan ng pansin ay hindi lng yong adoptation ng Bitcoin dito sa Pinas. Napaka Importante din yong Internet connection in terms of crypto and Blockchain pg walang internet walang transaction pg walang transaction walang cryptocurrency wala lahat. Kaya kailangan din dapat na magawang stable ang internet dito sa Pinas. Speed, Availability ng Area, Affordability ng Internet para kahit saan man sa pilipinas swak ka sa cashless society..
|
|
|
|
0t3p0t
|
|
December 28, 2020, 04:36:49 PM |
|
This explain my thread, and siguro nga ay di pa napapanahon para sa cashless society since marami paren talaga ang walang sapat na kaalaman tungkol dito. Maybe in the next 5 years mas maaachieve naten ang pagiging cash less society since patuloy na naggrogrow ang teknolohiya at dapat lang natin itong pagtuunan ng pansin.
For me ang dapat talaga pag tuonan ng pansin ay hindi lng yong adoptation ng Bitcoin dito sa Pinas. Napaka Importante din yong Internet connection in terms of crypto and Blockchain pg walang internet walang transaction pg walang transaction walang cryptocurrency wala lahat. Kaya kailangan din dapat na magawang stable ang internet dito sa Pinas. Speed, Availability ng Area, Affordability ng Internet para kahit saan man sa pilipinas swak ka sa cashless society.. Totoo yan kapatid. Paano nga ba maging cashless society ang isang bansa na kagaya ng Pilipinas kung sa internet pa lang ay sobrang bagal na syempre mas pipiliin pa din ng ordinaryong mamamayan ang gumamit ng fiat dahil sa mahal ng internet tapos di pa tama yung serbisyo ng telcos. May mga areas pa na out of coverage katulad na lang ng sa akin tapos katulad ngayon pandemic need ng transactions like online banking, GCash, crypto payments at iba pang cashless na transaksyon, pagbukas mo ng app baka madoble mo pa transaksyon sa sobrang bagal magload. Wala din kasi yang adoption eh kung walang internet.
|
|
|
|
chaser15
Legendary
Offline
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
|
|
December 28, 2020, 11:33:14 PM |
|
Totoo yan kapatid. Paano nga ba maging cashless society ang isang bansa na kagaya ng Pilipinas kung sa internet pa lang ay sobrang bagal na syempre mas pipiliin pa din ng ordinaryong mamamayan ang gumamit ng fiat dahil sa mahal ng internet tapos di pa tama yung serbisyo ng telcos. May mga areas pa na out of coverage katulad na lang ng sa akin tapos katulad ngayon pandemic need ng transactions like online banking, GCash, crypto payments at iba pang cashless na transaksyon, pagbukas mo ng app baka madoble mo pa transaksyon sa sobrang bagal magload. Wala din kasi yang adoption eh kung walang internet.
Actually di yan mainly sa internet speed. Di namin natin kailangan ng 25mbps or higit pa para makapag send online. Kahit 1MBPS makakapag open ng app at smooth ang transaction. Depende na sa phone model kung maaccomodate nila ang app. Sa part nga ng Benguet last year nung umakyat kami, wala nga signal masyado, nakapagsend pa ako ng pera sa kaibigan sa Manila dahil may nangailangan urgent. Data ko base sa checker is less than 1MBPS. Ang problema talaga is coverage and yun ang natumbok mo. Di naman babagal ang speed kung sakop ng wide coverage ng mga ISP at network providers. Once tamaan yan ng strong coverage ng mga ISPs sigurado bibilis ang transaction. Pero malabo pa yan sa lahat ng areas sa probinsya sa ngayon. Dito siguro sa Manila, maisasakatuparan ang cashless society for about 80-90% coverage yan ay kung preferred ng tao.
|
|
|
|
|